Paunawa: Ang mga tauhan sa kuwentong ito ay pawang mga
kathang isip lamang, at ang mga lugar at produkto na ginamit at para lamang
mabigyan ng makatotohanang kulay ang akda. Wala pong intentsyon ang may-akda na
magkaroon ng copyright infringement
Ang nakaraan sa Special Detective
Gunver.
Nagawang matalo ni Gunver ang
nasabing Negative na si Hot Road laban sa isang karera na ginawa nila ngunit sa kasamang palad bigo parin siyang mahuli ito.
Samantala isang panibagong Driver ang nabangit nila Director Emillio Ratio, at Major Andrew Mendoza.
Samantala isang panibagong Driver ang nabangit nila Director Emillio Ratio, at Major Andrew Mendoza.
Director Ratio: Ang pinaka bagong badge ngayun na
Snider. Ay nasa panga-ngalaga na ngayun ng Section Zero ni General Zandro
Olivares.
Andrew: ANO!?
_________________________________________________
GINGA Section Zero Department.
Mula sa isang madilim na silid,
isang lalaki ang nakatayo sa isang harap ng lamesa, ilang sandali pa ang
lalaking nakatayo ay nag salita at kinausap ang taong nakaupo sa kanyang upuan.
Nilalang:
General Olivares... nakahanda na po ang lahat.
Ang lalaking kinakausap ng nilalang ay isang mataas na opisyal ng GINGA, siya si General Zandro Olivares, at siya rin ang nag tayo ng bagong departamento na kung tawagin ay Section Zero.
Gen. Olivares: Kung ganon, kunin mo ang bagay na ito... at tiyakin mo na mauunahan mo at mailalabas sa kasong ito si Detective Kyro
Anjelo... dahil tanging Section Zero lamang ang puwedeng pumuksa sa mga
Negative nayan... Sargent Clyde Silva.
Clyde:
(Sumaludo at kinuha ang case) Roger That, any possible threat on our organization
must be consider a hostile, kahit na kapwa GINGA pa siya.
Gen. Olivares: Ganyan nga... ipakita mo sa kanila kung sino
ang karapat-dapat na maging Special Police.
Case 9: Special Police Snider , Ang pag-babalik nang isang alamat
GINGA Cafe.
Abala ngayun sila Mei at Sherry sa
pag s-serve sa mga costumer nila, samantala si Kyro naman ay.
Kyro:
Hehehehe... malapit na eto na ang moment of truth!
Gamit ang Gun Vision Shade, nasa
harap ng pinto ng kuwarto ni marina si Kyro... at tila isang masamang balak ang
kanyang isasagawa gamit ang kanyang Gadget.
Kasalukuyang naliligo ngayun si
marina sa banyo ng kanyang kuwarto.
Kyro:
Malapit na! Hi Hi Hi!
Mula sa kuwarto ni Marina,
lumabas na ito ng Banyo dahil sa tapos na siyang maligo, halos tawel lang ang
naka takip sa katawan ng babaeng agent, at si kyro naman ay halos mag-dugo ang
ilong dahil sa kanyang nakikita
Kyro:
Preys the lord hallelujah! Salamat sa magandang tanawin na nakikita ko! At
salamat narin sa gadget na ito!
_______________________________________________
Samantala sa loob ng kuwarto ni
marina, tatangalin na sana niya ang tawel sa kanyang katawan ng biglang
makaramdam ito ng kakaiba mula sa kabila ng pintuan.
Marina:
Teka parang kanina pa yung bumubulong na yun ah? (masama ang tingin) mukang alam ko na.
Pinuntahan ni marina ang pintuan, at pag bukas niya dito ay naroon si kyro.
Kyro:
(Natakot at napalunok) Gulp.... Nako lagot!
Marina:
(Pinapaputok ang mga daliri) Sinasabi ko na nga ba may kabal-balan ka nanamang
ginagawa!
Kyro: (Takot) Ah marina mag hunisdili ka marina!
WAAAAAGGGGG!!
BAAAAGGGG!
BOOOOGGG!
KA-BLAM!!
BOOOOGGG!
KA-BLAM!!
Gulpi sarado ang inabot ni Kyro
mula kay marina.
_____________________________________________________
Sa Cafe naman narinig ni Sherry
ang sigaw ni Kyro.
Sherry:
Teka si kuya kyro yun ah!? Ano kaya ang ginagawa nila ngayun ni ate marina?
Mei: Pabayaan
mo na sila... tapusin mo nalang ang trabaho mo.
Sherry:
Sige po Ms. Mei— ah welcome po!
Isang lalaking pumasok sa loob ng
cafe na nakasuot na itim na leather jacket at nag salita ito.
*Matagal din tayong Hindi nag kita Mei!*
Tila Pamilyar kay Mei ang
dumating na tao. At ito ay walang iba kung hindi si Andrew Mendoza o mas kilala bilang si Special
Police Beta.
Mei: Andrew!?
Andrew:
Long time no see... Mrs. Anjelo!
_______________________________________________
Sa underground basement nila.
Halos maga at puno ng pasa ang
mukha ni Kyro dahil sa pam-bubugbog ni marina sa kanya.
Marina:
Sa susunod na gawin mo uli yun, hindi lang yan ang aabutin mo.
Kyro:
Parang nag bibiro lang eh! Saka wala naman akong nakita sa katawan mo... kung
hindi yung clevage mo lang!
Marina:
(Namula) Aba talagang humihirit kapa! Gusto mo ba ng isa pa! Mahiya ka naman sa
sinasabi mo, kahit na ganito ako babae parin ako! Saka ang Gadget na ito hindi
ginagamit sa pang-boboso!
Habang nag babangayan ang dalawa
bigla namang pumasok si Mei kasama si Andrew.
Mei: Hoy tama
nayan, halos rinig na ang bangayan niyo---kyro sa uulitin na gawin mo iyan,
humanda ka sa akin dahil ako na ang gugulpi sayo!
Kyro:
Pasensiya na ate mei...hindi na mauulit.
Tila natakot naman si Kyro sa banta ni Mei.
Kyro:
Teka sino naman yang kasama niyo ate? Bagong kleyente?
Nag salita si Andrew para mag pakilala kay Kyro
Andrew:
Mukang nakalimutan mo na ako Kyro! Ako ito si Major Andrew Mendoza.
Nagulat si Marina at Kyro sa
kanilang narinig, dahil ngayun nasa harapan nila ang isa sa pinaka mahusay na
pulis mula sa GINGA.
Kyro:
Major Mendoza!!!
_____________________________________________
Sa isang kagubatan, isang
nilalang ang tila nag tatanim ng mga punong kahoy.
Nilalang: Nakakasigurado
akong gaganda ang mga punong ito sa oras na lumaki na kayo.
Ilang sandali pa nag pakita si Levaiton at nag salita ito.
Levaiton:
Hanggang ngayun nahihilig kaparin talaga sa mga halaman… Wood Crop.
Wood Crop:
Ikaw pala Levaiton! Ano naman ang maipaglilinkod ko sayo?
Levation:
Saluhin mo! (inihagis nito ang isang Blue Injection tube) gamitin mo yan para
maka pag-evolve kana... pinag-uutos ni master segundo na gumawa ka ng konting
kaguluhan sa lunsod, siguro naman gagawin mo ang lahat ng sinasabi ko, alam ko
naman na ang pangunahin pampalago sa mga halaman mo ay diligan ng sariwang dugo
ng mga tao.
Tumayo si Wood Crop.
Wood Crop:
Mukang kailangan ko nang kumuha nang fertilizer ngayon.
_________________________________________
Balik sa GINGA Cafe.
Pinag-usapan ngayun nila andrew
at mei, kasama sila kyro at marina ang tungkol sa section zero.
Mei: So ano
naman ang pinunta mo dito? Wag mong sabihin na sa-saw-saw narin ang Warfare
unit sa kasong ito?
Andrew:
Hindi yun ang dahilan kung bakit ako naparito.
Mei: Kung
ganon ano?
Andrew:
Siguro naman hindi lingid sa ka alaman niyo na tatlo lang ang Department na
bumubuo sa GINGA, Ang Elite Task Force,
Ang Special Investigation Unit, At ang GINGA Warfare, pero itong mga
nakaraang buwan lamang, isang bagong department ang binuo ng GINGA. At ito ang
Section Zero.
Marina:
Section Zero? Parang ngayun ko lang narinig ang bagay nayan ah.
Mei: Kahit ako,
sige andrew ipag-patuloy mo.
Andrew:
Gusto ko lang kayong balaan tungkol sa kanila, hindi pangkaraniwan ang groupong
yun, kahit na kapwa pa nila GINGA tinuturing nilang kalaban, dahil para sa
kanila kailangan mapag-tagumpayan nila ang kahit na anong misyon, kahit pa
kapalit nito ang buhay ng mga kasamahan mo.
Kyro:
Kung ganon banta din pala sila sa atin.
Andrew:
Hindi lang yan, nasa kanila ang isa pang Badge na ginawa ng GINGA na dapat ay na
sapag-mamayari ng departamento namin, ang Gun Snider, ito ang kasamahan ng Gun
Driver na hawak mo Kyro, ewan ko kung papaano napapunta sa kanila ang bagay
nayun, pero sinasabi ko sayo na mag handa ka, nakikita ko na makikielam na sila sa
kasong hawak mo ngayun. Ano mang oras.
_____________________________________________
Bonifacio Global City
Masayang nag lalakad ang mga tao
, at ang iba naman ay nag-eexercise. Ngunit isang naka-ambang na panganib ang
nag hihintay sa mga taong ito.
Wood Crop:
Nakakasuka, puro pulusiyon ganito na ba talaga sinisira ng mga tao ang mundo,
ano kaya kung mag-tanim naman ako ng kahit konting puno dito?
Kinuha ni Wood Crop ang injection
tube mula sa kanyang bulsa, at ilang sandali lang ay isinak-sak niya ito sa
kanyang batok at nag bago ang kanyang anyo, nabalutan siya ng kahoy na katawan,
at meron siyang mahahabang sanga sa likod na may kakayahang humaba, at
sumipit-sip nang kahit na ano.
Wood Crop: Ganito pala ang pakiramdam nang mag-evolve.
Nag simulang umatake si Wood Crop
sa mga tao, tumira siya ng mga binhi at sa oras na matamaan ang isang tao ay
nababalutan ito ng kahoy at dahon sa katawan, ang sanga naman niya ay humahaba
at tinutusok ang mga tao saka sinisip-sip ang dugo.
Nabalot ng takot ang buong lugar
dahil sapag dating ng nakakakilabot na nilalang.
AAAAAAHHHHHHH
Wood Crop:
Ganyan nga! Damhin niyo ang galit ng isang kalikasan!
_______________________________________
ALERT! ALERT!
Isang alert ang nasagap ng base
nila Kyro.
Mei: Kyro isang
negative ang umaatake ngayun sa Global City, kailangan ka nila ngayun doon.
Kyro:
Roger that, tayo na!
Marina:
Oo sige!
Kaagad kinuha ni Kyro ang kanyang
Racing Jacket at helmet saka sumakay sa kanyang Gun Cycle, si marina naman ay
ginamit ang Gun Racer.
At umalis ang dalawa para mag tungo sa pinang
yayarihan ng gulo.
Tila naman may naalala si andrew
sa mga nakaraan nila bilang mga special police.
Andrew:
Parang kailan lang diba mei?
Mei: Sinabi mo
pa, si kaiza nalang ang kulang sa atin, sigurado puwede na uli tayong lumarga.
____________________________________________
Balik sa Global City...
Halos marami ng nabiktimang mga
sibilyan ang negative na si Wood Crop, ang iba dito ay naging halaman at ang
iba sa kanila ay sinip-sip ang dugo at namatay.
Isang sasakyan sana ang aatakehin
niya para biktimahin, ngunit ilang sandali lamang ay.
BRRRRUUUUMMMMM
Dumating si Kyro at pinalipad
niya ang kanyang Gun Cycle saka naman binanga ang negative, at natumba ito.
Sabay-baba sila Marina at Kyro sa
kanilang mga Patrol Vehicle.
Kyro:
Teka isang puno? Marina ikaw na ang bahala sa mga sugatang sibilyan, ipaubaya
mo nalang sa akin ang tuod na ito!
Marina:
Sige makakaasa ka!
Kyro:
Sige simulan na natin ito.
Inilabas ni Kyro ang kanyang Gun
Driver at isinigaw niya ang kanyang katagang.
Kyro:
Gun Changer!
Nabalutan ng pulang liwanag si
Kyro at, nag bago siya bilang si Special Detective Gunver.
Gunver: Laban
na!
Binago ni Kyro ang kanyang
sandata pa mula sa pagiging Gun Driver sa Gun Dagger ito.
Samantala sa hindi kalayuan may
isang lalaking nakamasid sa labanan sa pagitan ni Gunver at ng negative na si
Wood Crop, ito ay si Clyde.
Clyde:
Ito na ang simula (nakatingin sa case)
_________________________________________
SLASH!
Isang slash ang ginawa ni Gunver
sa halimaw, at bahagyang napaatras ito
Wood Corp:
Pakielamero! Humanda ka!
Gunver: Puro
ka putak sige laban!
Muling umatake si Gunver at
iniwasiwas niya ang kanyang Gun dagger sa kalaban niya, isang slash sana ang
ibibigay ng detective ngunit naharang ito ng Negative, at saka naman gumanti ng
atake gamit ang kanyang mga ugat at pinag hahamapas niya ang detective.
ZAAAAP
ZAAAAP
ZAAAAP
Gunver: Arrrrgghhh...
Muling tumayo si Gunver at kinuha
ang kanyang, SD Card.
Gunver: Alam kong bawal ang illegal logging, pero sa kagaya mo hindi na dapat pinapatagal!
Gundriver Female Voice: SD Memory In. Armor Changing-Chain Saw.
Nag bago ang wrist armor ni
Gunver at naging Chain saw ang mga ito.
Sinugod niya ng buong tapang ang
kalabang negative, at gamit ang kanyang chain-saw pinutol nito ang ilan sa mga
ugat at sanga ng kalaban, dahil dito bahagyang nasugatan niya ang negative at
nanghinda ito.
Ilang sandali pa tumagpo si
marina, dahil sa katatapos lang niyang asikasuhin ang mga sugatan na sibilyan.
Wood Crop:
Hindi maaari!
Marina:
Kyro!
Gunver: Ayos!
Tapusin na natin ito.... Bullet Change! Blast!
Gun Driver Female Voice: Bullet Change affirmative.
Gunver: Ngayon na!
Nag pakawala ng matinding blast
ang Gun driver ni Gunver. At direkta itong pinatama sa negative ngunit ilang
sandali pa ay.
Wood Crop:
Hindi ako makakapayag!
Lumabas ang mga ugat sa lupa at
nabalutan si Wood crop ng kakaibang uri ng pananggalang, at ng humupa ang atake
ni Gunver laking gulat niya na wala na ang negative sa paligid.
Marina:
Nakatakas siya!
Gunver: Asar!
Bumalik si Gunver sa pagiging
kyro
Marina:
Kyro ang mabuti pa pag-aralan muna natin ang kalaban, sigurado sa susunod mas
malaki na ang kanyang gagawin.
Kyro:
Mabuti pa nga...tatawag muna ako sa HQ para mag padala ng back-up, at pati narin nang medical team para sa mga sugutan.
______________________________________________
Sa kagubatan kung saan ang taguan
ni Wood Crop, bumalik ito ng bahagyang nasugatan ang kanyang sarili, dahil sa
mga pinsalang natamo sa pakikipag-laban kay Gunver.
Wood Crop:
(lubhang nasaktan) Arrrggghhh, hindi ako makakapayag na matalo ng isang hamak
na tao lamang, (tumingin sa isang puno) Oras na para gumising kayo.
________________________________________________
Pinag-aralan naman nila Mei ang
sample data na nakuha nila salabanan.
Mei: Kakaiba
ito, hindi ko akalain na kapag dumikit sayo ang binhing ito, tutubo sa buong
katawan mo at magiging isang puno ka o halaman, mukang delikado siya.
Andrew:
Teka nasaan ba ngayun si Marion? Sa pag kakaalam ko kasama niyo parin siya dito
diba?
Mei: Oo pero sa
ngayun may inaasikaso siya, bumalik siya ngayun sa america para sa isang
mahalagang project.
Andrew:
Ganon ba.... sayang naman kung hindi ko siya makikita ngayun.
Ilang sandali pa pumasok na sila
Kyro at marina.
Kyro:
Hay nako ang sakit parin ng mga pasa ko...
Marina:
Kasalanan mo iyan manyak!
Kyro:
HAH! Anong sinabi mo!
Mag babangayan pasana ang dalawa
ngunit pinigilan ito ni mei.
Mei: Tama nayan
puwede, makinig kayo, kailangan nating mapigilan ang negative na ito, at kung
maaari hulihin natin siya para mapag-kunan natin ng impormation kung saan ba
sila talaga nag mumula. Masiyado na silang delikado kung mag-papatuloy pa sila sa pag-kilos.
Kyro:
Pero papaano, sa oras na huhulihin ko na sila bigla naman silang nagiging abo,
at dahil doon hindi ko na sila magagawang hulihin pa, siguradong nag-iisip din
ang Dranixs sa mga bagay na ito para lang ma-itago ang kanilang sikreto.
Mei: Hindi yan
isang excuse, basta kailangan natin ng sample nila ng buhay, kailangan natin
matuklasan ang mysterio sa pag-katao ng mga ito.
Maya-maya pa muling tumunog ang
alarm.
Marina:
Ms. Mei umaatake muli ang negative, teka ano ito? Hindi lang siya nag
iisa! Halos lahat meron mga multiple
contact sa field!
Mei: Kyro,
Marina Humanda kayo, bumalik kayo sa lugar na iyon at pigilan sila. Tatawag ako sa HQ
para humingi ng Back-up, sa ngayun i-handle niyo muna ang sitwasyon doon maliwanag.
Kyro/ Marina: Yes Ma’am!
Kaagad kumilos muli sila marina
at kyro patungo sa lugar.
_____________________________________________
BOOOOOOOMMMMSSS
BRATATATATATATATA
BRATATATATATATATA
Pinigilan ng mga security marshal,
at kapulisan ang mga negative na umaatake sa lunsod.
Ang mga negative na umaatake sa
lunsod ay mukang kahoy na anyong tao, at may kakayahan silang umatake gamit ang
pag-papalabas ng binhi sa kanilang
katawan.
Wood Crop:
Tapusin niyo sila mga, root seed!
Inatake ng mga Root Seed ang mga
sibilyan at ilang mga alagad ng batas, at ilang sandali pa ay naging mga halaman
ang kanilang mga katawan.
Patuloy parin sila sa pag-atake,
pero ilang minuto lamang ay.
BLAST!!!
BOOOOOOOMMMSSS
Isang laser blast ang tumama sa
isang kumpol na Root Seed, at kagagawan ito ni Kyro sakay ng kanyang Gun Cycle,
samantala gumamit naman ng double missile launcher ang Gun Racer dahilan kung
bakit ilan sa mga root seed ay namatay.
BOOOOOOMMMMSSS
Bumaba ang dalawa sa kanilang mga
Patrol Vehicle.
Wood Crop:
Kayo nanaman! Hindi ba kayo nag-sasawa sa pakikielam niyo?
Kyro:
Pasensiya na. Tungkulin kasi namin na pigilan kayo kahit na ano pang mang yari!
Inilabas ni Kyro ang kanyang Gun Driver at ini-scan niya ang kanyang Fingerprint.
Gun Driver female voice: DNA Scan Complete!
Kyro:
GUN CHANGER!
Pag kalabit ni Kyro ng gatilyo ng
kanyang Gun Driver ay, lumabas ang pulang liwanag at mula sa badge siya naman
ang tumatangap ng enerhiya, at ilang sandali pa nag bago na ang kanyang anyo
bilang si Special Detective Gunver.
Gunver: (ipinakita
ang Badge) Special Detective Gunver ng Special investigation unit 6, inaaresto
kita sa salang pang-gugulo at pag-patay sa mga sibilyan na narito! Sumamaka sa
akin ng matiwasay kung ayaw mong masaktan!
Wood Crop:
Wag mo nga akong pinapatawa! Sige mga alagad ko patayin sila!
Umatake ang mga Root seed kila marina at Gunver.
Gunver: Marina!
Humanda kana!
Marina:
Oo!
Inilabas ni Marina ang kanyang
Double Hand Gun, at sinabayan narin niya si Gunver sa pakikipag-laban.
Gunver: Eto
ang sa inyo!!!!
Sinipa ni Gunver ang isang Root
Seed at tumalsik ito sa mga kasamahan niya, at pag-katapos nito saka naman siya
gumanti ng puntok gamit ang kanyang Gun Driver.
BANG!-BANG!-BANG!
_______________________________________________________
Gamit ang husay sa aikido, at pag
hawak ng sandata mabilis na pinapatumba ni Marina ang mga kalaban, at halos
hindi siya mahawakan ng mga ito.
BANG!-BANG!
BAAAAAGGG
BAAAAAGGG
Isang putok at isang tadyak ang
ginawa niya sa isang root seed.
Marina: Isa pa!
Lumundag si Marina, at mula sa
kanyang likuran kumuha siya ng isang Cracker Bomb at ibinato ito sa mga
kalaban, at pag-bagsak ito ay biglang.
BOOOOOOMMMMSSS
Sabog ang mga Root Seed sa ginawa
ng Babaeng Agent.
__________________________________________________________
RAPID MODE!
Walang humpay na pinag-babaril ni
Gunver ang mga root seed, gamit ang rapid mode ng kanyang Gun driver mabilis
niyang pinapabagsak ang mga kalaban ng walang hirap
Gunver: Ano
kaya niyo pa! Sige lang lumapit pa kayo!
Gundriver Female Voice: SD Memory In. Armor Changing-Chain Saw.
Muling ginamit ni Gunver ang
kanyang Chain-saw, at pinag puputol niya ang mga Root seed na akala mo ay mga
tunay na troso.
GRRRRRIIIIIIINNNDDDDD
Gunver: Heto pa!!!!
__________________________________________________
Sa itaas ng isang
gusali, nakamasid parin dito ang lalaking si Clyde, at tila nag aabang ito ng tamang tiyempo para gawin ang kanyang plano
Clyde: (Tumingin sa orasan) Oras na.
Kinuha ni clyde
ang case, at binuksan niya ito at nag lalaman pala ito ng isang kulay asul na
badge, at isang Baril na halos katulad lamang ng kay Gunver.
Clyde: Matagal kong hinintay ang
pag-kakataong ito!
ipinatong ni Clyde
ang kanyang Daliri sa Finger print scanner
Gun Snider Male Voice:
Gun Snider Configuration Serial Number 003-45-800 Comfirm Sargent Clyde
Silva.... Gun Snider is Online.
Clyde:
Simulan na natin!
Gun Sinder Male Voice: DNA SCAN COMPLETE
Clyde:
SNIDER CHANGE!
Nabalutan ng Asul na liwanag si
Clyde, at ng humupa ito isang makabagong Metalic Warrior ang lumabas
Snider: Oras na!
Para isakatuparan ang misyon.
Mula sa kanyang kinatatayuan,
lumundag si Snider pababa ng gusali, para puntahan sila Gunver kung saan nadoon
sila at nakikipag laban.
_______________________________________________________
BOOOOOOMMMSSSS
Halos paubos na ang mga Root Seed
na pinakawalan ni Wood Crop, ngunit bakas kila Gunver at marina ang pagod.
Dahil sa dami ng kanilang hinaharap.
Gunver: (humihingal)
Huf...Huf... ano kaya mo pa? Tingnan mo wala na ang mga tuod mo! Sumuko kana nalang nang maayos!
Wood Crop:
Nag papatawa ka ba! Hindi niyo ako mapapasuko dahil hindi pa tapos ang
tungkulin ko! Kaya lumabas muli kayo mga ROOT SEED!
Nag bato muli ng Binhi si Wood
Crop, at ilang sandali pa umusbong muli ang mga taong kahoy na tinalo nila
Gunver at marina kanina.
Marina:
Hindi!
Gunver: Marina
wag kang aalis sa tabi ko!
Marina:
Wag mo nga akong sabihan ng ganyan... alalahanin mo ang sarili mo sa tingin ko
mababa na ang energy level ng Gunver suit mo.
Gunver: Ganon
ba? Muka nga.
Wood Crop:
Sige mga Root Seed tapusin sila, at gawing pang-dilig ang mga dugo nila sa mga
halaman!
Akmang susugod na ang mga Root
Seed kila Gunver at marina, at mag-kasangang Dikit nalamang si Gunver at ang
babaeng agent.
Gunver: Humanda
kana! Heto na sila!
Pero maya-maya pa ay
CHANGE GRENADE LAUNCHER!
BOOOOOOMMMM
BOOOOOOMMMM
BOOOOOOMMMM
BOOOOOOMMMM
BOOOOOOMMMM
Tatlong sunod-sunod na pag-sabog
ang nang yari, at ikinagulat ito nila Gunver.
Gunver/ Marina:
ANONG!?
Wood Crop:
Sino ang pangahas nayun!!
Mula sa hindi kalayuan nakatayo
ang isang nilalang na nakasuot ng asul na baluti, at kaagad itong nag pakilala
sa pamamagitan ng pag-papakita ng kanyang Chapa.
Snider: (ipinakita ang badge) Special Police Snider ng GINGA Section Zero,
inaaresto kita sa salang pang-gugulo sa lugar na ito, kung ayaw masaktan sumama
ka ng ma ayos!
Hindi makapaniwala si Marina at Gunver sa kanilang nakita.
Gunver: Section
Zero!
Marina:
Isang Special Police!?
Ano ba talaga ang pakay ng
Section Zero at kung bakit sila nag pakita, sila ba ay magiging kakampi o
kalaban?
Case Continued