Saturday, August 6, 2016

Case 47: Isang panganib



All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.


Sa nakaraang pang-yayari....

Nagawang matalo at magapi nang GINGA ang hukbong sandatahan nang Neo-GINGA, at ang pinuno nilang si Segundo o mas kilalang si Gen. Zandro Olivares ay tuluyan nang natalo nang walang ibang kung hindi ang dati niyang tauhan na walang iba kung hindi si Sgt. Clyde Silva.

At tuluyan narin siyang nakawala sa kadena ni olivares, ngunit ano na ang balak niya sa pag-kakataong ito?  


Case 47: Isang panganib

Sa senado kung saan papalabas na ang ilang mga opisyales nang GINGA, ay sinalubong sila nang mga press upang tanungin kung ano ang mga naging kasunduan nila sa pamahalaan at pati narin sa nakaraang coup deta na nang-yari sa kanilang organisasyong, na naging banta sa buong bansa at buhay nang mga mamayan.

Press 1: Gen. Ratio isang tanong nalang po, sa tingin niyo po ba hindi na mang-yayari ang ganitong klaseng kaguluhan sa samahan niyo? At ano po ba ang napag-desisyonan nang ating pangulo at nang kampo niyo.

Gen. Ratio: Ehem....Excuses me, ang masasabi ko lang sa ngayon. Maayos na muli ang aming organisasyon, at handa na muli kaming mag-lingkod sa buong sambayanan nang walang bahid na kabuktutan. At sa tanong niyo naman tungkol sa na pag-kasunduan namin nang pangulo, asahan niyo hinding-hindi na kayo mag-aaalala tungkol sa kaligtasan niyo. Dahil ang GINGA at ang republika nang pilipinas ay handang mag-tulungan sa kahit anong sakuna na puwedeng dumating sa atin.
___________________________________________________

Samantala sa GINGA cafe

Pinapanuod nila Kyro at nang iba ang naging balita tungkol sa nang-yaring pulong sa senado.

Kyro: Buti naman at natapos na ang isa sa mga problema natin, wala na ang section zero at ngayon malinis na ang pangalan nang GINGA.

Mei: Tama ka diyan, pero hindi pa tayo tapos sa problema natin.

Marina: Ang dranixs.

Kyro: Teka ano naman ang problema natin ulit sa kanila?

Marina: Nakakalimutan mo na ba? Tinalo niyo ang isa sa mga pinuno nila ang heneral na si Gen. Olivares. Malamang gagawa nang hakbang ang dranixs para lang maipag-higanti ang namatay nilang kasamahan.

Kyro: Mukang may punto ka nga diyan, kailangan pag-handaan natin ang puwede nilang gawin. Tiyak malaking gulo nanaman ito. (sa sarili) Pati narin si clyde.

Pero tila napansin ni kyro na wala si sherry sa paligid at ganon din si miguel. At na itanong niya ito kay mei.

Kyro: Sandali ate mei...nasaan si miguel at sherry?

Mei: Ah sila ba...kung si miguel ang hinahanap mo nariyan lang siya, si sherry naman mukang may inaasikaso sa school niya sa mga oras na ito.

Kyro: Ganon ba....

____________________________________________________

UST university...

Katatapos lang nang naging klase ni sherry sa isa sa mga subject niya, at kasama ang mga kaibigan niya nag-pasiya silang lumabas muna.

Female Classmate1: Ano saan tayo ngayon?

Female Classmate2: Mag mall nalang tayo, at doon narin tayo kumain nang lunch. Sherry ok lang ba sa iyo yun?

Sherry: Ah eh...sige ok lang sa akin kahit saan.

Papalabas na sila nang entrance gate, ngunit may biglang tumawag kay sherry na tila pamilyar sa kanya.

*Hoy babaeng mahilig makielam!*

Napalingon si sherry pati narin ang kanyang mga kaibigan sa tumawag sa kanya. Si clyde ito na naka-sandal sa kanyang snide cycle, na tila sinadya pa talaga niya si sherry sa kanyang eskuwelahan.

Sherry: Clyde? Anong ginagawa mo dito?

Female classmate1: Teka sino naman siya?

Female classmate2: Sherry kilala mo ba siya?

Sherry: Ah oo, kilala ko siya sandali lang. Kakausapin ko lang siya.

Nilapitan ni sherry si clyde, at tinanong niya ito kung ano ba ang ginagawa niya dito.

Sherry: Sandali bakit ka nadito?

Clyde: Heto saluhin mo!

Ibinigay ni clyde ang isang helmet kay sherry, at nag-taka naman ang dalaga sa ginawa nang binata, ganun din ang kanyang mga kaibigan.

Sherry: Sandali ano naman ito?

Clyde: Suotin mo nalang yan at sumama ka sa akin.

Nag-taka si sherry sa mga sinabi ni clyde, ngunit sumunod nalang siya sa sinabi sa kanya. At nag-paalam siya sa mga kaibigan niya na hindi muna siya makaka-sama.

Sherry: Pasensiya na, may kailangan lang akong asikasuhin, next time nalang.

Clyde: Bilisan mo na diyan, may kailangan pa akong gawin.

Sherry: Oo na.

Sinuot ni sherry ang helmet na ibinigay sa kanya ni clyde, at umangkas ito sa motorsiklo ni clyde. Nag-taka naman ang mga kaibigan nang dalaga kung sino ang lalaking sumundo kanilang kaibigan.

Female classmate1: Sino naman yun?

Female classmate 2: Ewan? Pero in fairness gwapo siya.  
______________________________________________________

Dranixs HQ

Pinapanuod ni primo ang naging labanan sa GINGA at ang ilang mga naging usapan sa loob nang senado.

Ngunit habang pinapanuod ang mga ito, siya namang dumating ang dalawa ni tersera at quwarta. Para kausapin siya.

Quwarta: Primo.

Nag-salita si primo tungkol sa mga nang-yari nitong nakaraang araw. At iniisip niya kung ano ang hakbang na gagawin niya laban sa GINGA.

Primo: Nasira na ang isa sa mga plano natin na kunin ang GINGA sa kamay nang opisyales nito, at dahil sa pag-kamatay ni Olivares, mukang pansamantalang mahihinto ang ilan sa mga proyekto natin.

Tersera: Sa totoo lang, ayos narin na nawala na ang asungot na si segundo, ano bang lugar sa atin nang isang tao na wala namang kakayahang higitan pa ang isang tao. Heh kaya lang naman siya napunta sa posisyong kinatatayuan niya, dahil yun kay McKinley.

Quwarta: Kahit na ganon....malaki parin ang naiambag ni Olivares sa atin at hindi matatawaran ang pagiging tapat niya sa samahang ito, dapat lang na ipag-higanti natin ang pag-kawala niya.

Tersera: Hayyy, kayo na ang bahala sa bagay na yan, basta ako may mga bagay pa akong kailangang gawin sa labas, ayaw ko munang makisaw-saw sa gulong ito.

Quwarta: Ano na primo, anong binabalak mo?

Primo: Sa ngayon hindi pa ito ang oras para bumagsak sa kamay natin ang GINGA, sa tingin ko  kailangan nating tapusin ang isa sa mga dahilan nang pag-kamatay niya, at yun ay ang mga special police. Ang dati niyang tauhan, na si Sgt. Clyde Silva.

Quwarta: Kung ganon hayaan mo ako ang gumawa nang paraan para diyan.

Umalis si quwarta para isakatuparan ang pinag-uutos ni primo, at yun ay ang tapusin si clyde na pumatay kay Gen. Olivares.
_________________________________________________________

Samantala sa isang park sa luneta park, doon dinala ni clyde si sherry.

Sherry: Teka ano bang ginagawa natin dito?

Clyde: Tumahimik ka nalang puwede, may taong gusto ka lang makita para mag-pasalamat sa ginawa mo.

Sherry: Tao sino naman?

Clyde: Hintayin mo, dahil heto na siya....

KUYA!!!!

Isang boses ang pasigaw na tumawag kay clyde, at ito ay galing sa isang babae na nag-mamadaling pumunta sa kanya.

Tila pamilyar kay Sherry ang babaeng papalapit sa kanila. At nagulat nalang siya dito.

Sherry: Teka si miya?!

Ilang sandali pa ay tuluyan nang naka-lapit sa kanila si miya. At tila hiningal ito nang bahagya dahil sa pag-takbo.

Miya: Kuya buti naman at dumating ka na...

Clyde: Sandali ano bang ginagawa mo? Parang hinihingal ka ata.

Miya: Pasensiya na, nakipag-laro lang ako sa mga bata sa park, na miss ko rin kasi yun....sandali siya na ba yung sinasabi mo sa akin kuya?

Napapunta kay sherry ang atensiyon nang dalaga at dahil doon nag-salita si clyde tungkol sa kanya.

Clyde: Oo siya nga, siya ang taong tumulong sayo para lang mailigtas ka...siya si sherry.
Nag-pakilala si sherry sa naka-babatang kapatid ni clyde.

Sherry: Ako si Sherry....Sherry Anne Jimenez, isa akong nursing student at kaibigan ko ang kuya mo. Nice to meet you.

Miya: Nice to meet you din, maraming salamat nga pala sa pag-liligtas mo sa akin at sa kuya ko. Utang namin ang lahat nang ito sa iyo.

Sherry: Ah hindi, isa lang ako sa tumulong pero may mga kasama pa ako na mas malaki ang naging papel para lang ma-iligtas ka. Gusto mo ba silang makilala?

Miya: Sige gusto kong makilala sila...nasaan ba sila ngayon---

Clyde: Tama na yan miya.

Miya: Kuya… pero bakit?

Sherry: Oo nga naman, hayaan mo muna kaming makapag-usap.

Clyde: Tumahimik ka....Miya nagawa ko na ang hiniling mo, marami pa akong kailangan asikasuhin. Siguro sa susunod nalang. Halikana umuwi na tayo.

Miya: Sandali kuya naman... (tumingin kay sherry) Ah maraming salamat ulit ate sherry, pasensiya na, mukang wala sa mood ang kuya ko. Nice to meet you nalang ulit!

Sherry: Ah walang problema, sige ingat nalang miya, kita nalang tayo sa susunod.

Iniwan nang dalawa si sherry at tuluyan na itong umalis sa lugar.
______________________________________________

GINGA Cafe ulit.

Kasalukuyang abala ang mga tauhan ni mei sa pag-papatakbo nila nang kanilang cafe, nang sa hindi inaasahan biglang dumating si Andrew at tina.

Mei: Ah welcome po....O Andrew, tina napasyal kayo?

Tina: Kumusta.

Kyro: Major sandali anong sadiya niyo?

Andrew: Ah wala naman gasino, may kailangan lang akong sabihin tungkol sa nang-yari noong nakaraan...at pati narin kay clyde.

Kyro: Kay Clyde?

Naupo sila tina at andrew kasama ang tatlong special police at si mei.

Mei: Sandali ano ba ang pag-uusapan natin?

Andrew: Tungkol ito doon sa nakaraang gulo sa GINGA.

Mei: Anong tungkol sa GINGA?

Andrew: Tina sabihin mo sa kanila.

Tina: Sige, hindi naman lingid sa kaalaman niyo na gumawa nang kasunduan ang GINGA at Malacanang Palace kaugnay sa nang-yaring banta sa bansa.

Kyro: Sandali nga deretsohin niyo na nga lang kami, ano ba talaga pinag-usapan nila General kasama ang mga tauhan nang palasiyo?

Andrew: Sige liliwanagin ko ang lahat. Sa oras na mag-kagulo muli ang bansa natin dahil sa banta nang GINGA, hindi mag-dadalawang isip ang gobyerno nang pilipinas na i-takeover ang GINGA sa kamay nila. Na kung nag-kataong natuloy ang balak ni olivares.
Nagulat ang lahat nang sinabi ni andrew ang tungkol sa bagay na ito.

Miguel: I-takeover?

Andrew: Tama kayo nang narinig niyo, sa una naman talaga tutol na ang gobyerno natin na mag-karoon nang isa pang unit nang police force sa bansa, at kahit sa ibang panig nang bansa na naka-base ang GINGA tutol din sila dito. Pero hindi rin naman nag-tagal at ipinag-katiwala at pinag-katiwalaan din tayo nang mga nasa gobyerno, at lalo na nang mga taga UN. Pero isa lang ang pinapayo sa atin nang pamahalaan; Sa oras na muling sumiklab ang kaguluhan sa kahit na anong parte nang mundo na may kinalaman tayo...buong mundo ang makakalaban natin.

Marina: Ano?!  

Kyro: Buong mundo.

Makikita sa mga mata ni andrew na hindi siya nag-bibiro tungkol sa mga sinabi niya, ang buong mundo laban sa kanilang organisasyon.

Andrew: Yan lang ang nalalaman ko tungkol sa pinag-usapan nila, pero huwag natin hayaan na masira ang tiwala nang sangkatauhan sa atin. Dahil tayo lang ang may kakayahang pumigil sa 
mga hindi pangkaraniwang banta.

Mei: Hindi mang-yayari yan, hanggang nasa tama tayo. At isa pa, hindi rin naman siya papayag na mag-kaganon ang organisasyong pinag-laanan niya nang buong buhay niya. (tumingin sa litrato nila ni kaiza)

Andrew: Sana nga, sana nga na huwag umabot sa punto na ito, na ang mundong prinoprotektahan natin ay ang siyang makakalaban natin sa hinaharap.

Kyro: Teka matanong ko lang major, ano naman ang tungkol kay clyde?

Andrew: Tungkol naman sa kanya, gusto ko na bantayan niyo silang mabuti.

Kyro: Sila?

Tina: Mukang hindi mo pa alam, si miya ang naka-babatang kapatid niya, tuluyan na siyang 
gumaling mula sa karamdaman niya. At sa ngayon inaalagaan siya ni clyde nang mag-isa.

Andrew: Mei, humihingi ako sa iyo nang pabor, kung puwede lang bantayan niyong mabuti ang 
dalawang yun.

Mei: Walang problema. Total kilala ko naman ang dalawang yun.

Andrew: Ayaw ko na kasing maligaw nang landas si clyde, lalo na mas magiging agresibo na ang mga bawat araw na papalapit.

Kyro: Kami na ang bahala sa kanila. Diba!

Marina: Oo.

Andrew: Salamat kung ganon.

Pag-katapos makipag-usap nila andrew at tina sa groupo nila mei, ay umalis na kaagad ito.
_____________________________________________

Sa bahay na tinutuluyan nila clyde at miya. Tinanong ni miya kung bakit hindi pumayag ang kuya niya na makipag-kita sa mga taong tumulong sa kanila.

Miya: Teka kuya, bakit hindi ka pumayag na makipag-kita sa mga taong tumulong sa atin? Diba may karapatan naman akong makilala sila. At saka gusto ko muling makita si major mendoza at yung agent shen. Pati narin si Agent Maria.

Clyde: Hindi puwede...

Miya: Ano? Bakit naman...wala ka bang tiwala sa kanila, para mag-papasalamat lang eh.

Clyde: Tumigil ka na miya, ayaw ko na...ayaw ko nang mawawla ka pa naiintindihan mo ba yun, kahit na gustuhin ko man bumalik sa kanila. Hindi na puwede, dahil hindi ko alam kung mapapatawad pa nila ako sa kabila nang mga bagay na nagawa ko.

Nakita ni miya ang lungkot sa mga mata nang kanyang naka-tatandang kapatid. At tila naiintindihan niya ang mga sinabi nito sa kanya.

Miya:  Kuya?  

Clyde: Patawad miya. Sana maintindihan mo ang sitwasyon natin.

Natigil ang pag-uusap nang dalawang mag-kapatid, ngunit si miya. Ay tila merong iniisip na isang bagay.
_____________________________________________

Sa silid ni quwarta, tila isang bagay ang ginagawa nito, ngunit meron isang nilalang ang siyang pumasok sa kanyang silid. At kinumusta nito ang naka-tataas.

Nilalang: Kumusta na Llama (Flame) De Quwarta.

Itinigil ni quwarta ang kanyang ginagawa upang kausapin ang tauhan na kanyang ipinatawag.

Quwarta: Hindi ko inaasahan na mabilis kang makaka-rating dito. Biogas.
Kinilala ang nilalang bilang si Biogas, ngunit ano ang kakayahan nang nilalang na ito?

Biogas: Heh, basta kayo...maaari ko bang tangihan. Ano ba ang sa atin ngayon?
Ibinigay ni Quwarta ang isang importation kay biogas, at napangiti ito.

Biogas: Sandali sino ba ang mga ito?  parang naninibago ako sa ngayon, hindi mo namang ugaling mag-patay sa akin. May dahilan ba.

Quwarta: Kilala mo naman si Segundo, ang heneral nang dranixs.

Biogas: O ano naman ang kinalaman niya dito?

Quwarta: Ang lalaking yan dati siyang tauhan ni segundo, at siya ang reponsable sa pag-kamatay niya. At dahil sa kanya isa sa mga plano nang dranixs ay nasira, gusto kong gawin ang makakaya mo para matapos siya.

Biogas: Ganon ba walang problema, pero ano ang kinalaman nang dalagang ito sa litrato?

Quwarta: Yan ang naka-babatang kapatid nang lalaking yan, alam kong marunong kang mag-
isip nang magandang paraan, kaya kita pinatawag dahil ikaw ang siyang experto sa mga ganitong klaseng trabaho.

Biogas: Heh! Hindi ka nag-kamali nang tinawag, pero huwag niyong kakalimutan, ang bayad ko sa trabahong ito.

Quwarta: Walang problema diyan, ikaw na ang bahala Biogas.

Umalis si Biogas para tuparin ang kanyang trabaho para kay quwarta.
_____________________________________________

Kinabukasan. Sa UST patapos na uli ang klase noong araw na yun, at muling kasabay ni sherry ang kanyang mga kaibigan.

Classmate 1: Ano sherry puwede ka nang sumama sa amin ngayon.

Sherry: (Tiningnan ang kanyang orasan) Ummm siguro puwede na, mamaya pa naman yung trabaho ko sa cafe.

Classmate 1: Ok sige pumunta na tayo doon sa resto na sinasabi ko.

Sherry: Okay.

Pero palabas palang nang campus ang mga dalaga, nang makita ni sherry ang isang pamilyar na 
mukha. Na tila nag-lalakad-lakad na para bang may hinahanap.

Sherry: Teka parang kilala ko yun ah?

Classmate1: Ah sherry saan ka pupunta.

Nilapitan ni sherry ang naturang pamilyar na imahe sa kanya, at nang  malapitan niya ito, ay ikinagulat niya kung sino ang taong ito.

Sherry: M-Miya?!

Napalingon ang dalaga sa pag-tawag sa kanyang pangalan. At gulat din siya nang makita niya si sherry.

Miya: Ah ikaw nga! Ate sherry!

Nag-taka si Sherry kung ano ang ginagawa dito nang kapatid ni clyde sa harap nang kanilang campus.

Ngunit sa hindi kalayuan, nag-mamasid ang taong inutusan ni Quwarta na si Biogas.

Biogas: Nakita ko na ang first target.

_____________________________________________

Sa tinutuluyang apartment nila clyde, na-abutan niyang wala doon ang kanyang naka-babatang kapatid.

Clyde: Miya! Nasaan ka? Miya!

Akma sanang tatawagan ni clyde si miya sa kanyang cellphone, ngunit na-aalala nga pala niya na wala itong kahit na anong gamit pang-komunication.

Clyde: Nasaan na ba yung babaeng yun? Hindi naman kaya!?

Nag-pasiya nalang ang binatang pulis na lumabas at hanapin ang kanyang naka-babatang kapatid. Dahil na alala niya na gusto nitong makita ang mga taong tumulong sa kanila.
_________________________________________

Sa may manila bay...

Nag-lakad lakad ang dalawang babae para mag-usap, at tungkol ito sa mga taong nag-ligtas sa kaniya.

Pero nabangit din ni sherry na kung bakit nag-iisa lang ito na pumunta sa kaniyang eskuwelahan.

Sherry: Teka papaano ka naka-punta dito? At nasaan nga pala ang kuya mo?

Miya: Am, kung papaano ako naka-punta dito, tinandaan ko kung ano yung suot mong uniform, at sa pag-kakaalam ko noon yan ang uniform nang ust, at tungkol naman kay kuya tinakasan ko siya…

Nagulat si sherry sa sinabi nang dalaga na tumakas siya sa kuya niya.

Sherry: Ano!?

Miya: (Kamot ulo) He he he, pasensiya na ate sherry...gusto ko lang kasing lumabas, at mag-pasalamat sa mga taong tumulong sa amin, kung hindi dahil sa kanila. Panigurado hindi pa ako nagigising hanggang ngayon.

Sherry: Ganon ba, pero kahit na sana nag-paalam ka muna sa kuya mo. Alam mo naman yun masyadong over protective sayo.

Miya: Ayos lang yun, ah siya nga pala kilala mo ba si Agent Maria Martin? O mas kilala bilang si Ms. Mei?  Kasi kung hindi mo lang maitatanong, siya ang nag-ligtas sa amin ni kuya noong panahong na nanalasa ang kyujuu sa siyudad.  Gusto ko lang siyang kumustahin at mag-pasalamat narin mula sa mga nagawa niya.

Sherry: Si Ms. Mei ba? Oo kilala ko siya, kung hindi mo lang din na itatanong, sa kanya ako nag-tra-trabaho bilang isang part timer sa kanyang cafe. Gusto mo bang samahan kita, naroon rin ang ibang mga taong tumulong sa inyo.

Tila natuwa naman ang dalaga sa sinabi ni sherry.

Miya: Talaga…sige sasama ako!

Sherry: Okay, kung ganon pumunta na tayo.

Nag-pasiyang pumunta ang dalawa ni sherry at miya sa cafe ni mei, upang makita ito nang dalaga. Ngunit sa hindi inaasahan, merong isang hindi pang-karaniwang lalaki na humarang sa kanilang dara-aanan. At para bang meron itong binabalak.

Ngumiti ito sa dalawang dalaga.

*Kumusta*
______________________________________________

Sa pambihira namang pag-kakataon, nagulat nalang sila kyro at ang iba nang biglang pumunta doon si clyde, upang-mag tanong kung napapadaan ba dito ang kanyang kapatid na si miya.

Kyro: Teka ano naman ang ginagawa mo dito?

Mei: Si Clyde?

Clyde: Kayo diyan, nag-punta ba dito si miya?

Marina: Si miya, ang ibig mong sabihin yung nakababata mong kapatid?

Clyde: Wala na kayong pakielam doon, ang tanong ko ang sagutin niyo, narito ba siya?

Kyro: Teka ayos karing mag salita ah, bakit kailangan mo pa kaming pag-taasan nang boses!

_______________________________________

AAAAAAHHHHHHHHHH

BOOOOOOMMMMMSSSS

Nag-sipag takbuhan ang mga tao dahil sa kaguluhan na naganap sa may bay-bayin nang manila bay, at ang dalawa ni miya at sherry ay patuloy lang na tumatakbo para ma-takasan ang lalaking humahabol sa kanila.

Ang lalaking Ito ay walang iba kung hindi si biogas, gamit ang Gas Gauntlet niya, sinunog niya ang mga puwedeng maka-sagabal sa trabaho niya. At wala siyang pinili na kahit sino.

Biogas: Hali na kayo mga magagandang binibini, sumama na kayo sa akin. Wala naman akong gagawin sa inyong masama eh. May kailangan lang ako sa inyo.

Kasalukuyang tumatago ang dalawa sa mga sasakyang naka-parada. At si miya ay tila natatakot na sa mga oras na ito.

Miya: Ate sherry, anong gagawin natin?

Sherry: Kailangan matawagan natin sila kuya kyro at ang kuya mo, sila lang ang makaka-pigil sa lalaking yan.

Na-alala ni sherry na meron pala siyang dalang isang emergency device na ibinigay sa kanya noon ni marion, na kung sa kaling maipit siya sa delikadong sitwasyon ay puwede niyang gamitin ito, nang sa ganon ay maka-hingi siya nang tulong mula sa base.  

Kinuha niya ito at saka pinindot.

Sherry: Sana gumana.

Pero ilang sandali ay....

BBBBBAAAAAAAGGGG

Miya: KYYAAAAAAAA

Biglang nasira ang sasakyang tinataguan nila.

Sherry: Miya takbo na!!

Kaagad hinawakan ni sherry ang kamay nang dalaga, at nag-madali silang tumakbo.
_____________________________________

Sa under ground base nila kyro, kasalukuyang may inaayos si marion sa kanyang mga kagamitan, nang-bigla nalang tumunog ang emergency alarm niya sa computer.

Marion: Teka anong nang-yayari?

Nang-tiningnan niya ito, nakita niya ang signal ni sherry na inaatake nang isang hindi pa na nakikilalang lalaki, at mas ikinagulat niya ang kasama nito na si miya.

Marion: Si sherry?  Inaatake siya....anong ang kapatid ni clyde?! Masama ito kailangan malaman ito nila kyro.

Nag-madaling pumunta si marion sa itaas para sabihan sila kyro na nasa panganib si sherry kasama ang kapatid ni clyde na si miya.

_____________________________________

Na kikipag-sagutan parin si clyde kila kyro kung nasaan nga ba si miya, ngunit tila na-aasar na ang detective dahil sa nang-yayari.

Kyro: Ang kulit mo, puwede bang tigilan mo na kami. Wala sinabi dito ang kapatid mo! At unang-una hindi niya alam ang lugar na ito. Kaya papaano siya mapupunta dito?

Clyde: Imposible (tila na-aalala si sherry) Teka nasaan si sherry?

Pero pag-bangit palang nang pangalan ni sherry, ay bigla nang lumabas si marion, at sumigaw ito.

Marion: Malaking problema!

Mei: Marion?

Marion: Kyro, si sherry nasa panganib siya... (at napansin si clyde) at hindi rin kayo maniniwala dito, kasama niya si miya.

Clyde: Si miya!?

Nang marinig ni clyde ang pangalan ni miya ay kaagad itong umalis para puntahan ang kanyang kapatid na nasa panganib.

Kyro: Asar, ano bang nang-yayari? Miguel sumama ka sa akin. Marina maiwan ka nalang muna dito, marion i-send mo sa akin ang intel kung saan lugar sila sherry, tayo na!

Miguel: Oo!

Hindi narin nag-atubili pa ang dalawa at kaagad silang umalis at sinundan si clyde.
______________________________

BBBBAAAAAAAAMMMMMM

Tumalsik ang dalawa ni miya at sherry dahil sa pag-sabog na nang-yari, at dahil doon nasugatan sa kanyang binti ang dalagang nurse, at hindi na ito makatayo pa.

Miya: Ate sherry!

Sherry: (Lubhang nasaktan) Errrr...Miya umalis ka na! Iwanan mo na ako dito.

Miya: Hindi, ayaw ko....hindi kita iiwan dito.

Sherry: Huwag nang matigas ang ulo mo. Sige na!

Miya: AYAW KO!!!!

Ilang sandali pa ay lumapit na si biogas sa kanila, at muli siyang nag-labas nang apoy mula sa kanyang gas gauntlent.

Biogas: Nadiyan lang pala kayo, pinahirapan niyo pa ako.

Nang nakompronta na sila ni biogas, ay tumayo si miya at humarang ito kay sherry upang ma-protektahan niya ang dalaga.

Miya: Hanggang diyan ka nalang!

Sherry: Miya! Anong ginagawa mo? Umalis ka diyan!   

Miya:Pro-protektahan kita ate sherry.

Biogas: Mukang umaayon lang sa pag-kakataon, pasensiya na trabaho lang ito.

BBBAAAAAAGGGG

Sinipa ni biogas ang naka-tayong si miya at natumba ito.

Miya: AAAAAHHHHHH

Sherry: Miya!!

Muling inilabas ni biogas ang kanyang mga apoy sa gas gauntlent, at doon minanipula niya ang apoy na lumalabas dito.

Biogas: Mag-paalam na kayo!

BBBBBRRRRRUUUUUUNNNNNNNNN
__________________________________

Samantala sabay-sabay dumating ang tatlong lalaking pulis sa pinang-yarihan nang kaguluhan, at pag-baba na pag-baba ni clyde sa kanyang snide cycle, ay hinanap niya kaagad si miya.

Clyde: Miya!!

Sumunod naman kaagad sila kyro at miguel sa kanya. Para tingnan naman si sherry.

Kyro: Wala si sherry dito.

Clyde: Miya!!!

Tila may napansin naman si miguel na pamilyar sa kanya, kaagad niya itong nilapitan at tiningnan.

Miguel: Kay sherry ito? Pero nasaan sila?

Clyde: Hindi, nasaan ka na miya!...MIYA!!!!!

Tila guguho ang mundo ni clyde sa nang-yari kay miya, ngunit ano nga ba ang nang-yari sa dalawang babae?  Buhay pa kaya sila?

Case continued....

No comments:

Post a Comment