Saturday, October 22, 2016

Case 51: Primo








All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.


Sa abandonadong pier kung saan nasukol sila Kyro at Krishia nang mga tauhan ni Congressman Bidani.

Jervic: (Makahulugang Ngiti) Patayin na sila!!!

Iniutos na ni Jervic na patayin na sila Kyro at Krishia, at nakahanda nang mag-paputok ang mga tauhan ni Jervic.

Kyro: Krishia!!!!

BRATATATATATATATATATATA

Krishia: AHHH

Sinungaban ni Kyro si Krishia papalayo upang maka-iwas sa mga bala na tatama sa kanila, ngunit sa kasamaang palad, tinamaan si Kyro sa tagiliran nang tiyan at sa kanyang binti.

Kyro: AAAAAARRRRHHHH

Krishia: Kyro!

Henchman: Boss naka iwas sila!!

Jervic: Sige lang ituloy niyo lang!

Nag-patuloy ang pag-papaulan nang bala kila Kyro at Krishia, ngunit si Kyro ay tila hindi makakalaban dahil sa pinsalang natamo niya.

Kyro: (Lubhang nasaktan) Errrr....Na penetrate nila ang bulletproof ko, anong klaseng bala ang meron sila?

Krishia: Kyro, makaka-pag trasnform ka ba?
Halos namimilipit sa sakit si Kyro, at halos tumatagas ang dugo sa kanyang tiyan kung saan siya tinamaan.

Kyro: Susubukan ko, tawagan mo ang back-up!

Pinilit maka-tayo ni Kyro para harapin ang henchman na nag-papaputok sa kanila. Hinugot niya ang kanyang Gun Driver mula sa kanyang kaluban.

Kyro: Bullet Change!

SMOKE!!

Nag-pakawala nang usok si Kyro mula sa kanyang Gun Driver. At ito ang ginamit niyang pag-kakataon para makapag-palit nang anyo bilang si Gunver.

Jervic: Nag-pakawala siya nang usok! Paputukan niyo!!!

Nag-patuloy ang pag-papaputok nang mga henchman kay Kyro, ngunit ilang sandali ay.

BANG!-BANG!-BANG!

Tatlong sunod na putok ang siyang nag-patumba sa mga henchman ni Jervic. At nang humupa ang usok, tumambad sa kanila ang metallic warrior, na walang iba kung hindi si Gunver.


Gunver: Ako naman! 


Case 51: Primo

Gunver: Humanda kayo ngayon!

Jervic: Isang Special Police!!

Akmang sumugod si Gunver sa mga Henchman upang patumbahin ang mga ito, ngunit patakbo palang siya ay nadapa na ito, dahil sa tama nang bala mula sa kanyang binti.

Gunver: AHHHHH

Henchman: Boss nadapa siya!

Jervic: Mukang may natamaan siya kanina noong sinungaban niya ang babaeng yun, Pag-kakataon na natin ito!

Inihanda na nang mga tauhan ni Jervic ang kanilang mga sandata, upang paputukan ang papatayo na si Gunver.

Gunver: Asar!

BRATATATATA

Hindi na nagawang makaiwas ni Gunver mula sa mga tama nang bala, at dahil doon tumalsik siya at halos nasira ang kanyang armor.

Gunver: AAAAAAHHHHHH

Krishia: Masama ito Kyro!  

Jervic: Sige lapitan niyo na!

Dahan-dahan nang lumapit sila Jervic para tuluyan nang tapusin si Gunver.

Power Level 90% down...ito ang sabi nang computer helmet ni Gunver mula sa loob.

Gunver: Naloko na...EERRRRR.

Ilang sandali pa ay tuluyan nang naka-lapit sila Jervic, ngunit akma na mang-lalaban pa si Gunver, pero wala na siyang lakas para lumaban pa.

Jervic: Ito na ang katapusan, nang dakilang si Gunver!!!!

Tinutukan si Gunver mula sa kanyang ulo, at akma na itong kakalabitin para tapusin na siya.  Ngunit sa hindi inaasahan.

BRRRRUUUUMMMMMM

BOOM!-BOOM!-BOOM!

Jervic: Ano yun!?

Tatlong sunod na pag-sabog ang naganap sa lugar, at ang mga sasakyan nila Jervic ang naging puntirya. At ito ay kagagawan nang mga bagong dating na sila Snider at Draiger na nakasakay sa kanilang mga patrol cycle.

Henchman: Ang mga Special Police!!

Nag-pakawala pa nang missile si Snider, at pinuntirya nito ang mga taong naka-palibot kay Gunver.

BLAST!-BLAST!

Tumalsik ang iba sa kanila at ang iba naman ay nasawi.

Jervic: Asar! Atras muna! Atras!!!

Nag-sipag atrasan ang ilan sa mga naka-ligtas sa panig nila Jervic.  Kaagad naman huminto ang dalawa nila Snider para tingnan ang lagay ni Gunver.

Draiger: Tumatakas sila!

Snider: Pabayaan mo na sila! Mukang kailangan ni Anjelo ang tulong.

Krishia: Kyro! Kyro!

Draiger: (Tinangal ang maskara) Teka anong nang-yari?

Krishia: Masama ang lagay niya, tinamaan siya nang bala kanina nang iligtas niya ako.

Snider: Mukang tama ka, bilis kailangan na niyang madala sa ospital!

Gunver: Errr…Salamat.

Snider: Tumahimik ka nalang.

Kaagad tinulungan ni Snider si Gunver para maka-tayo ito, ngunit si Draiger ay napansin ang mga nag-kalat na sandata na ginamit nang mga sindikato laban kay Gunver.

Pinulot niya ang isa dito, at tila pamilyar sa kanya ang bagay na ito.

Draiger: Ang baril na ito? Hindi kaya!

Kinuha nalang ni Draiger ang nasabing sandata, at umalis narin ito sa lugar para tulungan si Snider na dalhin sa ospital si Kyro.
_____________________________________________

Sa mansion ni Congressman Bidani, nag-balik sila Jervic para mag-ulat sa kanyang ama.  Ngunit nakarating na sa kanya ang balita na pinasok GINGA at ilang tauhan nang PDEA ang ilan sa mga posibleng drug den nila.

Jervic: Pa!

Cong. Bidani: Jervic, anong ibig sabihin nito? Bakit ang ilan sa mga lugar na pinang-hahawakan natin ay na raid nang PDEA at GINGA? 

Jervic: Pa konting hinahon, Kahit na nagawa nilang ma pasok ang ilan sa mga lugar natin, meron naman akong magandang balita para sa iyo.

Cong. Bidani: Sige ano naman yun?

Jervic: Tulad nang plano, isa sa mga Special Police nang GINGA ang paniguradong nasa kritikal na sitwasyon. At yun ay walang iba kung hindi si Detective Kyro Anjelo, Ibang klase ang sandata na ibinigay sa atin nang Dranixs, kaya niyang ma penetrate kahit na pinaka-matigas na bakal sa mundo. kahit na salakayin nila tayo dito sa mansion, wala silang magagawa. Kung hindi saluhin lahat nang mga balang ipuputok natin sa kanila.

Cong. Bidani: Ganon ba, talagang maasahan ang Dranixs, asikasuhin mo na ang susunod na shipment, habang pilay pa sila.

Jervic: Masusunod pa!
­­­­­__________________________________________________

GINGA Medical Center.

Kaagad dinala si Kyro sa operating room para masalinan kaagad ito nang dugo, at tangalin ang balang tumama sa kanyang tagiliran at sa binti.

Dumating naman si mei para tingnan ang lagay ni kyro.

Miguel: Agent Martin!

Mei: Sandali kumusta si Kyro? Maayos na ba ang lagay niya?

Miguel: Maayos naman siya, sinasalinan na siya nang dugo mula sa loob. Sa ngayon tinatangal nalang ang bala na tumama sa kanya.

Mei: Mabuti naman.

Miguel: Sandali nasaan naman si Marina?

Mei: Si Marina ba? Ayaw niyang sumama, mukang galit parin siya sa nang-yari.

Miguel: Pambihira naman siya, hindi ba niya alam na nasa malubhang kalagayan ang partner niya, bakit hindi man lang siyang pumunta dito para silipin si Kyro kahit na sandali?

Mei: Ewan ko, pero maiba tayo...ano operation report?

Miguel: Ang mabuti pa sa briefing room ko nalang sabihin sa inyo, mukang mas malaki ang problema natin kesa ngayon.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Miguel sa mas malaking problema ang kahaharapin nila?
_______________________________________________

Sa briefing room, isa-isang pumunta ang mga taong pinatawag ni Mei, para malaman ang report ni Miguel sa kanilang nakaraang operation.

Mei: Miguel narito na ang mga taong sinabi mo, sige anong nilalaman nang report mo?

Miguel: Mukang sasakit ang ulo natin dahil wala si Kyro, at mas magugulat naman kayo sa ipapakita ko sa inyo.
Kinuha ni Miguel ang isang bag, at inilabas nito ang nasa loob nito. Nag-taka at nagulat naman sila Gen. Ratio sa kanilang nakita.

Gen. Ratio: Sandali, ano naman ang isang yan Corporal?

Clyde: Isang baril, teka yan yung ginamit nang mga tauhan ni Bidani, anong kinalaman niyan sa kaso ngayon?

Miguel: Diba sinabi ko na hindi nalang droga ang problema natin dito. Para malaman niyo kung saan galing ang baril na ito… Galing ito sa dranixs.

ALL: Ano!

Nagulat at hindi makapaniwala ang iba sa kanilang narinig sa sinabi ni Miguel.

Chief Insp. Marcus: Papaano nang-yari yun? Paano mo nasabi na sa dranixs nga galing ang sandatang yan?

Miguel: Alam niyo naman siguro na minsan naging bahagi ako nang oraganisasyon iyon, kaya hindi na bago sa akin ang mga gamit na kanilang inilalabas, At para sabihin ko sa inyo, ang baril na ito na kung tawagin ay warfarin rifle, si Dr. Hamilton isa sa mga miyembro nang dranixs ang siyang gumawa nang sandatang ito, kaya nang bala nito na i-penetrate ang kahit pinaka matibay na bakal sa mundo. Kaya hindi ako mag-tataka kung bakit nasugatan nang husto si Kyro.

Gen. Ratio: Sige nadoon na tayo sa mga sandata na iyan, pero anong konektion ni Bidani sa Dranixs? Bakit meron siyang nang mga ganitong klaseng sandata?

Miguel: Yun ang kailangan nating alamin, pero sa ngayon aalamin ko muna ang  kung papaano natin mapipigilan ang sandatang ito, dahil kahit na naka-suot kami nang special police armor, hindi kami ligtas.

Gen. Ratio: Bueno, sige magandang idea ang naisip mo corporal, Sa susunod na operation na gagawain nito, I want Bidani out patay man siya o buhay.

Mei: Walang problema doon Sir. Gagawin na namin ang nararapat sa susunod.
_____________________________________________________

Sa ward kung nasaan naka-himlay si Kyro, hindi inaasahan na pupunta dito si Marina para tingnan ang kanyang sugatang partner.

Ngunit habang pinag-mamasdan niya ito, bigla nalang nag-pakita si Krishia at kinumusta nito si Marina.

Krishia: Ang hibing niyang matulog ano?

Marina: Krishia?

Krishia: Hindi ko inaasahan na pupunta ka dito, hindi mo rin siya matiis?

Tahimik lang si Marina, pero pinag-patuloy ni Krishia ang kanyang pag-sasalita.

Krishia: Alam mo, hindi mo pa kilala nang lubos si Kyro, noong mag-kasama pa kami. Noon madalas uminit ang ulo niya at napaka-iresponsable niya...pero masasabi ko naman na napakabuti niya sa bawat taong nakaka-salamuha niya. Sana hinayaan mo siyang maka-pag-paliwanag noong gabing yun, dahil ako naman talaga ang may kasalanan nang lahat.

Marina: Ano?

Krishia: Totoo naging Girlfriend niya ako noong high school, pero nag-kahiwalay kami dahil sa pumunta kami nang pamilya ko sa US para sa business proposal sa pamilya ko, at ako doon ko pinag-patuloy ang pag-aaral ko. Pero bago ako umalis na ngako ako kay Kyro na magiging mahusay akong journalist na makakapareha niya sa bawat kasong hahawakan niya.

Pero, mukang hindi na ata puwedeng mang-yari yun. dahil nakatagpo na siya nang isang taong makaka-tulong niya sa bawat laban na kahaharapin niya.

Marina: Sandali bakit mo sinasabi sa akin ito?

Krishia: (Ngumiti) Gusto ko lang maibsan ang galit mo sa kanya, alam kong medyo may pag-ka iresponsable siya minsan, pero ang tanong ko sa iyo, pinabayaan ka ba niya sa oras na kailangan mo siya?

Tila natauhan si marina sa mga sinabi ni Krishia sa kanya. At ang mga bagay na ginawa ni Kyro ay na-alala niya.

Krishia: Marina, kailangan ka niya, kailangan ni Gunver ang partner niya sa labang ito.

Marina: Krishia ikaw?

Krishia: (Ngumiti) Mag-tulungan nalang tayo, para sa kanya.
__________________________________________________

GINGA underground base.

Pinuntahan ni Miguel si Marion para humingi nang tulong para hanapan nang weakness point ang warfarin rifle.

Marion: Kakaiba nga ang baril na ito, sino mag-aakala na gagawa ang dranixs nang isang anti-plasma energy gun na kagaya nito.

Miguel: Anti-Plasma energy gun?

Marion: Mukang alam mo nga ang tungkol sa baril na ito, pero hindi mo alam kung ano ang bala na meron ito.

Miguel: Hindi eh, ang alam ko lang ay kaya nitong i-penetrate ang titanium metal kagaya nang mga suit namin. Bakit may iba pa diyan?

Marion: Alam mo ba ang warfarin ay isang klase nang virus na sumisira sa plasma energy. Ang armo niyo nila Kyro bilang mga special police ay nag-tataglay nang 95% na plasma energy na kung saan ito ang nagiging source para makapag-transform kayo bilang mga special police. Minsan nang natamaan si Gaider nang warfarin noon kaya alam ko ang tungkol sa bagay na iyan.

Miguel: Ganon ba, pero may-naiisip ka bang paraan para mapigilan ang mga sandatang yan? Meron ka bang gadget na puwedeng tumapat sa mga yan?

Nag-isip nang sandali si Marion sa sinasabing gadget ni Miguel, at ilang sandali ay pumasok sa isip niya ang isa sa mga gadget ni Kyro, at ito ang Gun Disruptor.

Marion: Meron, ang Gun Disruptor ni Kyro! Kaya noong i jammed ang lahat ng klase nang fire arms.

Miguel: Kung ganon, meron pa ba tayo nang ilan noon?

Marion: Meron...ang kaso lang meron lang itong dalawang shot para i-disrupt ang isang baril.

Miguel: Ganon ba, baka meron pang ibang paraan para malusutan ang mga warfarin rifle ni Bidani.

Nag-isip-isip din si Miguel para mas mapalawak pa ang pag-gamit sa Gun Disruptor. At ilang sandali ay, nakita niya ang isang drone na naka-patong sa lamesa.

Miguel: Marion, kaya naman siguro nang disruptor na controlin ito nang sabay-sabay diba?

Marion: Oo naman walang problema doon, ang problema lang nito meron lang siyang dalawang shot. Bakit may naiisip ka ba?

Miguel: Ang totoo niyan meron. At mukang tapos na ang problema natin sa pag-kakataong ito.
Ano kaya ang iniisip ni Miguel sa pag-kakataong ito?
____________________________________________

Samantala pinuntahan ni Marina si Mei, para ipag-pa alam na sasama siya sa susunod na operation na kanilang gagawin.

Marina: Ms. Mei.

Mei: Marina?

Marina: Ms. Mei, kung puwede lang...hayaan niyong ako na muna ang humalili kay Kyro para sa kasong ito. 
Masiyado akong naging makasarili nitong nakaraan, kaya gusto kong makabawi sa kanya kahit na papaano.

Mei: Walang problema sa akin yun, at saka sigurado akong gugustuhin ni Kyro na ikaw mismo ang tatapos nito, dahil malaki ang tiwala niya sa iyo.

Ilang sandali naman ay, biglang pumasok si Miguel para sabihan na naka-kita na siya nang paraan para talunin ang warfarin rifle nang mga kalaban.

Miguel: Ms. Mei...Oh Marina narito ka pala.

Mei: Bakit Miguel anong balita sa ginagawa mo?

Miguel: Nakakita na ako nang sulusiyon para talunin ang warfarin rifle, ngayon kailangan nalang nating gumawa nang plano, para mahuli si Bidani. Ang tanong, saan naman natin siya matatagpuan?

Mei: Madali na ang bagay na yun, sa ngayon, gumawa na tayo nang plano para sa operation na ito. Marina, ikaw ang hahawak sa posisyon ni Kyro ngayon.

Marina: Naiintindihan ko po.

Mei: Sige, simulan na natin ito.
_______________________________________

Sa briefing room, nag-simula ang pag-pla-plano nang GINGA para sa operation na kanilang gagawin, dahil sa double ang peligro ang naka-abang sa kanila, minabuti na nito na huwag nang pumasok ang support team, at ang mga special police nalang ang papasok sa naturang lugar.

Dahil naman sa ibinigay na Intel ni Krishia sa kanila, nalaman nang GINGA ang isa sa mga pinag-tataguan ni Congressman Julio Bidani.

Mei: Ayon sa Intel na nakuha namin, matatagpuan ang isa sa mga mansion ni Bidani sa bulubundukin nang Rizal sa antipolo, guwardiyado at puno nang  mga iba’t ibang security system ang lugar na iyun. 

Miguel: At isa pa, masiyadong delikado ang lugar na yun dahil sa mga warfarin rifle na gamit nila, kaya minabuti na namin na kami nalang tatlo ang papasok para i clear ang lugar.

Clyde: Teka may plano ka ba para i-desolba ang mga sandata nila?

Miguel: Hmp meron, at tinitiyak ko sa iyo, dito na matatapos ang kasong ito.

Mei: Mukang wala nang problema, Marina alam mo na ang gagawin mo bilang parte ni Kyro.

Marina: Naiintindihan ko (Nakatingin kay Krishia)

Mei: Sige kilos na! 

Kaagad nag sipag-handa ang  mga GINGA police para puntahan ang mansion ni Bidani sa antipolo. Makikita naman sa mukha ni Marina na gagawin niya ang makakaya niya para sa kanyang partner.

Sa silid ni Kyro, tila unti-unti na itong nag-kakamalay.

Samantala naka-alis na ang groupo nila Marina para sa operation na kanilang ikinasa.
_______________________________________________

Sa mansion ni Bidani sa antipolo.

Abala ang kanyang mga tauhan sa pag-lalabas mula sa container nang mga kargamento na dumating mula sa  china.
Nilapitan ni Cong. Bidani ang kanyang anak.

Cong. Bidani:  Siguraduhin mo lang na hindi mabubuwiliyaso ang shipment nating ito ngayon.

Jervic: Walang problema doon pa, sa oras na mag-pakita ang GINGA ditto, nakahanda ako para salubungin sila.

Nag-patuloy lang ang mga tauhan nila sa pag-lalabas nang kanilang shipment sa container.

Nakarating naman ang GINGA sa naturang mansion. At sakay nang kanilang armored vehicle bumaba ang mga pulis at pumuwesto na ang mga ito.

Miguel: Okay narito na tayo... yung iba hold your posistion, susundin natin ang plano para sa phase 1.

Kinuha ni Miguel ang malalaking bag, at inilabas niya ito. Ngunit nag-tataka sila Marina kung ano ba talaga ang laman nang mga bag na dala ni Miguel.

Marina: Sandali ano ba ang mga yan?

Miguel: Ito? Ito lang naman ang mag-liligtas sa atin.  Tayo na!
__________________________________________

Kumilos na ang GINGA at pumuwesto na sa kanilang mga posisyon. At ang tatlong special police na sila Miguel, 
Clyde at Marina ang siyang na nguna sa pag-pasok sa mansion.

Pero sa secuirty room nang mga Bidani, kita nila ang mga ito na papasok sa kanilang bakuran, at kaagad itong pinag-bigay alam sa kanilang amo na si Cong. Bidani.

Henchman: Cong. Bidani pinasok tayo nang mga taga GINGA!

Cong. Bidani: Anong sabi mo!

Jervic: Mukang ito na ang pag-kakataon, pa...ipaubaya mo na sa akin ang mga ito. Kayo diyan mag-sikalat kayo.

Henchman: Masusunod!

Nag sipag handa ang  mga tauhan ni Bidani at kumuha nang tig-iisang warfarin rifle. Pero sila Miguel tila alam naring mang-yayari ito.

Clyde: Mukang alam na nila na narito tayo.

Miguel: Mabuti yun! Sige pasukin na natin! 

*Change Grenade Launcher!*

BBBBBOOOOOOOMMMMSSSSS

Binago ni Clyde ang kanyang Gun Snider bilang Grenade Launcher, at pinasabog nito ang gate. At inihanda naman ni Miguel ang dala niyang bag. At pinindot nito ang isang button.

Miguel: Kayo na ang bahala!
Sumunod kaagad siya sa dalawa niyang kasama. Ngunit pag-pasok palang nila sa loob nang mansion

Jervic: Tingnan mo nga naman, ang mga daga na ang lumapit sa patibong nila. Hindi ko akalain na papasukin nang 
GINGA ang isa sa mga private property namin, alam niyo puwede ko kayong pakasuhan nang tresspassing sa ginawa niyo at sa pag-sira sa bakuran ko!  

Clyde: Masiyado kang madal-dal.

Naka-tutok lang sa kanila ang mga warfarine rifle na handang kalabitin nang mga ito para patamaan sila.

Marina: Miguel, ano nang plano mo?

Miguel: Alam mo, kung sa kadadak-dak mo kanina ay tinapos mo na kami, siguro malamang wala na kami ngayon, pero mukang nag-kamali ka ata sa ginawa mo!

Jervic: Ano?

Miguel: Heto na ang pangontra sa mga pusa!!

Pinindot ni Miguel ang button mula sa kanyang wrist gadget, at isa-isang lumabas ang mga drone sa ere. Nagulat nalang ang lahat sa biglaan nilang pag-sulpot. Ngunit ang hindi nila alam, na jammed na ang bawat warfarine rifle na hawak nila, dahil narin sa Gun Disruptor na naka-kabit sa mga drone.

Ito pala ang iniisip ni Miguel noong oras na makita niya ang mga naka-tambak na drone sa Underground base nila, ang ikabit ang mga Gun disruptor para magamit niya ito nang sabay-sabay.

Jervic: Mga drone!?

Miguel: Mismo, oras na rin para sumuko kayo!

Inilabas nang tatlo ang kanilang mga Driver, at isa-isang nag DNA scan.

Jervic: Buwiset paputukan sila!

Henchman: Boss ayaw nang gumana nang mga sandata namin! 

Jervic: Ano! Kumuha kayo nang panibago bilis!!

Tagumpay naman naka-pag bago nang anyo sila Miguel.

Zhapyra: Ako na ang bahala kay Bidani, sa inyo ko na ipauubaya ang mga ito.

Draiger: Sige.

Nakakuha naman nang mga panibagong sandata ang mga tauhan ni Bidani, ngunit hindi na ito kagaya nang mga warfarin rifle na gamit nila.

Draiger: Oras na para mag-trabaho!

Sumugod na kaagad ang dalawa ni Snider at Draiger sa mga kalaban, at si Zhapyra ay patungo sa lugar kung nasan ang target nila.
________________________________________________

Sa GINGA medical Center.

Isang nurse ang pumasok sa kuwarto ni Kyro upang checkupin ito, ngunit sa pag-pasok niya ay laking gulat niya na wala na ang kaniyang pasiyente.

Nurse: Teka nasaan si Detective Anjelo!

Lumabas ito at sakto naman ang pag-dating ni Mei kasama ang ama ni Kyro.

Nurse: Detective Anjelo!!

Mei: Teka Nurse anong nang-yayari?

Nurse: Agent Martin, si Detective Anjelo, mukang umalis siya dito sa center!

Mei: (Gulat) ANO! ...Pa si Kyro.

PNP Chief. Anjelo: Ang batang yun.
______________________________________________

Sakay nang kaniyang Gun racer, nag-madaling mag-tungo si Kyro sa lugar kung nasaan ang kanyang mga kasama, gamit ang GPS tracking, inalam niya kung nasaan sila Marina ngayon.

Kyro: Kung ganon nasa antipolo sila, hintayin niyo ako!

Hinarurot ni Kyro ang kanyang sasakyan para mas mapabilis ang pag-punta niya dito.
_________________________________________________

BRATATATATATATATATA

Nag-patuloy ang putukan sa loob nang mansion sa pagitan nang mga special police at mga tauhan nang sindikato. At si Krishia mula sa malayo ay kumukuha nang litrato para sa kanyang article na gagawin.

ZAP-ZAP

Dalawang tama nang throwing dagger ang ibinato ni Draiger sa dalawang henchman at kaagad namatay ito. Ngunit bigla naman siyang pinaputukan nang dalawa pa mula sa kanyang likod.

BRATATATATATA

Draiger: Medyo na kiliti ako doon ah!

Nabigla nalang ang mga ito na hindi tumalab ang mga bala mula sa baluting suot nang special police.

Akmang aatakehin ni Draiger ang dalawang henchman na nag-paputok sa kanya, pero bigla nalang sumulpot si Snider at sinipa ang mga ito.

BBBBAAAAAAAAGGGG

Draiger: Anong!!

Snider: Mag-seryoso ka, hindi porket ganito ang mga kalaban natin babaliwalain mo na sila.

Draiger: Alam ko yun, huwag mo na akong pangaralan!

Nag-sabay muli ang dalawa para pataobin na ang mga tauhan nang sindikato.
_____________________________________________

Hinanap ni Zhapyra ang lurag kung nasaan nag-tatago si Cong. Bidani, mula sa security room nakita nito na papalapit sa kanila ang babaeng special police.

Henchman: Boss, papunta dito ang isa sa mga miyembro nang GINGA!

Cong. Bidani: (Tiningnan ang monitor) Jervic, pigilan mo ang isa sa mga taga GINGA na papunta dito. Bilisan mo!

Tinawagan ni Cong. Bidani ang kanyang anak, para protektahan siya laban kay zhapyra.

Jervic: Masusunod pa!

Dali-dali na pumunta si Jervic sa lugar kung nasaan si zhpayra.

Draiger: Teka saan siya pupunta!?

Snider: Pabayaan mo na siya, kaya ni Marina ang sarili niya. Tapusin na natin dito.

Draiger: Kung ganon wala narin akong magagawa, sige pumasok na kayo!

Pinindot ni Draiger ang signal button niya na hudyat sa pag-pasok nang kanilang back-up.

GINGA Police: Heto na ang go signal...tayo na!

Kaagad kumilos ang mga GINGA police para sa back-up, at sumama narin si Krishia sa loob para mas maka-kuha nang magandang litrato.
__________________________________________________

Malapit na si Zhapyra sa lugar kung nasaan ang target.

Zhapyra: Nadito siya.

Papasok na sana siya sa silid nang bigla siyang paputukan ni Jervic para pigilan.

Jervic: Hanggang diyan ka nalang!

Muli siyang pinaputukan ni Jervic gamit lang ang machine gun. Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-papaputok sa babaeng agent.

Pero umiwas lang ito at humanap nang butas para doon maka-atake. At ilang sandali pa, gamit ang computer helmet scan, nakakuha nang butas si zhapyra.

Zhapyra: Huli ka!

Ginamit ni Zhapyra ang kanyang Driver, at pinapukan niya ang baril na gamit ni Jervic para mawala sa kanyang kamay.

At pag-kataposs noon, sinugod niya ito at ginamitan nang husay sa aikido.

Sunod-sunod na sipa at suntok ang pinakawalan nang babaeng agent. Hanggang sa tuluyan na niyang mapatumba ang anak nang kilalang drug lord.

Zhapyra: Amature...

____________________________________________
Kita naman ni Bidani ang pag-tumba nang kanyang anak.

Henchman: Boss, si jervic tumba na!

Cong. Bidani: Buwiset, akin na ang baril ko.

*Sandali lang*

Merong isang boses na pumigil kay Bidani, na kanyang ikinagulat.
_____________________________________________

Natapos na ang pakikipag-laban nila Draiger at Snider sa mga miyembro nang sindikato, at ang ilan sa mga ito ay sumuko na.

Snider: Tapos na tayo dito.

Draiger: Si bidani nalang.

Susunod na sana ang dalawa ni Snider at Draiger. Pero biglang...

BRRRRUUUUUUUMMMMMM

Biglang pumasok ang Gun Racer sa eksena, at ang sakay nito na si Kyro ay nag-madaling bumaba na tila hirapan pa.

Krishia: K-Kyro!?

Draiger: Sandali anong ginagawa mo dito?

Hindi pinansin ni Kyro ang mga sinasabi nila Draiger sa kanya, at kaagad siyang nag-tungo kung nasaan ang kanilang targert.
_________________________________________

Papasok na si Zhapyra sa loob nang silid, pero sa hindi inaasahan.

BBBBBBBOOOOOOMMMMSSSS

Zhapyra: AHHHH

Tumalsik si Zhapyra sa lakas nang pag-sabog, at dahil doon halos nasaktan siya saka natangal ang suot niyang helmet.

Ang may kagagawan nang lahat nang ito ay walang iba kung hindi si primo.

Zhapyra: Dr-Dranixs?

Bidani: Master primo magaling ang ginawa mo------ARRRRRGGHHHHH...Master primo.

Laking gulat nalang  ni Zhapyra na biglang sinakal paitaas si Bidani. At tuluyan nitong binali ang leeg.

CCCRRRACCCCCKKK

AAAAAARRRRHHHH

Primo: Wala ka nang silbi sa akin.

Pag-katapos ay inihagis nito ang kaniyang walang buhay na katawan.  At saka nag-patuloy nag-salita.

Primo: Ang buong akala ko si Detective Anjelo ang sasalubong sa akin.

Nakaramdam nang matinding takot si Zhapyra nang makaharap niya si Primo, dahil iba ang inilalabas nitong aura sa paligid. Pakiramdam nang babaeng agent na hinahatak siya paibaba mula sa kumunoy.

Zhapyra: Hindi ako makalakad....

Primo: Agent Marina Asol....ikaw ngayon ang uunahin ko!

Akmang hahawakan na si Zhapyra ni Primo pero-----

BANG!!!!

Isang putok ang ang –patigil kay Primo, at ito ay kagagawan nang walang iba kung hindi si Kyro.

Kyro: Marina!!!

Zhapyra: Kyro!?

Dumating din sila Snider at Draiger kasama si Krishia, at laking gulat ni Krishia na patay na si Bidani. Si Draiger naman ay hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

Krishia: Si Bidani pataya na siya?!

Draiger: Akalain mo nga naman, narito ang pinakang boss nang dranixs. Kumusta na… Master Primo.

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Draiger, na ang kaharap nila ngayon ay ang walang iba kung hindi ang pinakang pinuno nang Dranixs na si Primo.

Kyro: Kung ganon, siya ang pinuno nang dranixs?

Draiger: Sabihin mo ikaw ang siyang tumutulong sa sindikatong ito tama ba? Ikaw rin ang siyang nag-bigay nang mga warfarine rifle sa kanila. Kaya anong motibo mo?

Primo: Wala akong karapatan para sagutin ang mga tanong mo, Ikaw Detective Anjelo, malapit nang mag-tapos ang sangkatauhang prinoprotektahan niyo. malapit na ang tinatawag na new world order.

Kyro: New world order?

Primo: Hindi pa ito ang huli nating pag-kikita.  GINGA Police.

Mula sa armor na suot ni Primo, nag-labas ito nang kakaibang usok.

Snider: Tumatakas siya!

Hanggang sa tuluyan na siyang nakatakas.

Kyro: New world order? Anong ibig niyang sabihin.

____________________________________________________

NEWS FLASH!!!!

Congressman Julio Bidani at ang kanyang sindikato, tuluyan nang bumagsak. Ito ay matapos na ginawang operation nang GINGA laban sa naturang samahan nang dating congressman, nakumpiska rin sa loob nang mansion ni bidani ang samutsaring mga epektos at droga na kararating lamang dito sa pilipinas.

Sa kasamaang palad hindi pinalad si Bidani dahil napatay siya sa engkuwentro, ngunit ang anak niyang si Jervic Bidani ay kasalukuyang tinakeover nang GINGA sa kamay nang NBI. At sa ibang mga balita naman---

CLICK.

Pinatay ni marina ang TV na nasa loob ngayon nang silid ni Kyro.

Marina: Bakit mo naman inilihim sa midea ang pag-kamatay ni Bidani?

Kyro: Mas mabuti na yun, kesa malaman nang publiko ang tungkol sa dranixs.

Marina: Pero, alam ni krishia ang tungkol dito, at siya ang nag-sulat nang balita tungkol sa pag-kamatay ni Bidani. Iniisip ko rin kung ilang sindikato dito ang merong influwensiya nang Dranixs.

Kyro: Hindi natin alam, pero kailangan nating mag-handa, kailangan din natin malaman ang nilalamang sinabi niyang, new world order.

Ano nga ba ang ibig sabihin nang new world order na sinabi ni primo?

Case continued..