Saturday, January 14, 2017

Case 55: Celebrity issue









All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.

Mall of Asia Arena...

Isang concert ngayon ang kasalukuyang nagaganap, at ang nag-tatanghal nito dito ay walang iba kung hindi ang isa sa mga kilalang Singer ngayon na si Misa.

Encore! Encore!

Ito ang isinisigaw nang mga manunuod sa naturang concert.  At mula naman sa dressing room nang singer, nag-hahanda na siya para sa huling palabas.

Staff: Misa, get ready in 2 minutes.

Misa: Okay!

Nag-lalagay muli nang bagong make-up si Misa at nag-ayos ng kanyang sarili, ngunit tila bigla nalang namatay-matay ang ilaw sa hindi malamang dahilan.

Misa: Teka anong nang-yayari? Jed!

Ilang sandali pa ay tuluyang bumalik sa normal ang ilaw. Pero nag-tataka parin ang babaeng singer kung bakit nag-kaganon.

Misa: Siguro na ayos na nila.

Muling Humarap sa salamin si Misa para tapusin ang kanyang pag-m-make-up. Pero.....

CLACK!

Namatay muli ang ilaw sa kanyang dressing room, at akma siyang sisigaw para tumawag nang kanyang kasama, nang-bigla namang.

Misa: Ano bang nang-yayari? Hoy hindi na magandang biro ito, kailangan ko nang matapos dito!

At ilang sandali ay muling nabuhay ang ilaw.... Ngunit.

Misa: Hay salamat----AAAAAAAAAAHHHHHHHH!

SSSSSSLLLLAAAASSSSSHHHH!

Isang nilalang ang biglang sumulpot mula sa likuran ni Misa, at kaagad siyang sinaksak sa leeg nito.

Narinig naman nang mga tauhan sa labas ang pag-sigaw nang dalaga, at kaagad silang nag-punta dito.

At pag-pasok nila sa dressing room ng singer.

Staff: Misa!--- Anong!

Staff: AAAAAAHHHHHHHHHHH  

Laking gulat nalang nila ang singer na si Misa, ay patay na at las-las ang leeg nito. 


Case 55: Celebrity issue.

GINGA Cafe...

Ilang araw matapos ang malaking pang-yayari sa japan at pilipinas. Kasalukuyan ngayong na nunuod nang balita si Mei, tungkol sa magaganap na snap election sa pagitan nila. 

Senate  President William Delfine, at Vice. President Allan Corales.

Kamakailan lang noong mamatay ang dating Presidente na si Macario Macasero mula sa pag-atake nang Civil Apocalypse sa lunsod. Sa pag-kakaalam nang nakaka-rami, si Corales na ang dapat na susunod na presidente, ngunit hindi pumayag ang partido ni Delfine, kaya hinamon niya ito nang isang election.

May nakaka-pag-sabi na malaking pag-kakamali kung ang magiging bagong presidente nang bansa ay si Corales, dahil sa marami itong kinahaharap na kaso nang pandarambong at corruption.

Magaganap ang snap election sa loob nang dalawang linggong para makapag-handa ang mga kandidato.

Kyro: Kung ganon, mauuwi sa snap election ang lahat?

Mei: Muka nga, pero sa nakikita  ko kahit na matalo si Corales, ay siya parin naman ang bise. Pero duda ako na mananalo si Senator Delfine.

Kyro: Panay pulitika nalang ang laman nang balita, wala na ba silang ibang puwedeng ibalita na may kinalaman sa atin?

News Flash....

Singer and Pop Idol Misa, natagpuang patay sa loob nang kanyang Dressing room.
Biglang natuon ang atensiyon ni Kyro sa balitang lumabas.

Mei: O teka, parang nag-bago ata ang mood mo diyan?

Kasalukuyang pinapanuod ni Kyro ang balita, at sabi dito.

Isa nanaman pong sikat na celebrity ang siyang bagong biktima nang serial killer na ito, si Marisa Luna, o mas kilala sa stage niyang si Misa ay natagpuang patay sa kanyang dressing room. Ayon sa autopsy report isang malalim na saksak mula sa kanyang leeg ang kumitil sa kanya, at kapareho ito nang ilang kaso nang mga celebrity nitong nakaraan. Samantala sa ibang mga balita-----

Pinatay ni Kyro ang kanilang T.V.

Kyro: Ate Mei, ilang linggo na ang kasong ito?

Mei: Teka parang naging interesado ka ata diyan ah?

Kyro: Pakiramdam ko may tumatawag sa akin para lutasin ang lahat nang ito.

Mei: Kung tinatanong mo kung kailan nag-simula ang mga yan, siguro may mga isang buwan narin. Karamihan sa mga biktima nang serial killer na yan ay mga kilalang singer o artista dito sa atin. Masiyado kasi tayong naging abala nitong mga nakaraang araw, kaya hindi mo na namalayan na meron nang-yayaring kagaya nito.
_________________________________________________

Total mukang interesado ka naman, puwede nating kunin ang kasong ito mula sa mga imbestigador nang PNP, dahil karamihan sa mga tauhan nila ay sumuko na sa pag-tuklas nang katotohanan, at takot din silang madamay.

Sakay nang kanyang Gun Cycle, nag-tungo si Kyro sa burol ng sikat na singer na si Misa. Dumating siya sa naturang lugar, at dumagsa ang mga taga supporta at ilang mga fans niya.
Meron ding bumisita na mga kilalang artista at mga kapwa singer ni Misa.

Bumaba ang Detective sa kanyang sinasakyang motorsiklo, at hindi rin niya maiwasang humanga sa dami nang kilalang personalidad na narito.

Kyro: Grabe, mukang sikat na sikat talaga si Misa.

Nag-kalad si Kyro patungo sa chapel kung saan naka-burol ang singer, nang biglang meron itong naka-bungo.

BBBAAAAAAAAGGGG

Nabitawan nang nakabungo ni Kyro ang kanyang dalang tablet. 

Kyro: Ah pasensiya na!---Teka Louie?

Ang babaeng nakabanga ni Kyro ay ang kilalang Pop Idol na si Louie, na minsan na niyang 
tinulungan sa isang request na ginawa nito sa detective, ngunit hindi ata maintindihan nang babae kung bakit siya tinawag sa pangalang ito.

Kyro: Nasaktan ka ba Louie?

Babae: Louie? Anong sinasabi mo?

Nag-taka si Kyro kung bakit tila hindi nito naiintindihan ang pag-tawag sa kanya nang pangalang ito.

Kyro: Hah? Hindi mo na ba ako nakikilala? Ako si Detective Kyro Anjelo, ang bilis mo naman atang maka-limot, sa bagay isa ka nga palang super star, kaya imposible mong ma-alala ang isang ordinaryong fans na kagaya ko.

Babae: Hindi kita maintindihan sa mga sinasabi mo, pero sa mga pananalita mo, mukang kilala mo ang kakambal ko.

Kyro: Kakambal?

Nag-pakilala na ang babaeng inakala ni Kyro na si Louie.

Babae: Ako si Marry Anne Morales, ang manager ni Misa. At kakambal ni Louise Anne Morales.
__________________________________________________________

Sa isang madilim na silid, masugid na sinusubay-bayan ni Louie ang lamay ni Misa na ipinapalabas ngayon sa telebision. Hanggang sa merong pumukaw sa kanya.

Louie: Huli ka...(Ngumiti)

Samantala nasa bandang likuran naman si Quwarta, at tila binabantayan nito ang mga ginagawang kilos ni Tersera.

Ano ba talagang balak ni Tersera sa mga pag-kakataong ito?
_________________________________________________________

Nang-makilala ni Kyro ang kakambal ni Louie na si Mari, ay sumilip muna siya sa kabaong ni Misa, at pag-katapos nito, ay lumayo muna sila sa chapel para makapag-usap.

Mari: So anong ipinagawa sa iyo nang magaling kong ka-kambal?

Kyro: Isang security assignment, noong panahong kasing yun, may nag-banta sa buhay niya na isang negative.

Mari: Negative?

Kyro: Mga tao sila na may kakaibang uri nang abilidad na wala ang isang ordinaryong tao, pero ang plot twist sa kasong yun, kaibigan niya ang gustong tumapos sa kanya.

Mari: Hmp, mukang hindi na siya nawalan nang problema simula nang talikuran niya kami.

Kyro: Talikuran?

Mari: Huwag mo nang intindihin ang sinabi ko, family issue namin kaya labas ang pagiging detective mo, ang gusto kong malaman. Ikaw ba talaga ang mag-reresolba nang kasong ito, tungkol sa pag-paslang nang mga kilalang celebrity?

Kyro: Seryoso ako, mukang hindi naman gagawin nang investigation team ng PNP ang parte nila, kaya ako nalang ang kukuha, sa kaso ni Misa, at ng iba pa.

Mari: Kung ganon, maasahan mo ako. Sige... sa pag-kakataong ito, ako naman ang kukuha nang serbisyo mo.
_______________________________________________________

Samantala isang lalaki ang umalis na sa burol ni Misa, at ang naturang lalaki na ito ay walang iba kung hindi si Sandro Manalo, isang sikat na vocalista at artista, nag-tungo siya sa parking lot  at sumakay sa kanyang kotse.

Kinuha niya ang kanyang susi sa bulsa, at ng isa-sak-sak na niya ito sa keyhole ay bigla naman itong nahulog.

Sandro: Tch, ano ba naman...

Yumuko si Sandro at kinuha niya ang kanyang susi. At kaagad inilagay sa keyhole.

Sandro: Kung kailan ako nag-mamadali.

Nag-start na ang kotse niya, at pina-andar niya ito, ngunit ang hindi niya alam...

Isang nilalang ang biglang nag-pakita sa likuran niya gamit ang salamin sa loob, at ito ay ikinagulat niya.

Sandro: Anong!

SSSSSSTTTREEECCCHHH.

Napatingin nalang si Sandro sa kanyang likuran, dahil sa nakita niya.

Sandro: Namalik mata lang ata ako...

Pero sa pag-lingon niya, ay nang-laki nalang ang mga mata niya dahil sa isang nilalang ang ngayon ay nasa harapan niya.

BRAAAAACCCCKKKKKK

Sandro: Arrrrrgghhh!

Bigla nalang siyang sinaksak nito mula sa labas saka sumirit ang dugo sa loob nang sasakyan, gamit ang matatalas niyang kuko. At si Sandro, ay tuluyan nang namata.
______________________________________________________

GINGA cafe....

Kasama ni Kyro si Mari, bumalik sila doon, para alamin ang ilang mahalagang impormation tungkol sa kaso.

Miguel: Mukang napa-balik ka ata nang maaga ah.

Kyro: Nadito na ba si Marion?

Marina: Wala pa siya, kasalukuyang nasa world health organization siya para sa vaccine nang black c virus. So matatagalan pa siya bago maka-balik...Teka sino naman yang kasama mo?  Teka si Louie ba iyan?

Ipinakilala ni Kyro ang kanyang kasama.

Kyro: Ah siya ba?

Nag-pakilala ito...at si Miguel ay tila nagulat.

Mari: Ako si Marry Anne Morales, ikinagagalak ko kayong makilala. Tawagin niyo nalang ako 
Mari.

Marina: Marry Anne Morales? Sigurado ka ba...hindi ba siya si Louie?

Kyro: Naka-limutan ko...nag-tataka kayo kung bakit, kamukha niya si Louie, siya ang kakambal ni Louie. At manager ni Misa.

Marina: Ano kakambal ni Louie?

Mari: Saka ko na ipapaliwanag ang bagay na yan, sa ngayon gusto kong kunin ang serbisyo niyo, para matapos na ang lahat nang mysteryo sa nang pag-patay sa mga celebrity.

Kyro: Kailangan ko nang ilang information at listahan nang mga celebrity, kung bakit sila pinatay at ano ang motibo nang suspect. Meron ba tayo sa data files?

Marina: Wala ata, pero posible na makakuha tayo sa mga taong unang humawak sa kaso. At sa ilang mga reporter.

Kyro: Sige ako na ang bahala doon, Miguel puwede mo ba akong samahan?

Tila tahimik lang si Miguel, ngunit tinapik siya nang malakas ni Kyro.

Kyro: Miguel!

Miguel: Ah...pasensiya na, may iniisip lang ako.

Kyro: Kailangan ko ang tulong mo dito, alam kong marami kang connection sa labas. At kung ano man yung iniisip mo, isang tabi mo muna.

Miguel: Sige pasensiya na uli.

Ngunit ang talagang iniisip ni Miguel, ay ang babaeng kasama nila ngayon na si Mari.
_________________________________________________

Kikilos na sana sila Kyro para mag-hanap nang impormation, nang bigla nalang humabol si Mei para ipakita ang isang bagay.

Mei: Kyro!

Kyro: Ate Mei?

Mei: Kailangan niyong makita ito.

Kaagad nag-tungo sila Kyro sa loob, at sa kanilang T.V. Isang balita nanaman nang pag-patay sa isang celebrity ang naganap, at ito ay sa lugar kung saan malapit nakaburol si Misa.

Patay na nang matagpuan si Sandro Manalo sa isang parking lot na malapit sa chapel kung saan nakaburol din si Misa. Lumalabas sa imbestigastion na tatlong oras na patay na ang singer sa lood nang kanyang sasakyan.

Kyro: Hindi na puwede ito...kailangan may gawin na tayo.

Pag-katapos mapanuod ang balita, ay kaagad nang umalis ang groupo nila Kyro para puntahan ang crime scene.
____________________________________________

Sa Crime scene....

Kagad nakarating sa lugar si Kyro, bumaba sila sa kanilang patrol vehicle at ipinakita nila ang chapa nila.

Kyro: Taga GINGA kami, Detective Kyro Anjelo. Ano ang status?

Investigator: Narito ang autopsy report, at kagaya nang naunang mga kaso, panay sa lalamunan ang saksak naginagawa nang suspect.

Kyro: May possible suspect na ba?

Investigator: Wala kaming makuha na possible suspect. Masiyadong malinis mag-trabaho ang isang ito.

Pumasok si Kyro sa loob nang Crime Scene, at isinuot niya ang kanyang Vision Shade, upang kumuha nang ebidensiya.

Ini-scan niya ang buong crime scene, para makaku nang lead. Pero nang matapos siya ay wala siyang nakuhang bakas sa salarin.

Miguel: Ano may nakuha ka?

Kyro: Wala malinis ang pag-kakagawa niya, mukang professional ang killer na ito.

Miguel: Kung wala tayong makukuha, hindi natin masisimulan ang kasong ito.

Marina: Ang mabuti pa ipadala niyo na sa morgue ang katawan niya para sa other autopsy.

Kyro: Sige.

Kinuha kaagad nang S.O.C.O ang katawan nang patay na singer, at inilagay ito sa body bag, ngunit hindi kumbinsido si Kyro nawala siyang makukuhang lead, at nag-pasiya siyang halungkatin ang puwedeng makita sa sasakyan nito.

Mula sa compartment, at ilang box nang sasakyan. Hanggang sa makita niya ang isang bagay na naka-tago sa pinakasulok. Kinuha niya ito at saka tiningnan.

Marina: Sandali ano yang nakuha mo?

Miguel: Isang litrato?

Isang litrato ang nakuha ni Kyro sa loob nang sasakyan, at nang tingnan naman ito ni Miguel ay parang nag-hinala na siya dito.

At si Kyro ay napapaisip din.

Kyro: Teka ito si Misa? At ito naman si Sandro.

Marina: Sandali, si Louie ba ito o si Mari?

Kyro: Hindi ko alam, ang mabuti pa puntahan natin uli siya, mukang ito na ang magiging susi natin sa kasong ito.

Umalis na si Kyro at kanyang mga kasama. Ngunit tila merong nakamasid sa kanila. At lumabas ito sa aninong pinag-tataguan niya.

Ito ay walang iba kung hindi si atemis. Ang Serial Killer na ipnadala ni Tersera.
______________________________________________________

Kinabukasan, ipinatawag ni Kyro ang isa sa posible na maka-tulong sa kanila, at ito ay walang iba kung hindi si.

*Kai! Kai!*

Ito ay walang iba kung hindi si Krishia.  

Marina: Yan ba ang pag-kukunan mo nang intel?

Kyro: Wala na tayong ibang choice.

Krishia: Kumusta na?

Kyro: Mabuti naman, nakuha mo na ba ang pinapakuha ko sa iyo?

Krishia: Nakuha ko, heto ang listahan nang lahat nang singer at artista na pinatay nitong mga nakaraang buwan.

Inilabas ni Krishia ang isang folder, at pag-buklat ni Kyro nakita niya ang mga larawan nang mga ito.

Kyro: Sandali, si Misa, at ito si Sandro?

Tila merong napansin si Kyro na kakaiba sa mga larawan, kaya kaagad niyang kinuha ang litratong nakuha niya sa sasakyan ni Sandro.

Marina: May nakita ka ba?

Kyro: Tingnan niyong mabuti ito. Ang mga tao na nasa litratong ito, at ang mga taong pinatay nitong nakaraang buwan lang. Kasama sila Misa at Sandro, ay narito lahat sa iisang larawan!
Tiningnan din ni Marina ang nasabing larawan at tama ang lahat nang sinabi ni Kyro.

Marina: Tama ka nga, pero teka halos lahat patay na...maliban nalang sa isa.

Kyro: Si Louie?

Nakita nila sa larawan na kasama si Louie.

Kyro: Kung ganon siya ang isusunod?

Krishia: Sandali, hayaan mo munang ipaliwanag ko ang natuklasan ko.

Kyro: Sige ano yun, baka sa kaling makatulong yan.

Krishia: Ang larawan na hawak mo Kyro, karamihan sa kanila ay miyembro dati nang isang banda.

Marina: Banda?

Krishia: Sila Misa, Louie, at Sandro...miyembro sila nang iisang banda noon bago pa sila sumikat, pero merong lumabas na balita na merong skandalo sa banda nila kaya sila nag-disband.

Marina: Anong klaseng eskandalo naman ang kinasangkutan nila?

Krishia: Hindi ko alam, pero maraming lumalabas na chismis na lulong daw ang kanilang manager sa drugs, meron naman naka-pag sabi na nasangkot ang isa sa kanila sa isang sex scandal.

Kyro: Puwede na yung narinig ko, sa ngayon ang natitirang buhay nalang sa kanila ay si Louie, pero ang gusto ko talagang malaman, kung sino ba ang talagang pumapatay sa kanila. At anong motibo niya kung bakit niya ini-isa-isa ang mga ito.

Pero bago yan, mukang kailangan kong tanungin si Mari, natitiyak kong may alam siya sa bagay na ito.

Krishia: Mari?

Marina: Siya ang manager ni Misa, at siya din ang kakambal ni Louie.

Kyro: Sige aalis muna ako. Paki sabihan nalang si Miguel na sumunod sa akin.
_______________________________________________

Tinawagan ni Kyro si Mari upang makipag kita. At sakaya nang kanyang Gun Cycle, Ngunit sa hindi inaasahan.

BBBBBBOOOOOOOMMMMSSSS

Biglang sumabog ang isang sasakyan mula sa harapan niya, at kaagad siyang napahinto.

Kyro: Anong!

Ang pag-sabog ay kagagawan nang isang nilalang, at ito ay ang serial killer na si Atemis.

Kyro: Sino naman ang isang ito?

Nang makita niya si Kyro, ay kaagad niyang inatake ito, pero mabilis na umiwas ang Detective, at saka ginantihan niya nang putok.

BANG!-BANG!

Hindi ito tinablan nang bala, at nakita ni Kyro ang matatalas na kuko nito.

Kyro: Ang mga kuko niya? Hindi kaya.

Akma muling aatake sa kanya si Atemis, pero mabilis na nag-bago nang anyo si Kyro bilang si Gunver.

GUN CHANGER!


At nag-salubong silang pareho! Malaman kaya ni Kyro na ito ang nilalang na pumapaslang?

Case Continued...