All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Sa isang
bar, isang babae ang siyang kumakanta sa stage, habang kinakanta niya ang
kanyang awitin hindi naman mag-kamayaw ang mga tao sa pag-indak mula sa
kaniyang musika.
At nang
matapos ang kanyang kinakanta, ay nag-sigawan ang mga manunuod.
WWWWHHHHOOOOOOO...
Ang galing mo
Louie!!
Louie!!!!!
Ang
mang-aawit na ito ay walang iba kung hindi si Louie, noong mga panahong wala pa
siya sa kanyang major debut.
Louie: (Sa sarili) Hindi ito sapat...gusto kong
abutin ang tuktok, sa kahit anong paraan.
Habang
nag-sisigawan ang mga tao, isa sa mga audience niya ay tila meron iniisip.
Case 56: Debut
Kasalukuyan
nakikipag-laban parin ngayon si Gunver sa nilalang na sumalakay sa kanya. At
pinaputukan niya ito nang pinaputukan.
BANG!-BANG!-BANG!
Pero sinalag
lang nito ang kanyang mga bala, gamit nang kanyang bakal na kamay.
Gunver: Tch...pang-asar na ito...Anong!!
Pag-katapos
umatake ni Gunver, ay siya naman ang siyang umatake sa kanya, at hinabol siya
nang isang malakas na slash and detective.
Ngunit
umiwas ang detective sa mga atake, at nang maka-hanap siya nang butas, ginamit
niya ang kanyang isa sa mga SD card, at ito ay ang chain saw.
Sinipa niya
muna ito papalayo, at dito na siya muling sumugod.
Gunver: YAAAHHH
GGGGGRRRRIIIIINNNNNN
Pinigilan
parin ito nang kalaban niya, ngunit sa pag-kakataong ito, nagawang maputol ni
Gunver ang mga kamay nito. Kaya napa-atras niya ang nilalang.
Gunver: Tapos ka na ngayon!
Pero ilang
sandali lang ay dumating na sila Draiger at Zhapyra.
Zhapyra: Kyro!
Gunver: Kayo pala!
Draiger: Teka sino naman ang isang yan?
Gunver: Hindi ko alam, pero malakas ang kutob ko na
may kinalaman siya sa pag-paslang na nang-yayari.
Zhapyra: Kung ganon kailangan natin siyang hulin!
Gunver: Ganon na nga, tayo na!
Umatake muli
si Gunver kasama ang dalawa pang Special Police, ngunit hindi naman nila
inaasahan ang pag-dating nang isang kakampi nang kanilang kalaban.
SSSSSSHHHHHHHOOOCCCCCKKKKK
Isang shock
wave ang nag-patalsik sa tatlo.
Gunver: BWAAAAAAAHHHHHH
Hay...Hay...Tama
na ang palabas.
Nagulat
nalang sila sa pag-dating ni Tersera.
Draiger: I-ikaw! Tersera
Tersera: Wow...naa-alala mo ako, Mr. Knives...
Gunver: Anong ginagawa mo dito?!
Tersera: Ako? Ummppp...sinusundo ko lang ang alaga
ko, dahil mukang sinaktan mo siya nang husto.
Gunver: Sabihin mo, may kinalaman ba kayo sa mga
pag-paslang na nagaganap?
Tersera: Nasaktan ka ba atemis? Ohhhh kawawa ka
naman.
Gunver: Hoy! Makinig ka!
Binalingan
muli ni Tersera sila Gunver dahil sa pag-sigaw sa kanya nito.
Tersera: Puwede bang huwag mo akong sigawan.
Gunver: Sagutin mo ako nang maayos, ikaw ba ang may
gawa nang lahat nang ito!?
Tersera: Eh ano naman kung ako...bakit may magagawa
ka?
Gunver: Ano? Kung ganon ikaw?
Tersera: Syempre naman, at wala ng iba.
Tahasang
sinabi ni Tersera na siya nga ang gumagawa nang pag-paslang sa mga sikat na
mang-aawit at artista.
Tersera: Masiyado na silang sagabal sa akin, kaya
kailangan mag-bawas na ako. Hindi naman ata puwedeng may ako kahati sa iisang
entablado. Dahil ako lang, ang siyang dapat ang nasa tuktok...
At dahil sa
mga sinabi at pag-amin ni Tersera na siya ang gumagawa nang pag-paslang, hindi
nag-dalawang isip si Gunver na atakehin ito para hulihin.
Gunver: Ang sama mo...Ang sama mo!!!!!
YYYYAAAAAAAHHHHHH
Zhapyra:
Sandali Kyro!
Tersera: Hmp....
Pero
biglang.....
SSSSHHHHOOOCCCCCCKKKKKKKKK
Isa muling
malakas na shock wave ang siyang lumabas sa armor ni Tersera, na ikinatalsik ni
Gunver papalayo sa kanya.
Gunver: Errrrr.....
Tersera: Pasensiya na pero...hindi ako makakapayag na
mahuli niyo ako o kahit na itong si atemis, kaya mag-papaalam muna ako.
Gunver: S-Sandali!
Nag-pakawala
muli nang isang shock wave si Tersera at, doon na siya tuluyang tumakas.
__________________________________________________
Sa bahay ni
Mari, habang siya ay nag-aayos sa silid niya ay aksidenteng nahulog nito ang
picture frame, muli niya itong pinulot, at nakita niya ang larawan nila nang
kakambal na si Louie.
Tila
nasariwa kay Mari ang lahat nang mga pang-yayari noong mag-kasama pa sila ni
Louie sa iisang bahay.
Dahil ang
silid na kanyang kinatatayuan ngayon, ay ang silid nilang pareho.
Mari: Louie...
_________________________________________________
Bumalik si
Tersera sa kanilang himpilan, at nag-tungo ito sa kaniyang silid. At saka siya bumalik sa tunay niyang anyo
bilang si Louie.
At sa
pag-pasok niya, ay nakita rin niya ang isang larawan na naka-kalat sa silid.
Pinulot niya ito at pinag-masdan, ito rin ang larawan na kagaya nang kay Mari.
________________________________________________
3 years
ago...Merong isang simple at payak na pamilya sila Mari at Louie. At higit sa
lahat ang isang pangarap na gustong matupad.
Mari: Louie! Hoy Louie!
Kasalukuyang
natutulog ngayon si Louie sa kanilang silid, at ginigising siya ni Mari.
Louie: Tumahimik ka nga, alam mo namang
nag-papahinga pa ako.
Mari: Ano ka ba, hindi ka ba papasok? May report
tayong kailangang gawin. Ikaw ang inaasahan ko dito.
Louie: Shut up...
Mari: Hmp...bahala ka, kung hindi ka papasok,
sinasabi ko sa iyo, i-c-cancel ko ang gig nang banda niyo.
Bigla nalang
napatayo si Louie sa sinabi ni Mari.
Louie: Hah! Nag-bibiro ka ba?!
Mari: Seryoso ako, kung hindi ka papasok dahil
lang sa dahilan mong wala kang tulog, puwes mabuti pang itigil mo na ang
pag-kanta. Alam mo naman hindi lang dapat yan ang pinag-tutuunan mo nang
pansin, mahalaga rin na may natapos ka.
Louie: Ikaw naman, sige hintayin mo nalang ako sa
ibaba, maliligo lang ako.
Ngumiti si
Mari matapos niyang mapapayag na pumasok ang kapatid.
_______________________________________________________________
Sabay
pumasok ang dalawa, at masaya silang binate nang mga taong nakaka-salubong
nila.
Louie: Grabe, ang daming bumabati sa akin simula
nang dumating tayo dito.
Mari: Ayaw mo noon, at least kahit pa-unti-unti
makikilala na kayo.
Louie: Hindi ko naman sinabi na i-upload mo sa account
mo ang gig na yun.
Mari: Hi Hi...hayaan mo na lang.
Maya-maya ay
pumasok na sila sa kanilang class room, at binati sila nang isa sa mga ka-klase
nila.
*Good morning!*
Mari: Ah good morning Misa!
Si Misa pala
ito at kasama siya sa kanilang banda bilang guitarista at second vocalist.
Mari: Mukang hindi ka ata na puyat ah.
Misa: Hindi naman masiyado, ang totoo hype parin
ako hanggang ngayon.
Mari: Parang baliktad ata kayo ni Louie, siya
medyo pagod at hindi pa masiyadong naka-tulog.
Misa: Konting tiis nalang naman ito at
makaka-graduate na tayo. Nasasa atin na yun kung itutuloy pa natin ang
pag-babanda.
Nag-salita
naman si Louie tungkol sa sinabi ni Misa.
Louie: Tutuloy ako.
Misa: Ano?
Louie: Tutuloy ako, mag-kakameron ako nang major
debut, at makakapag-concert sa isang malaking stage. Yun ang pangarap ko. At
walang makakapigil doon.
Natahimik
nalang si Misa at Mari sa mga sinabi ni Louie, at makikita sa mga mata niya ang
pagiging seryoso nito.
Mari: Syempre, kasama mo ako... hanggang sa huli.
Louie: Oo naman.
___________________________________________________
Hindi
matatawaran ang samahan nang kambal, ngunit sa pag-daan nang mga araw, hindi
nila inaasahan ang mga pag-subok na darating sa kanilang buhay.
Habang nasa
klase ang dalawa, ay meron isang teacher ang nag-mamadali, at kaagad niyang
tinawag ang dalawa.
Professor: (Humihingal) Huf...Huf...
Female Prof: Teka sir anong ginagawa niyo? Bakit ata
hingal na hingal kayo?
Professor: Pasensiya na...emergency lang ito, narito ba
ang dalawang nila Mari at Louie
Morales?
Napalingon
ang dalawa sa pag-tawag nang kanilang pangalan. At sumagot sila.
Mari: Bakit po?
Professor: Ang mama niyo, dinala siya ngayon sa
ospital!
Nabigla ang
dalawa, sa kanilang narinig.
_______________________________________________
Sa isang
ospital sa Q.C. nag-tungo ang dalawa, at kaagad nilang pinuntahan ang kanilang
ina.
Louie: Mama!
Kaagad
pumasok ang dalawa, at naabutan nila ang kanilang ama na si Ben at kausap ang
doctor.
Mari: Papa, anong nang-yari kay mama?
Ben: Mari, Louie...
Louie: Anong nang-yari sa kanya, sabihin niyo!
Tinapik nang
doctor ang balikat nang kanilang ama, para sabihin sa dalawa ang buong
katotohanan.
Ben: Louie, Mari...Ang totoo niyan, si
Mama...hindi na siya mag-tatagal.
Tila gumuho
ang mundo nang kambal nang marinig ang sinabing katotohanan nang ama sa kanila.
Louie: I-Imposible, nag-bibiro ka lang diba...papa?
Mari: Oo nga, ang lakas pa ni mama nitong nakaraang
araw, at na nuod pa siya nang concert ni Louie.
Doctor: Mga bata, ang totoo niyan meron brain cancer
ang mama niyo, nasa stage 4 na ito at binibigyan nalang siya nang anim o limang
buwan para mabuhay.
Napapaiyak
na ang dalawa sa kanilang mga narinig.
Louie: (Napapaiyak) Sinungaling! Hindi yan totoo,
mabubuhay si mama, at makikita niya akong
mag debut at kumanta sa pinaka
malaking stage! Hindi yan totoo...Hindi yan totoo.
WAAAAAAHHHHH!!
Mari: (Naiyak) Louie...
Louie: (Naiyak) Nag-mamakaawa ako, pagalingin niyo
ang mama ko, pagalingin niyo siya!!
_________________________________________________
Matapos
malaman ang nang-yari sa kanilang ina, tila nag-iisip si Louie nang ibang
paraan para mailigtas ang ina nito mula sa tiyak ka kamatayan.
At sa
terrace nang kanilang bahay.
Naroon
si Louie, at pinag-mamasdan ang mga
bituin sa langit. Nilapitan siya ni Mari para kausapin ito.
Mari: Narito ka lang pala.
Louie: Ikaw pala...
Mari: Louie, anong iniisip mo ngayon?
Louie: Iniisip ko kung papaano natin mapapagaling
si mama, kung may pag-asa pa siyang gumaling.
Mari: Louie...hindi mo ba narinig ang sinabi nang
doctor? Hindi na mag-tatagal si mama, meron nalang siyang ilang buwan para
mabuhay, at kung lalo pang sasama ang kondisiyon niya, baka hanggang ngayon
nalang siya o bukas-----
Louie: Tumahimik ka! Hindi siya mamatay...makikita
pa niya uli akong kumanta, at sa isang malaking stage kagaya nang Philippine
arena, kung saan isinisigaw nila ang pangalan ko, kung saan ipinag-mamalaki
niya ako, at kasama karin doon! Ayaw mo ba siyang gumaling at makasama pa nang
mas matagal?!
Tila namunuo
muli ang mga luha sa mga mata ni Louie.
Mari: Hindi naman sa ganon, pero...ito ang katotohanan,
imposible na Louie.
At doon
tuluyan na muling pumatak ang kanyang luha, dahil sa tila tanggap na ni Mari
ang sasapitin nang kanilang ina.
Louie: Ayaw ko sayo...
Mari: Ano?
Louie: (Umiiyak) Ayaw ko na sa iyo!
Pag-katapos
sabihin ni Louie ang mga bagay na ito ay iniwan niya si Mari.
Mari: Sandali, Louie!!
Umalis si
Louie sa kanilang bahay na merong sama nang loob sa kanyang kakambal.
_______________________________________________________
Dalawang
araw na ang nakaka-lipas matapos ang kanilang hindi pag-kakaunawaan, hindi pa
muli nag-papakita si Louie sa kanya.
Misa: Teka, hindi parin pumapasok si Louie? Nasaan
ba siya ngayon?
Mari: Hindi ko rin alam, tinatawagan ko siya pero
hindi niya sinasagot ang phone niya. Nag-aalala na nga ako.
Misa: Hindi naman kaya, kasama siya Sandro o yung
ibang band mate natin? Baka nasa studio siya para mag-rehears, dahil may gig
tayo bukas diba?
Mari: Posible, sige mamaya punta tayo sa studio
para tingnan siya.
_______________________________________________
Kasalukuyang
nasa isang studio si Louie ngayon, at todo ang kaniyang pag-r-rehears para sa
kanilang gig bukas.
At nang
matapos sila, ay naupo muna si Louie sa isang tabi upang mag-pahinga. Saka
naman siya inabutan ni Sandro nang bottle water.
Sandro: Heto...
Louie: Ah salamat...
Kinuha ni
Louie ang tubig, saka niya ito ininom. At habang nag-papahinga sila kinausap
siya ni Sandro, at nabangit ang ilang bagay para sa kanilang career.
Sandro: Nabalitaan ko ang tungkol sa mama
mo...kumusta na siya?
Louie: Ah, nasa ospital parin siya hanggang ngayon.
Ewan ko ba, hindi ko rin alam ang gagawin ko.
Sandro: Buti hindi ka na-aapektuhan sa mga
nang-yayari.
Louie: Hindi talaga, dahil alam kong gagaling pa
siya, at makikita niya ako muling kumanta.
Sandro: Dapat lang, dahil konti nalang, malapit na
nating maabot ang pangarap natin.
Pinag-masdan
ni Sandro si Louie, pero tila malungkot parin ito.
Sandro: Ah siya nga pala, kung wala kang gagawin
ngayon, puwede mo ba akong samahan, meron kasi akong sinusulat na bagong kanta,
gusto ko sanang ikaw ang unang makakita nito.
Louie: Sige...
_______________________________________________________
Makalipas
ang ilang oras...
Dumating
naman si Mari at Misa sa studio kung saan nag-re-rehears ang kanilang mga
kasama, ngunit sa hindi inaasahan.
Mari: Ano, naka-alis na sila?
Band mate: Oo, ang sabi ni Sandro, may kailangan silang
gawin. Meron daw siyang bagong sinulat na kanta na para lang daw kay Louie.
Tila hindi
naman makapaniwala si Mari, dahil ang alam nito, hindi siya sumasama sa kahit
na sinong lalaki nang mag-isa, kahit mismo kaibigan pa niya ito.
_____________________________________________________
Sa apartment
ni Sandro...
Sumama si
Louie, para tingnan ang sinasabi niyang bagong kanta.
Louie: Sandro, puwedeng pakibilisan nalang natin,
kailangan kong puntahan si Mama, at maka-usap si Mari.
Sandro: Walang problema...
Sinarado ni
Sandro ang pintuan, at ikinandado niya ito.
Sandro: Nasa kuwarto ko yung note pati yung gitara
ko. Doon na natin kantahin.
Pero tila
meron isang maka-hulugang ngiti si Sandro, na para bang may binabalak ito.
Nang
nakapasok si Louie sa kuwarto ni Sandro, ay nakita niya ang sinasabing note pad
ni Sandro, at kaagad niya itong kinuha at binuklat.
Louie: Eto na ba yun?
Binasa niya
pauti-uti ang bawat lyrics nang kanta, at nag-bigay siya nang konting komento.
Louie: Ang ganda, okay ito mukang puwede natin
itong isama sa demo-----
Pero bigla
nalang siyang niyakap ni Sandro nang mahigpit na tila meron kasamang
pag-nanasa.
Louie: S-Sandro? Anong ginagawa mo?
Sandro: Huwag ka nalang maingay, alam mo matagal ko
nang gustong gawin ito, hindi lang ako makakuha nang tamang pag-kakataon.
Louie: A-Ano ba ang sinasabi mo? Bitawan mo ako!
Sandro: Noong una tinangihan ako nang kapatid mo,
pero sana naman huwag mong gawin sa akin ito, Louie...gusto kita. Kung may
mang-yari man pananagutan ko.
Louie: Tumigil ka, isipin mo ang sinasabi mo. Hindi
ito ang dahilan ko kung bakit ako sumali sa bandang ito, at isa pa malaking
problema ang kinahaharap namin ngayon, kaya puwede bang bitawan mo ako!!
BAAAAAAGGG
Tinapakan ni
Louie nang malakas ang paa ni Sandro, at nakawala siya sa pag-kakahawak nito.
Sandro: ARRRR...Sandali, Louie!
Tumakbo si
Louie nang merong tumutulong luha sa kanyang mga mata.
Louie: (Sa sarili) Bakit, bakit ganito, ano bang
ginawa ko?! Bakit!
At matapos
niyang makalayo, pansamantalang huminto ang dalaga sa isang tabi, at nag-simula
namang pumatak ang ulan.
WWWAAAAAAAAHHHHHHHH
Nag-patuloy
siya sa pag-iyak, dahil sa mga pinag-daraanan niya. Ngunit sa pag-iyak niya, ay
merong isang tao na tila dumamay sa kaniya.
Inabutan
siya nito nang payong, at sinabi sa kanya na.
??: Sige ilabas mo lang yan, ilabas mo lang ang
nararamdaman mo.
Napatingin
si Louie sa lalaking nag-bigay sa kanya nang payong na susukuban, ngunit sino
kaya ito? At ano ang magiging papel niya.
Case Continued...