Saturday, February 14, 2015

Case 7: Hot Road





Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na magkaroon ng copyright infringement



Sa isang lugar sa Batangas, isang car session ang nagaganap ng gabing yun...naroon ang iba’t ibang uri ng sports car at nag kameron din ng isang legal drag race na merong pustahan na nakalaan. At ang mananalo ay kukunin ang kaniyang sasakyan.

Nag simula ang isang karera sa pagitang ng isang dilaw na Camaro at ng isang modified American muscle.

Samantala sa hindi kalayuan may isang nilalang ang naka masid sa nang yayaring karera, at nag sasabi ito ng mga ilang bagay.

Sa kalagitnaan ng karera nangunguna rito ang Modified American muscle, at halos malapit na sa finish line.

Driver1: Panalo na ako!!!

Ilang sandali pa ay may napansin ang nangu-ngunang driver pati narin ang kasunod nito.

Driver1: (Tumingin sa side mirror) Teka ano yun?

Driver2: Kasali ba iyan?!

Maya-maya pa ay...

ZOOOOOOOOMMMM

Inunahan lang nito ang mga sasakyan na nasa harapan niya, at laking gulat ng mga driver na isang armored sport car ang humarang sa finish line. 

Nagulat lahat ng taong na nunuod ng karera dahil sa pag supot ng misteryosong sasakyan, at agad bumaba ang mga driver na nag kakarera. 

Driver1: Hoy ano ba ang problema mo!

Driver2: Kita mo namang may karera dito ngayun...Kung gusto mong sumali mag hintay ka ng oras mo.

Nilapitan ng dalawang driver ang sasakyan para pababain ang sakay nito.

Driver1: Hoy bumamaba ka diyan...Hoy!!!

Walang anu-ano ay bumaba ang isang lalaki naka suot ng jacket na may tatak na Lynx sa likod at ilang sandali pa ay.

BAAAANNNNNGGG!!!

Binaril nito ang driver ng isang sasakyan

Driver2: (natakot) Teka--- Wag wag!!!

Nilalang: Tapos kana!

BAAAANNNNGGG!!!

Binaril din ng misteryosong lalaki ang isa pang driver at ang mga taong nanunuod sa drag race ay nag sipag takbuhan dahil sa takot na madamay.

Nilalang: Sa akin na ang mga premyong ito.





Case 7: Hot Road  

Sakay ng kanyang Gun Cycle muling bumalik si Kyro sa GINGA Cafe para mag hintay ng bagong order na darating sa kanila.

Kyro: (pumasok sa loob ng cafe) Nadito na ako.

Sherry: (Ngumiti) Ah welcome back kuya Kyro.

Kyro: Oh sherry ang aga mo naman ata ngayun...Teka nasaan sila marina at ate mei?

Sherry: Ah oo nga pala...Nasa office sila ngayun, tila ata may bago ka nanaman kliyente.

Kyro: Bagong kliyente?

Sherry: Oo kinakausap ata siya ngayun ni Ms.Mei at ni Ate marina.

Kyro: Ganon ba...Sige pupunta na ako, ikaw na muna ang bahala diyan.

Sherry: Ok kuya!

Isinabit ni kyro ang kanyang racer jacket at pumasok sa kaniyang opisina.
_____________________________________________

Pumasok sa loob ng opisina si Kyro. 

Mei: O na diyan ka na pala...Kyro ito nga pala si Michael Castillo isa siyang racer car driver.

Ipinakilala ni mei ang bagong Kliyente nila.

Michael: (Nakipag kamay) Nice to meet you Detective Anjelo.

Kyro: Nice to meet you din...so ano ang ma ipag lilinkod ko sa iyo?

Michael: Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa...nais kong mahuli ang taong responsable sa pag kamatay ng mga racer sa isang ginaganap na Legal Drag racing session.

Kyro: Isang Drag Racing? Ano naman ang ibig sabihin nito?

Mei: Buti pa ako na ang mag sasabi sayo...nag punta dito si Mr. Castillo para paimbestigahan ang taong tinatawag nilang... hot road.

Kyro: Hot Road? Ano yun brand nang laruang kotse? 

Mei: Wala pang personal info mula sa kanya...At ang tanging meron lang tayo ay ang impormation na hawak ni Mr.Castilyo.

Michael: Nakikisali siya sa isang nagaganap na karera tapos noon, pag natalo niya ang mga driver nayun, pinapatay niya at kinukuha ang mga sasakyan  nila bilang permyo niya sa sarili...Hindi ko alam kung anong dahilan niya pero, hindi namin ito matatangap dahil kaming mga racer may puso kami sa ginagawa namin. 

Tila napapaisip si Kyro kung sangkot nanaman ang mga negative sa usaping ito.

Marina: Ano kyro tatangapin mo ba?

Kyro: Hmmpp….Mukang kakaiba ang kasong sa pag-kakataong ito ah, racer na na nakikisali sa karera nang iba. Sige payag ako...tinatangap ko ang kaso. 
__________________________________________

Samantala sa isang sikretong lugar merong isang lalaki ang nag-aayos ng mga makina ng sasakyan...at maya-maya pa ay may boses na napag patigil sa kanyang ginagawa.

*Mukang abala ka nanaman ngayun Hot Road.*

Hot Road: Ikaw nanaman...Ano ba ang kailangan mo... Levaiton?

Levaiton: May gusto akong ipatrabaho sayo...Pero alam ko naman na abala ka sa pag nanakaw mo ng iba’t ibang uri ng sasakyan mula sa mga karerang kinasasangkutan mo.

Hot Road: Kung gusto mo akong mag trabaho sayo...Kailangan may kapalit.

Levaiton: Hmp...ang hirap talagang pakisamahan nang mga kagaya niyo...pero sige, pumapayag ako. ano ang gusto mong kapalit? 

Hot Road: (Nakatingin sa armored vehicle niya) Gusto kong bigyan mo ako ng panibagong sasakyan...

Levaiton: Panibagong sasakyan? Yun lang ba... sige walang problema sa akin...pero tandaan mo kailangan mong mapatay ang taong ito sa lalong madaling panahon, masyado na siyang pakielamero.

Hawak ni Levaiton ang isang litrato ni Kyro at inuutusan niya si Hot Road na paslangin ito. 

Hot Road: Siya ba? Sige walang problema.
_________________________________________________

Sakay ng kanyang Gun Cycle at nga Sport car ni Michael pinuntahan muli nila ang huling incedente na kinasangkutan ng mga racer.

At bakas pa ang mga bahid ng dugo mula sa crime scene. At gamit ang Gun vision shade inalam ni Kyro ang mga posibleng maging  ebidensiya sa kaso.

Kyro: Mukang malinis naman dito…Marina may nakita ka ba?

Marina: Wala mukang malinis din gumawa ng krimen ang suspect  

Nag tanong si Kyro kung may footage ba ng nakaraang karera na naganap.

Kyro: Teka Michael meron bang footage nang CCTV dito? Noong araw na mapatay ang mga kasama mo.

Michael: Pasensiya na hindi ko alam kasi...Wala ako noong mga panahong nang yari ang mga bagay na ito---pero sige mag tatanong tayo sa mga namamahala sa lugar na ito.

Habang nag uusap sila Kyro ay walang ka-alam alam ang mga ito na may sumusubay-bay na sakanila at ito nga ay si Hot Road.

Hot Road: Kung ganon narito na ang target. Puwede ko nang simulan ang trabaho ko.

Kinuha niya ang kanyang Rifle at naka handa na itong patamaan ang kanyang target na si Kyro.
Patuloy parin ang pag uusap nila kyro sa gitna ng pinang yarihan ng krimen at hanggang sa mapansin ni marina ang isang maliit na bagay sa kanyang ulo.

Kyro: Ganon ba---

Marina: Teka kyro!?

Napansin nito ang Laser na naka spot sa ulo niya.

Marina: Ilag!!!

Hot Road: Paalam na!

BAAAANNNNGGG!!!

Mabilis na inilagan ni Kyro ang balang papalapit sa kanya pero sa kasamaang palad iba ang tinamaan nito...ang tinamaan ng bala ay si Michael sa kanyang kanang braso.

Michael: Arrrgggghhhh.

Kyro: Hindi!!!

Hot Road: Malas...Mukang masuwerte ka ngayon Kyro Anjelo.

Agad sumakay si Hot Road sakanyang armored vehicle at tumakas ito...Pero mabilis itong nakita ni marina na papaalis kaya nasabihan nito kaagad si kyro.

Marina: Kyro umaalis na siya...Ako na ang bahala sa kanya habulin mo siya...palagay ko siya ang suspect sa nang yayaring ito.

Kyro: Sige!!

Walang anu-ano ay sumakay kaagad si Kyro sakanya Gun Cycle at si marina naman ay naiwan para asikasuhin si Michael.
________________________________________________

Sakay ng kanyang Gun Cycle hinabol ni Kyro ang suspect na sakay naman ng armored vehicle.

Hot Road: (Nakatingin sa side mirror) Ayos ito sige sumunod ka lang!

Nag labas ng mga mini-rocket ang sasakyang hinahabol ni Kyro at derektang pinatamaan niya ang detective na nag mamaneho ng kanyang motor.

ZOOOOOMMM

Kyro: Lagot!!!!

Pinakawalan na ni Hot Road ang kanyang mini-rocket pero mabilis na nag slide ang Gun cycle at tumama ang Rocket sa isang nakaparadang sasakyan.

Kyro: Hindi na biro ito....kailangan ng mag upgrade...GUN CHANGER!!!!

Nag bago ng anyo si Kyro habang sakay ng kanyang Gun Cycle Bilang si Gunver.

Gunver: Paganti! 

Nag labas ng dalawang Laser Shooter ang Gun Cycle at pinag babaril nito ang sasakyan na kanyang hinahabol.

BANG!-BANG!-BANG!

Pero inilagan lang ito ng armored vehicle pero sa hindi inaasahan. Tinamaan ni Gunver ang makina nito sa likod at nawalan ito ng kontrol, hanggang sa bumang  ito sa isang poste.

BAAAAAAGGGGG

Gunver: Ayos!!

Agad bumaba si Gunver sa kanyang motor para tingnan ang sasakyan na kanyang napahinto.
Papalapit palang siya sa pinto ng biglang.

BAAAANNNNGGG!!!

Gunver: Arrrggghh!!!

Tumalsik si Gunver dahil sa ginawang pag atake ni Hot Road sa kanya mula sa loob ng sasakyan, gamit ang kanyang mega shootgun.

Hot Road: (Lumalabas ng kanyang sirang sasakyan) Hindi ko akalain na masisira mo ang isa sa mga paborito kong sasakyan.

Gunver: Sabihin mo, ikaw ba ang may gawa ng lahat ng ito?...Ikaw ba ang pumatay sa mga racer na sinasabi ni Michael!? Sagutin mo ako.

Hot Road: Oo ako nga bakit may problema ba doon?

Gunver: Kung ganon Arestado ka sumama ka sa akin ngayun din...Kung hindi mapipilitan ako na gumamit ng dahas. 

Hot Road: Tingnan natin!

Inilabas ni Hot Road ang isang Blue Injection tube at itinurok niya ito sa kanyang batok at ilang sandali pa ay nag bago na siya ng anyo bilang isang negative na itsurang Lynx na may baluti sa katawan. 

Hot Road: Matagal-tagal narin noong huli kong ginamit ang anyong ito...sige simulan na natin ang kasiyahan.

Gunver: Kung ganon isa karing Negative? Mukang kakaiba ka sa mga nakalaban ko noon!

Inalabas ni Gunver ang kanyang Gundriver at nag simula na ang matinding labanan nila.
_________________________________________________

Samantala tumawag naman ng ambulansiya si Marina para madala kaagad sa ospital si Michael na nag tamo ng sugat sa braso.

Marina: Michael tatagan mo ang loob mo...na ito na ang tulong.

WANG!-WANG!-WANG!

Michael: (Namimilipit sa sakit) Arrrggghh ang sakit...

Ilang sandali pa ay agad na sinakay ito sa ambulansiya para madala sa pinaka malapit na ospital.
________________________________________________

RAPID MODE!!

BRATATATATATATA

Pinag babaril ni Gunver ang negative gamit ang kanyang rapid mode  gundriver. Pero mabilis lang itong inilagan ng Negative na si Hot Road.

Hot Road: Ano yan lang ba ang kaya mo! Ako naman!!!

Lumundag si Hot Road at sinungaban nito si Gunver.

Gunver: Anong!? Arrrghh

Hot Road: Tapos kana!

Nilabas ni Hot Road ang kanyang  mga matutulis na kuko at akmang tatapusin na ang detective. 

Gunver: Yun ang akala mo! Bullet Change Electric!!!

Gundriver Female Voice: Bullet Change Affirmative

BAAAANNNGGG!

Isang electrical Bullet ang tumama kay Hot Road dahilan kung bakit ito lubusang nasaktan at kumawala kay Gunver. 

SPAAAARRRRKKKK

Hot Road: Arrrrgggghhhh.... (Napaluhod) Malas...babalikan kita! 

Kumuha si Hot road ng isang smoke granade at pinasabog niya ito saka tumakas.

Gunver: Sandali! Buwiset nakatakas siya.

Napansin naman ni Gunver ang sirang armored vehicle na sinakyan ni Hot Road, at agad niya itong tiningnan ang loob...at nakita niya dito ang mga gamit nito at saka tiningnan.

Gunver: Mukang magagamit ko ang mga bagay na ito.
________________________________________________

Pag katapos ng laban niya kay Hot road, ay pumunta si Kyro sa ospital kung saan naroon sila Micheal at Marina.

Kyro: Kumusta na siya?

Marina: Eto ayos na siya...hindi naman naging malala ang naging tama niya sabi ng doctor...teka ano ang nang yari sa lakad mo? Nahuli mo ba yung bumaril sa atin?

Kyro: Hindi pero tama lang din na tinangap natin ang kasong ito...sangkot nanaman ang mga negative dito, kanina nakipag laban ako doon sa bumaril sa atin...at laking gulat ko nalang ng mag bago siya ng anyo bilang isang negative. 

Marina: Mukang kahit na sa mga ganitong klaseng krimen ay sangkot narin sila.

Tila napansin ni Marina ang dalang mga gamit ni Kyro at tinanong niya ito kung ano yun.

Marina: Teka ano naman ang nasa folder nayan?

Kyro: Eto ba nakuha ko ito sa sasakyan ni---

DOC!!!

Isang malakas na sigaw ang nag pahinto kay Kyro sa kanyang pag sasalita dahil sa pag dating ng isang babae, at kaagad kinausap niya ang isang doctor na lumabas.

Babae: (humihingal) Doc...Huf...Huf...ako si Mikaela Salazar, ako ang Girlfriend ni Michael Castillo yung nabaril kanina...kumusta na siya?

Doctor: Ah si Mr. Castillo ba ayos na siya...wala ng dapat na ipag-alala sa kanya dahil sa ngayun ligtas na siya sa panganib--- bago ko pala makalimutan siya ang nag dala sa boyfriend mo dito (nakaturo kay marina) o siya sige marami pa akong gagawin maiwan ko muna kayo.

Mikaela: Ganon po ba maraming salamat po kung ganon.... (tumingin kay marina ) Ikaw pala ang nag dala sa Boyfriend ko dito sa ospital, maraming salamat (nakipag kamay kay marina) Bago yun ako pala si Mikaela Salazar.

Marina: Ako naman si Marina Asol at siya naman si Detective Kyro Anjelo ng GINGA....lumapit sa amin ang boyfriend mo para sa kasong gusto niyang maresolba na.

Mikaela: Oo nga nabangit niya sa akin na uupa siya ng detective para maresolba ang kasong kinasangkutan ng mga racer....hindi ko naman pala alam na ganito ang mang yayari.

Kyro: Ang mabuti pa pag usapan nalang natin ang bagay na ito sa ibang lugar...masyadong maraming tao dito para sa ganitong klaseng bagay.

Marina: Mabuti pa nga...Ms. Salazar, ang mabuti pa sumama ka sa amin.

Mikaela: Sige, pero hayaan ko munang tingnan si Micheal. 
_________________________________________

Sa Hideout ni Hot Road dumating siya dito na sugatan. 

BAAAAAGGGG

Sinipa nito ang isang kumpol ng lata dahil sa inis.

Hot Road: Hindi ko akalain na magagamit ko ang  pagiging evolving species ko laban sa kumag na detective nayun.

Ilang sandali pa ay dumating na si Levaiton at kinumusta nito si Hot Road

Levaiton: Kumusta Hot Road...mukang pumalya ka ata sa unang subok mo ah.

Hot Road: Tumahimik ka...Nasaan na yung hinihingi kong pabor sa iyo---kailangan ko ng bagong sasakyan para sa gagawin kong trabaho!!

Levaiton:Wag ka naman masyadong mainit...eto na dala ko ang hinihingi mo, alam mo bang ikaw ang kauna-unahang Beast Type na evolving Species na pinadala ko para sa trabahong ito.

Hot Road: Wala akong pakielam kung ako ang kauna-unahan, basta mahalaga matalo ko siya at mapaslang!

Habang nag uusap sila Levaiton at Hot Road ay biglang Nabuhay ang computer nito at tila isang mensahe ang laman.

Hot Road: Mukang may kasabay ang trabaho ko...Kailangan ko munang kunin ang sasakyang request sa akin ng kliyente ko...pero bago yan aasikasuhin muna kita Kyro anjelo.
_____________________________________________

Sa kuwarto kung saan naka Suwero si Michael ay pinag usapan nila Kyro at Marina ang plano sa pag huli kay Hot Road.

Marina: So ano na ang plano mo kyro?

Kyro: (Nag iisip) Alam ko na.

Kinuha ni Kyro ang folder kung saan nakakuha si Kyro ng ebidensiya kay Hot Road...at laking gulat nila na puro listahan ng mga sasakyan, pangalan ng kliyente at lugar kung saan may magaganap na car expo or car session.

Mikaela: Teka ang lugar na ito...sa batangas racing circuit ito ah!  Bukas ng hapon gaganapin ang isang Legal Drag Racing dito sa lugar naming--at sa pag kakaalam ko maraming mga Racer at sasakyan ang i-f-feature diyan kasama narin si Michael sana, pero sa nang-yari sa kanya ngayon malabo na siyang makasama.

Kyro: Ganon ba...Marina alamin mo ang bawat pangalan na nasa listahan na ito kung sino sila at kung may posible na makilala natin si Hot road gamit ang mga yan.

Marina: Naiintindihan ko...Ibigay mo nalang sa akin.

Kyro: Mikaela alam ko medyo delikado ito pero kailangan kita sa operation na ito bukas...Maasahan ba kita? Total wala ang Boyfriend mo ngayun dahil sa lagay niya.  

Mikaela: Oo naman basta para kay Michael gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.

Kyro: Magaling kung ganon, Mukang mapapadali ang trabaho natin nito.
______________________________________________

Pag katapos mag usap nila Kyro kasama sila marina, lumabas muna ang binata at pinuntahan ang lugar kung saan nang yari ang krimen.

Pinag-masdan ng mabuti ni kyro ang paligid.

Kyro: Tila naman walang kakaiba dito...mabuti pa bumalik muna ako.

Akmang sasakay na si Kyro sakanyang Gun Cycle ng biglang.

BANG!-BANG!-BANG!

May nag paputok sa kanya ng baril at muntik nanaman siyang matamaan nito

Kyro: Anak ng!! Ikaw nanaman?!

Hot Road: Ui tapusin na natin ang larong ginawa natin kanina.

Kyro: Talagang tatapusin kita dito ngayun mismo! Humanda ka!

Gundriver Female Voice: DNA SCAN COMPLETE...

Kyro: GUN CHANGER!!!

Nag bago si Kyro ng kanyang anyo bilang si Gunver.


Hot Road: Yan ang gusto ko...ako naman.

SPAAAAKKK

Nag turok muli si Hot Road ng kanyang Blue Injection at ilang sandali pa ay nag bago na siya ng anyo bilang isang Evolving Species.

Agad nag sagupa ang dalawa gamit ni Gunver ang kanyang Dagger mode ng Gundriver, at si Hot Road naman ay ang kanyang matatalas na kuko bilang isang lynx.

SLASH!

Walang nag paiwan sa ito at halos pantay lang sila ng galing sa pakikipag laban.

Gunver: Hot road alam mo bang meron na akong ebidensiya laban sayo...

Hot Road: Ows talaga lang hah....hahahaha.

Gunver: Napaka laki mong tanga iniwan mo ang sasakyan mo ng hindi kinukuha ang mga ebidensiya na puwedeng magamit laban sayo...Ngayun dito na kita huhulihin humanda ka!
YAAAAAHHHH.

Sumugod si Gunver ng buong tapang kay Hot Road ngunit ilang sandali pa ay.

SLASH!!!

Gunver: Arrrghh...Sino yun!?

Isang slash ang sumalubong kay Gunver at ang may kagagawan nito ay si Levaiton.

Leavaiton: Kumusta na Detective Anjelo?

Gunver: (Gulat) Ikaw!! Levaiton!!!

Levaiton: Buti naman at natatandaan mo ang pangalan ko...Pero patawarin mo ako dahil ito na ang magiging huling tapak mo dito sa sa lupa.



Hawak ang dalawang Metallic ball ibinato ito ni Levaiton sa lupa. At mula dito nag labasan ang mga Skullz at pinalibutan nang mga ito si Gunver. 

Gunver: Ang mga asungot na ito...Ang dumi niyong makipag laban!

Levation: Hahahahaha gumagamit lang kami ng utak...Kayo na ang bahala sa kaniya!

Sumugod ang mga skullz kay Gunver at napapalibutan siya ng mga ito. Ano kaya ang gagawin niya sa pag kakataong nasa bingit siya ng peligro...magawa kaya ni Guanver malusutan ang bagay na kinasasangkutan niya ngayun?

Gunver: Sige sugod!!!

Case Continued




No comments:

Post a Comment