All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Kasalukuyang
hinahanap ni Kyro ang sagot mula sa mysterio ng pag-paslang sa mga sikat na
personalidad sa showbiz, at ngayon tila malapit na niyang matuklasan ang lahat.
At ito ay sa tulong ng kakambal ni Louie na si Mari.
Pero ano nga
ba ang kahihinatnan ng lahat nang ginagawang ito ng isa sa pinakamataas na
miyembro ng Dranixs?
Case 58: Ang pag-usbong
Sa
ospital...
Ikinagulat
ni Mari ang pag-kakaroon ng malay ng kanyang ina.
Mari: Mama! Mama!
Dahil sa
pag-sigaw ni Mari, biglang nataranta ang kaniyang ama, at bigla nalang itong
pumasok sa loob ng silid.
Ben: Teka anong nang-yayari!?---A-Anong.
Nakita niya
na unti-unting bumabangon ang kanyang asawa mula sa sakit nito. At pag-katapos
noon ay siya namang gumanti ng ngiti.
______________________________________________
Patuloy na
hinanap ni Louie ang taong madalas na nag-papakita sa kanya, at sa bawat sulok
at eskenita tiningnan niya ito, upang tanungin pa siya sa kanyang mga nalalaman.
At ang tungkol sa sinabi niyang hinirang.
Louie: Nasaan na siya? Ano ba ang nalalaman niya sa
akin. At ano ang sinasabi niyang isang hinirang?
Hindi
tumigil si Louie sa kanyang pag-hahanap, hanggang sa makarating siya sa dulo ng
siyudad.
Halos wala
ng tao dito, at napakadilim at patuloy na umuulan. Nang bigla namang merong
sumulpot na isang groupo ng mga kalalakihan.
Lalaki 1: Aba, tingnan mo nga naman. Hindi ko akalain
na merong maliligaw na babae dito.
Lalaki 2: Wheeew...ang ganda pa niya, at mukang
makinis at maputi.
Lalaki 3: Mga tol, medyo tigang na ako nitong mga
nakaraang araw, puwede na sa akin ito, total mukang wala naman siyang kasama.
Lalaki 1: Sabagay kinakati rin ako ngayon.
Isang mga
nakakatakot na tingin at ngiti ang makikita sa mga lalaking ito, at tila meron
silang masamang balak kay Louie.
Louie: Teka anong binabalak niyo…Huwag! Huwag
kayong lalapit! Huwag!!!!
Mabilis na
sinungaban ng isa sa mga lalaki si Louie, at kaagad siyang hinawakan sa mga
braso nito. Upang hindi maka-palag.
Lalaki 3: Bilis tangalin niyo na yan!
Louie: AAAAAAHHHHHHHH...tulong!!! Tulongan niyo
ako!
Ang isang
lalaki ay tinangkang tangalin ang suot na pantalon ni Louie, para gawin ang
kanilang pang-hahalay dito.
Lalaki 2: Huwag kang maingay, pangako hindi ka namin
sasaktan kapag sumunod ka lang.
Ang lalaking
nag-tatangal sa pantalon ni Louie, ay nag-tatangal na nang kanyang pantalon. At
ang iba naman ay patuloy na tinatangalan ng kaniyang saplot ang dalaga.
Ngunit sa
isipan ng dalaga, ay tila na blangko na, at tila tangap na niya ang kanyang kapalaran
ito.
Louie: (Sa sarili) Ito na ba...ito na ba ang
kapalaran ko, dito na ba mag-tatapos ang lahat. Ang mga pangarap ko, ang mga
gusto ko pang marating, para kila Mama at Papa, at para sa aming dalawa ni
Mari....dapat hindi dito matapos ang lahat, hindi pa...hindi pa.
HINDIII!!!!
Sumigaw si
Louie ng napakalas, at akma naman siyang susuntukin ng isa sa mga lalaki para
tumahimik ito.
Lalaki 1: Tumahimik ka-----
BWAAAAAAAAHHHHHHHH
Ang lalaki
susuntok sana kay Louie ay bigla nalang natumba, at ikinagulat ito ng mga
kasama niya.
Louie: I-Ikaw?
Lalaki 2:
T-Teka sino ka?
Ang lalaking
nag-patumba sa mga nag-tatangak kay Louie, ay walang iba kung hindi ang
lalaking matagal ng tumutulong sa kanya.
Lalaki: Ang mga kagaya niyo, ay dapat hindi na
pinatatagal pa.
Lalaki 3: Walang hiya ka!
Nag-labas ng
kanyang balisong ang isa sa mga lalaki, at sabay nilang sinugod ang lalaking
tumulong kay Louie.
Pero pasugod
palang sila, ay meron na itong kakaibang aura na inilabas sa kanyang paligid,
na dahilan kung bakit tila natakot ang mga ito.
Lalaki 2: T-teka anong klaseng pakiramdam ito? Hindi
ko maigalaw ang mga katawan ko.
Lalaki 3: Buwiset...Lumayo ka! Huwag!!!
Lalaki: Ito na ang kaparusahan niyo.
Ngumiti lang
ang lalaki, at sa isang iglap lang, tinapos niya ang mga ito. Na parang walang
nang-yari.
______________________________________________
Samantala,
unti-unting tumayo si Louie, pinuntahan niya ang mysteryosong lalaki.
Louie: Ikaw, ano bang kailangan mo? Bakit sa tuwing nalalagay ako sa panganib,
dumadating ka nalang. Sabihin mo ano ba talaga ang pakay mo sa akin? At ano
tinutukoy mong hinirang?
Pero imbes na sagutin ang mga katanungan niya, ay inabutan ng lalaki si Louie ng isang jacket, at ipinasusuot niya ito sa kanya, dahil sa sinira ng mga lalaking muntik ng mag-samantala ang kanyang suot na damit.
Lalaki: Kunin mo.
Louie: A-ah...salamat.
Kinuha ni
Louie ang jacket, at isinuot niya ito.
Louie: Ngayon sagutin mo na ako, ano ba ang pakay
mo?
Lalaki: Hindi pa kita kailangan sagutin sa ngayon.
Louie: Ano? Pero bakit!?
Lalaki: Bumalik ka kung nasaan ang pamilya mo, at
doon mo malalaman ang buong kasagutan
kung bakit naririto ako sa harap mo.
Louie: Sa pamilya ko? Teka anong kinalaman nila
dito----
Nawala
nalang bigla ang mysteryosong lalaki ng tatanungin pa siya muli Louie.
Louie: Nawala siya?
______________________________________________
Nag-madaling
nag-tungo si Louie sa ospital, kung saan narito ang buong pamilya niya.
Louie: Kailangan kong malaman ang sagot. Kailangan.
Habang
nag-mamadali siya, ay siya namang nakabanga niya ang kanyang kakambal na si
Mari.
BBAAAAAMMM
Louie: Aray...Pasensiya na....Teka Mari!
Mari: Louie! Teka saan ka ba nag-punta, alam mo
bang kanina pa ako tumatawag sa iyo. Sandali anong nang-yari sa iyo? Sugat ba
yan?
Louie: Pasensiya na, mahabang kuwento.
Mari: Louie, Makinig ka...Si Mama.
Napansin ni
Louie ang isang malungkot na mukha kay Mari.
Louie: Teka anong nang-yari kay Mama!
________________________________________________
Kaagad
nag-madaling pumunta si Louie sa silid ng kaniyang ina, at ng makita niya ito,
halos nang-laki ang mga mata niya.
Dahil ang
kanyang ina, ay tila walang nang-yari na kahit anong karamdaman sa kaniya.
Louie: M-Mama?
Hindi parin
maka-paniwala si Louie sa kanyang nakikita, na ang kanilang ina ay naka-ngiti
sa kanya.
At
nag-salita ito sa kanya....
Linda: Louie...Anak...(Ngumiti)
Unti-unting humakbang si Louie na merong ka halong
pag-tataka, hanggang sa bigla nalang niyang sinungaban ang kanyang ina, at dito
na nag-umpisang tumulo ang kanyang mga luha.
Louie: Mama! Mama!
Hinaplos ni
Linda ang ulo ng kanyang anak, at samantala hindi rin makita sa tuwa nila Ben
at Mari ang tuwa na sa wakas, tapos na
ang bangungot nila.
_____________________________________________
Samantala
kinausap ng mga doctor si Mari at si Ben tungkol sa kalagayan ni Linda.
Ben: Ano?
Mari: Seryoso po
ba kayo diyan doc?
Doctor: Oo, tama ang narinig niyo, ang lahat ng sintomas ng sakit mula sa
kanyang katawan ay parang nawala ng isang bula, hindi man ako makapaniwala,
pati na ang tumor na nabubuo sa kanyang utak ay nag-laho rin, dalawang beses
namin siyang kinunan ng resulta, ngunit talagang wala na, wala na ang cancer
niya.
Nag-tataka
sila Mari at Ben, kung bakit parang isang bula na nawala ang cancer ni Linda sa
kanyang buong katawan.
Mari: Sigurodo po ba kayo na wala kayong ginagawa
sa Mama ko?
Doctor: Wala, wala kaming ginagawa na kahit ano sa
kanya, maliban sa pag-kuha ng kalagayan niya, pero mag-pasalamat nalang tayo sa
isang himalang nang-yari, siguro dahil narin yun sa pag-mamahal niyo sa kanya,
kaya siya binigyan pa ng isa pang pag-kakataon. Sige maiwan ko muna kayo.
Umalis ang
Doctor, ngunit si Mari ay nahihiwagaan sa mga nang-yayari.
_____________________________________________________
Kausap naman
ni Louie si Linda, at kinuwento niya ang mga ilang bagay na gusto niyang
mang-yari sa hinaharap.
Linda: Maganda yang plano mo, sana lang
mag-tagumpay ka anak.
Louie: Siguro kagustuhan narin ng diyos na gumaling
ka, dahil sa mga pangarap ko para sa inyo.
Pero tila
nalungkot si Linda ng mga sandaling yun, at si Mari naman ay akmang papasok,
ngunit hindi niya itinuloy ito, dahil sa biglang pag-sasalita ng kanilang ina.
Linda: Louie, hindi ko alam kung anong nang-yari sa
akin, nitong mga nakaraang araw, tila merong isang taong nag-papahiwatig na ang
lahat ng ito ay may kaukulang kapalit.
Louie: Ano po? Hindi ko po kayo maintindihan?
Linda: Gusto ko lang sabihin na, mag-ingat
ka...hindi natin alam ang puwede pang mang-yari, dahil pakiramdam ko...ang
pag-kakagaling kong ito, ay may kaukulang kapalit. (Ngumiti) At ipangako mo sa
akin, hindi mo hahayaan na masaktan ang kapatid mo, kahit anong mang-yari.
Louie: Mama...
Tila hindi
maintindihan ni Louie ang mga sinabi ni Linda sa kanya, at si Mari ay ganon
din.
__________________________________________________
Kyro: So buhay pa pala ang mama niyo.
Mari: Oo, buhay pa siya...at kasalukuyang nasa US
sila ni Papa.
Kyro: Ganon ba....
Nag-isip-isip
ng sandali si Kyro, ng nag-desisyon siyang sabihin ang gusto pa niyang malaman.
Kyro: Mari, Pasensiya na kung magiging personal na
ito, pero...ano ba talaga ang dahilan ng pag-alis ni Louie sa inyo?
Mari: Hmp...mukang wala na rin akong choice, sige
sasabihin ko na sa iyo ang dahilan. Nang-yari yung matapos makalabas ni Mama sa
ospital, nag-usap kami ni Louie tungkol sa mga ilang mga bagay, at isa narin
doon ang mysteryosong pag-kakagaling ng mama namin.
___________________________________________________
Sa bahay
nila Mari, kalalabas lang ng kanilang ina mula sa ospital, at si Mari, ay tila
hindi mapalagay sa mga nang-yayari.
Pumasok sa
loob ng kanilang bahay ang kanilang mga magulang na merong mga ngiti sa labi,
at si Louie ay labis din ang saya, dahil sa wakas kumpleto na muli sila.
Ngunit...
Mari: Louie...
Louie: Bakit? Ano yun Mari?
Lumapit si
Louie kay Mari. At kinompronta niya ito.
Mari: Puwede ba kitang makausap. Nang pribado..
Louie: Hah?
___________________________________________________
Lumayo muna
sila Mari at Louie sa kanilang bahay, ngunit nag-tataka si Louie, na tila iba
ang timpla ng kaniyang kakambal.
Louie: Sandali ano bang pag-uusapan natin? Bakit
kailangan pa nating lumayo.
Tumigil si
Mari sa kaniyang pag-lalakad.
Mari: Mas mainam na dito na natin pag-usapan ang
lahat.
Louie: Hindi kita maintindihan, parang na ninibago
ata ako sa iyo----
Mari: Ikaw ang hindi ko maintindihan!
Louie: Ano?!
Sandali, ano bang gusto mong palabasin?
Mari: Si Mama, hindi ako kumbinsido sa pag-galing
niya.
Louie: Ano? Teka ano bang sinasabi mo? Kita mo
namang ang lakas na ni Mama, at halos lahat ng sakit niya ay wala na, tapos
hindi ka kumbinsido...anong gusto mong palabasin doon?
Mari: Louie...meron ka bang ginawa? Kasi kung
meron man, tiyak hindi ito makakabuti para sa atin.
Louie: Alam mo hindi kita maintindihan...ang mabuti
pa bumalik na tayo.
Mari: Huwag mo akong talikuran!
Napasigaw si
Mari dahil sa galit niya.
Louie: Teka bakit ka ba nagagalit ng ganyan, malay
ko ba kung bakit gumaling si mama ng ganon, at isa pa huwag mo ng isipin pa ang
mga bagay na yan, ang mahalaga magaling na siya tapos!
Mari: Hindi ako kumbinsido sa mga nang-yayari,
kahit si Mama mismo, kita ko sa mga mata niya na tila merong kakaibang
nang-yari. Hindi basta-basta mawawala ang sakit niyang yun gamit lang isang
medesina na meron tayo dito. May mali sa nang-yayaring ito.
Louie: Alam mo...walang mali sa nang-yayari, ang
tanging mali lang dito, ay wala kang ginawa para sa mabilis na pag-galing niya.
Mari: Hah? Ulitin mo nga yung sinabi mo! Alam mo
bang halos hindi na ako umalis sa tabi niya, tapos sasabihin mo ako ang may
mali. Baka ikaw, ni hindi ko nga alam kung ano ginagawa mo sa labas! Kung
humahanap ka ba ng tulong o mas inuuna mo sarili mong kapakanan!
Louie: Wala kang alam sa mga pinag-daanan ko sa
labas, kaya tumahimik ka nalang. Lahat ng hirap at pasakit dinanas ko, para
lang makahanap ng tulong para kaya Mama, kaya huwag mong isusumbat sa akin na
lagi kang nasa tabi niya...Dahil sa ating dalawa, ako ang mas desididong gumaling
siya, kahit na ibenta ko pa ang kaluluwa ko sa demonyo gagawin ko, gumaling
lang siya.
Mari: Ano? Ibenta...ang kaluluwa mo sa demonyo?
Ano bang pinag-sasabi mo!
Tila
na-alala ni Louie ang lalaking tumutulong sa kanya, tila naisip niya na meron
itong kinalaman sa pag-galing ng kaniyang ina. Kaya nag-pasiya na siya sa mga
oras na ito.
Louie: Mari...mukang kailangan ko ng putulin ang
ugnayan natin bilang pamilya. Kung hindi mo rin lang ako maiintindihan. Hindi
narin kita kailangan.
Mari: Ano?...Louie!
Louie: Simula ngayon mag-kanya kanya na tayo...pero
huwag kang mag-alala, hindi ko ititigil ang supporta kay Mama, aakyatin ko ang
pinakatuktok. Gamit ang mga tinig na ito.
Dumiklim ang
buong kalangitan, at nag-simulang pumatak ang mabigat na buhos ng ulan, at si
Louie at Mari, ay nag-hiwalay na nang landas, ngunit si Mari ay hindi
makapaniwala sa mga sinabi ng kaniyang kakambal.
_________________________________________________
Mari: At doon pinutol ni Louie ang ugnayan namin
bilang mag-kapatid, hindi talaga ako makapaniwala na tatalikuran niya kami,
para lang sa career niya.
Kyro: Sandali may nasabi siya na ibebenta niya ang
kaluluwa niya sa demonyo? Parang yun ang
gumugulo sa isip ko ngayon.
Mari: Kahit ako ganon din, isa lang malaking
mysteryo ang pag-galing ni Mama mula sa tumor niya, at ang biglaan pag-sikat
niya bilang isang singer.
Kyro: Mukang malalim ang kasong ito, pero ano
kinalaman ng Dranixs, bakit ba nila pinapatay ang mga taong nasa larawan na
ito? Posible kaya na susunod na ang isa sa kanila? Pero ano ba itong
bumabagabag sa isip ko?
Iniisip ni
Kyro na posibleng kasunod na si Mari at Louie sa mga bibiktimahin. Ngunit tila
merong gumugulo sa isipan ng detective. Na possible na siya ang may pananagutan
ng lahat.
__________________________________________________________
Philippine
Arena, kasalukuyang nasa gitna ng stage si Louie, at pinag-mamasdan niya ang
buong paligid.
Louie: Muli, narito na nanaman ako...hawak ko na
ang tagumpay, at tangin tinig ko lang ang siyang maririnig sa stage na ito,
habang isinisigaw nila ang pangalan ko. At sinasamba ang mga awitin ko.
Pero hindi
ko parin makakalimutan, ang pinaka-ugat ng lahat.
_________________________________________________________
Matapos
umalis sa bahay nila, hinanap muli ni Louie ang lalaking, tumulong sa kaniya,
upang tanungin sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang ina.
Ilang
sandali pa sa kaniyang pag-lalakad, ay nag-pakita na sa kanya ito.
Lalaki: Hinahanap mo ba ako?
Louie: Ikaw?
Lalaki: Mukang marami kang katanungan para sa akin,
pero hindi dito ang tamang lugar para gawin yun. (Iniabot ang kaniyang kamay)
Hali ka, sumama ka...at sasabihin ko sa iyo ang buong katotohanan.
Inabot ni
Louie ang kamay ng lalaki, at sumama na ito ng tuluyan sa kaniya.
_________________________________________________________
Dinala siya
nito, sa isang sikreto nilang himpilan, at ito ay walang iba, kung hindi ang
himpilang ng Dranixs.
Louie: Teka, nasa anong lugar ako? Saan mo ako
dinala?
Lalaki: Narito ka sa tahanan ko, kung saan dito
mag-sisimula ang lahat.
Louie: Mag-sisimula ang lahat? Sandali, huwag mo
akong paikutin, gusto kong malaman...may kinalaman ka ba sa pag-galing ng mama
ko!
Ngumit ang
Lalaki sa kanya, at muling lumapit ito. Pero medyo napa-atras si Louie dahil
tila merong kakaiba sa kanya.
Lalaki: Yun ang panunang biyaya ko para sa iyo.
Louie: Biyaya? Anong ibig mong sabihin doon?
Lalaki: Totoo, ako ang dahilan ng pag-galing ng ina
mo mula sa kaniyang karamdaman, tinangal ko lahat ng pag-hihirap niya para sa
iyo. Upang makausad ka.
Louie: Paano mo naman ginawa yun? Imposible, hindi
ka naman isang doctor para gawin yun, at lalong hindi ka di----
Lalaki: Kung ako sa iyo, hindi ko na itutuloy ang
mga sasabin ko.
Napahinto si
Louie sa kaniyang pag-sasalita.
Lalaki: Hindi nga ako isang doctor, at hindi rin ako
isang diyos para paniwalaan mo...pero ang mga bagay na ginawa ko para sa iyo,
yun ang kailangan mong paniwalaan.
Louie...alam
mo bang sa mundong ito, ay halos lahat kontrolado lang ng iisang systema?
Louie: Kontrolado?
Lalaki: Tama Kontrolado, mapa media man, o gobyerno,
lahat ito ay pawang kontrolado lang ng iisang tao, at paano kung sabihin ko sa
iyo, kaya mong kontrolin ang entablado na gusto mo.
Tila nabago
aura ni Louie, sa mga narinig niya.
Lalaki: Karamihan sa mga tao, maraming hinahangad sa
kanilang buhay, ngunit limitado lang ito at kung minsan, hindi rin nila
napapag-tagumpayan ang mga bagay na minimithi nila. Kaya ang iba sa kanila, namamtay
nalang sa pangarap nilang yun.
Pero mapalad
ka...dahil isa ka sa mga pinili, para maging tulay sa pag-babagong ito.
Louie: Tulay?
Lalaki: Tulay na siyang mag-babago sa baluktot na
daan, na siyang titingalain ng lahat. At ang tinig mo ang siyang magiging boses
ng mga taong tikom.
Kasikatan,
karangyaan, kapangyarihan, kagandahan at buhay na walang hanggan, lahat yon
kaya namin ibigay, basta tuparin mo lang ang tungkulin mo bilang isang tulay.
Louie: Hindi ko alam ang mga pinag-sasabi
mo...naguguluhan ako.
Lalaki: Kung naguguluhan ka, hayaan mong gabayan
kita, patungo sa tagumpay na gusto mong marating. At lahat ng gustohin mo, ay
siyang maibibigay ko, ng ganon ka bilis.
At ang lahat ng mga taong minaliit ka, luluhod sa iyo. Para sambahin ka.
Louie: Luluhod....para sambahin ako?
Naisip ni
Louie ang mga taong umapi sa kaniya noong kailangan niya ang tulong ng mga ito,
ngunit sa bandang huli ay tinalikuran siya dahil sa mga maling paratang sa
kanya.
Hanggang sa nag-iba
ang mga pananaw ng dalaga.
Louie: Luluhod sila sa akin? Sabihin mo! Papaano ko
magagawa yun!
Lalaki: Hayaan mong ...tangapin ang nakatadhana sa
iyo, bilang isang hinirang.
Louie: Hinirang...kung ganon, tinatangap ko, kung
ano man yan wala na akong pakielam...ibebenta ko na ang kaluluwa ko sa iyo.
Kasikatan at karangyan, pati na ang ganda na hahangaan ng lahat.
Napa-ngiti
nito ang Lalaki, at sa wakas, nakuha na niya ang isa sa mga kaniyang
taga-sunod.
Lalaki: Tama yan, ikaw nga ang hinirang na hinahanap
ko...Pero may kapalit ang lahat ng ito.
Louie: Kapalit?
Lalaki: Kung iniisip mo na magiging ligtas na ang
iyong ina, puwes nag-kakamali ka.
Louie: Ano?
Lalaki: Dahil sa isang iglap lang...puwede ko siyang
bawian ng buhay, kung mag-kakamali ka lang sa mga bagay na gagawin mo. Tandaan
mo ito, hindi ito basta-basta. Dahil ang iyong ina, ang siyang magiging papel
natin bilang kontrata.
Louie: Sige, pumapayag ako...pero ipangako mo. Wala
kang gagawin sa kanya.
Lalaki: Tapat akong kausap.(Ngumiti)
Makikita sa
mga mata ni Louie ang determinasyon, at pag-hihiganti sa mga taong umapi sa
kaniya noon.
Tuluyan ng
sumali si Louie sa Dranixs, at dito nalaman ang buong katotohanan sa kaniya
bilang miyembro nito.
Ngunit
magawa kaya nila Kyro na matuklasan ang buong katotohanan?
Case
Continued...
No comments:
Post a Comment