All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Police report...PNP chief sangkot sa isang malaking drug syndicate.
News flash.... Congressman nang Batangas region, leader nang isang
big time syndicate.
GINGA muling nasangkot sa isang malaking gulo, tungkol sa katiwaliaan.
Senado, nakipag-ugnayan sa nasabing organization.
Nitong mga nakaraang araw, lamang nang samulit sari na balita tungkol sa droga at corruption, at isang tao lang
ang matapang na nag-hahayag na isiwalat ang lahat. Siya ay tinatawag sa bansag
na crusader. Sino ang taong ito?
Case 49:
Crusader Journalist.
GINGA Cafe....
Abala si kyro sa pag-babasa nang balita mula sa diyaryo. Tungkol ang ilan sa mga katiwaliaan at
corruption na nagaganap sa bansa.
Sherry: Kuya kyro,
heto ang hot choco mo.
Kyro: Ah salamat
Sherry.
Ininom ni kyro ang kanyang chocolate at nag-patuloy sa pag-babasa.
Hanggang sa napunta siya sa isang article tungkol sa pag-sisiwalat sa isang
congressman drug lord.
At mas lalong ikinagulat niya ay ang taong siyang nag-siwalat nang
lahat.
BBBBBBRRRRRRUUUUUUUUUU
Marina: Teka anong
nang-yari sayo?
Nasamib si Kyro nang kanyang iniinom na tsokolate. Dahil hindi
siya makapaniwala na ang taong siyang nag-sulat nang balita ay isang dati niyang
ka kilala.
Kyro: Imposible
ito? Journalist siya ngayon?
Ngunit ilang sandali lang, sa labas nang kanilang cafe. Isang
motorsiklo ang siyang huminto. At bumaba ang sakay nito saka pumasok sa loob.
Miya: Ah welcome
po!
Nag salita ito at iisang tao lang ang hinahanap niya.
?: Dito ba ang
detective agency ni Kyro Anjelo?
Mei: Dito nga,
sandali lang tatawagin ko siya...Kyro may taong nag-hahanap sa iyo.
Kyro: Sino naman
yun?
Pag-tayo ni Kyro sa kanyang kinauupuan, ay laking gulat niya nang
makita ang isang pamilyar na emahe sa kanya.
Kyro: K-Krishia!?
Krishia: Kumusta
Kai-Kai!
Nag-taka naman si Marina sa babaeng nasa harapan nila ngayon.
Marina: Kai-Kai?
Krishia: Kai-Kai!!!!
Kyro:
WWAAAAAAHHHHH.
Bigla nalang lumapit si Krishia kay Kyro at saka niyakap ito,
nagulat nalang ang mga tao sa loob nang cafe sa nang-yari.
Krishia: Na-miss
kita....
Kyro: (Nag-tataka)
Imposible ito?
__________________________________________
Sa isang sikretong hide-out. Isang organisasyon ang tila abala sa
kanilang pag-kakarga nang mga kontrabando.
at isang tao din ang nag-babasa nang diyaryo nang mga oras na yun,
ngunit pinunit lang niya ito dahil sa inis sa nilalaman nang balita.
*Buwisit! Wala na bang mag-papatigil sa babaeng ito?*
Nag-salita naman ang isa sa kanyang mga tauhan, para pakalmahin
ang kanilang naturang amo.
Henchman: Boss
konting hinahon lang. Magagawan din natin nang paraan ang bagay na yan.
Kinilala ang congressman na nasakote sa isang drug bust operation
na si Congressman Julio Bidani, at ang kanyang anak na siyang namamahala sa
ngayon sa groupo ay si Jervic Bidani.
Jervic: Huminahon?
Papaano ako hihinahon, putok na putok ang ginawa nang babaeng ito sa ama ko. Ni
hindi ko alam kung saan niya na kukuha ang mga impormation na isinusulat niya.
Henchman: Boss
Jervic, huwag kang mag-alala, kulang ang ebidensiya laban kay Congressman, at
isa pa mamaya lang palalayain na siya.
Jervic: Mabuti
naman kung ganon, dahil kailangan magawan na natin nang paraan ang crusader na
yan.
______________________________________________
GINGA Cafe....
Kasalukuyang kausap ngayon nila kyro ang babaeng nag-pakilalang si
krishia.
Marina: Teka sino
ka ba at bakit ka ganyan makalingkis sa lalaking yan?
Nakayakap parin ngayon si Krishia kay Kyro. Na para bang ang tagal
na nilang mag-ka kilala.
Krishia: Ako? Heto
ang pangalan ko.
Ipinakita ni krishia ang kanyang id kila marina, at nakita nila na
isa pala itong taga media.
Miguel: Tingin
nga...I.D. ito nang Daily Cosmo, Krishia Bael Domuingez? Teka parang pamilyar
ang pangalan na ito ah.
Marina: Teka sagutin
mo na nga yung tinatanong ko, sino ka nga ba?
Tinigilan muna ni Krishia si Kyro at umayos siya para
mag-pakilala.
Krishia:
Nakaka-irita ka naman, kita mong ngayon lang kami nag-kita ni Kai-Kai, pero sige
para matigil ka na. Ako si Krishia Bael Domuingez, nag-tra-trabaho ako bilang
isang journalist sa daily cosmo, at kilala rin ako bilang crusader.
Tila merong na-alala si miguel sa sinabi niya.
Miguel: Tama!
Naalala ko na ang pangalan mo.
Mei: Bakit
miguel kilala mo ba siya?
Miguel: 2 years ago
meron isang journalist na walang habas na inilalabas ang buong katotohanan sa
madla, wala siyang pakielam kung meron man siyang maapakan o masagasaan. Kaya
karamihan sa mga bigating tao, masyadong tipid kung mag-bigay nang impormation.
At nitong nakaraan lang, isang congressman ang nakulong dahil sa pag-siwalat
niya nang baho nito. Siya ang tinatawag na crusader, at ikaw yun Krishia Dominguez.
Mei: Crusader?
Marion: Mukang tama
ang sinasabi ni Miguel, hindi mabilang ang mga report at article na sinulat mo
tungkol sa mga corrupt official at mga drug lord. Nakakamangha para sa isang
babae ang ganitong klase nang tapang.
Krishia: Trabaho ko
lang yan, at trabaho nang isang journalist na ibigay ang buong katotohanan nang
walang kapalit.
Ngumiti si Krishia sa mga papuri na naririnig niya. Ngunit si Marina,
tila na iinis dahil patuloy parin ang pag-lingkis nito kay kyro.
Marina: Oo na oo
na, naroon na tayo, pero bakit panay parin ang lingkis mo sa lalaking yan?
Krishia: Ah kay
Kai-Kai ba? Well boyfriend ko naman siya ah, anong masama doon?
Nagulat lalo ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Krishia na
nobyo niya si Kyro.
ALL: ANO!!!
Kyro: Naloko na.
Marina: Teka anong
ibig sabihin nito...Kyro!
Kyro: Teka huwag
ka namang magalit diyan, ang totoo niyan, oo nga naging girlfriend ko ang
babaeng ito noong senior high school, ang kaso noong grumaduate kam,i bigla nalang
siyang umalis papuntang us para mag-aral. Ang akala ko nga hindi na siya
babalik. Nagulat nalang ako na isa ka na palang journalist.
Krishia: Hindi lang
ako basta-basta isang journalist, sabahin na natin na para akong isang special
police na mas double ang peligro na kinahaharap ko sa bawat araw ko sa trabaho.
Diba na-ngako ako sayo na, magiging isang journalist ako, at sayo ako kukuha
nang mahalagang impormation.
Ang kaso, medyo nag-kahiwalay lang muna tayo nang pansamantala.
Pero nagulat talaga ako sa nabalitaan ko tungkol sayo, hindi ko akalain na
makukuha mo nga ang isa sa mga titolo bilang isang special police, at alam mo
ba palihim kitang sinusubaybayan, at sinusulatan nang article ang bawat naging
kaso mo noon.
Kyro: Ano
ginagawa mo yun? Nang ikaw lang mag-isa?
Krishia: Yep, isa sa
mga sinulat ko yung nakaraan insidente sa GINGA, kung saan nasangkot ang isa sa
mga opisyal niyo sa isang anomalya, pero hindi ito tungkol sa inyo, dahil
marami akong ka kilala sa organisasyon niyo na patas kung makipag-kalakaran.
Mei: Sandali
lang, maputol ko lang ang reunion niyo, ano nga ba ang sadya mo ditto? Siguro
naman hindi ka makikipag-date sa lalaking yan?
Krishia: Nabangit
niyo rin lang Mrs. Anjelo.
Miguel: Sandali
tinawag niyang misis si Agent Martin!
Marina: Ms. Mei?
Mei: Ayos lang
yun, walang problema sa akin. Sige ano ang sadya mo?
Krishia: Sige na
nga, para matapos na ito at makalabas na kami ni Kyro.... gusto kong kunin ang
serbisyo ni kyro, para hanapan nang butas ang taong gusto kong makitang
nabubulok sa bilanguan.
Tiningnan ni Krishia ang kanyang orasahan, at nakiusap siyang
pakibuksan ang kanilang monitor para ipakita ang kanyang sinasabi.
Kasalukuyang palabas ngayon sa tv ang pag-papalaya nang isang
congressman na nahuli sa isang drug bust operation. Sa ombudsman. Sinalubong nang
mga tauhan nang media ang akusadong congressman na si Julio Bidani.
Reporter: Narito po
tayo ngayon sa harap nang korte suprema, para alamin ang naging hatol kay
ex-congressman Julio Bidani.... teka sandali po heto na ata sila.
Lumapit ang ilang mga reporter para kunan sila nang panayam.
Reporter: Attorney...
konting katanungan lang, ano ang masasabi niyo sa hatol nang korte, may
posibilidad po ba na maibasura ito?
Attorney: Maibasura?
Sa tingin ko walang dapat na maibasura dito kung hindi yung mga maling paratang
sa amin, hindi ko alam kung saan nila kinukuha ang impormation na yun, and
beside...wala namang silang matibay na ebidensiya laban kay congressman. Kung
meron mang dapat na maibasura dito, ikaw yun Ms. Crusader.
Reporter: Sandali
lang po meron pa kaming tanong! Congressman Bidani! Congressman!
Humarap naman ang naturang Congressman sa camera, at ngumiti lang
ito na para bang meron isang malaking pahiwatig.
Cong. Bidani: No Comment
muna ako!
____________________________________________________
At pag-katapos noon pinatay na nila Kyro ang kanilang monitor. At
humarap ang detective sa journalist.
Kyro: Mukang
malaking gulo ang pinasukan mo? Yun ba ang dahilan kung bakit pumunta ka dito?
Krishia: Yep, ang
totoo niyan nakakatangap ako nang mga death threat sa mga taong nakaka-sagupa
ko sa field. Kaya naman ako pumunta
dito, dahil gusto ko nang matapos ang kalokohang ito. Kailangan na siyang
makulong dahil maraming buhay na ang sinisira nang droga niya.
Miguel: Pero hindi
namin sakop ang kasong yan, baka sabihin sa amin nang PNP o NBI masyado kaming
pumapapel.
Marina: Tama siya,
at isa pa may malaking kaso parin kaming kinahaharap ngayon. Kaya pasensiya na
hindi ka namin matutulungan.
Krishia: Hindi naman
puwede ata ito, diba wala naman kayong kinikilingan. At isa pa malaking kaso
ito, ako na mismo ang umuupa sa inyo para imbestigahan ang congressman na
yun. Wala akong tiwala sa batas dito
kaya kayo lang ang puwede kong asahan.
Mei: Kyro, anong
sa tingin mo?
Kyro: Hindi ko
alam, dahil wala sa batas natin ang makielam sa hindi namin trabaho. Pero kung
talagang kinakailangan nang isang tao ang tulong ko, sino ba naman ako para
tumangi, isa pa medyo nag-sa-sawa ako ngayon sa dranixs, dahil wala silang
ginagawang kakaiba ngayon.
Marina: Kyro anong
ibig mong sabihin?
Kyro: Mukang wala
na akong magagawa sa pag-kakataong ito. sige payag na ako. Pero kailangan kong
maka-usap ang in-charge sa kasong ito. Krishia puwede kong malaman kung sino siya?
Krishia: Ang totoo
kilalang-kilala mo siya. Kaya hindi ka mahihirapan kung sa kalaing pumasok ka
sa kasong ito.
Kyro: Kilala ko
siya?
Nahiwagaan naman si kyro kung sino ba ang sinasabi ni krishia na
kilala niya?
________________________________________________________
Bidani Mansion.
Dumating ang congressman na si Julio Bidani. Na tila pinag-iisipan
ang kanyang balak gawin laban sa mga taong
umaresto sa kanya.
Cong.
Bidani: Peste, hindi ko akalain na maiisahan ako nang reporter na yun.
Masiyado na siyang nakikielam. Pati na ang mga pulis na yun. Ang akala ko ba meron
tayong mga tao sa loob?
Jervic: Pa meron
ang kaso lang, masiyadong mahigpit ang pag-babantay sa kanila. Mukang dahil din
yun sa bagong PNP-Chief na naka-upo ngayon.
Cong.
Bidani: Hindi na mahalaga kung sino pa siya, ang gusto ko lang ma itumba
ang reporter na tumira sa akin. Hindi ko papayagan na isang hamak na journalist
lang ang mag-papabagsak sa pangalan ko.
______________________________________________________
PNP Main HQ.
Kasama si Krishia, pumunta si Kyro sa main HQ nang PNP, upang
makipag kita sa pinakang in-charge sa kasong ito.
Krishia: Heto na
tayo.
Binati naman ni Krishia ang mga pulis na kanyang ka kilala. At
hanggang sa makarating na sila sa opisina nang PNP-chief.
Krishia: Heto na
tayo.
Kumatok si Krishia sa pintuan, at kaagad pinatuloy silang dalawa.
Sinalubong naman sila nang isa sa mga tauhan nang PNP-chief.
PNP police: Krishia ikaw pala, anong sa atin ngayon?
Krishia: Gusto ko
lang maka-usap si Chief puwede ba siya?
PNP Police: Mukang
wrong timing ka, medyo mainit ang ulo ni boss dahil sa pag-kakalaya ni Bidani,
pero sige puwede mo siyang kausapin baka sakaling mahimas-masan siya kapag nakita ka.
Krishia: Okay
salamat kung ganon.
PNP Police: Teka sino
naman yang kasama mo?
Krishia: Boyfriend
ko.
PNP Police: Hah ano?
Boyfriend?
Tuloy-tuloy nalang pumasok ang dalawa ni Kyro sa opisina nang
PNP-Chief.
Krishia: Chief
kumusta na?
Nag-salita ang hepe nang buong PNP Force, na tila galit sa
nang-yari.
PNP-Chief: Wala ako sa
mood sa pakikipag-usap sa inyo ngayon, kaya kung puwede lang. Lumabas muna
kayo.
Humarap ang naturang PNP-Chief sa kanila, at laking gulat ni Kyro
kung sino ito.
Kyro: P-Papa?
PNP-Chief: Kyro?!
Ito pala ay walang iba kung hindi ang ama ni Kyro, na si Kenneth Anjelo.
Ang bagong talagang PNP chief.
Tila nag-taka ang binata dahil sa pag-kakataong ito, nasa harap
niya ang isa sa pinaka-mataas na pinuno nang sandatang pulisya sa bansa nila.
__________________________________________________________
Balik sa GINGA cafe, tila inis na inis si Marina sa babaeng si Krishia.
Dahil sa asta nito. Halos padabog kumilos ang babaeng Agent, at ilang sandali
pa nakabasag siya nang isang kumpol nang mga platito.
CCCRRRAAACCCCKKKKK
Mei: Anong nang-yari?
Sherry: Ate Marina!!
Marina: Pasensiya
na, nadulas sa kamay ko, hayaan niyo Miss. Mei, babayaran ko nalang ito.
Mei: Huwag na... sa tingin ko kailangan mo munang lumabas Marina,
masyado mo atang iniisip yung mga nang-yari kanina. Sige na kami na muna ang
bahala dito.
Marina: Pasensiya
na po uli.
Pansin naman ni Mei na tila napapaisip si Marina matapos mag-pakita
ang dating kasintahan ni Kyro. Hinubad muna ni Marina ang kanyang apron, at
lumabas muna ito saka tumambay sa likuran.
Umupo muna siya at huminga nang malalim saka isinigaw ang inis
niya.
Marina:
AAAAAAAAHHHHHHHH
Nang-matapos sumigaw. Bigla naman lumabas si Miguel mula sa itaas
dahil sa nagulat siya sa pag-sigaw ni Marina.
Miguel: Hoy ano ba
ang isinisigaw-sigaw mo diyan?
Marina: Miguel?
Teka anong ginagawa mo, diba may trabaho ka pa.
Miguel: Break time
ko, dapat nga ako ang nag-tatanong sa iyo niyan, bakit ka sumigaw nang ganyan?
Ano bang problema mo?
Marina: Wala, medyo
naiinis lang ako.
Miguel:
Naiinis...saan naman?
Marina: Huwag ka
nang mag-tanong, sige diyan ka na. may kailangan pa akong gawin.
Paalis sana si Marina nang bigla namang nag-parinig si Miguel
tungkol sa nang-yari.
Miguel: Siguro
naiinis ka dahil nalaman mo na ang partner mo ay may tinatago palang secret
girlfriend. At isa pa naiinis ka dahil siya ang kasama nito at hindi ikaw, tama
ba?
Tila na inis si Marina sa sinabi ni Miguel sa kanya.
Marina: Ewan bahala
ka na nga sa iniisip mo diyan!
Tuluyan nang umalis si Marina at iniwan si Miguel sa likod. Ngunit
pansin din nang binata na tila merong kakaiba ngayon sa kasamahan.
______________________________________________________
Ikinagulat ni Kyro na ang Papa niya ang bagong head nang PNP
Force. At hanggang ngayon nag-tataka ito
kung bakit ngayon lang niya nalaman ang lahat.
Kyro: Teka Papa,
anong ibig sabihin nito? Kailan ka pa naging head nang buong PNP?
PNP Chief
Anjelo: Last month lang. Bakit nagulat ka? Hindi ka ba sinabihan nang
Mama mo o pati na nang Ate Mei mo?
Kyro: Hindi eh,
nagulat na nga lang ako. Papaano nang-yari yun?
PNP Chief
Anjelo: Mukang abala ka nga nitong mga nakaraang buwan, pati siguro si Mei
hindi na nabangit sa iyo. Well anyway, narito ka rin lang. Nais kong hiramin ka
sa GINGA para tuldukan na ang kaso ni Congressman Julio Bidani. Pinapunta ko si
Krishia sa iyo, para kumbinsihin ka.
Kyro: Krishia, ano
ba talaga ang trabaho mo kay Papa bukod sa pagiging journalist?
Krishia: Sa kanya
ako kumukuha nang mahahalagang impormation, at ang lahat nang gustong sabihin
niya, sinusulat ko at direkta kong inilalabas sa pahayagan namin.
PNP Chief
Anjelo: Sa lahat nang mga media at reporter diyan, sa kanya lang ako
lubos ang pag-titiwala, at bukod pa doon, hindi ko maabot ang posisyon na ito
kung hindi dahil sa tulong narin niya. Anyway, gusto kong malaman mo ang kasong
puwede mong hawakan, mag-papaalam na ako kay Chief Insp. Marcus para hiramin
ka. Heto ang folder, gusto kong matapos mo ito sa lalong madaling panahon.
Kyro: Pero Papa,
parang nakakahiya naman ito sa mga tauhan mo mula dito. Bakit hindi nalang
sila?
PNP Chief
Anjelo: Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon dito ngayon, basahin mo
nalang yan at diyan mo malalaman ang lahat nang impormation na kailangan mo,
huwag kang mag-alala naka-alalay naman ang buong task force ko para sa mga
bagay na kakailanganin mo.
________________________________________________________
Sa apartment ni Krishia, binasa ni Kyro ang laman nang folder.
Kung saan nadito na lahat nang impormation na kailangan niya. Sinuri niyang
mabuti ang bawat detalye, ang suspect, uri nang droga pati narin ang posibleng
taguan nang mga ito.
Kyro: Ayon dito,
hindi lang si Congressman Bidani ang siyang sangkot sa illegal na gawaing ito,
kasama rin niya dito ang ilan sa mga negosiyante, at ilang kilalang opisyal sa
militar at PNP.
Kirshia: Tama ka,
magugulat ka nalang, na ang dating ex-pnp chief ay kasabwat sa nang-yayari.
(Ibinigay ang isang tasang kape).
Kyro: Teka si PNP
Chief Costodio Simon ito ah, bakit nga pala siya na release sa puwesto?
Kirshia: Dahil diyan
sa hawak mong folder, nariyan ang ilang katibayan na kasabwat siya ni
Congressman Bidani, pero walang maisumite na matibay na ebidensiya na puwedeng
mag-pakulong sa kanya, kaya ang ginawa nalang nang oumbudsman, i-realese nalang
siya.
Kyro: Sandali ano
ang drogang ito? Anong epekto nito sa tao.
Krishia: Muka lang
siyang chewable candy, pero hindi mo aakalain na isang ectasy ang bagay na iyan,
at ang ilan naman ay cocaine, shabu, pati na heroin. Kadalasan sa mga party o
patagong lugar lang sila nag-ooperate. Pero ang mas nakakabahala dito, ay yang
ecstasy, alam mo bang maraming kabataan
na ang siyang na biktima niyan. Kama-kailan lang merong isang babae ang naging
biktima nang rape at homicide, at pina-niniwalaang ang gamot nayan ang siyang
naging rason sa insidente.
Kyro: Mukang
naka-babahala nga ito. Pero sa ngayon, mag-sisimula muna tayo sa mga bunga.
Kailangan maipon natin ang ebidensiya laban sa mga taong ito, pero bago magawa
yun.
Krishia: Teka anong
iniisip mo?
Kyro: Kailangan
ko nang mas malaking team at intel, para mapadali ang trabahong ito. Hindi ko
kakayaning mag-isa ito lalo na at isang malaking sindikato ang mga taong nasa
likod nito.
____________________________________________________________
Habang nag-uusap ang dalawa ni Kyro at Krishia, ay hindi nila alam
na merong isang armadong groupo ang siyang nasa harapan nang naturang
apartment. Inutusan nito nang isa sa kanila ang kumalat at palibutan nang
nasabing bahay.
Nag-patuloy lang sila sa pag-uusap, nang marinig nila Krishia ang
malakas na batok nang mga aso.
Kyro: Teka bakit
ang ingay ata nang mga aso dito?
Krishia: Oo nga ano,
nakakapag-taka naman.
Pero si Kyro, tila naramdaman na meron nang umaaligid sa kanila.
Isinuot niya ang kanyang Gun Vision Shade. Para malaman ang lagay nang paligid.
Kyro: Krishia,
mag-tago ka muna.
Sa labas, naka-palibot na ang dalawang tauhan ni congressman. At
nakahanda na silang pumasok sa loob.
Ngunit bigla nalang.
BBBBBBBBOOOOOOMMMMSSSSSSS
Papasok palamang sila ay bigla nang sumabog ang naturang pintuan,
at ito ay kagagawan lahat ni Kyro. Ngunit kaagad na merong sumunod na apat sa
kanila, at pinaputukan nila si Kyro. At nakipag-palitan nang putok.
BRATATATATATATATA
Naka-pag tago naman kaagad nang mabilis ang binatang detective.
Henchman: Ano yun?
Henchman: Sa itaas
yun, tara bilis!
Na-alarma na ang ibang armadong lalaki, at nag-madali na silang
puntahan ang target.
__________________________________________________
Samantala sa mansion ni congressman Bidani. Hinihintay parin niya
ang tawag kung may balita na ba sa lakad nang kanyang mga tauhan.
Cong. Bidani: Ano Jervic
may balita na ba sa mga tauhan mo? Napatay na ba nila yung reporter nayun.
Jervic: Wala pa po
pa, pero nakaka-sigurado ako naroon na sila sa bahay na tinutuluyan nang
journalist nayun.
Mag-hintay lang tayo.
Mamaya lang may-balita narin tayo sa kanila.
Cong.
Bidani: Dapat lang dahil
malilintikan tayo sa mas nakakataas kung hindi ito maayos.
*Mukang malaki ang problema mo ngayon, congressman.*
Laking gulat nalang nang mag-ama na merong nag-pakita sa kanila,
at ito ay walang iba kung hindi si.
Cong.
Bidani: Master....Primo.
Si Primo ang pinaka-mataas na boss nang-dranixs. Ano kaya ang
ibig-sabihin nito? Kasabwat din ba ang dranixs sa pag-papakalat nang mga iligal
na gamot?
At si Kyro at Krishia ano na kaya ang nang-yari sa kanilang
dalawa?
Case
Continued…