All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Si miya ang naka-babatang kapatid ni clyde, ay tuluyan nang
gumaling mula sa pag-kakaroon nang coma na naging sanhi nang kanyang matagal na
pag-kakatulog.
Nang-magising siya, ni nais nang dalaga na makilala ang mga taong
responsable sa kanyang pag-kakaligtas, at isa na dito si sherry.
Ngunit sa kabila nito, nag-handa ang dranixs, para tapusin ang
taong naging responsable sa pag-kawala ni segundo, at ito ay si clyde. Pero
napag-alaman din nila ang tungkol kay miya, kaya ang tauhan ni quwarta na si
Biogas ang unang pumuntirya dito.
Samantala nakarating kila kyro sa nang-yayaring kaguluhan, ngunit
sa kasamaang palad, huli na nang makarating sila. Dahil sa wala na doon pareho
sila miya at sherry.
Case 48:
Tiwala
Kasalukuyan paring naroon ang groupo nila kyro, at dumating narin
sa pinang-yarihan nang krimen ang ilang tauhan nang GINGA para imbestigahan ang
nang-yari sa lugar.
Kyro: Maraming
salamat.
Kinuha ni kyro ang isang folder mula sa isang taga Special
investigation unit. At lumapit ito kay clyde.
Kyro: Clyde
narito ang ilang impormation tungkol sa suspect. Heto basahin mo.
Ngunit tila walang kibo si clyde, at iniisip parin ang kalagayan
ngayon nang kanyang kapatid.
Kyro: Clyde?
Nakikinig ka ba? Clyde!
Nag-salita nalang bigla si clyde, at tumayo ito.
Clyde: Puwede ba
huwag ka nang makielam dito. Nang-dahil sa inyo kaya napahamak ang kapatid ko!
Kyro: Anong!
Ulitin mo nga sinabi mo-----
Miguel: Teka kyro,
konting lamig lang. Hindi natin masusulusiyunan ito sa init nang ulo, baka
nakakalimutan mo hindi lang si miya ang nawawala dito. Pati narin si sherry.
Kaya sa ayaw at sa gusto mo clyde, kailangan mag-tulungan tayo, dahil kasamahan
namin si sherry.
Hindi parin mapigilan ni clyde ang magalit sa mga oras na ito,
ngunit ilang sandali lang, tumawag si mei mula sa underground base, upang
pabalikin sila kyro kasama si clyde.
Mei: (Sa
kabilang linya) Miguel, bumalik muna kayo dito. May kailangan tayong
pag-usapan. Isama niyo si clyde may gusto akong sabihin sa kanya.
Miguel: Roger that,
kyro bumalik na tayo,pati ikaw clyde...sumama ka sa amin, may gustong sabihin
sa iyo si Agent Martin.
Lumingon lang si Clyde sa dalawa, at isang tingin ang iginanti.
____________________________________________
Samantala sa isang sikretong lugar... Unti-unting nag-kakameron
nang malay si sherry.
Sherry: T-Teka
nasaan tayo? ....Miya!
Kaagad nilapitan ni sherry ang dalaga, at ginising ito nang
malumanay.
Sherry: Miya,
gumising ka...miya!
Dahan-dahang nagising ang dalaga, pero tila nag-tataka ito kung
nasaan ba sila ngayon.
Miya: Ate sherry?
Teka nasaan ba tayo, anong lugar ito?
Sherry: Hindi ko
rin alam, pero pakiramdam ko...dito tayo dinala nang taong yun.
Miya: Ate sherry,
patawad kung nadamay ka sa gulong ito. sana nakinig nalang ako kay kuya para
hindi na ito nang-yari.
Sherry: Huwag mo
nang sisihin ang sarili mo, at saka hindi naman natin ito ginusto. Mag-tiwala
nalang tayo maililigtas din tayo nang kuya mo.
Binigyang lakas nang loob ni sherry ang dalaga para maibsan ang
pangamba nito, ngunit ilang sandali naman ay.
Bumukas ang pinto nang kanilang pinag-kukulungan, at isang nilalang
ang pumasok dito. Ito ay walang iba kung
hindi si Biogas.
Biogas: Mukang
gising na ang mga bisita ko. Boss heto na ang isa sa mga pasalubong ko.
Mula sa likuran ni Biogas, nag-pakita naman si Quwarta. At
dahan-dahan siyang pumasok sa loob nang selda. At makikita naman sa mukha nila
sherry at miya ang takot mula sa nilalang na pumasok.
Quwarta: Kumusta.
________________________________________________
Underground base.
Kasalukuyan paring tine-trace nila marion at marina ang lokasiyon kung nasaan sila sherry,
habang ginagawa nila yun. Ipinakita naman ni mei ang impormation tungkol sa
taong posibleng dumukot sa dalawang babae.
Mei: Ayon sa satellite
feed na nakuha nang HQ, ang taong posibleng dumukot kila sherry at miya, ay ang
lalaking ito.
Lumabas ang imahe nang sinasabi ni mei, at ito ay walang iba kung
hindi si Juno Guilero o mas kilala bilang biogas.
Mei: Siya si
Juno Guilero, AKA Biogas may kakayahan siyang manipulahin ang apoy gamit ang
kanyang gauntlet sa mga braso niya, na nag-lalabas nang kakaibang uri nang
explosive gas. Isa siyang arsonist at sangkot din siya sa iba’t ibang klaseng
krimen, masyado siyang delikado para sa isang ordinaryong law enforcer.
Kyro: Ang
pinag-tataka ko lang, bakit naging biktima dito ang dalawa ni sherry at miya?
Anong pakay nang lalaking yan sa dalawang babae. At ang kinababahala ko pa, may
kinalaman ba ang dranixs dito?
Mei: May punto
ka, yan ang isa sa mga tinitingnan na angolo sa kasong ito----
*Puwede bang tigilan niyo na yan!*
Nag-salita si clyde upang tigilan na ang diskasyon na ginagawa
nila kyro tungkol sa kaso.
Kyro: Sandali ano
nanaman ba ang problema mo?
Clyde: Itigil niyo
na yan, walang patutunguhan ang mga ginagawa niyo, ako na ang bahalang
mag-ligtas kay miya. Kaya kung puwede lang huwag na kayong makielam.
Miguel: Teka baka
nakakalimutan mo na hawak din nang taong yan si sherry, hindi natin alam kung
anong pakay niya kung bakit dinukot ang kapatid mo at ang kasama namin. At posible
ding isa sa atin dito ang puntirya niya.
Clyde:
Tsk...bahala kayo, pero sa oras na merong muling mang-yari sa kapatid ko. Kayo
ang mananagot!
Kyro: Hoy Clyde!
Saan ka pupunta! Hoy!
Kinuha ni clyde ang kanyang mga gamit at saka umalis ito. ngunit
si mei ay tila merong iniisip.
________________________________________________
Sa itaas nang shop, lumabas si clyde mula sa elevator, ngunit
papalabas palang siya nang bigla siyang tawagin muli ni mei.
Mei: Sandali
lang clyde...
Huminto si clyde nang marinig niya ang boses ni mei.
Clyde: Ano bang
kailangan niyo?
Pumunta si mei sa kanyang bar, at tila meron itong inihahandang
kung ano.
Mei: Puwede bang
umupo ka muna dito para mag kape.
Nag-taka naman ang binatang pulis sa sinabi sa kanya ni mei.
________________________________________________
Balik muli sa underground base.
Hindi ring maiwasan mainis ni kyro sa ugali na ipinapakita ni
clyde sa kanila.
Kyro:
Nakaka-inis, ano bang problema nang lalaking yun, lagi nalang niyang sinsarali
ang problema. Bakit ang akala ba niya pasaan niya ang mundo? Puwes nag-kakamali
siya, malaki din ang sakripisyo natin sa pag-kakaligtas
sa kanya at sa kapatid
niya.
Marina: Pero sana
intindihin mo nalang ang sitwasyon niya, ilang taon din silang nag-hirap sa
kamay ni olivares, kahit ako siguro ganon din ang mararamdaman ko...Ngayon lang
siya nakakabawi sa ilang taong pag-kakatulog nang kapatid niya. At hindi natin
siya masisisi.
Kyro: Kahit na,
dapat marunong parin siyang makisama at mag-pasensiya. Hindi lang sa pang-sariling
interes niya.
Miguel: Maiba tayo,
marion anong balita? May lead na ba kung nasaan si sherry pati na yung kapatid
ni clyde?
Marion: Wala pa sa
ngayon, na hihirapan akong i-trace ang signal location ni sherry dahil nawala
ata ang tracking device na ibinigay ko sa kanya, pero sana naman maisip niya
kaagad yung second option.
Kyro: Ano naman
yun?
Marion: May isa pa
akong bagay na ibinigay sa kanya, na siguradong makakapag-turo sa kinaroroonan
nila.
Ano kaya ang second option na sinasabi ni marion?
Kyro: Haayyy,
bahala na muna kayo diyan, baka puwede akong makakita nang lead sa labas. Sige
mamaya nalang.
Kinuha ni kyro ang kanyang racing jacket at umakyat ito pa-itaas.
_______________________________________________________
Kasalukuyan namang naka-upo si clyde sa bar ni mei, at
pinag-timpla niya ito nang isang tasa na kape.
Mei: Heto…
Tinitigan lang ni clyde ang ibinigay sa kanya, pero nag-salita si
mei at sinabi niya dito na inumin ito.
Mei: Huwag kang
mag-alala, hindi ko nilagyan nang kung ano yan.
Clyde: Agent
martin, ano ba ang gusto mo?
Mei:
Ahmm....bakit masama bang makipag-usap sa iyo?
Medyo matagal narin noong huling nag-timpla ako nang kape sa iba,
maliban sa asawa ko. Gusto ko lang makipag-usap sayo dahil may ipinangako ako
kay andrew na isang bagay.
Clyde: Si Major?
Ano naman ang kinalaman niya sa bagay na ito.
Mei: Kinalaman,
malaki...ngayon wala ka na sa puder ni olivares, inaalala niya kung anong bagay
ang puwedeng mang-yari sayo, lalo na sa kapatid mo.
Clyde: Si miya.
Deretsohin niyo na ako, ano ba talaga ang gusto niyo?
Mei: Gusto ni
Andrew, na mag-balik ang tiwala mo sa iba.
Clyde: Ano? Tiwala
sa iba.
Mei: Isa kang
special police, at isa sa mga patakaran nang mga kagaya natin, ay ang
mag-tiwala sa kasama niya. gaano man ka delikado ang sitwasyon, mahalaga parin
ang pag-titiwala. Hindi ko hinihingi sayo na sumama ka sa amin, pero ang gusto
ko lang, hayaan mong pag-katiwalaan mo kami bilang kakampi mo. Dahil si andrew
buong buhay siyang nag-titiwala sayo.
Clyde:
Pag-titiwala?
Tila sumagi sa isip ni clyde ang bagay na sinabi ni mei, ang
pag-titiwala sa kanyang mga kasama. Dahil noong mga panahong nag-sisimula
palang siya bilang isang pulis ay isang tao lang ang nag-bigay sa kanya nang
supporta at tiwala. At yun ay walang iba kung hindi si andrew.
Sa bandang likuran naman nang bar, taimtim na nakikinig si kyro sa
pinag uusapan nang dalawa.
____________________________________________________
Balik sa lugar kung nasaan dinukot sila sherry at miya.
Sherry: Ano bang
kailangan niyo sa amin, sabihin niyo ano?!
Quwarta: Sa totoo
lang wala kang kinalaman dito, pero ang munting binibining ito, isa siya sa
rason kung bakit ka nadamay sa gulong ito.
Ang naka-tatanda mong kapatid na si Sgt. Clyde Silva, ang siyang dahilan
kung bakit nabawasan nanaman kami nang isang kasama.
Sherry: Kasama?
Ibig sabihin isa kang miyembro nang dranixs?
Quwarta: Mismo, kayo
ang gagawin kong pambayad sa ginawa ni Sgt. Silva.
Sherry: (Malamig na
boses) Clyde.
Napayakap nalang si miya kay sherry dahil sa takot.
Quwarta: Hayaan
niyong basbasan ko kayo. Sa inyong magiging kamatayan.
Pag-katapos noon, lumabas na sila sa selda nang dalawang babae, at
sinaraduhan nito ang pinto. Habang nag-lalakad, kinausap muli ni Quwarta si
Biogas. Para sa isa pa nilang plano.
Quwarta: Alam mo na
ang gagawin mo, sa iyo ko na ipauubaya ang lahat.
Biogas: Walang
problema. Pangako ko sayo dadalhin ko sayo ang ulo ni Clyde Silva. Pero bago
yun pag-hahandaan ko muna ang pag-tapos sa dalawang ito.
______________________________________________
Si sherry ay nag-iisip kung papaano sila makaka-takas sa kulungan
na pinag-lalagyan nila.
Miya: Ate sherry
anong ginagawa mo?
Sherry: Tinitingnan
ko kung puwede kong mabuksan ang pintuan na ito. Heto na!
Umatras si sherry nang bahagya at pumuwersa ito para bangain ang
pintuan, baka sakali na magawa niya itong
mabuksan gamit ang kanyang konting
lakas.
BBBBAAAAAAMMMM
Miya: Ate sherry!
Sherry:
AAHH...aray.
Ngunit sa tibay at tigas nang pinto ay walang nang-yari sa ginawa
ni sherry.
Sherry: Kailangan
ko uling subukan, walang mang-yayari kung susuko ako dito.
Tumayo muli si sherry, at sinubukang bangain muli ang pinto. Pero
kagaya nang nauna nasaktan muli siya at tumumba.
Sherry: AAAHHHHH
Pero sa pag-tumba niya merong nalag-lag sa kanyang isang bagay
mula sa kanyang naka-ipit na buhok.
Miya: Ate sherry
tama na!
Nakita ni sherry ang clip, at pinulot niya ito.
Sherry: Sandali ang
clip na ito?
Na-alala ni sherry na merong ibinigay sa kanyang mga
mangilan-ngilang gadget si Marion, kung sa kanilang dumating ang pag-kakatao na
nasa delikadong sitwasyon siya.
Sherry: Tama...tama
ito nga!!!
Miya: Ano yan ate
sherry?
Sherry: Ito ang
gagamitin natin para maka-tawag nang tulong mula sa kanila.
Kaagad hinila ni sherry ang clip para mahati ito sa dalawa, at
ilang sandali ay umilaw ito nang bahagya.
_____________________________________________________
Patuloy parin ang pag-hahanap sa location nila sherry, ngunit
merong isang signal ang biglaang pumasok.
Marina: Teka kanino
ang signal na ito?
Kaagad lumapit sila kyro at miguel para tingnan ang nasabing
signal.
Kyro: Teka anong
nang-yayari?
Marina: May lumabas
na signal mula sa point 2 sa antipolo, nag-mumula ito sa isang under-construction
site sa siyudad.
Lumapit naman si marion para alamin kung kaninong signal ito.
Marion: Kilala ko
ang signal na yan, kay sherry yan!
ALL: Ano?
Ngunit hindi nila namalayan na naroon na pala si clyde sa ibaba
para makibalita sa sitwasyon.
Clyde: Anong sabi
mo?!
Kyro: Clyde.
Miguel: Kung kay
sherry ang signal na yan...malamang.
Clyde: Kasama niya
si miya!
Walang anu-ano ay agad umalis si Clyde para iligtas si miya,
ngunit pinigilan muna siya ni mei.
Mei: Clyde!
Anong binabalak mo ngayon?
Clyde: Ililigtas
ko si miya…yun ang balak ko, bahala kayo kung gusto niyong sumama.
Agad sumakay sa elevator si clyde patungong itaas, sila kyro naman
at ang kanyang mga kasama ay sumunod para iligtas naman si sherry.
Kyro: Tayo rin
pupuntahan natin si sherry!
Sumunod narin sila kyro kay clyde upang iligtas si sherry mula sa
lugar na kanilang kinaroroonan.
___________________________________________________
Sakay nang kanyang Snide Cycle, isa lang ang iniisip ngayon ni
clyde, at ito ay ang iligtas ang kanyang kaisa-isang kapatid.
Clyde: Hintayin mo
ako… miya!
Binarurot nang binatang pulis ang kanyang motorsiklo, upang
mabilis siyang makapunta sa lugar.
__________________________________________________
Antipolo under-construction site.
Nababalot parin nang takot ang dalawa ni miya at sherry dahil sa
kanilang sitwasyon, at ilang sandali pa. Bigla muling bumukas ang pintuan nang
selda at pumasok sa loob si biogas.
Biogas: Ikaw sumama
ka sa akin!
Hinatak niya palabas si miya, ngunit pinigilan ito ni sherry.
Sherry: Bitawan mo
siya!!!
Miya: Ate sherry
tulungan mo ako!!!
Biogas: Umalis ka
diyan!
Sherry: AAAAHHHH
Miya: Ate
sherry!!!
Itinulak muli papasok si sherry ni biogas at saka sinaraduhan muli
ang selda.
Sherry: Miya!!!
_______________________________________________________
Hatak-hatak ni Biogas si Miya, na tila balak nitong dalhin sa
isang welding room.
Miya: Bitawan mo
ako! Bitawan mo ako!!
Biogas: Tumahimik
ka!
PPPAAAAKKKK
Isang malakas na sampal ang ginawa nang lalaki sa dalaga. At doon
itinuloy ni biogas ang pag-hatak kay miya patungo sa welding room.
Ngunit habang wala sa kanyang sarili, tila naiisip ni miya ang
puwedeng mang-yari sa kanya, at isa sa mga sumagi sa isipan niya ay kung mag-kakasama
pa ba sila ni clyde.
Miya: Kuya
clyde....iligtas mo ako...
Biogas: Hah anong
sinasabi mo?
Miya: KUYA!!!!!!!
BBBBBRRRRUUUUUMMMMM
Sa pag-sigaw ni miya sa pangalan ni clyde, ay bigla nalang
sumulpot ang kulay asul na motorsiklo, at hinagip nito si
Biogas sa pamamagitan
nang pag-sipa.
Nabitawan niya si miya, at bumaba naman ang lalaking sakay nang
naturang sasakyan, ito ay walang iba kung hindi.
Miya: K-Kuya?!
Clyde: Miya ayos
ka lang ba?
Miya: Kuya! Kuya!
Ikaw nga!! Salamat sa diyos dumating ka.
Clyde: Hindi ko
hahayaan na merong mang-yari sa iyo na masama. Hanggang na bubuhay ako.
Muli namang tumayo si Biogas mula sa pag-kakasipa sa kanya.
Biogas: Akalain mo
nga naman, ikaw na mismo ang lumapit para sa akin, mukang mapapabilis na ang
trabaho ko nito.
Clyde: Humanda ka,
pag-babayaran mo ang ginawa mong pag-dukot sa kapatid ko!!
Inilabas ni Clyde ang kanyang Gun Snider, at sinimulan ang
pag-babago nang anyo.
DNA SCAN COMPLETE....
Clyde: Snider
Change!
Kinalabit ni clyde ang gatilyo nang kanyang gun snider, at ilang
sandali pa ay nabalutan siya nang asul na liwanag at nag bago bilang si special
police snider.
Snider:
Miya,
tumabi ka muna...puntahan mo si sherry at tulungan siya.
Miya: Oo kuya!
Biogas: Hindi ko
mapapalampas ang ginawa mo! Humanda ka!!!
Inihanda ni Biogas ang kanyang Flame Gauntlet. At nag-labas ito
nang apoy mula dito.
Ngunit umiwas kaagad ang binatang pulis at gumanti ito nang atake.
BANG!-BANG!
Nasalag naman ni Biogas ang balang pinakawalan ni Snider, ngunit ginamit
lamang niya ito para maka-atake nang derekta sa kanya.
Snider: Heto ang
sayo!
Isang malakas na suntok ang nag-paurong kay Biogas.
Biogas: Errrr....
_____________________________________________________
Binalikan ni miya si sherry, para tulungan ito.
Miya: Ate sherry!
Sherry: Miya paano
ka nakatakas sa kanya?
Miya: Dumating si
kuya clyde para iligtas tayo, sandali lang mag-hahanap ako nang bagay para
mabuksan ito.
Sherry: Sige!
Tumingin sa paligid si miya para mag-hanap nang bagay na puwedeng
makatulong upang mabuksan ang seldang pinag-kukulungan ni sherry.
Nakita niya ang isang tubo at ito ang kinuha niya, pinag hahampas
niya ang naturang pintuan. Para makalabas ang dalaga mula sa loob.
______________________________________________________
Patuloy ang pag-lalaban na ginagawa nila biogas at snider, nanaig
si snider gamit ang husay niya sa taekwondo, ngunit hindi niya inaasahan ang
pag-sulpot ni Quwarta.
Inatake niya si snider gamit ang kanyang apoy.
Snider: AAAAAAHHHHH
Quwarta: Biogas.
Biogas: Buti naman
at dumating ka.
Snider:
Ang
armor na yan, isa kang dranixs!
Quwarta: Ang bagal
mo, alam mo naman kailangan na natin siyang tapusin.
Biogas: Pasensiya
na, medyo malakas ang isang itong sa inaakala ko.
Inipon ni Quwarta ang enerhiya nang kanyang Flame Gauntlet, at
akma nila itong ititira kay Snider.
Quwarta: Paalam na
Sgt. Silva!
Akmang ititira na ni Quwarta ang kanyang apoy kay snider, ngunit
ilang sandali ay....
BANG!-BANG!-BANG!
ZAP-ZAP
Tatlong sunod-sunod na putok ang tumama kay quwarta at napa-atras
ito. at dalawang throwing knife naman ang sinalag ni biogas.
Quwarta: Errrrr,
hindi ko inaasahan ito.
*Pasensiya na kung nahuli kami!*
Napatingin si Snider mula sa bandang likuran niya, at nakita
niyang dumating ang dalawa ni Gunver at Draiger.
Snider:
Anjelo?!
Anong ginagawa niyo dito?
Gunver: Hindi pa ba
halata, tutulungan ka namin.
Draiger:
At
isa pa, isa tayong team diba.
Snider:
Hmp,
sino naman ang nag-sabi sayo na isang team na tayo.
Gunver: Utos sa
itaas, kaya wala ka nang magagawa kung hindi sumunod, total yan naman ang stilo
mo, ang sumunod sa utos.
Quwarta: Tigilan
niyo na ang kadadak-dak niyo!
BBBBRRRRUUUUUNNNNNNNN
Draiger:
Heto
na sila!
Snider:
Tayo
na!!
Umatake muli ang dalawa ni Biogas at Quwarta. Ngunit sumugod
pasulong ang tatlong magigiting na special police, hinarap ni Gunver at Draiger
si Quwarta, at muling nag-tuos si Biogas at Snider.
__________________________________________________________
Pilit paring binubuksan ni Miya ang pintuan nang selda, upang
makalabas si Sherry mula sa loob, ngunit sa tibay nito, ay nawalan na nang
lakas ang babae na subukan pa.
Miya: Isa pa....
Sherry: Kaya mo yan
miya.
Ngunit may biglang humawak sa tubo na ginagamit ni miya, at laking
gulat nila sherry na dumating si Marina.
Marina: Tama na
yan....magaling ang ginawa mo.
Miya: Teka?
Sherry: Ate
marina!!
Marina: Sherry
umatras ka muna!
Binunot ni Marina ang kanyang Driver, at itinutok sa kandado nang
selda.
BBBBAAAAANNNNGGGGG
Pinaputok niya ito at tuluyan nang nabuksan ang pintuan. Nakalabas
si sherry at dahil doon pareho na silang ligtas ni miya.
Miya: Ate sherry!
Sherry: Miya.
Napayakap nalang ang dalaga kay sherry, at nag-pasalamat naman
sila kay marina sa pag-liligtas sa kanila.
Sherry: Maraming
salamat ate marina.
Marina: Walang ano
man...halina kayo, kailangan ko pang tulungan sila kyro.
Umalis kaagad ang tatlong babae sa lugar upang puntahan ang
tatlong lalaking special police na nakikipag-laban.
__________________________________________________
Bullet Change! Rapid!!!
Nag-palit nang bala si Gunver at nirat-rat niya si Quwarta gamit
ang Rapid mode nang kanyang Gun Driver. Ngunit panay ang iwas ni quwarta, at
gumamit siya nang apoy para sangain ang itinitira sa kanya ni Gunver.
Pero sumunod na umatake si Draiger, at gamit ang husay niya sa
Knife Combat at High flying Moves, pilit niyang pinatatamaan ang isa sa mga big
boss nang dranixs.
BAG!-BAM!-BLAG!
Subalit nasalag ni Quwarta ang lahat nang atake ni Draiger.
Draiger:
Anong!
Quwarta: Mabagal!!
Gunver: Miguel
tumabi ka!!!
Naka labas na pala ang Mega Shooter ni Gunver bilang Cross Line
form, at nakahanda na itong tumira para tapusin na si Quwarta.
Kaagad kinalabit ni Gunver ang gatilyo at pinakawalan ang malakas
na bala mula sa kanyang sandata.
BBBBBLLLAAAASSSSTTTT
Tumama ang napaka lakas na
blast ni Gunver, ngunit isang daplis lang ang sumira sa isang bahagi nang
baluti ni Quwarta.
Draiger:
Buhay
pa siya!
Quwarta: Hindi ko
talaga inaasahan ang mga bagay na ito, Kayong mga alagad nang GINGA, Humanda
kayo sa pag-huhukom. Dahil malapit na ang kanyang pag-babalik!
Nag-labas nang isang makapal na usok si Quwarta mula sa kanyang
armor, at ilang sandali pa ay tuluyan na siyang tumakas.
Draiger:
Pag-huhukom?
Gunver: Ano ba ang
ibig sabihin nila doon?
________________________________________________
Nag-palitan nang atake ang dalawang mahusay na mandirigma, apoy
laban sa bala. Binago ni Snider ang kanyang Gun Snider bilang Shotgun mode.
Patuloy lang siya sa pag-baril, ngunit hinaharang ito nang apoy ni
biogas.
Biogas: Hindi uubra
yan!
Akma muling mag-papalabas nang kanyang apoy si biogas mula sa
kanyang flame gauntlet.Ngunit nag-labas si snider nang isang Flash Bang, at
pinasabog niya ito sa harapan ni Biogas.
BBBBOOOOOMMMMM
Dahil sa liwanag na hatid nito pansamantalang nabulag ang kalaban
ni snider. at ito na ang ginamit na pag-kakataon para tapusin na ang kanyang
kalaban.
SCAN COMPLETE....
Ito ang sinabi nang computer helmet ni Snider, nang makita na ang
weak spot nang armor ni Biogas.
Snider: Kainin mo
ito!
BAAAANNNNNNGGGGG!!!
Biogas: AAAARRRRRRRR
Tinamaan ang main power sa armor ni biogas, at dahil doon nasira
na nang tuluyan ang kanyang mga sandata at hindi na ito makakalaban pa.
Ilang sandali naman dumating sila marina kasama si sherry at miya,
pati narin si Gunver at Draiger.
Miya: Kuya Clyde!
Snider: Miya!
Gunver: Nagawa niya.
Draiger:
Sherry!
Mabuti naman at maayos ang lagay mo.
Sherry: Ayos lang
naman ako, salamat dito sa clip na ibinigay sa akin ni Kuya marion, nang dahil
dito kaya naka-hingi ako nang tulong sa inyo.
Gunver: Clyde,
magaling ang ginawa mo. Ang mabuti pa dalhin na natin siya sa HQ para makunan
nang impormation.
Snider:
Sa
inyo ko na pinag-kakatiwala ang isang yan. Ang mahalaga lang sa akin ngayon,
ligtas na ang kapatid ko.
Miya: Kuya....
Sherry: Clyde.
Gunver: Kung ganon,
sige ako na ang bahala. Miguel tulungan mo ako dito.
Draiger:
Okay!
Lumapit si draiger kay gunver para tulungan maka-tayo si Biogas,
ngunit bigla nalang itong tumawa nang parang walang dahilan.
Biogas:
Bwahahahahahahaha.....
Gunver: Teka anong
nakakatawa?
Biogas: Sabay-sabay
na tayong mamatay ngayon!!!
Draiger:
Isang
bomba!!
Laking gulat nila na isang timer mula sa armor ni Biogas ang
patuloy na umaandar. Ito pala ay isang bomba na malapit nang sumabog, at isang
minuto nalang ang nalalabi.
ALL: Ano!
Gunver: Bilisan
niyo! Lumabas na kayo!!!
Kaagad nag-madaling umalis ang groupo nila Gunver sa loob nang
construction site. Dahil halos wala nang isang minuto ang nalalabi.
Biogas:
HAHAHAHAHAHA Paalam na!!!!!
BBBBBBBOOOOOOOMMMMMMMSSSSSS
Tuluyan nang sumabog si biogas at kasama dito ang pag-guho nang
naturang gusali.
_______________________________________________________
Dalawang araw ang nakalipas, nabalita sa buong pahayagan ang nang-yaring
paguho nang isang construction site sa antipolo, pero sa kabutihang palad ay
walang nasaktan o nadamay sa nang-yari.
At balik sa GINGA Cafe.....
Miya: Maraming
salamat sa inyo!
Pumunta si miya sa cafe ni mei, upang mag-pasalamat ito nang buong
puso sa mga taong nag-ligtas sa kaniya.
Mei: Hindi mo na
kailangan mag-pasalamat, Miya....ang mahalaga lang sa amin ngayon ay ang maging
okay ka, at pangako lahat kami dito ay handang protektahan ka. Diba.
Kyro: Oo naman.
Miguel: (Tumango)
Marina:.........
Marion: Maligayang
pag-babalik.
Mei: Simula
ngayon, dito ka muna, hanggang hindi natatapos ang lahat. At ikaw din Clyde.
Miya: Agent
Martin.
Clyde: Teka bakit
naman ako kailangan sumama sa inyo? Wala sa usapan yan, papayag ako na
ipag-katiwala si miya sa inyo, pero hindi ako sasama sa groupo niyo.
Kyro: Huwag ka
nang mareklamo, sa taas mismo nag-galing ang request, kaya sa ayaw at sa gusto
mo, ako ang magiging bagong partner mo.
Clyde: Ano!!!
Hindi ako papayag diyan.
Kyro: Wala ka
nang magagawa....Paano bayan partner.
Clyde: Ikaw------
Sherry: Hoy tama na
yan, ang mabuti pa tulungan mo nalang kami dito, miya ok lang ba sayo?
Miya: (Ngumiti)
Oo naman!
Sherry: Okay, tayo
na! (Tumingin kay Clyde)
Ibinigay ni sherry ang isang apron at ilang kagamitan para
tulungan si Sherry sa cafe, at bukod dito opisyal nang kasapi si Clyde nang
team nila kyro para tuklasin pa ang misteryo nang Dranixs.
Salamantala sa labas nang kanilang shop.....
Isang bigbike ang nakahinto dito at isang tao ang kumukuha nang
litrato sa naturang cafe.
Nilalang: Ayos ito,
mukang malaki ang pinag-bago mo kyro...
Isang pala itong babae, na may dalang camera, ngunit sino ang
babaeng ito? At ano ang magiging papel niya
kila kyro.
Case Continued....