All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Kasalukuyang nasa ospital parin ngayon si Kyro, at nag-papagaling
ito.
Pero sa GINGA Cafe....
BWAAAAAHHHHHHHHH
Humikap si Miguel na tila nakakaramdam nang pag-kabagot.
Miguel: Nakakatamad
ngayon araw, halos wala ng negative na nag-papakita hindi kaya tinamad na ang
dranixs mag-padala?
Sherry: Marami ka
pa namang puwedeng gawin dito, puwede mong tulungan si Kuya Marion, o kaya
naman tulungan mo kami dito sa cafe.
Miguel: Tinatamad
talaga ako, ayaw kong ubusin ang buong araw ko sa pag-sisilbi sa mga taong wala
alam kung hindi mag-pasosiyal.
*Kung ganon, bakit narito ka pa at tumutuloy dito?*
Wala ka-alam alam si Miguel na naroon pala si Clyde, na naka-upo
sa isang tabi at habang umiinom ng kape.
Miguel: Teka ano
naman ang ginagawa mo dito?
Clyde: Bakit,
masama bang bisitahin ko ang kapatid ko, at uminom nang kape dito?
Miguel: Wala akong
sinasabing ganon, pero sa pananalita mo...parang may gusto kang palabasin.
Clyde: Meron nga,
sa tingin ko kasi...masiyado mong sinasawalang bahala ang trabaho mo. Parang
lumalabas tuloy na wala kang silbi sa mga sinabi mo.
Miguel: (Galit)
Anong sabi mo!
Tila nag-kakameron nang tensiyon sa dalawang lalaki. Kaya pumagitna kaagad si Sherry at Miya para
pigilan ang mga ito.
Sherry: Sandali,
konting hinahon lang naman...
Miya: Oo nga
kuya, hindi mo naman siguro gustong sabihin yun kay Kuya Miguel diba...hindi mo
naman sinasadya,
Sherry: Wala si
Kuya Kyro dito ngayon, at kayo lang puwedeng asahan. Kaya pakiusap huwag naman
kayong ganyan.
Clyde: Wala akong
pakielam. At saka baka nakakalimutan mo, marami ka pang atraso sa akin. Knives!
Miguel: Talagang
sumosbra ka na!!
Susugurin sana ni Miguel si Clyde dahil sa mga masamang sinabi
niya, ngunit biglang nag-pakita si Mei, at pinigilan ito.
Mei: HAY TAMA NA
YAN!
Natigilan lang ang dalawa nang mag-pakita si Mei.
Miguel: Ms. Mei?
Clyde: ......
Mei: Sakto pala
at narito kayong dalawa, total wala si Kyro...baka puwede ko kayong ipadala sa
operation na ito.
Clyde: Teka ano
naman yun?
Nag-taka ang dalawa sa sinabi ni mei, at kung ano ang operation na
sinasabi niya.
Mei: Heto
basahin niyo!
Ibinigay Mei ang folder sa kanila, at ikinagulat nilang pareho ang
laman nang folder.
Miguel/
Clyde: ANO! HINDI AKO PAPAYAG DITO!
Ano naman kaya ang laman nang folder na ito? At ano ang operation
na kanilang gagawin.
Case 52: Isang
pustahan.
Hindi makapaniwala si Miguel at Clyde na pinag-sama sila ni Mei
para sa iisang misyon, at ang misyon nila ay hanapin at hulihin ang tanong nasa
information report.
Bago pa sila umalis sinabi ni Mei ang magiging objective ng misyon.
Mei: Heto ang
magiging assignment niyong dalawa, kilala ang taong yan bilang master mind sa
mga kidnap for ransom. Siya si Mike Contreras, isa siyang dating miyembro nang Philippine
army, ngunit tinagal siya sa serbisyo dahil sa mga paglabag niya sa mga
alituntunin at kasong AWOL.
Clyde: Isang
dating sundalo. Sisiw lang ito sa akin.
Miguel: Huwag mong
mamaliitin ang isang kagaya niya.
Mei: Bago ko
makalimutan, hawak niya ang isang batang babae na anak nang isang kilalang
negosiyante dito sa atin. Mag-babayad siya nang malaki sa atin kung mababawi
niyo ang anak niya nang ligtas. Ipapasa ko nalang sa inyong mga sequencer ang
info tungkol sa bata.
At nang matapos ang pag-br-briefing ni Mei sa dalawa ay umalis na
kaagad ang mga ito. Ngunit tila may
pangamba ang dalawa ni Miya at Sherry na baka hindi mag-kasundo ang mga ito.
Sherry: Ate Mei,
sigurado po ba kayo dito? Pag-sasamahin
niyo sila sa isang misyon na wala si Kuya Kyro.
Miya: Hindi
maganda ang kutob ko dito. Mainitin pamandin ang ulo ni Kuya at ayaw niyang
pina-ngungunahan siya.
Mei: May dahilan
ako kung bakit ko ginawa ito. Makikita niyo, magiging maayos din sila.
______________________________________
Sakay nang isang GINGA Patrol car, Habang nag-mamaneho si Clyde ay
siya namang natangap ni Miguel ang info sa bata at possible location sa mga
suspect.
Miguel: Heto na ang
info na ipinasa ni Ms. Mei, ayon dito ang pangalan nang bata Macy Brilliantes
10 years old, anak siya nang isang kilalang billionario na si Albert
brilliantes at Cindy brilliantes, ayon sa nakaraang report, mahigit isang
linggo ng bihag ang bata, kinidnap siya sa harapan nang kaniyang eskuwelahan
bandang 10 a.m. pag-katapos niya nang klase, pinatay ang driver nito at maid ng
mga tauhan ni Contreras.
Grabe sobra naman ata ang hinihingi nilang ransom money, mahigit
100 milyon php ang hinihingi nila kapalit ang buhay ng bata.
Nag-salita si clyde tungkol sa mga sinabi ni miguel.
Clyde: Wala akong
pakielam.
Miguel: Ano? Teka
wala kang pakielam, pero bakit ka sumama dito?
Clyde: Wala akong
pakielam sa Intel na yan at kung sino ang suspect, ang gusto ko lang ay huwag
kang makikielam sa mga bagay na gagawin ko.
Tila hindi naman nagustuhan ni Miguel ang sinabi ni Clyde sa
kanya.
Miguel: Sandali,
umiiral nanaman yang pagiging expendables mo, hoy hindi ka na miyembro nang
section zero at wala ka na sa puder nila, nasa panga-ngalaga ka na ngayon ni
Agent Martin, at sa ayaw mo’t sa gusto, team tayo. At mag-tutulungan sa ayaw at
sa gusto mo.
Clyde: Team? Huwag
kang mag-patawa, kahit kailan hindi kita maituturing kakampi o kasamahan... o
kahit na kaibigan, hinding-hindi. Wala akong tiwala sa mga taong itinatago ang
nakaraan niya.
Miguel: Ah ganon
pala, sige fine! Mag-kanya kanya tayo,
kung sino man ang hindi makahuli sa suspect at hindi mailigtas ang bata, aalis
sa grupo at isusuko ang pagiging Special Police.
Clyde: Sinabi mo
yan, at pag-ako ang nanalo. Tutuparin mo ang sinabi mo.
Miguel: Ganon din ang gagawin mo!
Isang kasunduan ang ginawa nila Clyde at Miguel, na kung sino ang
hindi makaka-huli sa suspect o sa makakapag-ligtas ng bata ay siyang aalis sa
grupo at isusuko na ang pagiging Special Police.
Nguinit tila merong isang malaking mang-yayari na mag-papabago sa
kasong ito.
____________________________________________________________
Samantala nakarating naman sila sa bahay nang mga brilliantes. Para
ipaalam na gagawin na nang GINGA ang operation para sa pag-liligtas sa kanilang
anak.
Albert: Mabuti
naman at dumating na kayo, alam kong kayo lang ang makakatulong sa amin.
Clyde: Kami ang
pinadala nang special task force nang GINGA para sa kaso nang anak niyo, Mr.
Brilliantes...Bago ko makalimutan, ako si Sgt. Clyde Silva.
Parang wala namang balak na ipakilala ni Clyde si Miguel sa mga
ito.
Miguel: Ah ako
naman po si Corporal Miguel Fajardo.
Albert: Alam ko na
mahalaga ang bawat oras ng mga tao sa GINGA, pero nag-mamakaawa kami nang asawa
ko, pakiusap… iligtas niyo ang nag-iisang anak ko. Siya lang talaga ang para sa
amin, mag-babayad ako kahit na gaano pa kalaki. Mailigtas lamang siya.
Clyde: Gagawin ko
po ang makakaya ko, para sa ikalulutas nang kaso.
Ngunit bago matapos ang pakikipag-pulong nila sa mga magulang nang
bata, ay siya namang dumating ang mga taga NBI.
*Aba-Aba tingnan mo nga naman, meron palang naliligaw na mga taga
GINGA dito? *
Napalingon ang dalawa sa taong dumating.
Albert: Ah bago ko
makalimutan, sila ang kasalukuyang humahawak sa kaso ng anak ko, siya si Capt. Ricky
Mihandra. Siya ang na mumuno sa criminal intelligent division 04 ng NBI.
Clyde: Hindi ko alam na meron pala tayong makakasamang mga taga NBI.
Miguel: Kami nga pala ang pinadala dito nang GINGA
para tumulong sa kaso ni-----
Capt. Ricky: Mr.
Brilliantes, diba may usapan tayo na kami na ang bahala sa kasong ito? Bakit
tumawag pa kayo nang mga taga GINGA? Eh halos umaasa lang naman sila sa
teknolohiya nila sa pag-lutas nang kaso.
Napapatawa naman ang ilang
miyembro nang NBI sa sinabi nang kanilang kapitan, ngunit hindi
nagustuhan ni Clyde ang sinabi nang mga ito.
Clyde: Anong sabi
mo?
Capt. Ricky: Totoo naman
diba, ang organisasyon niyo, ay umaasa lang sa mga teknolohiya, kaya madali
niyong nalulutas ang isang kaso, at ang kagaya nang mga special police niyo,
para lang silang mga clown sa pambatang palabas, na kailangan pang mag-suot
nang baduy na armor. Diba nakakatawa yun.
Clyde:
Nang-iinsulto ka ba! Baka gusto mong!----
Miguel: Sandali,
hindi naman ata maganda ang pananalita mo sa amin, narito lang kami para
tumulong sa kaso, kung inaalala niyo yung reward money, sige sa inyo na yun. Ang
gusto lang namin dito, magawa ang serbisyo na hinilang sa amin, yun lang!
Capt. Ricky: Hmp, ganon
ba...total alam niyo rin pala ang tungkol sa reward money ni Mr. Brilliantes,
sige pumapayag ako. Puwede tayong joint operation, pero sa oras na gumawa kayo
nang hakbang na hindi ko magugustuhan, tapos kayo.
Pag-katapos nang usapan nila ay umalis ang groupo nang mga taga
NBI, at si Clyde naman ay umalis rin, para simulan na ang trabaho nila.
Miguel: Pasensiya
na po Mr. Brilliantes sa nang-yari. Hayaan niyo po, gagawin namin ang makakaya
namin para lang maibalik nang ligtas ang anak niyo.
_____________________________________________________
Sinundan naman ni miguel si clyde na papasakay sa kanilang patrol
vehicle.
Miguel: Sandali
clyde! Sandali lang!
Clyde: Ano
nanaman?
Miguel: Alam kong
nakakairita yung sinabi nang taong yun, sana lang huwag kang mag-paapekto sa
mga sinabi niya. At isa pa, kalimutan nalang natin yung mga pinag-usapan natin
kanina, kalimutan natin ang pustahan na yun...mag-tulungan tayo, patunayan
natin sa kanya na mali siya. At hindi basta-basta minamaliit ang mga taga
GINGA.
Tila napaisip si Clyde sa mga sinabi ni Miguel sa kanya...Ngunit.
Clyde: Wala akong
pakielam sa mga sinasabi mo...
Miguel: Ano!
Clyde: Tuloy ang
usapan na yun, aalis ang hindi makaka-huli sa suspect.
Sumukay si Clyde sa patrol vehicle, at iniwan si Miguel.
Miguel: Clyde...ano
bang iniisip mo?
___________________________________________________
Sa pinag-tataugan nang groupo ni Contreras... kasalukuyang tumawag
muli ito sa mga magulang nang kanilang bihag. At humihingi ito nang dagdag para
sa buhay nang bata.
Contreras: Mr.
Brilliantes, kumusta na? Nagawa mo na ba ang hinihiling ko sa inyo?
Sa bahay ni Albert brilliantes, kasalukuyang trinatrack nang NBI
ang lugar kung nasaan siya. Habang kausap ni brilliantes ang suspect sa
telepono.
Alberto: Konting
panahon pa, nakikiusap ako...hindi biro ang halaga nang hinihingi mo.
Pumasok naman si Miguel sa loob nang mansion. Ngunit nakita niya
na gumagawa na nang hakbang ang NBI para sa pag-trace nang lugar.
Balik kila contreras....
Contreras: Hay...medyo
nababagot na ako sa mga sagot mo Mr. Brilliantes. Sa tingin ko pinapaikot mo
lang ako,
(sumesenyas) pero pag-bibigyan kita, total meron pa naman natitirang
kabutihan dito sa puso ko.
Albert: Hindi!
Hindi sa ganon, talaga lang pinag-hahandaan ko ang pera para sa inyo, basta ipangako
niyo lang, huwag niyong sasaktan ang anak ko.
Maya-maya pa ay, biglang nag-sisigaw ang bata na narinig niya mula
sa telepono.
*Daddy! Daddy! Tulungan niyo ako daddy!*
Albert: Baby! Huwag
kang mag-alala gumagawa na nang paraan si daddy. Konting tiis nalang.
Pag-katapos na marinig ni Albert ang boses nang kanyang anak, ay
inilayo na ni Contreras ang telepono sa bata.
Contreras: Narinig mo
na ang boses nang anak mo, bibigyan kita nang bente quatro oras para ibigay ang
hinihingi ko. 200 Million kapalit nang buhay nang anak mo. Dalian mo dahil
tumatagal na ang negosasiyong ito. Tatawag muli ako sa loob nang limang oras,
ibibigay ko sa iyo ang exact location ng drop point.
Pag-katapos noon pinutol na ni Contreras ang kaniyang
pakikipag-usap.
_______________________________________________
Henchman: Boss,
papaano kung humingi siya nang tulong sa NBI o sa GINGA? Anong gagawin natin.
Contreras: Madali lang
ang sagot sa tanong mo, nakakalimutan mo na ba kung ano ako.
Tila merong inilalabas na isang bagay si Contreras sa kanyang
bulsa, at ipinakita niya ito sa kanyang mga tauhan.
Contreras: Siguradong
hindi mag-tatagal, lalangoy nanaman tayo sa limpak-limpak na salapi.
________________________________________________
Capt. Ricky: Ano nakuha
niyo ba?
NBI Agent: Sorry sir,
masiyadong mabilis ang naging transaction nila, ang problema merong gumugulo sa
linya.
Albert: Kapitan,
meron nalang tayong 24 hours para maibigay ang ransom money para sa kanila,
anog agawin natin? Seryoso na si Contreras na patayin ang anak ko.
Capt. Ricky: Gumagawa na
kami nang paraan, sa ngayon ang maipapayo ko lang ay ilabas ang perang
hinihingi niya, at sa oras na tumawag siya doon na kami gagawa nang plano.
Pero ilang sandali lang....
Miguel: Nakuha ko
na!
Gamit ang Sequencer niya nagawang ma track ni Miguel ang exact
location kung nasaan si Contreras.
Capt. Ricky: Ano!?
Alberto: Anong ibig
mong sabihin?
Miguel: Nakuha ko
na ang location nila Contreras, kaya hindi niyo siguro makuha ang signal niya,
dahil merong humaharang sa tracking signal niyo. Mautak ang taong yun, dahil
ayaw niyang may makikielam sa mga balak niya.
Capt. Ricky: Pero
papaano mo naman nagawa yun?
Miguel: Minaliit mo
ang GINGA, oo nga karamihan sa amin ay umaasa lang sa technology, pero ibahin
mo kami. Hindi lang kami sa technology naka depende, ginagamitan din namin ito
nang utak.
Parang nainsulto naman ang kapitan nang NBI sa mga sinabi ni
miguel sa kanila.
Albert: Kung ganon,
nasaan siya?
Miguel: Nasa....
___________________________________________
Clyde: Kung ganon
narito siya.
At ganon din pala ang ginawa ni Clyde, hinanap niya ang full Intel
ni Contreras, at nakita niya ang lugar kung nasaan ito.
Clyde: Point 1632,
New Lower Bicutan, sa isang under contraction building.
Kasalukuyang kausap ni Clyde si Mei, para sa ilang pang further instruction.
Mei: Kung ganon alam
mo na kung saan matatagpuan si Contreras?
Clyde: Hindi
mahirap sa akin yun, at isa pa, kilala ang taong yun bilang isang top class na
kriminal. Kaya madali lang makuha ang intel kung saan siya mismo nag-tatago.
Mei: (Sa lugar
niya) Magaling kung ganon, pero teka nasaan si Miguel, parang hindi ko siya
nakikita diyan?
Clyde: Hindi ko
siya kailangan dito.
Mei: Ano?! Teka
kayong dalawa ang na-assign sa kasong yan, dapat mag-kasama kayo sa kahit anong
sitwasyon. Ano bang problema niyo pareho?
Clyde: Marami, at
hindi ko talagang masisikmura na makipag-tulungan sa kanya. Sige na...may
kailangan pa akong gawin, titingnan ko kung tama ang Intel na nakuha ko.
Mei: Sandali
clyde! Clyde!------
Pinutol ni Clyde ang pakikipag-usap niya kay Mei. At nag-tungo na
ito sa lugar kung nasaan ang suspect.
________________________________________
Samantala si Mei.
Marion: Mukang
magiging problema ang dalawang yun.
Mei: Mukang wala
na akong magagawa, kailangan ko na siyang tawagan para bantayan ang dalawang
yun.
Marion: Teka sino
naman?
Sino kaya ang ipapatawag ni mei para mag-bantay kay Miguel at Clyde.
__________________________________________________
Tatlong oras na ang nakaka-lipas, at nag-tungo ang groupo nang NBI
kasama si Miguel sa lugar na hinihinalang hideout nang mga kidnappers.
Miguel: Heto na yun.
Capt. Ricky: Sige
mag-sikalat kayo.
Inutusan ni Capt. Ricky ang kanyang mga tauhan na mag-siklat para
halughugin ang lugar.
Capt. Ricky: Sandali,
ikaw.
Miguel: Ano yun?
Capt. Ricky: Lilinawan
ko lang, wala akong tiwala sa mga kagaya niyo, pero buhay ang pinag-uusapan
natin dito.
Kaya sa oras na pinaiikot mo lang kami... mananagot ka.
Miguel: Ganon ba, o
sige kung yan ang paniniwala mo wala akong magagawa.
Nang-matapos silang mag-usap, sumunod narin si Capt. Ricky sa
kanyang mga tauhan. At si Miguel naman ay kumilos narin nang kanya.
____________________________________________________
Pero ang hindi nila alam, nakita sila nang isa sa mga tauhan ni Contreras,
at kaagad siyang nag-madali para sabihan ang kanyang boss.
Henchman: Boss! Boss...pinasok
tayo nang NBI!
Contreras: Ano? Papaano
nang yari yun?
Henchman: Hindi ko po
alam.
Contreras: Mukang wala
tayong magagawa kung hindi ang harapin sila, itago niyo ang bata. Ako ang
haharap sa mga taga NBI na iyan.
Inilabas ni contreras ang isang bagay mula sa kanyang bulsa.
__________________________________________________
Nag-sikalat na ang ilang NBI agent, para hanpin ang kanilang
target.
CLEAR!
CLEAR!
CLEAR!
Bawat silid ay pinuntahan nila.
NBI Agent: Kapitan,
wala dito ang bata pati na ang suspect.
Capt. Ricky: Ganon ba, team
2, ito si Mihandra ano ang status niyo?
NBI Agent: (Sa
kabilang linya) Negative sir, wala dito ang-----ARRRRRHHHHH!!
Nakarinig nalang sila nang ingay at sigaw mula sa kabilang linya.
Capt. Ricky: Teka anong
nang-yayari sa inyo, sumagot kayo! Team 2!
At dahil sa nang-yari, nabahala si Miguel, kaya nag-pasiya siyang
puntahan ang lugar kung nasaan ang ibang NBI agent.
Capt. Ricky: Hoy saan
ka pupunta?
Miguel: Masama ang
kutob ko dito.
___________________________________________________________
Sa bilis at pag-mamadali ni Miguel, narating niya kaagad ang kinaroroonan
nang ilang NBI Agent. Ngunit nang dumating siya doon, ay huli na dahil patay na
silang lahat.
Nagulat si Miguel sa kanyang nasaksihan. Dahil ang may kagagawan
nang lahat nang ito… ay isang.
Miguel: Isang
negative?
Ang negative na ito ay walang iba kung hindi si Mike Contreras, ang
lider nang kidnapp for ransom group. At may kakayahan siyang gamitin ang
kapangyarihan nang kuryente.
Napansin ni Contreras ang suot ni miguel, at napag-tanto niya na
kaya sila nakita nang mga taga NBI, ay dahil sa kaniya.
Contreras: Mukang alam
ko na kung bakit kami natagpuan nang mga taga NBI, siguro dahil sa iyo. Isang
GINGA Police!
Miguel: Sabihin
mo, nasaan ang bata!
Contreras: Bakit
kailangan kong sabihin sa iyo, ano ako hibang. Ang mabuti pa, mawala ka
nalang!!
Biglang nag-pakawala nang kuryente si Contreras at itinira ito kay
Miguel. Pero umiwas kaagad ang batang pulis, at saka kinuha ang kanyang driver.
Miguel: Mukang wala
na akong magagawa.
DNA SCAN COMPLETE...ito ang sinabi nang male voice nang driver.
DRAIGER CHANGE!!
Nag-bago nang anyo si Miguel bilang si Draiger. At pag-katapos
kaagad niyang inatake ang negative.
Contreras: Kung ganon
isa ka palang isang special police, Mukang magiging masaya ito!
Itinurok ni Contreras ang
blue injection sa kanyang batok, at nag-bago na siya nang anyo bilang isang
evolving species.
Nag-sagupaan ang dalawa. At naging matindi ang kanilang
pag-lalaban.
_________________________________________________
Nakarating naman sa lugar si Clyde, at napansin niya na una na
pala ang groupo nang NBI.
Clyde: Kung ganon
nadito na sila, Ang lalaking yun.
Bumaba kaagad si Clyde sa kanyang patrol car, at nag-tungo na sa
loob.
________________________________________________
BAG!-BAM!-BOG!
Sunod-sunod na nawasak ang mga pader, dahil sa matinding
pag-lalaban nang dalawa, samantala nakarating naman si Mihandra sa lugar kung
nasaan ang kanyang mga tauhan. Ngunit hindi siya makapaniwala na patay na ang
mga ito.
Capt. Ricky: Hindi! Ang
taong yun, mag-babayad siya!
Tumayo muli siya, at pumunta sa lugar kung saan nag-lalaban ang
dalawa.
_________________________________________________
Pinag-susuntok ni Draiger si Contreras, ngunit nag-pakawala nang
matinding kuryente ito at nasaktan si Draiger.
Draiger:
AAAAAAAHHHHHHHHHH
Napaluhod si Draiger dahil sa lakas nang kuryenteng tumama sa
kanya. At doon bahagyang bumaba ang
nasira ang energy level nang armor niya.
Contreras: Ngayon,
mag-paalam ka na!
Inipon ni Contreras ang kuryente sa kanyang kanang braso, at akma
niyang gagamitin ito sa nakaluhod na si Draiger.
Ngunit sa hindi inaasahan.
BAAAANNNNNGGGGG!!!!!
Isang malakas na tira ang tumama kay Contreras, na dahilan nang
pag-kaka udlot sa pag-tapos niya kay Draiger.
Nang lumingon si Draiger, nakita niya kung sino ang may-kagagawan
nito.
Draiger:
I-Ikaw!
Clyde!
Si Clyde ito na nasa anyo ni Snider.
Snider: Kung ganon,
isang negative pala ang primary suspect, matagal-tagal narin nang huli akong
lumaban sa isang negative.
Contreras: Isa
nanamang Special Police?!
Snider: Arestado ka
ngayon!
Dumating si Snider sa lugar, ngunit magawa kaya nilang mag-tulungan
ni Draiger para sa ika-liligtas nang batang hawak nang mga suspect?
Case continued....