Saturday, September 9, 2017

Case 60: Last song



All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention. 

BWAAAAAAAHHHHHH

Tumilapon si Gunver at Draiger, mula sa atake sa kanila ni Atemis.  Ngunit si Draiger, tila napasama ang tama sa kaniya.

Power 50% down...sabi ng female voice sa loob ng computer helmet ni Gunver.

Dahil unti-unti nang bumababa ang kanilang mga enerhiya. At si Atemis naman, ay unti-unti nang lumalapit sa kanila, para tapusin ang laban.

Dahan-dahan namang tumayo si Gunver, ngunit si Draiger ay hindi magawang maikilos ang kaniyang kaliwang paa.

Draiger: Errr....

Gunver: Miguel!

Draiger: Lumayo ka na bilis!

Ngunit biglang tumakbo ng napaka-bilis si Atemis, para patayin na ang dalawa ni Gunver at Draiger.

Gunver: Anong! Ang bilis niya! 

Mag-hahanda sana si Gunver sa pag-depensa sa kalabang cyborg warrior, pero huli na dahil halos paubos na ang enerhiya ng kaniyang armor.

Gunver: Hindi!

Pero...

BLAST!-BLAST!-BLAST!

BOOMS!-BOOMS!

Gunver: BWAAAAAHHHHH

Tatlong sunod na pag-sabog ang naganap, at ang cyborg warrior na si Atemis ay humandusay,  at bahagyang nasira sa pag-atake na ginawa ni…

Gunver: Clyde!

Snider: Masiyado ka nang abala!

Dumating si Snider bilang Launcher mode, upang tulungan sila Gunver. Samantala si Atemis naman, ay akma muling tatayo, ngunit biglang lumapit si Snider, at tinutukan ito ng kaniyang Grenade Launcher. At saka pinasabog ito.

BBBBBOOOOOOOOMMMMMSSSSS

Gunver: Teka bakit mo ginawa yan!

Snider: Hindi na natin kailangan ang basurang ito.

Gunver: Sira ka na talaga, hindi mo ba alam na yan ang isa sa puwedeng makapag-turo kung sino si tersera!---teka si Mari!

Na-alala ni Gunver na pina-alis nga pala niya ang dalawa ni Marina at Mari.

At pag-katapos, kaagad niyang pinuntahan ang dalawa. 




Case 60: Last song

Nilibot ni Gunver ang paligid, hanggang sa makita niya si Marina na nakahandusay at walang malay.

Gunver: Marina!

Tinangal ni Gunver ang kaniyang helmet, ata saka binuhat si Marina, para gisingin ito.

Gunver: Marina! Gumising ka! Marina!

Dahan-dahan naman nagising si Marina. At nakaramdam siya ng konting sakit ng katawan.

Marina: Errr.... Kyro?

Gunver: Ayos ka lang? Teka nasaan si Mari?

Marina: Si Mari! Si Mari, kinuha siya ni Tersera.

Gunver: (Gulat) Ano!

Akay-akay naman ni Clyde si Miguel ng mag-tungo sila sa lugar nila Kyro, at narinig niya ang sinasabing pag-kawala ni Mari.

Miguel: Hindi magandang balita yan.

Kyro: Tama ka, ano kaya ang binabalak ni Tersera kay Mari?

Miguel: Hindi lang yan, tandaan mo ang mga magulang nilang pareho. Narito sila para sa reunion nila, at sa concert ni Louie.

Kyro: May punto ka, at kung malalaman ito ng mga magulang nila, tiyak isa pang malaking problema ang kahaharapin natin.

Marina: Ano na ang gagawin natin? Saan tayo mag-sisimula?

Tila nag-iisip si Kyro kung ano ang gagawin. At tila merong pumasok na idea sa utak niya.

Kyro: May naisip ako...
_____________________

Sa isang lugar dinala ni Tersera si Louie. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mata, at ng magising siya ay tila nasa isang pamilyar na lugar siya.

Mari: Teka....ang lugar na ito?

Tumayo ang dalaga, at nag-lakad lakad ito. Hanggang sa nakita niya ang isang bagay na pamilyar din sa kaniya.

Mari: Sandali?

Dinampot niya ito at ito pala ay isang microphone.

Mari: Ang mike na ito, kay Louie ito...teka nasa studio ba ako?

Tila napag-tanto ni Mari, na nasa dati silang studio, kung saan dito sila nag-rerehers ng banda nila noon ni Louie, at ilang sandali naman ay biglang bumukas ang pinto, at merong isang tao ang pumasok.

Nagulat si Mari sa taong pumasok, dahil kilalang-kilala niya ito. Dahil ito ay si.

Mari: I-Ikaw? Louie!

Louie: (Ngumiti) Kumusta na sis.

Tila naramdam ng takot at nag-tataka si Mari sa kung ano man ng binabalak gawin ni Louie sa mga oras na ito.

Louie: Oh teka, bakit parang takot ka ata na makita ako? May ginawa ba akong hindi maganda.

Mari: Louie ano bang gusto mong mang-yari? Bakit mo ako dinala dito? Para sa anong dahilan.

Louie: Dahilan? Umm, wala naman partikular na dahilan, ang gusto ko lang makasama ka para sa pag-tatanghal na gagawin ko.

Mari: Huwag mo na akong paikutin! Sabihin mo nalang sa akin ang totoo, ikaw ba, ikaw ba ang pumatay kila Misa at sa iba?

Louie: ....

Mari: Sagutin mo ako!

Ilang sandali pa, tila nag-iba ang aura sa paligid at si Louie ay nag-simulang tumawa ng merong kahulugan.

Louie: Ha Ha Ha Ha...Napa-kawalang muang mo talaga, Mari.

Mari: Ano?

Louie: Sige na, mukang hindi ko nanaman kailangan pang ilihim sa iyo, ako nga ang pumatay kila Sandro at iba pa. Ano ayos ba?

Ikinagulat ni Mari ang kaniyang narinig na katotohanan, dahil sa mismo sa bibig ng kaniyang kakambal nag-mula ang mga salitang yun.

Mari: (Takot) Hindi...Pa-paano mo nagawa ang mga bagay na iyun?  Sabihin mo!

Louie: Ginawa ko yun bilang ganti sa pag-talikod nila sa akin, sa pag-yurak ng pag-katao ko, at sa pag-tangal nila ng pangarap ko. Kaya dapat lang sa kanila ang mga ginawa ko.

Mari: Kahit na! Mali parin ang ginawa mo, kung gusto mong gumanti, dapat sa tamang paraan, hindi sa ganito. Louie... Mali ito. Maling mali.  

Louie: Mali na kung mali, hindi mo na iintindihan ang sitwasyon, at nagawa ko na ang dapat, ngayon hinihintay na ako ng entablado ko. Gusto kong panoorin mo, ang kantang mag-papabago sa lahat!

Mari: Louie! Saan ka pupunta! LOUIE!
Pag-katapos nilang mag-usap, iniwan na ni Louie si Mari, at si Mari ay naiwang balisa at lumuluha.
____________________

Miguel: Yan ang plano mo?

Kyro: Oo, mukang imposible pero sa tingin ko epektibo naman.
Kasalukuyang gumawa ng plano si Kyro para sa gagawin hakbang nila laban kay Tersera.

Marina: Teka papaano hindi kita maintindihan. Bakit gusto mo pang ituloy ang concert na ito, kung alam mo naman na delikado ang sitwasyon.

Kyro: Mag-tiwala nalang kayo, isa pa ayaw ko rin naman madismaya ang mga tao. At makikita niyo, mahuhuli natin si Tersera na walang sino man ang nasasaktan.  Pero bago yan, may kailangan muna akong kausapin.

Miguel: Teka sino naman?

Kyro: Ako na ang bahala doon, kayong dalawa Miguel, Clyde, bantayan niyo na ang Philippine Arena. Sigurado akong naroon lang si Tersera.

Marina: Pero papaano si Mari? Sigurado ka bang nasa arena rin siya?

Kyro: Hindi na natin siya kailangan hanapin, dahil siya mismo ang pupunta doon.

Clyde: Sigurado ka?  

Kyro: Maniwala ka nalang. Kaya kilos na!

Pag-katapos makagawa ng plano si Kyro, ay kumilos na sila para sa huling laban para kay Tersera.
____________________________________________________

Kasalukuyang nag-sasanay naman ngayon si Louie, para sa kaniyang malaking concert na gagawin sa Philippine Arena.

At nang matapos sila, ay nag-tungo siya sa kaniyang dressing room para mag-pahinga ng saglit. Pero tila napansin niya na merong pumasok sa loob, at kaagad niya itong sinabihan.

Louie: Talaga bang ganyan ang pag-uugali mo, Quwarta? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na mag-paalam muna bago pumasok sa silid ng may silid.

Quwarta: Gusto ko lang na palalahanan ka, alam kong alam na ng taga GINGA kung sino ka, dahil sa kapabayaan mo puwede tayong malagay sa alanganin, kung ako sa iyo hindi ko na itutuloy ito. At itutuon ko nalang ang pansin sa pag-papabagsak sa kanila.

Louie: Huwag ka ngang hibang, ito na ang isa sa pinaka malaking concert na mang-yayari sa buhay ko, kaya hindi ko to puwedeng palampasin. Wala akong pakielam kung alam na nang GINGA ang tunay kong pag-katao, ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ito. Kaya kung puwede umalis ka na.

Natahimik lang si Quwarta sa mga sinabi ni Tersera sa kaniya.

Quwarta: Tandaan mo ito Tersera, merong malaking kabayaran ang mang-yayari sa iyo, sa oras na pumalpak ka.

Bigla nalang nawala si Quwarta, at iniwang mag-isa si Louie, ngunit ang dalaga ay tila iisa lang ang iniisip.

Louie: Alam ko yun...

Ano kaya ang iniisip ni Louie?
_______________________________________________

Samantala, nagawa na nila Kyro at ng iba pa ang kanilang mga kanya-kanyang trabaho, naka-usap ni Kyro ang taong kaniyang binangit, at si Miguel at Clyde ay nag-tungo na sa mismo sa labas ng Philippine Arena, at nag-simula ng dumagsa ang mga tao para maunod ng concert.  

Clyde: Dumarating na sila.

Miguel: Napansin ko nga, grabe iba ang kalibre at karisma nitong si Tersera, hindi nila alam na ang taong hinahangaan nila ay merong madilim na sikreto.

Clyde: Nag-salita ang wala, diba ganon ka rin naman.

Miguel: Tigalan mo nga ako, gusto mo bang mag-simula ng away!?

Ilang sandali pa ay dumating na si Kyro, at tinagpo niya ang dalawa ni Clyde at Miguel.

Kyro: Buti naman at wala kayong ginawang kalokohan noong wala ako.

Clyde: Tigilan mo na yan, ano ba talaga ang gagawin natin?

Kyro: Heto...Manonood ng concert.

Clyde: Ano?!

Tila nagulat si Clyde, na ang malaking plano ni Kyro ay ang manood ng concert ni Louie.
_____________________________________________

Samantala nag-mumukmok naman si Mari sa isang sulok, at patuloy parin siya sa kaniyang pag-luha. Hanggang sa merong nag-bukas ng pinto, at ito ay walang iba kung hindi si Louie.

Louie: Mari...oras na.

Mari: Louie?

Nag-titigan lang ang dalawa.

Pag-katapos, isinama na ni Louie si Mari patungo sa arena kung saan gaganapin ang concert, ngunit ano kaya ang tumatakbo sa isipan ng kaniyang kakambal?
__________________

Makalipas ang ilang sandali, ay nag-tungo na sa loob ng arena sila Kyro kasama ang dalawa, pero nag-tanong muli si Miguel kung sino ang kaniyang kinausap.

Miguel: Teka Kyro, sino ba talaga ang kinausap mo? At huwag mong sabihin na tatapusin natin ang concert na ito bago tayo gumawa ng action.

Kyro: Ganon na nga siguro, alam ko naman na totoo ang sinasabi mo na si Louie at si Tersera ay iisa, pero hindi talaga ako makapaniwala noong una, dahil talagang taga-hanga niya ako. At saka, kailangan pag-bigyan natin siya, dahil kahit na miyembro siya ng dranixs mahal niya ang musika.

Clyde: Huwag na kayong maingay, mag-sisimula na.

Maya-maya pa ay, tuluyan ng namatay ang mga ilaw sa buong arena at nag-simulang pailawin ng mga manonood ang kanilang light stick.

At ilang sandali pa, nag-simulang tumugtog ang musika, at nag-labasan na ang mga performer para sa kanilang sayaw.

WHOOOAAAAA LOUIE!

LOUIE! I LOVE YOU!!!

Louie: Kumusta kayo!

At pag-katapos, lumabas na ang kanilang pinaka-iintay si Louie. At nag-simula na siyang kumanta, at sumabay sa indak ang mga manonood sa kaniya.

Pero habang nanunuod si Kyro, sumagi sa isip niya ang mga pinag-usapan nila, at ito ay ang isa 
sa mahalagang tao sa buhay ni Louie, at yun ay ang kaniyang ina.
______________________

Kyro: Talaga po?

Linda: Oo madalas parin kaming nag-uusap ng anak kong yun, kinukumusta niya ako kada isang linggo, at pag-may tour naman siya or guesting kaagad niya akong sinasabihan para mapanood ko siya. At pag-katapos noon, tinatawagan niya ako kung napanood ko daw siya, he he parang bata pa talaga ang anak kong yun.

Kyro: Pero kumusta naman po ang relasiyon nila ni Mari?

Linda: Ang reslasiyon ba nila bilang mag-kapatid. Sa totoo lang merong tampuhan ang dalawang yun, hindi na sila madalas mag-usap ng kagaya ng dati, pero sa ang totoo si Louie madalas parin niyang tinatanong sa akin si Mari, kung ayos lang ba siya kung kumakain ba siyang mabuti o kung okay lang ang trabaho niya, basta ang masasabi ko lang sa dalawang yun, matibay ang samahan nila kahit na medyo nag-kakatapuhan sila, kahit na noong panahong nag-kasakit ako at hindi na alam kung mabubuhay pa ako o hindi.

Hindi parin nila tinalikuran ang isa’t isa, silang dalawa ang dahilan, kung bakit ako patuloy pang nabubuhay ngayon. Sana lang balang araw, mag-kasundo na sila.

Dahil sila lang dalawa, ang pinaka magandang nang-yari sa buhay ko.
________________________

Ngayon tila alam na ni Kyro ang konting katotohanan sa likod ni Louie at Mari. Pag-katapos nilang mag-usap, nag-tungo sila Marina at Kyro sa labas.

Marina: Mukang malaking problema ang meron tayo.

Kyro: Mukha nga, noong narinig ko ang mga sinabi sa akin ni Mrs. Morales, parang bigla kong naisip.

Marina: Ano yun?

Kyro: Bakit nagawa ng Dranixs ito sa isang inosenteng pamilya, na walang ibang hinagad kung hindi maging maayos lang ang lahat. Kailangan na talaga silang matigil. Hindi na makatao ito.

Tila nagagalit din si Kyro sa mga nang-yari.
________________________

Balik sa Concert, Kasalukuyang nasa back-stage si Mari, at tila hindi niya maintindihan ang sitwasyon kung ano ang ginagawa niya dito.

Mari: Ano bang binabalak mo Louie?

Nag-papatuloy parin sa kaniyang pag-awit si Louie. Pero maya-maya ay nag-tungo muli siya sa back-stage, at tinagpo niya ang kaniyang kakambal.
_______________________

Clyde: Teka nag-punta na siya sa Back stage?

Kyro: Pabayaan mo lang.
_____________________

Mari: Louie?

Louie: Hindi pa tapos ito, tingnan mo sila ang saya nila na-aaliw at umiindak sila sa mga awit ko, hindi na ako mag-tataka na mag-karoon sila ng isang-linggong last song syndrome.

Mari: Louie!

Natigil si Louie, ng sigawan siya ni Mari.

Mari: (Pasigaw) Ano ba talagang gusto mong mang-yari? Anong pinaplano mo? Alam mong alam na nila Detective Anjelo ang tunay na pag-katao mo, bakit pinag-papatuloy mo parin ang bagay na ito?

Sa konting katahimikan ni Louie….ay sinabi niya ang totoong dahilan

Louie: Dahil sa isang pangako.

Mari: Isang pangako? Kanino naman?

Louie: Na ngako ako kay Mama, na kakanta tayo ng sabay sa concert na ito, kaya sa ayaw at sa gusto mo, kakanta tayo sa stage na ito.
Maya-maya ay inilabas ni Louie, ang isang gitara, at ibinigay niya ito kay Mari.

Louie: Heto, kunin mo...

Mari: Teka... ang gitara ko?

Louie: Buti naman at na-aalala mo payan, diba pinag-maktulan mo payan kay Mama noon? Heto kinuha ko para meron kang gamitin. Alam mo na ang gagawin, siguro naman alam mo ang isa sa mga kanta ko, na binuo natin ng sabay tayong na nga-ngarap.

Tila na-alala ni Mari ang sinasabing kanta ni Louie sa kaniya.
________________

Maya-maya ay bumalik na sa stage si Louie, at sa isang ordinaryong get-up lang ang suot niya.

Louie: Pasensiya na kung medyo natagalan ako, at pasensiya na kung ito na lang ang get-up ko. Pero hindi na mahalaga yun, dahil ang mahalaga lang dito kung ano ang laman ng concert na ito, sana naman na enjoy niyo ito.

Miguel: Teka anong pakulo naman yan?

Kyro: Hindi ko rin alam.

Louie: Bago ako mag-simula dito, sino sa inyo ang na-ngangarap na balang araw, makuha niya ang isang bagay na pinaka-gugustuhin mo,  pero sinubok ka ng panahon at hirap bago mo ito makamit.

Ilang tao ang nag-taasan ng kamay.

Louie: Magaling kung ganon, bilib ako sa inyo, ngayon taga-hanga niyo na ako, ako kasi medyo nag-kamali ako noong panahong, sinusubukan ko pang abutin ang tuktok. Una iniwan ako ng mga kaibigan ko, Pangalawa sinubok kami ng isang malaking trahedya, na minsan akala ko katapusan ko na, pero sa bandang huli naman, merong mga taong handang damayan ka sa lahat ng oras. At sila yung pinag-huhugutan ko rin ng lakas.

Kaya ang kantang ito, ay ginawa namin para sa inyo, para sa mga taong patuloy na nga-ngarap, sa mga taong humaharap sa pag-subok, at sa mga taong nag-mamahal sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Heto ang huling kanta para sa gabing ito.

CLIMBER!

At muling namatay ang mga-ilaw, at ilang sandali ay biglang nag-bago ang tug-tog na pumapalibot sa buong paligid, ang tug-tog ng isang gitara.

Miguel: Sandali Rock ba ito?

Clyde: Teka tingnan niyo!

Marina: Si Mari!!

Maya-maya pa...biglang lumabas ang taong responsable sa pag-tugtog ng gitara, at ito ay walang iba kung hindi si Mari.

Nagulat nalang ang mga manunuod sa biglang pag-sulpot ng kakambal ni Louie.

Pero si Kyro, ay tila hindi na maintindihan ang iniisip ni Louie. Kung bakit niya pinalabas si Mari sa stage.

Kyro: (Sa sarili) Louie, anong tumatakbo sa isip mo?  

Nag-patuloy sa pag-tugtog at pag-kanta si Louie at Mari, hanggang sa mag duet na silang pareho, at doon lalong napa-indak ang mga tao.

Dahil sa ganda ng boses nilang dalawa, na nakaka-halina sa mga manunuod.

Louie: (Sa sarili)Tama ito nga, ito na ang musikang matagal ko ng hinahanap. Ang makasabay na kumanta sa isang malaking stage ang kapatid ko.

Mari: (Sa sarili) Louie...Hindi ka parin nag-bago, kahit na alam ko na ang tunay na sikreto mo, patuloy mo paring pinang-hahawakan ang pag-sasama natin, kahit na sinubok na tayo ng panahon.

Kumakanta parin sila, at napunta ang atensiyon nila sa kanilang Ina, nakikitang umiiyak ito dahil sa ginagawa nilang naka-mamanghang pag-tatanghal.

Linda: Ang mga anak ko...Ang mga anak ko!

Si Kyro, ay hindi na makapaniwala sa mga nang-yayari.
_________________

Natapos ang isang napakagandang kanta na ginawa nila Louie at Mari, at ang mga tao ay umuwi ng masaya at merong bit-bit na inspiration upang mag-patuloy sa kanilang mga pangarap.

Ngunit sa back stage.

Kyro: Napakagandang Concert ang gingawa mo...Louie.

Mari: Detective!

Ilang sandali pa, lumabas rin sila Miguel at Clyde para Komprontahin si Louie.

Louie: Ano ito? Pag-katapos ko kayong pasayahin sa concert ko, ngayon aarestuhin niyo naman ako?

Clyde: Tumahimik ka nalang at sumama ng maayos----

Kyro: Sandali lang, yung ginawa mo kanina, ang pag-babago mo ng karakter sa stage, gusto kong malaman, yun ba ang tunay na ikaw?

Louie: Ano?

Kyro: Sa mga nakita ko kanina, parang inilabas mo lang ang tunay mong sarili, ang pag-mamahal mo sa musika, sa mga taong nasa paligid mo, at pati narin sa ina mo at kay Mari, lahat yun totoo sa iyo diba?

Louie: Puwede bang tumahimik ka nalang, wala kang alam tungkol sa akin.

Kyro: Puwes masasabi mo pa bang hindi totoo ang mga sinabi ng ina mo sa amin?

Mari: Teka kinausap mo si Mama?

Miguel: Kung ganon, yan ba ang plano mo?

Kyro: Oo, at nalaman ko na hindi parin talaga nawawala ang tunay na ikaw, Louie. Sinabi sa akin ng Mama mo ang lahat, lalo na kay Mari, hindi mo siya magagawang paslangin, dahil sa pag-mamahal mo sa kaniya. At napag-tanto ko rin, na kaya ka naging si tersera, dahil sa labis mong pag-papahalaga sa kanila.

Louie: Tumahimik ka na! Wala kang alam sa nakaraan ko, at wala kang alam sa mga nararamdaman ko, naging si Tersera ako dahil ito ang ginusto ko! Gusto kong maka-wala sa mabagal na pag-usad, at pang-mamata ng mga tao. Gusto kong baguhin ang lahat!
Kaya bilang si Tersera, tungkulin kong sundin ang nakakataas, at tapusin kayo!

Mari: Louie itigil mo nayan, narito sila para tulungan ka, para matapos na ang lahat ng pag-hihirap mo!

Louie: Alis!

Itinulak papalayo ni Louie si Mari, at ilang sandali pa ay unti-unting nag-bago ang anyo niya 
bilang si Tersera.

Mari: AAAAAHHHHHH

Louie: Ito na ang huling tapak niyo sa lupa.

Biglang nag-pakawala ng napakalakas na shockwave si Tersera sa tatlo nila Kyro.

Clyde: Ilag!

SSSSSSSSHHHHHHOOOOCCCCCCCCCKKKKKK

Nasira ang pader ng backstage, samantala sila Kyro naman ay nag-madaling lumabas.

Kyro: Sa labas natin dalhin ito, bilis!
__________________

At kaagad silang lumabas, para dito dalhin ang laban. Saka dito narin sila nag-palit anyo bilang mga Special Police.

SNIDER CHANGE!

GUN CHANGER!

DRAIGER CHANGE!

Pero bigla silang sinupresa ng shockwave ni Tersera.

SSSSHHHHOOOCCCCCCKKKK

Gunver: Bullet change! Electric!

Affirmative.

Binago ni Gunver ang bala ng kaniyang Gun Driver, bilang electric bullet, at pinaputukan niya si Tersera upang-pakalmahin ito.

Tersera: Hindi eepekto yan!

Ngunit sinanga lang niya ito, gamit ang kaniyang Shock wave.
________________________________
Tumayo naman kaagad si Mari para pigilan si Louie sa kaniyang ginagawa.

Mari: Louie!

Mabilis siyang nag-tungo sa labas, para pigilan ang kaniyang kapatid.
______________________________

Launcher mode...

Nag-bago na nang form ni Snider, bilang Launcher mode. At pinuntirya niya si Tersera habang nag-papakawala ito ng missile.


Snider Launcher: Target Lock on!

FIREEEEEE

Nag-pakawa siya ng sunod-sunod na missile, ngunit hinarang lang ito ng shock wave ni Tersera, at ibinalik sa kanilang tatlo.

Draiger: Lagot!

Tersera: YYYAAAAAAAAAAHHHHH

BOOMS-BOOMS-BOOMS

Tumilapon silang tatlo mula sa pag-balik nang atake na ginawa nila kay Tersera.

Gunver: Errrrrr.....

Akmang tatayo si Gunver upang lumaban muli, pero kaagad siyang naunahan ni Tersera at tinapakan niya ang ulo nito.

BBBAAAAAAAGGGGGG

Gunver: Bwaaaaahhhh!

Tersera: Kung ako sa iyo hindi na ako tatayo. Sayang, alam kong taga-hanga mo ako pero hindi natin alam na dito tayo mauuwi. Kailangan ko kayong tapusin, para tuparin ang sinumpaan ko sa samahang ito.

Gunver: Louie...makinig ka, handa akong tulungan ka, hindi natin kailangan umabot sa ganito, ala-lahanin mo ang Mama mo at si Mari. Sa mga nararamdaman nila, gusto ka na nilang umuwi.

Tersera: Tumahimik ka!

BBBAAAAAAGGGGG

Muling binigyan ni Tersera ng isang mabigat na tapak sa ulo si Gunver, at halos mabasak na ang kaniyang helmet dito.

Tersera: Wala kang alam sa mga bagay na ito, kailangan kong gawin ito, para mabuhay. At marating pa ang tuktok. Kaya mag-paalam ka na!

Biglang nag-labas ng isang talim si Tersera sa kaniyang wrist armor, at akma niya itong isa-sak-sak sa ulo ni Gunver.

Ngunit....

Mari: HUWAG LOUIE!!!

Dumating si Louie, at pumagitna ito kay Gunver para protektahan ito.

Tersera: Umalis ka diyan Mari!

Mari: Hindi ka ba titigil?! Hindi pa ba sapat sa iyo na pinatay mo ang mga kaibigan mo, at pinag-palit mo ang kaluluwa sa sinasabi mong demonyo?

Tersera: Umalis ka diyan, kung ayaw mong saktan din kita!

Mari: Hindi ako aalis, hindi ako titigil hanggang hindi ka tumigil sa kahibangan mo, 
Habang pumapagitna si Mari kay Gunver, ay si Draiger naman ay inihahanda ang Draig Driver niya para hulihin na si Tersera.

Mari: Narating mo na ang sinasabi mong tuktok, nakuha mo na ang lahat. Ang karangyaan mo at kasikatan, hanggang kailan ka pa magiging ganyan? Pinababayaan mong lamunin ka ng kasamaan sa puso mo, kaya tama na, bumalik ka na, bumalik ka na sa dating ikaw. Louie...

Tersera: Mari...

Aabutin na sana ni Mari ang kamay ni Tersera, ngunit biglang nag-bago ang isip nito.

Tersera: Hindi! Kailangan nilang mawala!

Draiger: Mari umiwas ka diyan!

Humarang bigla si Draiger, at sinalag nito ang patalim ni Tersera na isasak-sak niya muli kay Gunver.

Gunver: M-Miguel...

Draiger: Ilayo mo na si Mari!

Kaagad naman tumayo si Gunver, at inilayo si Mari kay Tersera.

Mari: Louie!!

Draiger: Tapusin na natin ito.

BBBBBBAAAAAAAGGGGG

Sinipa papalayo ni Draiger si Tersera, at saka niya pinaputukan ito.

BANG-BANG-BANG!

Draiger: Draig Zone Activate!

Biglang na-activate ang Draig Zone ni Draiger, at nakulong si Tersera. Binago muli ng binatang pulis ang kaniyang Driver bilang blade mode.

Tersera: Hindi ako makagalaw!

Dahil sa plasma chain na nakatali sa kaniya hindi makagalaw si Tersera. At doon sinumulan na muli ni Draiger ang kaniyang pag-atake.

SLASH-SLASH-SLASH!

Draiger: Heto na ang pang-huli! YYYYYAAAAAAAAAAAAHHHH

Tersera: Hindi ako papayag!

Akmang meron ding pipinduting button si Tersera sa kaniyang wrist armor...Pero.

MIGUEL HUWAG!

Parehong napahinto si Draiger at Tersera, sa pag-sigaw ni Marina.

Gunver: Marina?

Halos nawasak naman ang armor ni Tersera dahil sa mga atake na ginawa ni Draiger sa kaniya.
Pero si Tersera, ay nagulat nalang ng makita na dumarating ang kaniyang ina.

Mari: M-Mama?

Dahan-dahang lumapit si Linda sa kaniyang anak. At lumunod ito, at hinaplos ang mukha ni Tersera.

Linda: Louie... Patawarin mo ako kung malaki ang pag-kukulang ko sa inyo, alam kong nag-hirap ka ng husto noong panahong nag-kasakit ako, ginawa mo na ang lahat sa amin, kahit na isinakripisyo mo pa ang pag-katao mo, masakit para sa akin na malaman ko na nag-hihirap kayo. Kung dapat merong mawala ako nalang yun, pero hindi puwede yun dahil na ngako din ako sa iyo na panonoorin ko kayong pareho sa pinakamagandang araw niyo. Pero ngayon nagawa mo na ang lahat, kaya ako naman ang makikiusap sa iyo...umuwi ka na. Umuwi na tayo sa bahay natin.

Hinaplos ni Linda ang maskara ni Tersera.

Tersera: Ma-Mama…

Mari: Mama...

Samantala si Tersera, ay unti-unting napa-luha, dahil naramdaman niya ang pag-mamahal at pag-mamalasakit ng kaniyang ina. At doon hinubad niya ang suot niyang maskara.

Louie: Patawad mama...patawarin mo ako kung naging masamang anak ako sa inyo! Hu Hu Hu...

Napayakap nalang si Louie sa kaniyang ina, at si Mari ay napatakbo at napayakap narin ito sa kanila.

Mari: Mama, Louie! Sorry din, sorry din kung nag-kulang ako.

Linda: Hindi kayo nag-kulang sa akin, kayo ang siyang buhay at kaligayahan ko, kahit pa baligtarin ang mundo, anak ko parin kayo. At mahal na mahal ko kayo.

Sila Kyro naman at ang iba ay tila nadadala sa drama ng mag-iina. Hinubad naman ni Draiger ang kaniyang Maskara.

Draiger: Hindi ko akalain na, ganito pala kalambot si Tersera, siguro i-kukunsirida ko na, biktima lang siya ng mapang linglang na hangarin ng Dranixs.

Gunver: Ganon din ako, pero kailangan parin niyang panagutan ang ginawa niya sa mga kaibigan niya.

Habang pinag-mamasdan nila Gunver ang mag-iina. Biglang naramdaman nila ang isang mabilis na presensiya na paparating.

Snider: Teka ano yun?!

Marina: Sa itaas!

Nakita rin ni Tersera ang paparating na bagay sa kanila, at kaagad niyang itinulak papalayo ang kaniyang ina at kapatid.

Louie: Mama! Mari!

Mari: AAAHHHHH

BBBBRRRRRRRUUUUUNNNNNNNN

Isa pala itong malakas na bola ng apoy, at pinigilan ito ni Tersera para protektahan ang kaniyang pamilya.

Linda: Anak!

Gunver: Saan galing yun!?

Masiyado ka talagang walang muang Tersera!

Draiger: Ikaw...Quwarta!

Si Quwarta ang dumating, upang tapusin si Tersera.

Louie: ERRRRRR...

Quwarta: Mukang nag-kamali ata ang nakakataas sa pag-pili sa iyo, kaya ang pag-kakamaling yun, ay tatapusin ko!

Mas pinalaki pa ni Quwarta ang kaniyang apoy, at halos masunog na ang armor ni Tersera.

Mari: Louie!

Gunver: Itigil mo yan!

Umatake naman ang tatlo nila Draiger, Snider at Gunver kay Quwarta, para pigilan ito.

Quwarta: Mga walang kuwenta!

Pero nag-pakawala ng mga fire ball si Quwarta, at tinmaan ang tatlo, dahil doon patuloy na bumaba ang kanilang mga energy level ng armor na suot nila.

Gunver: BWAAAAAHHHHH

Marina: Kyro! Miguel!

Louie: Errrrr...

Habang pinipigilan ni Louie ang apoy, lumingon siya kay Mari, at sinabi nito sa kaniyang kakambal.

Louie: Mari...ikaw na ang bahala kay Mama, ituloy mo ang mga pangarap natin.

Mari: Louie kung ano man yang binabalak mo, huwag mong ituloy!

Ngumiti lang si Louie sa kaniyang kapatid at Ina.

Louie: Hanggang sa muli, ito na ang huling kanta ni Louies Ann Morales!

Mari: Louie huwag!

Linda: Anak!

Pinindot ni Louie ang button sa kaniyang wrist armor, at ilang sandali ay nabago ng bahagya ang kaniyang baluti, at ang malaking bola ng apoya ay binuhat niya papunta kay Quwarta.

Quwarta: Ano ang binabalak niya!  

Tersera: Quwarta, ito na ang relago mo sa akin, ibinabalik ko na sa iyo, at samahan mo ako...papunta sa impiyerno!

Quwarta: Hindi!!!

Ibinato ni Tersera ang malaki ng bola ng apoy kay Quwarta, at inilabas na nito ang isa sa pinaka malakas niyang atake, bilang pangatlo sa mga boss ng dranixs.
Ang ultimate sonic wave.

Tersera: YYYYYAAAAAAAAAAAAHHHHH

Mari: LOUIE!!!!!!!!!!

At dahil sa lakas nito, halos nawasak at basag lahat ng salamin sa buong paligid. 

BBBBBBBOOOOOOOOOMMMMMSSSSSS

At pag-katapos, tuluyan na itong sumabog.
____________________________________________________________

Ilang araw ang naka-lipas.

GINGA Cafe...

Kasalukuyang gumagawa ng sariling imbestigasyon ang PNP, kaugnay sa pag-kasira ng ilang bahagi ng Philippine arena, ngunit nakiusap ang GINGA, na huwag na itong ituloy...dahil tapos na ang mismong naturang kaso, samantala si Louie Ann Morales, ay binawian ng buhay sa mismong araw ng matapos ang kaniyang pag-tatanghal, maraming taong ang nalungkot at nakiramay sa pag-kawala niya, dahil ang huling kanta na inawit niya, ay nag-bigay sa kanila ng bagong pag-asa upang mangarap.

Nag-labas ng statement ang kaniyang manager kaugnay sa pag-kamatay niya, at pinalabas nito na meron siyang malubhang sakit, ito ay para protektahan ang tunay niyang pag-katao sa publiko, dahil sa mata ng kaniyang taga-hanga, isa siyang instrumento ng pag-asa, na kaya mong mangarap at mag-patawad.

At tinapos na ni Kyro ang kaniyang pag-susulat ng report kaugnay sa kaso ni Louie Ann Morales. At maya-maya ay bigla namang pumasok si Mei.

TOK-TOK

Kyro: Ate Mei?

Mei: May tao lang na gustong kumausap sa iyo.

Kyro: Teka sino naman?

Mei: Hindi ko alam, pero gusto ka niyang makita, at pumunta ka daw sa lugar na ito.

Ibinigay ni Mei ang address ng lugar kung saan niya tatagpuin ang sinasabing gustong makipag-kita sa kaniya.
_______________________

Sakay ng kaniyang Gun Cycle, nag-tungo si Kyro sa South Cementery, at doon nakita niya si Mari na dinadalaw ang puntod ni Louie.

Kyro: Mari?

Mari: Detective.

Kaagad naman lumapit si Kyro sa kaniya.

Kyro: Teka anong kailangan mo? Bakit mo ako pinapunta dito?

Mari: Ah, wala naman gusto ko lang mag-pasalamat sa iyo, sa lahat ng na itulong mo.

Kyro: Ganon ba, wala sa akin yun dahil trabaho ko yun, kaya lang hindi ako nag-tagumpay na iuwi sa inyo si Louie. Patawad.

Mari: Huwag kang humingi ng tawad, dahil alam ko kahit siya gusto rin ito, ang makawala na sa kasamaan na dinadala niya, sa bandang huli. Naging mabuti siyang anak at kapatid. Kaya ipinag-mamalaki ko siya. At sa iyo naman, at sa iyo alam kong narito ka rin...Miguel tama ba?

Kyro: Miguel?

Biglang lumabas si Miguel, na hindi akalain ni Kyro na sinundan pala siya nito.

Mari: Maraming salamat sa iyo. Utang namin ang lahat ng ito sa inyo.

Kyro: Teka, matanong ko lang...ano na ang balak mo ngayon?

Napangiti si Mari ng tinanong siya ni Kyro.

Mari: Ang balak ko? Siguro ituloy ang naputol naming mga pangarap, gusto kong ma-alala ng mga tao, kung gaano kasarap ang mangrap. Yun na muna siguro sa ngayon. Sige, mauna na ako.

Pag-katapos makipag-usap ni Mari sa kanila, ay kaagad itong umalis. Pero bago yun sumulyap muli siya sa puntod ni Louie, at pag-katapos umalis na siya ng tuluyan.

Mari: Maraming salamat sa iyo…Louie.

Lumapit naman si Miguel kay Kyro.

Kyro: Bakit mo nga pala ako sinundan dito?

Miguel: Wala, gusto ko lang sana mag-pahangin yun lang.

Kyro: Kung yan ba ang sinabi mo. Hindi na kita pipilitin.

Miguel: Kyro.

Kyro: Ano yun?

Miguel: Tapusin natin ang Dranixs, para wala ng madamay na isang inosente na kagaya ni Louie ang masilaw sa maling landas.

Kyro: Ganon nga ang nasasa-isip ko.
______________________________________________________

Makati City…

Na doon siya!

HABULIN NIYO HUWAG NIYO SIYANG HAYAANG MAKALAYO!  

Tila nag-kakagulo ang mga kapulisan dahil sa isang taong hinahabol nila. Pero ang hindi nila alam, ay hindi nila ito mahuhuli kahit na ano pa ang gawin nila.

At mula sa itaas ng gusli, lumitaw ang tila hinahabol ng mga naturang pulis, hawak ang isang diyamante. At ang nilalang ay isa palang babae.

?: Kawawa naman, hindi nila alam ang peligro na hatid nito.  Well, masarap din namang gumanap na isang kontrabida, kahit alam mong sa sarili mo, na ikaw ang siyang bida.

Ngumiti ang babae, at umalis ito. Pero sino kaya ito? At ano ang magiging papel niya sa mga susunod na pang-yayari?

Case Continued...