Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga
kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang
mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na
magkaroon ng copyright infringement
Isang kaso
ng mga racer naman ngayun ang nilulutas ni Kyro ar Marina. at sa hindi inaasahan sangkot din ang
mga negative sa krimen na ito.
Si Hot road
ang Evolving Species na nag nanakaw ng mga sasakyan at pumapatay ng mga biktima
nito pag katapos talunin ang mga nakakalaban niya. Ay inaalam na ang tunay na pag katao.
Samantala
bumalik si Kyro sa pinang yarihan ng krimen. Ngunit isang patibong ang nag
aabang pala sa kanya.
Gunver: (Gulat) Ikaw!! Levaiton!!
Levaiton: Buti naman at natatandaan mo ang pangalan ko...Pero patawarin mo ako dahil ito na ang magiging huling tapak mo dito sa sa lupa.
Hawak ang dalawang Metallic ball ibinato ito ni
Levaiton sa lupa. At mula dito nag labasan ang mga Skullz at pinalibutan nang mga ito si Gunver.
Gunver: Ang
mga asungot na ito...ang dumi niyong makipag laban!
Levation: Hahahahaha gumagamit lang kami ng utak...Kayo na ang bahala sa kaniya!
Gunver: Sige
sugod!!!
Case 8: Gun Racer
BRATATATATATA
Niratrat ni
Gunver ang mga Skullz na kalaban nito gamit ang kanyang Rapid mode ng Gundriver.
Gunver: Ano yan lang ba ang kaya ng mga alipores mo?
Levaiton: Masyado kang mayabang!
BAAAAAGGGGGG
Umatake
naman si Hot Road kay Gunver na gamit ang mga matutulis na kuko nito...ngunit
mabilis itong na ilagan ng Detective.
Gunver: Hindi puwede yang iniisip mo!
Gundriver Female Voice: SD Memory In-Dagger Mode.
Gamit ang SD
Memory nag bago ng anyo ang Gundriver sa pagiging Dagger mode...at nakipag sabayan si Gunver sa talas ng kuko ni Hot Road.
Matitiding
palitan ng Slash ang ginawa nila...ngunit tila ata hindi gusto ni Levaiton ang
kanyang nakikita kaya nakielam na muli ito.
Levaiton: Nakakainip...
Inatake muli
ni si Gunver at isang slash ang ginawa niya dito.
SLASH!!
Gunver: Arrrrrghhh
Dahil sa
lakas ng Atake ni Levaiton ay tumalsik si Gunver.
Gunver:Asar...grrr
Hot Road: Dito na matatapos ang kabayanihan mo.
Akmang
isasak-sak na ni Hot Road ang kanyang matatalas na Kuko kay Gunver, ngunit ilang
sandali lang ay.
BEEP! BEEP!
Levaiton/Hot Road: Anong!?
Isang Red
and Silver Trailer Truck ang dumating, at nag labas ito ng mga sandata at
pinatamaan ang mga skullz na pumapalibot kay Gunver pati na ang dalawa ni
Levaiton at Hot Road.
BRATATATATATATATATA
Walang
humpay na nirat-rat nito ang mga skullz. At sina levaiton naman ay walang
nagawa kung ang hindi mag tago nalang.
Levaiton: Hindi maaari ito hot road umatras na muna
tayo!
Hot Road: Asar...sige!
Agad umatras
sila Levaiton at Hot Road dahil sa pag dating ng naturang trailer truck.
Tumayo naman
kaagad si Gunver at bumalik sa pagiging Kyro.
Kyro: Teka GINGA?! Sa GINGA ang trailer truck na
ito?
Agad bumaba ang sakay ng trailer truck at ito si Mei kasama si Marion at K-9.
Kyro: Ate Mei! Marion!
Mei: Buti naman at ligtas ka Kyro!
_______________________________________
Kinagabihan Pumarke
muna ang Gun Trailer nila Kyro sa isang parking lot sa may ospital. kasama sa
loob nito sila mikaela at marina
Kyro: Astig dito ah...teka kala ko naman mag
kakameron ako ng patrol trailer kagaya noong sa inyo dati?
Marion: Hahahaha pasensiya na Kyro...masyado naman
malaki ang trailer nayun ni Gaider siguro ayos na ito para sa inyong dalawa ni
marina, kung sakaling malayo ang gagawin niyong misyon. Ito ang puwede niyong gamitin.
Kyro: Ganon ba kung sabagay masyadong malaki nga
ang patrol trailer...teka ano naman ang ginagawa niyo dito?
Mei: Mamaya malalaman mo kung bakit kami sumunod
dito....pero kailangan muna naming malaman ang Intel sa kasong ito? Ano naka
kuha na bakayo ng lead tungkol sa suspect natin?
Agad nag salita si Marina tungkol sa bagay na ito.
Marina: You’re just in time...ang totoo meron na
akong possible imformation mula kay Hot Road.
Binuksan ni
Marina ang Wide Screen Monitor ng kanilang computer. At sinimulan niyang
sabihin ang bawat impormation na meron siya.
Marina: Hayaan niyong ipakilala sa inyo si Marcelo
Aquino...isa siyang international Racer noong taong year 2000...iba’t ibang
tournament na ang kanyang nasalihan...at kabilang narin dito ang World Grand
Fix Cup—kasagsagan ng karera noon sa europa. Isang aksidente ang nag pa bago sa
buhay niya...at dahil sa nang-yari nawala siya sa eksena, pag-katapos lang ng
ilang taon doon na lumabas si Hot Road.
Mei: Bukod ba diyan meron pa ba siyang ibang
info...kagaya nalang ng mga criminal record?
Marina: Meron po, nang lisanin na niya ang mundo nang car racing, nasangkot si Aquino sa mga
carnaping at iba’t ibang kalse ng krimen
kagaya ng pag-patay o pag nanakaw...inuupahan din siya bilang isang Hitman.
Kyro: Napapaisip lang ako kung papaano...ang
dating isang racer car driver ay naging isang notorious na kriminal...iba
talaga ang mga Negative, kaya kailangan ko ng makita kung saan talaga ang pinag
mulan nila para matapos ito.
Marina: Bago ko makalimutan...ang gaganapin event
bukas ng hapon ay konektado sa mga pangalang nakalista dito (hawak ang isang
folder) sila ang mga kliyente ni hot road na bumibili ng mga nakaw na sasakyan
mula sa mas malaking halaga...humingi ako ng kopya ng mga sasakyang dadalo
bukas sa event at tama nga ang hinala natin. Mukang mag nanakaw nga dito si hot
road at gagawa ng malaking gulo sa event...kaya kailangan maging handa tayo.
_______________________________________________________
Samantala sa
hide out ni Hot Road abala ito sa pag-aayos ng kanyang sasakyang gagamitin para
sa event bukas.
Binuksan
nito ang engine ng sasakyan at pina-ingay ito.
BRRRRUUMMMM
Hot Road: Hahahahaha eto na...dito na mag sisimula ang
grand fix ko!
Isang uri ng
Formula 1 ang gagamitin ni Hot road at kung ikukumpara ito sa mga ordinaryong
F1 walang panama ang mga ito dahil sa mas double ang bilis nito...at bukod pa diyan ay dinag-dagan pa niya ito ng mga nakakamatay na sandata.
________________________________________________________
Pinuntahan naman ni Kyro si Marion para tanungin kung bakit sila sumunod sa kanila.
Pinuntahan naman ni Kyro si Marion para tanungin kung bakit sila sumunod sa kanila.
Kyro: Marion.
Marion: Ikaw pala Kyro...anong maitutulong ko
sayo?
Kyro: Tanong ko lang bakit nga pala kayo sumunod
sa amin dito?
Marion: Ah yun ba...halika ipapakita ko sayo ito.
Binuksan ni
Marion ang Container nang Gun Trailer at bumungad sa kanila ang isang bagay na
may takip ng isang mantel.
Kyro: Teka ano naman yan?
Marion: Ipinakikilala ko sayo...ang Gun Racer!
Tinangal ni
Marion ang mantel sa bagay. At isa pala itong highly Advance na Sport patrol
car para kay Gunver.
Kyro: Ayos ito ah!! Para sa akin ba talaga ito?
Marion: Oo yan ang dahilan kung bakit kami sumunod
dito sa inyo...alam kong magagamit mo ang bagay nayan laban sa negative na si
Hot Road na gumagamit rin ng kotse…makinig ka ang Gun Racer ay isang uri ng high
speed Combat patrol vehicle na nilikha para sa ganitong klaseng misyon.
At mas
advance ang technology nito kung ikukumpara mo sa Patrol Racer ni Gaider...meron
itong double missile launcher, GIGA Lasers, Twin Nitro Engine, GPS at higit sa
lahat hindi siya titanium body armor na kagaya nang armor ni Gunver, kaya hindi hindi ito tinatablan nang kahit na anong klase nang bala.
Kyro: Mukang magagamit ko nga ito laban kay Hot
Road...maraming salamat talaga Marion.
Marion: Gawin mo ang makakaya mo...alam ko na ganito
rin ang sasabihin sayo ni Kuya Kaiza pag narito siya.
_______________________________________________
Kinabukasan
nag simula na ang pinaka iintay na event. Ang Drag Racing Competition na
lalahukan ng iba’t ibang racer sa bawat panig ng bansa. At ng mundo.
Daang-daan
mga tao ang pumunta sa nasabing lugar...kabilang na rito sila Kyro para ipag-patuloy ang kanilang trabaho.
Chevy,
Lamborghini, Subaru, Mazda, Audi, Lexus, Cobra, BMW, Hammer, Bugati, Mercedes Benz at marami pang mga
magagarang sasakyan ang inihelera sa nasabing event.
Marina: Grabe ang daming magagandang sasakyan dito ngayun...para
tuloy gusto kong kumuha ng isa para pamalit doon sa nasira noong nakaraang
misyon.
Kyro: Salamat nalang talaga sayo mikaela...ng
dahil sayo nakapasok kami dito ng walang hirap.
Mikaela: Wala yun basta kung makakatulong sa pag
resolba ng kasong ito...gagawin ko ang makakaya ko para makatulong...para narin
kay Michael dahil mahal na mahal niya ang sports na ito.
Marion: Kyro ayos na ang adjustment nang Gun Racer.
Kyro: Ok stand by na tayo...sa oras na mag pakita
siya ako na ang bahalang humuli sa kanya...marina ikaw na ang bahala sa
seguridad ng mga sibilyan...ate mei imonitor mo ang lahat ng activity dito sa
Arena.
Marina: Oo asahan mo ako.
Mei: Walang problema.
Lumabas ang
isang Babae para mag bigay ng Go Signal.
Ready...Set...GO!!!!
Agad
umarangkada ang mga sasakyang nag lalaban sa Circuit at walang nag paiwan sa
mga ito.
____________________________________________
Samantala sa
hindi kalayuan nakamasid na si Hot road para gawin ang kanyang plano.
Hot Road: Hmmp...mukang nag simula na ang karera, pero
hindi pa ang mga sasakyan na yan ang target ko.
Ilang
sandali pa lumabas si Levaiton.
Levaiton: Hot Road wag mong kalilimutan narito rin si
Detective Kyro Anjelo...sa pag kakataong ito itumba mo na siya, kapag nakielam
siya sa mga plano mo...ipaubaya mo na sa amin ang mga taong naririto...gagawa
kami ng isang malaking gulo.
Hot Road: Naiintindihan ko.
______________________________________________
Natapos
kaagad ang unang set ng karera at nag hahanda naman ang susunod na sasalang
para sa laban.
Kyro: Mukang natapos na ang isa...marion ihanda mo
na ang Gun racer.
Marion: Oo.
Sumunod
naman sasalang ang isang Aventura laban sa isang Lexus.
________________________________________________
Sa kanyang
lugar inihanda na ni Hot Road ang kanyang gagamiting sasakyan.
Hot Road: Heto na sila.
Agad sumakay
si Hot Road sa kanyang Armored Formula at pina-ingay na nito ang makina.
BRRRRUUUUMMM!!
BRRUUUMMM!!!
Hot Road: Simulan na natin.
_________________________________________________
Umarangkada kaagad ang dalawang sasakyang na nag kakarera sa circuit. At hindi ito
nag paiwan sa isa’t isa.
Ilang
sandali pa ay
BRRRRRUUUUUMMMM!!!!
Mula sa
kawalan ay biglang lumabas ang Armored Formula ni Hot Road at nakisali na ito
sa mga nag kakarerang sasakyan.
Racer1: (Tumingin sa side mirror) Teka sino naman
ito!?
Racer2: Saw-sawero hindi ka makakalusot sa bilis
namin!!!
Bumilis pa
lalo ang dalawang sasakyan at iniwan nito ang armored formula.
Hot Road: Ang akala niyo ganon nalang kadali! Puwes
nag-kakamali kayo!
__________________________________________________
Nakita naman
nila Kyro na pumasok na ang inaabangan nila...at ito ay si Hot Road sakay ng
kanyang sasakyang Armored Formula.
Marion: Nadito na siya Kyro...humanda kana!
Kyro: Oo!
Gundrive Female Voice: DNA Scan Complete
Kyro: GUN CHANGER!!!
Nabalutan ng
Pulang Liwanag si Kyro at ilang sandali pa ay naging si Gunver na ito.
Gunver: Ok simulan na natin.
Sumakay
kaagad si Gunver sa kanyang pinakabagong sasakyan. Ang Gun Racer at lumbas
narin ito sa circuit para makipag habulan sa mga sasakyan.
Ikinagulat
naman ng mga taong nanunuod ang muling pag-sulpot ng isang Pulang sport patrol
car .
Male1: Teka isang patrol car yun diba?
Male2: Oo pero muka siyang Sport car...ang galing
ngayun lang ako na nakita niyan kanino naman kaya iyan?
_________________________________________________
Nag
paikot-ikot na ang mga sasakyang hinahabol ni Hot Road.
Hot Road: Huli na kayo!!!
Nag pakawala
ng electrical Wave ang sasakyan ni Hot Road. At dahil dito napahinto ang mga
sasakyang hinahabol niya.
Racer1: Teka anong nang-yayari!?
Racer2: Nag loloko ang system ng sasakyan ko!
Ikinagulat
ng mga tao ang pag hinto ng mga sasakyang nag kakarera. Dahil sa pakikeelam ng
isang Armored Formula.
Hot Road: Kukunin ko na ang premyo ko!
HANGGANG
DIYAN KANALANG!!!
Ikinagulat
ni Hot Road ang isang boses...at galing ito sa isang pulang Patrol Vehicle na
itsurang Sports car at ito ang Gun Racer ni Gunver.
Hot Road: Ikaw Detective!!
Gunver: Humanda ka dahil dadalhin na kita sa
kulungan!!!
Agad
humarurot ang Gun Racer ni Gunver at hinabol niya sa circuit ang sasakyan ni
Hot Road.
_______________________________________________
Samantala
nag hahanda naman ang groupo ni Levaiton para mang gulo sa mga tao.
Levaiton: Mukang ito na ang simula para pumasok sa
gulong nang yayari ngayun.
Nag labas ng
tatlong metallic ball si Levaiton at inihagis niya ito sa lupa...at hindi nag
tagal ay lumabas ang mga skullz.
Levaiton: Simulan niyo na!
Agad nang
gulo ang mga skullz sa mga taong naroroon.
BRATATATATATATATA
AAAAHHHHHHHH
TULONG!!!
Naalarma
naman si marina sa mga nang yayaring gulo at agad siyang rumesponde para
tumulong.
Marina: Nadito na sila!!
_________________________________________________
Patuloy
parin ang naging habulan nila Gunver at Hot Road sa racing circuit.
Hot Road: Talagang matigas ka hah! Tingnan natin kung
uubra ka pa dito!
Nag labas ng
mga Missile ang sasakyan ni Hot Road at ito ang ginamit niya para tapusin ang
sasakyang gamit ni Gunver.
ZOOOOOOOOMMMMM
BBBBOOOOOMMMSSS
Hot Road: Hahahah tapos ka doon!!
Ngunit ng
humupa ang usok ay siya namang lumabas muli ang sasakyan ni Gunver na walang
halos gas-gas o sira manlang.
Hot Road: (Gulat) Anong! Hindi tinablan ang sasakyan
niya!?
Gunver: Yan lang ba ang kaya ng sasakyan mo? Puwes
pakikitaan kita kung sino ang mas astig dito!
Gun racer Female voice: Target confirm.
Gunver: Eto ang sayo!!!
Nag pakawala
din ng mini-missile ang Gun Racer at kung ikukumpara ito sa missile na pinatama
ni Hot road ay mas double ang lakas ng explosive nito.
Hot Road: Hindi!
BOOOOOOOMMMMSSSS
Hindi na
nakailag pa si Hot Road at tuluyang nasira at sumabog ang likuran ng kanyang
sasakyan.
__________________________________________
Patuloy
paring nang gugulo ang mga skullz sa pamumuno ni Levaiton sa loob ng racing
circuit.
Dahil sa mga
nang yari. Maraming inosenteng sibilyan ang nasaktan at nasugatan.
BRATATATATATATA
Levaiton: Ngayun kilalanin niyo na ang bagong mag
hahasik ngayun ng takot...kilalanin niyo ang Dranixs!!!
Ilang
sandali pa habang nang gugulo ang mga skullz ay ilan sa mga ito ay tumumba na
at namatay. Dahil sa kagagawan ni Marina.
Levaiton: Sino ka naman!?
Marina: At sino karin para tanungin ang pangalan ko
ng ganya? Mukang ikaw yung sinasabi ni kyro na miyembro ng dranix at ikaw rin
siguro ang nag palabas sa mga taong latang ito, tama ba ako? Puwes sumuko kana
kung ayaw mong masaktan.
Levaiton: Kung ganon ikaw ang partner ni Detective
kyro....puwes kailangan mo ring mawala sa landas namin! Yaaaaahhhhh
Marina: Hindi kita hahayaan!
Nag simulang
mag laban sila Marina at Levaiton gamit ang kanilang mga galing at husay sa
pakikipag laban.
Gamit ni
Marina ang galing niya sa Aikido habang iniiwasan nito ang double sword na
hawak ni Levaiton.
Nag
aatikabong bak-bakan ang nang yayari sa kanila.
____________________________________________
Bumaba naman
si Gunver mula sa kanyang Gun racer upang tingnan ang nangyari kay Hot Road.
Ngunit
palapit palang siya sasakyan ng negative ay bigla namang.
BAAAAANNNNNGGGG!
Nag paputok
ito ng shot gun mula sa loob, pero mabilis naman itong na ilagan ni Gunver. Dahil
sa alarming device sa loob ng kanyang helmet.
Gunver: Muntik na ako doon ah!
Lumabas si
Hot Road sa kanyang Armored Formula na sugatan.
Hot Road: Mag babayad ka sa ginawa mo ito Detective!
Inilabas
nito ang kanyang asul na injection tube at itinurok niya ito sa kanyang
leeg...at ilang sandali pa ay nag bago na ang anyo niya at naging isang
Evolving Species na Lynx.
Hot Road: Raaaawwww…. mamatay ka na ngayun!
Gunver: Mukang wala na akong pamimiliaan.... (ipinakita
ang Badge) Special Detective Gunver
ng Special Investigation Unit 6, Inaaresto
kita sa salang pag-patay sa mga driver at pag nanakaw sa mga sasakyan nila.
Sumuko ka na kung ayaw mong masaktan!
Hot Road: Tumahimik ka!!!! Raaaaaawwww.
Gunver: Hindi umubra ang negotation....oras na para
tapusin ito!
Umatake si
Hot Road kay Gunver, ngunit nakaabang na ang Gundriver nito at pinaputukan niya
ang negative.
BANG!-BANG!-BANG!
Tumalsik ng
bahagay ang negative at napaluhod ito.
Hot Road: Humanda ka papatayin kita!!
Inilabas
nito ang kanyang sandata mula sa kanyang kamay at ito yung mga matutulis na
kuko.
Umatake muli
ito kay Gunver at sa pag kakataong ito at tinamaan ang detective.
Gunver: Arrrrggghhh!! Asar hoy mag pa pedicure ka nga
ang haba ng kuko mo!
Hot Road: Tumahimik ka!! Raaaaawwwww.
Gunver: Grabe nag wawala na ang pusang ito...kailangan
ko ng mag seryoso…Gun Analyzing!!
Gamit
ang Gun analyzing sa Loob ng Computer Helmet ni Gunver kinukuha niya ang data
or weak spot mula sa kanyang kalaban upang malaman ang kahinaan nito.
Gunver: Ayon nakita ko na! Humanda ka ngayun.
____________________________________________________
Patuloy
parin ang ginagawang pakikipag laban ni Marina kay Levaiton.
Ngunit
tila hirap ang babaeng agent sa pag-harap dito. Matitinding suntok at sipa ang
pinakawalan ng cyborg warrior kay Marina at dahil dito napaatras ito at
napaluhod.
Marina: Asar hindi ko inaasahan na malakas
siya...
Levaiton: Ano sumusuko ka na ba?
Marina: Sira hindi ako susuko sa isang gaya mo
lang....at isa pa hindi ako susuko lalo na sa isang lalaking kagaya mo!
Levaiton: Kung ganon mamatay kana!!!
Akmang
sumugod si Levaiton kay Marina pero hindi na makakilos ang babaeng Agent dahil
sa mahina na ang kanyang katawan, para iwasan pa ang atake ng mandirigmang
cyborg.
Pero ilang sandali lang ay...
ZAAAAAPPPP!!
ZAAAAAPPPP!!
ZAAAAAPPPP!!
Levaiton: Anong!?
Dalawang
bala ng laser arrorw ang tumama sa daraanan ni Leavaiton at ito ang nag pahinto
sa kanyang gagawing pag tapos sana kay Marina. At ang may kagagawan nito ay si
Mei na gamit ang kanyang sandatang G-Crossbow.
Mei: Hanggang diyan ka nalang! Hindi ko
hahayaan na saktan mo ang isa sa mga tauhan ko!
Marina: Agent Mei!
Levaiton: Heh hindi ko akalain na mag papakita
dito ang dating special police na si Galathea...talagan pinasasabik niyo kami
sa mga nang yayari....siguro hanggang dito nalang muna ang larong ito---pero
tandaan niyo mag kikita pa tayo.
Nag
teleport at tuluyan ng nawala si levaiton sa lugar at naiwan naman sila marina
at mei.
Mei: Marina ayos ka lang ba?
Marina: Ayos lang po ako...maraming salamat.
Mei: Ang mabuti pa puntahan na natin si
Kyro para tulungan.
_____________________________________________
Gundriver Female Voice: SD Memory In Armor Chaning-Chain Saw.
Gamit ang SD
Memory nag palit ang wrist armor ni Gunver sa pagiging Chain Saw at ito ang
ginamit niya laban kay Hot Road.
Gunver: Eto ang tatapos sayo pusa!
Yaaaaahhhh!!!
Inatake
ni Gunver ng buong tapang ang kanyang kalaban at kung saan ang kahinaan nito.
Isang
sipa ang ginawa niya sa negative at napaatras ito ng bahagya.Pag katapos ay
siya naman umatake muli gamit ang Chain Saw.
Gunver: Tapos kana!!!
Hot Road: Hindi ako papayag!!
Lumundag
si Gunver para atakehin si Hot Road ngunit sinalag niya ang atake ng Detective
gamit ang kanyang matatalas na kuko.
Gunver: Yan ang malaking pag kakamali mo!!
Hot Road: Anong!!
Ang
kahinaan pala ni Hot Road ay ang kanyang braso at mga kamaya...dahil dito nag
mumula ang kanyang kapangyarihan at makapag palabas ng sandata.
Gunver: Eto ang sayo!!!
Hot Road: Hindi! HINDI!!!!
Tuluyang
naputol ni Gunver ang mga kamay at braso ni Hot Road at dahil dito tuluyan ng
nang hina ang kalaban niya at dito na nag tapos ang kanyang buhay.
Hot Road: Hindi!...ughhh
Bagsak
na si Hot Road at tuluyan na siyang naging abo pag katapos.
Gunver: Malas bakit ba hindi ako makahuli ng
kahit isa saka nila!?
Na
dismaya nanaman si Gunver dahil sa pag kamatay ng Negative na sana dapat ay
huhulihin niya.
_________________________________________
Tatlong
araw ang nakakalipas ay tuluyan ng nakalabas si Micheal sa ospital. Pinuntahan
nila ang cafe nila Kyro para mag pasalamat.
Micheal: (Nakipag kamay) Detective maraming salamat, kung hindi dahil sa inyo siguro patuloy parin mang gugulo si Hot Road sa mga
ginagawa naming event.
Kyro: Wala yun basta tungkulin namin na
pangalagaan ang kapakanan niyo...at kung may problema kayo lumapit lang kayo sa amin at nakahanda
kaming tumulong.
Mikaela: Aasahan namin yan Detective Anjelo...at
maraming salamat sa lahat.
Kyro: Asahan niyo rin!
________________________________________________
GINGA
HQ
Pinatawag
ngayun si Major Andrew Mendoza ni Director Emilio Ratio para sabihin ang isang
bagay.
Andrew: (sumaludo) Sir.
Director Ratio: Good to see you again Captain Mendoza
or should i say Major Mendoza.
Andrew: Teka ano po ba ang dahilan kung bakit
niyo ako pinatawag?
Director Ratio: Hindi naman lingid sa kaalaman mo na
merong ginawa na dalawang Bagong Badge ang GINGA ngayun...ang isa ay nasa panga-ngalaga ng special
investigation, at ang isa naman ay nasa panga-ngalaga ng Special Warfare unit
kung saan ka na bibilang.
Andrew: So ano naman po ang kinalaman ko dito?
Director Ratio: Ang pinaka bagong badge ngayun na
Snider. ay nasa panga-ngalaga na ngayun ng Section Zero ni General Zandro
Olivares.
Andrew: ANO!?
Isang
bagong badge ang kasabay na umusbong ng Gundriver...ngunit napasakamay na ito
ng pinaka bagong elite task force ng GINGA at ito ang Section
zero.
Samantal
isang kaso nanaman ang nalutas ni Kyro. pero hanggang saan kaya ang mararating
ng kanyang pag tuklas tungkol sa tunay na ugat ng kanilang mga kalaban?
Case
Continued
No comments:
Post a Comment