Saturday, May 27, 2017

Case 58: Ang pag-usbong








All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.


Kasalukuyang hinahanap ni Kyro ang sagot mula sa mysterio ng pag-paslang sa mga sikat na personalidad sa showbiz, at ngayon tila malapit na niyang matuklasan ang lahat. At ito ay sa tulong ng kakambal ni Louie na si Mari.

Pero ano nga ba ang kahihinatnan ng lahat nang ginagawang ito ng isa sa pinakamataas na miyembro ng Dranixs? 


Case 58: Ang pag-usbong

Sa ospital...

Ikinagulat ni Mari ang pag-kakaroon ng malay ng kanyang ina.

Mari: Mama! Mama!

Dahil sa pag-sigaw ni Mari, biglang nataranta ang kaniyang ama, at bigla nalang itong pumasok sa loob ng silid.

Ben: Teka anong nang-yayari!?---A-Anong.

Nakita niya na unti-unting bumabangon ang kanyang asawa mula sa sakit nito. At pag-katapos noon ay siya namang gumanti ng ngiti.
______________________________________________

Patuloy na hinanap ni Louie ang taong madalas na nag-papakita sa kanya, at sa bawat sulok at eskenita tiningnan niya ito, upang tanungin pa siya sa kanyang mga nalalaman. At ang tungkol sa sinabi niyang hinirang.

Louie: Nasaan na siya? Ano ba ang nalalaman niya sa akin. At ano ang sinasabi niyang isang hinirang?

Hindi tumigil si Louie sa kanyang pag-hahanap, hanggang sa makarating siya sa dulo ng siyudad.

Halos wala ng tao dito, at napakadilim at patuloy na umuulan. Nang bigla namang merong sumulpot na isang groupo ng mga kalalakihan.

Lalaki 1: Aba, tingnan mo nga naman. Hindi ko akalain na merong maliligaw na babae dito.

Lalaki 2: Wheeew...ang ganda pa niya, at mukang makinis at maputi.

Lalaki 3: Mga tol, medyo tigang na ako nitong mga nakaraang araw, puwede na sa akin ito, total mukang wala naman siyang kasama.

Lalaki 1: Sabagay kinakati rin ako ngayon.

Isang mga nakakatakot na tingin at ngiti ang makikita sa mga lalaking ito, at tila meron silang masamang balak kay Louie.

Louie: Teka anong binabalak niyo…Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!!!!
Mabilis na sinungaban ng isa sa mga lalaki si Louie, at kaagad siyang hinawakan sa mga braso nito. Upang hindi maka-palag.

Lalaki 3: Bilis tangalin niyo na yan!

Louie: AAAAAAHHHHHHHH...tulong!!! Tulongan niyo ako!
Ang isang lalaki ay tinangkang tangalin ang suot na pantalon ni Louie, para gawin ang kanilang pang-hahalay dito.

Lalaki 2: Huwag kang maingay, pangako hindi ka namin sasaktan kapag sumunod ka lang.
Ang lalaking nag-tatangal sa pantalon ni Louie, ay nag-tatangal na nang kanyang pantalon. At ang iba naman ay patuloy na tinatangalan ng kaniyang saplot ang dalaga.

Ngunit sa isipan ng dalaga, ay tila na blangko na, at tila tangap na niya ang kanyang kapalaran ito.

Louie: (Sa sarili) Ito na ba...ito na ba ang kapalaran ko, dito na ba mag-tatapos ang lahat. Ang mga pangarap ko, ang mga gusto ko pang marating, para kila Mama at Papa, at para sa aming dalawa ni Mari....dapat hindi dito matapos ang lahat, hindi pa...hindi pa.

HINDIII!!!!

Sumigaw si Louie ng napakalas, at akma naman siyang susuntukin ng isa sa mga lalaki para tumahimik ito.

Lalaki 1: Tumahimik ka-----

BWAAAAAAAAHHHHHHHH

Ang lalaki susuntok sana kay Louie ay bigla nalang natumba, at ikinagulat ito ng mga kasama niya.

Louie: I-Ikaw?

Lalaki 2: T-Teka sino ka?

Ang lalaking nag-patumba sa mga nag-tatangak kay Louie, ay walang iba kung hindi ang lalaking matagal ng tumutulong sa kanya.

Lalaki: Ang mga kagaya niyo, ay dapat hindi na pinatatagal pa.

Lalaki 3: Walang hiya ka!

Nag-labas ng kanyang balisong ang isa sa mga lalaki, at sabay nilang sinugod ang lalaking tumulong kay Louie.

Pero pasugod palang sila, ay meron na itong kakaibang aura na inilabas sa kanyang paligid, na dahilan kung bakit tila natakot ang mga ito.

Lalaki 2: T-teka anong klaseng pakiramdam ito? Hindi ko maigalaw ang mga katawan ko.

Lalaki 3: Buwiset...Lumayo ka! Huwag!!!

Lalaki: Ito na ang kaparusahan niyo.

Ngumiti lang ang lalaki, at sa isang iglap lang, tinapos niya ang mga ito. Na parang walang nang-yari.
______________________________________________

Samantala, unti-unting tumayo si Louie, pinuntahan niya ang mysteryosong lalaki.

Louie: Ikaw, ano bang kailangan mo?  Bakit sa tuwing nalalagay ako sa panganib, dumadating ka nalang. Sabihin mo ano ba talaga ang pakay mo sa akin? At ano tinutukoy mong hinirang?

Pero imbes na sagutin ang mga katanungan niya, ay inabutan ng lalaki si Louie ng isang jacket, at ipinasusuot niya ito sa kanya, dahil sa sinira ng mga lalaking muntik ng mag-samantala ang kanyang suot na damit.

Lalaki: Kunin mo.

Louie: A-ah...salamat.

Kinuha ni Louie ang jacket, at isinuot niya ito.

Louie: Ngayon sagutin mo na ako, ano ba ang pakay mo?

Lalaki: Hindi pa kita kailangan sagutin sa ngayon.

Louie: Ano? Pero bakit!?

Lalaki: Bumalik ka kung nasaan ang pamilya mo, at doon mo malalaman ang buong kasagutan 
kung bakit naririto ako sa harap mo.

Louie: Sa pamilya ko? Teka anong kinalaman nila dito----

Nawala nalang bigla ang mysteryosong lalaki ng tatanungin pa siya muli Louie.

Louie: Nawala siya?
______________________________________________

Nag-madaling nag-tungo si Louie sa ospital, kung saan narito ang buong pamilya niya.

Louie: Kailangan kong malaman ang sagot. Kailangan.

Habang nag-mamadali siya, ay siya namang nakabanga niya ang kanyang kakambal na si Mari.

BBAAAAAMMM

Louie: Aray...Pasensiya na....Teka Mari!

Mari: Louie! Teka saan ka ba nag-punta, alam mo bang kanina pa ako tumatawag sa iyo. Sandali anong nang-yari sa iyo? Sugat ba yan?

Louie: Pasensiya na, mahabang kuwento.

Mari: Louie, Makinig ka...Si Mama.

Napansin ni Louie ang isang malungkot na mukha kay Mari.

Louie: Teka anong nang-yari kay Mama!
________________________________________________

Kaagad nag-madaling pumunta si Louie sa silid ng kaniyang ina, at ng makita niya ito, halos nang-laki ang mga mata niya.

Dahil ang kanyang ina, ay tila walang nang-yari na kahit anong karamdaman sa kaniya.

Louie: M-Mama?

Hindi parin maka-paniwala si Louie sa kanyang nakikita, na ang kanilang ina ay naka-ngiti sa kanya.

At nag-salita ito sa kanya....

Linda: Louie...Anak...(Ngumiti)

Unti-unting  humakbang si Louie na merong ka halong pag-tataka, hanggang sa bigla nalang niyang sinungaban ang kanyang ina, at dito na nag-umpisang tumulo ang kanyang mga luha.

Louie: Mama! Mama!

Hinaplos ni Linda ang ulo ng kanyang anak, at samantala hindi rin makita sa tuwa nila Ben at Mari ang tuwa na sa wakas,  tapos na ang bangungot nila.
_____________________________________________

Samantala kinausap ng mga doctor si Mari at si Ben tungkol sa kalagayan ni Linda.

Ben: Ano?

Mari: Seryoso po  ba kayo diyan doc?

Doctor: Oo, tama ang narinig niyo,  ang lahat ng sintomas ng sakit mula sa kanyang katawan ay parang nawala ng isang bula, hindi man ako makapaniwala, pati na ang tumor na nabubuo sa kanyang utak ay nag-laho rin, dalawang beses namin siyang kinunan ng resulta, ngunit talagang wala na, wala na ang cancer niya.

Nag-tataka sila Mari at Ben, kung bakit parang isang bula na nawala ang cancer ni Linda sa kanyang buong katawan.

Mari: Sigurodo po ba kayo na wala kayong ginagawa sa Mama ko?

Doctor: Wala, wala kaming ginagawa na kahit ano sa kanya, maliban sa pag-kuha ng kalagayan niya, pero mag-pasalamat nalang tayo sa isang himalang nang-yari, siguro dahil narin yun sa pag-mamahal niyo sa kanya, kaya siya binigyan pa ng isa pang pag-kakataon. Sige maiwan ko muna kayo.

Umalis ang Doctor, ngunit si Mari ay nahihiwagaan sa mga nang-yayari.
_____________________________________________________

Kausap naman ni Louie si Linda, at kinuwento niya ang mga ilang bagay na gusto niyang mang-yari sa hinaharap.

Linda: Maganda yang plano mo, sana lang mag-tagumpay ka anak.

Louie: Siguro kagustuhan narin ng diyos na gumaling ka, dahil sa mga pangarap ko para sa inyo.
Pero tila nalungkot si Linda ng mga sandaling yun, at si Mari naman ay akmang papasok, ngunit hindi niya itinuloy ito, dahil sa biglang pag-sasalita ng kanilang ina.

Linda: Louie, hindi ko alam kung anong nang-yari sa akin, nitong mga nakaraang araw, tila merong isang taong nag-papahiwatig na ang lahat ng ito ay may kaukulang kapalit.

Louie: Ano po? Hindi ko po kayo maintindihan?

Linda: Gusto ko lang sabihin na, mag-ingat ka...hindi natin alam ang puwede pang mang-yari, dahil pakiramdam ko...ang pag-kakagaling kong ito, ay may kaukulang kapalit. (Ngumiti) At ipangako mo sa akin, hindi mo hahayaan na masaktan ang kapatid mo, kahit anong mang-yari.   

Louie: Mama...

Tila hindi maintindihan ni Louie ang mga sinabi ni Linda sa kanya, at si Mari ay ganon din.
__________________________________________________

Kyro: So buhay pa pala ang mama niyo.

Mari: Oo, buhay pa siya...at kasalukuyang nasa US sila ni Papa.

Kyro: Ganon ba....

Nag-isip-isip ng sandali si Kyro, ng nag-desisyon siyang sabihin ang gusto pa niyang malaman.

Kyro: Mari, Pasensiya na kung magiging personal na ito, pero...ano ba talaga ang dahilan ng pag-alis ni Louie sa inyo?

Mari: Hmp...mukang wala na rin akong choice, sige sasabihin ko na sa iyo ang dahilan. Nang-yari yung matapos makalabas ni Mama sa ospital, nag-usap kami ni Louie tungkol sa mga ilang mga bagay, at isa narin doon ang mysteryosong pag-kakagaling ng mama namin.
___________________________________________________

Sa bahay nila Mari, kalalabas lang ng kanilang ina mula sa ospital, at si Mari, ay tila hindi mapalagay sa mga nang-yayari.

Pumasok sa loob ng kanilang bahay ang kanilang mga magulang na merong mga ngiti sa labi, at si Louie ay labis din ang saya, dahil sa wakas kumpleto na muli sila.

Ngunit...

Mari: Louie...

Louie: Bakit? Ano yun Mari?

Lumapit si Louie kay Mari. At kinompronta niya ito.

Mari: Puwede ba kitang makausap. Nang pribado..

Louie: Hah?
___________________________________________________

Lumayo muna sila Mari at Louie sa kanilang bahay, ngunit nag-tataka si Louie, na tila iba ang timpla ng kaniyang kakambal.

Louie: Sandali ano bang pag-uusapan natin? Bakit kailangan pa nating lumayo.

Tumigil si Mari sa kaniyang pag-lalakad.

Mari: Mas mainam na dito na natin pag-usapan ang lahat.

Louie: Hindi kita maintindihan, parang na ninibago ata ako sa iyo----

Mari: Ikaw ang hindi ko maintindihan!

Louie: Ano?!  Sandali, ano bang gusto mong palabasin?

Mari: Si Mama, hindi ako kumbinsido sa pag-galing niya.

Louie: Ano? Teka ano bang sinasabi mo? Kita mo namang ang lakas na ni Mama, at halos lahat ng sakit niya ay wala na, tapos hindi ka kumbinsido...anong gusto mong palabasin doon?

Mari: Louie...meron ka bang ginawa? Kasi kung meron man, tiyak hindi ito makakabuti para sa atin.

Louie: Alam mo hindi kita maintindihan...ang mabuti pa bumalik na tayo.

Mari: Huwag mo akong talikuran!  
Napasigaw si Mari dahil sa galit niya.

Louie: Teka bakit ka ba nagagalit ng ganyan, malay ko ba kung bakit gumaling si mama ng ganon, at isa pa huwag mo ng isipin pa ang mga bagay na yan, ang mahalaga magaling na siya tapos!

Mari: Hindi ako kumbinsido sa mga nang-yayari, kahit si Mama mismo, kita ko sa mga mata niya na tila merong kakaibang nang-yari. Hindi basta-basta mawawala ang sakit niyang yun gamit lang isang medesina na meron tayo dito. May mali sa nang-yayaring ito.

Louie: Alam mo...walang mali sa nang-yayari, ang tanging mali lang dito, ay wala kang ginawa para sa mabilis na pag-galing niya.

Mari: Hah? Ulitin mo nga yung sinabi mo! Alam mo bang halos hindi na ako umalis sa tabi niya, tapos sasabihin mo ako ang may mali. Baka ikaw, ni hindi ko nga alam kung ano ginagawa mo sa labas! Kung humahanap ka ba ng tulong o mas inuuna mo sarili mong kapakanan!

Louie: Wala kang alam sa mga pinag-daanan ko sa labas, kaya tumahimik ka nalang. Lahat ng hirap at pasakit dinanas ko, para lang makahanap ng tulong para kaya Mama, kaya huwag mong isusumbat sa akin na lagi kang nasa tabi niya...Dahil sa ating dalawa, ako ang mas desididong gumaling siya, kahit na ibenta ko pa ang kaluluwa ko sa demonyo gagawin ko, gumaling lang siya.

Mari: Ano? Ibenta...ang kaluluwa mo sa demonyo? Ano bang pinag-sasabi mo!

Tila na-alala ni Louie ang lalaking tumutulong sa kanya, tila naisip niya na meron itong kinalaman sa pag-galing ng kaniyang ina. Kaya nag-pasiya na siya sa mga oras na ito.

Louie: Mari...mukang kailangan ko ng putulin ang ugnayan natin bilang pamilya. Kung hindi mo rin lang ako maiintindihan. Hindi narin kita kailangan.

Mari: Ano?...Louie!

Louie: Simula ngayon mag-kanya kanya na tayo...pero huwag kang mag-alala, hindi ko ititigil ang supporta kay Mama, aakyatin ko ang pinakatuktok. Gamit ang mga tinig na ito.

Dumiklim ang buong kalangitan, at nag-simulang pumatak ang mabigat na buhos ng ulan, at si Louie at Mari, ay nag-hiwalay na nang landas, ngunit si Mari ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ng kaniyang kakambal.
_________________________________________________

Mari: At doon pinutol ni Louie ang ugnayan namin bilang mag-kapatid, hindi talaga ako makapaniwala na tatalikuran niya kami, para lang sa career niya.

Kyro: Sandali may nasabi siya na ibebenta niya ang kaluluwa niya sa demonyo? Parang yun ang 
gumugulo sa isip ko ngayon.

Mari: Kahit ako ganon din, isa lang malaking mysteryo ang pag-galing ni Mama mula sa tumor niya, at ang biglaan pag-sikat niya bilang isang singer.

Kyro: Mukang malalim ang kasong ito, pero ano kinalaman ng Dranixs, bakit ba nila pinapatay ang mga taong nasa larawan na ito? Posible kaya na susunod na ang isa sa kanila? Pero ano ba itong bumabagabag sa isip ko?

Iniisip ni Kyro na posibleng kasunod na si Mari at Louie sa mga bibiktimahin. Ngunit tila merong gumugulo sa isipan ng detective. Na possible na siya ang may pananagutan ng lahat.
__________________________________________________________

Philippine Arena, kasalukuyang nasa gitna ng stage si Louie, at pinag-mamasdan niya ang buong paligid.

Louie: Muli, narito na nanaman ako...hawak ko na ang tagumpay, at tangin tinig ko lang ang siyang maririnig sa stage na ito, habang isinisigaw nila ang pangalan ko. At sinasamba ang mga awitin ko.

Pero hindi ko parin makakalimutan, ang pinaka-ugat ng lahat.
_________________________________________________________

Matapos umalis sa bahay nila, hinanap muli ni Louie ang lalaking, tumulong sa kaniya, upang tanungin sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang ina.

Ilang sandali pa sa kaniyang pag-lalakad, ay nag-pakita na sa kanya ito.

Lalaki: Hinahanap mo ba ako?

Louie: Ikaw?

Lalaki: Mukang marami kang katanungan para sa akin, pero hindi dito ang tamang lugar para gawin yun. (Iniabot ang kaniyang kamay) Hali ka, sumama ka...at sasabihin ko sa iyo ang buong katotohanan.

Inabot ni Louie ang kamay ng lalaki, at sumama na ito ng tuluyan sa kaniya.
_________________________________________________________

Dinala siya nito, sa isang sikreto nilang himpilan, at ito ay walang iba, kung hindi ang himpilang ng Dranixs.

Louie: Teka, nasa anong lugar ako? Saan mo ako dinala?

Lalaki: Narito ka sa tahanan ko, kung saan dito mag-sisimula ang lahat.

Louie: Mag-sisimula ang lahat? Sandali, huwag mo akong paikutin, gusto kong malaman...may kinalaman ka ba sa pag-galing ng mama ko!

Ngumit ang Lalaki sa kanya, at muling lumapit ito. Pero medyo napa-atras si Louie dahil tila merong kakaiba sa kanya.

Lalaki: Yun ang panunang biyaya ko para sa iyo.

Louie: Biyaya? Anong ibig mong sabihin doon?

Lalaki: Totoo, ako ang dahilan ng pag-galing ng ina mo mula sa kaniyang karamdaman, tinangal ko lahat ng pag-hihirap niya para sa iyo. Upang makausad ka.

Louie: Paano mo naman ginawa yun? Imposible, hindi ka naman isang doctor para gawin yun, at lalong hindi ka di----

Lalaki: Kung ako sa iyo, hindi ko na itutuloy ang mga sasabin ko.
Napahinto si Louie sa kaniyang pag-sasalita.

Lalaki: Hindi nga ako isang doctor, at hindi rin ako isang diyos para paniwalaan mo...pero ang mga bagay na ginawa ko para sa iyo, yun ang kailangan mong paniwalaan.

Louie...alam mo bang sa mundong ito, ay halos lahat kontrolado lang ng iisang systema?

Louie: Kontrolado?

Lalaki: Tama Kontrolado, mapa media man, o gobyerno, lahat ito ay pawang kontrolado lang ng iisang tao, at paano kung sabihin ko sa iyo, kaya mong kontrolin ang entablado na gusto mo.
Tila nabago aura ni Louie, sa mga narinig niya.

Lalaki: Karamihan sa mga tao, maraming hinahangad sa kanilang buhay, ngunit limitado lang ito at kung minsan, hindi rin nila napapag-tagumpayan ang mga bagay na minimithi nila. Kaya ang iba sa kanila, namamtay nalang sa pangarap nilang yun.  

Pero mapalad ka...dahil isa ka sa mga pinili, para maging tulay sa pag-babagong ito.

Louie: Tulay?

Lalaki: Tulay na siyang mag-babago sa baluktot na daan, na siyang titingalain ng lahat. At ang tinig mo ang siyang magiging boses ng mga taong tikom.

Kasikatan, karangyaan, kapangyarihan, kagandahan at buhay na walang hanggan, lahat yon kaya namin ibigay, basta tuparin mo lang ang tungkulin mo bilang isang tulay.

Louie: Hindi ko alam ang mga pinag-sasabi mo...naguguluhan ako.

Lalaki: Kung naguguluhan ka, hayaan mong gabayan kita, patungo sa tagumpay na gusto mong marating. At lahat ng gustohin mo, ay siyang maibibigay ko, ng ganon ka bilis.  At ang lahat ng mga taong minaliit ka, luluhod sa iyo. Para sambahin ka.

Louie: Luluhod....para sambahin ako?

Naisip ni Louie ang mga taong umapi sa kaniya noong kailangan niya ang tulong ng mga ito, ngunit sa bandang huli ay tinalikuran siya dahil sa mga maling paratang sa kanya.
Hanggang sa nag-iba ang mga pananaw ng dalaga.

Louie: Luluhod sila sa akin? Sabihin mo! Papaano ko magagawa yun!

Lalaki: Hayaan mong ...tangapin ang nakatadhana sa iyo, bilang isang hinirang.

Louie: Hinirang...kung ganon, tinatangap ko, kung ano man yan wala na akong pakielam...ibebenta ko na ang kaluluwa ko sa iyo. Kasikatan at karangyan, pati na ang ganda na hahangaan ng lahat.

Napa-ngiti nito ang Lalaki, at sa wakas, nakuha na niya ang isa sa mga kaniyang taga-sunod.

Lalaki: Tama yan, ikaw nga ang hinirang na hinahanap ko...Pero may kapalit ang lahat ng ito.

Louie: Kapalit?

Lalaki: Kung iniisip mo na magiging ligtas na ang iyong ina, puwes nag-kakamali ka.

Louie: Ano?

Lalaki: Dahil sa isang iglap lang...puwede ko siyang bawian ng buhay, kung mag-kakamali ka lang sa mga bagay na gagawin mo. Tandaan mo ito, hindi ito basta-basta. Dahil ang iyong ina, ang siyang magiging papel natin bilang kontrata.

Louie: Sige, pumapayag ako...pero ipangako mo. Wala kang gagawin sa kanya.

Lalaki: Tapat akong kausap.(Ngumiti)

Makikita sa mga mata ni Louie ang determinasyon, at pag-hihiganti sa mga taong umapi sa kaniya noon.

Tuluyan ng sumali si Louie sa Dranixs, at dito nalaman ang buong katotohanan sa kaniya bilang miyembro nito.

Ngunit magawa kaya nila Kyro na matuklasan ang buong katotohanan?

Case Continued...