Saturday, May 21, 2016

Case 44: Ang pag-pasok sa sariling bakuran





All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.

Sa pag-papatuloy ng kuwento.....

Matapos silang salakayin nang Neo-GINGA, nag-tungo sila mei sa isa sa mga sikretong taguan nila, kung-saan bumuo sila nang plano upang hindi matuloy ang nag-babadyang digmaan sa pagitan nang GINGA at gobyerno nang pilipinas.

Samantala napag-alaman din nila na ang tungkol kay clyde, na ito ay ginigipit lamang ito nang heneral upang sumunod sa kanya.

At ngayon, nakahanda na ang lahat....mag-sisimula na ang laban sa pagitan nang huwad na batas laban sa tunay na hustisya. 



Case 44: Ang pag-pasok sa sariling bakuran

Mei: Ok handa na ba ang lahat!

Ito ang sinabi ni mei na nasa loob na nang cockpit nang Patrol Trailer. Kasama niya rito ang kanyang mga tauhan, na meron ding kanya-kanyang papel sa operation.

Marina: All Weapons is ready, ammunition is full load.

Anna: All system green engine is ready to go!

Mei: Ok patrol trailer...moving out!!

Mula sa grahe nito ay lumabas ang patrol trailer, at nag-tungo na ito sa GINGA HQ. Samantala si kyro naman ay hawak ang isang bagong SD card na ibinigay sa kanya ni Marion bago ito umalis, kasama ni tina.
______________________________________

Flash back...

Sampung minuto bago umalis sila Tina at nang mga kasama niya, ibinigay ni Marion ang bagong SD card na kung tawagin ay Launcher form.

Kyro: Launcher Form?

Marion: Yan ang pinaka-bago SD na dinevelop ko nitong nakaraang araw, magagamit mo ang kakayahan niyan sa isang warfare na kagaya nito. Nag-lalaman ang card nayan nang mga samu’t saring sandata, alam mo sa totoo lang...parang yan na ang pinaka-malakas na SD na nagawa ko, kung ikukumpara mo sa mga gamit mo ngayon kyro.

Kyro: Ganon ba...maraming salamat dito, asahan mo gagamitin ko ito!
________________________________________

Back to present...

Nag-salita naman si mei tungkol sa kanya-kanyang gagawin pag-dating sa HQ.

Mei: Ok listen up....nasabi ko na ang plano natin kanina, at kung ano ang gagampanan niyo sa pag-dating natin doon.

Hindi biro ang papasukin natin dahil sa mga Knuckle titan at ilang mga sundalo at agent na haharang sa atin, gusto ko lang maging malinaw ang lahat.

Kyro....ikaw ang siyang inatasan ko puntahan si Gen. Olivares para hulihin, gamitin mo ang sarili nating Knuckle titan para maka-lusot. At nakaka-sigurado ako na naroon si clyde, ito ang pag-kakataong  para kumbinsihin siya.

Anna at Marina...mag-tulungan kayo, bibigyan natin si Kyro nang daan mula sa ibaba, gamit ang mga sasakyan na dala natin dito. Dahil sa limitado tayo, kailangan doublehin natin ang mga kilos natin. Maliwanag ba! 

All: Yes ma’am!

Samantala napansin naman ni Kyro, na wala si miguel sa paligid. At doon na itangon ni kyro kung nasaan ba ito.

Kyro: Teka ate mei...nasaan nga pala si miguel?

Marina: Oo nga ano, bakit parang wala siya dito?

Mei: Pasensiya na kung nakalimutan ko, kasama nga pala nila tina si Miguel papuntang ospital. Naki-usap siya kung maaari siya nalang ang umalalay sa kanila.
__________________________________________

Sakay nang kanilang Gun Trailer na nakaparada sa hindi kalayuan, pinuntahan nila tina ang nasabing ospital. Kung saan naroon ang kapatid ni Clyde. Na binabantayan naman nang mga tauhan nang Neo-GINGA.

Sherry: Narito na tayo...

Miguel: Ayos, gawin na natin ito....sherry, ang mabuti pa dumito ka nalang muna. Kami nalang ang papasok sa loob.

Sherry: Ayaw ko!

Miguel: Hah? Pero bakit? Alam mo bang masyadong delikado sa loob.

Sherry: Gusto kong iligtas ang kapatid niya, at ipamukha sa kanya mali ang ginagawa niya. Saka isa akong nurse, gusto kong malaman kung bakit siya nag-kakaganon. Ito lang ang paraan ko para makatulong kaya nakikiusap ako, hayaan niyo ako

Miguel: Sherry?

Tina: Tama si sherry, may dahilan kung bakit siya kasama natin ngayon, sayo ko nalang siya ipauubaya kung sakaling mag-kagulo.

Sherry: Ano pa ang hinihintay natin...tayo Mr. Bodyguard!
Bumaba si sherry sa kanilang owner type jeep, at nag-tungo ito sa loob nang ospital ng patago.
______________________________________________

Sampung oras nalang ang nalalabi, upang sumuko ang mga tauhan nang Gobyerno sa Neo-GINGA. Ngunit tila nag-tataka si Olivares kung bakit wala pang sagot sa kanila ang mga taga Malacanang.

Habang-minomonitor nila ang nang-yayari sa buong siyudad, ay bigla nalang silang ginulantang nang isang balita mula sa palasiyo nang pangulo.

Neo-GINGA Police: Sir mukang meron nanamang press-con sa palasiyo.

Gen. Olivares: Sige tingnan ko.

Isang press-con ang kasalukuyang ginagawa doon. At mula sa malacanang palace.

Pres. Macasero: Makinig kayong mabuti, hinding-hindi susuko ang gobyerno natin laban sa mga mananakop, at lalong-lalo na sa isang corrupt lang na kagaya ni Gen. Zandro Olivares, kaya meron akong mensahe para sa kanya....Gen. Olivares, makikita mo, ang pag-kakaisa nang sambayanan upang hindi ka mag-tagumpay sa binabalak mo! Hindi kami natatakot sa libo-libo mong sundalo. At tandaan mo mag-isa kalang, milyon kami! -----

Pinatay ni olivares ang monitor, at makikita sa sa mukha ang pag-kainis.

Gen. Olivares: Talagang, iniinis ako nang taong ito ah...Lt. McKinly!

Blake: General?!

Gen. Olivares: Hindi na natin hihintayin ang 24 hours na palugit sa kanila, ihanda niyo ang 
lahat nang kagamitan pati na ang mga tauhan natin! Pababagsakin natin ang palasiyo ngayon din mismo!

Pero bigla, may-nasagap na signal ang base, na paparating sa kanila.

Neo-GINGA: Sir, may unknown signal na papalapit sa HQ, mabilis siya at mukang malaki!

Gen. Olivares: Ipakita mo sa akin!

Pag-bukas palang nang monitor ay, tumambad sa kanila ang sinasabi nilang mabilis at malaki, ito ang patrol trailer na minamaneho nila kyro.




Blake: Anong!

Clyde: Ang patrol trailer?!

Gen. Olivares: Hindi maaari ito! Bilisan niyo huwag niyo silang hayaan makapasok. Paputukan sila kaagad!

Neo-GINGA: Roger!

Calling all units, calling all units...please proceed to your following position, we are under attack by a group of hostile...i reapet!

Samantala patago paring gumala si andrew sa buong HQ, at narinig niya ang alarma sa buong base. Ang iba ay kumuha nang kani-kanilang sandata, at ang iba ay sumakay sa mga knuckle titan.

Andrew: Mukang gumawa na sila nang hakbang!
________________________________________

Kaagad inihanda nang mga HQ ang kanilang mga kanyon at pam-pasabog, upang pigilan ang pag-dating nang Patrol trailer.

Ngunit kita nila ang pag-hahanda nito laban sa kanila.

Kyro: Ate mei!

Mei: Alam ko! Anna bilisan niyo pa!

Anna: Roger!

At doon sinimulan nilang paputukan ang trailer.
________________________________________

Gen. Olivares: Isara niyo ang gate bilisan niyo!!!

Neo-GINGA Police: Opo!!

Ipinag-utos ni Gen. Olivares na ipasara ang gate.
_________________________________________

Marina: Nag-sasarado na ang gate!

Anna: Hindi uubra sa akin yan!!! Kumapit kayong mabuti.

Kyro: Sandali! Sandali!

Binilisan pa lalo nang patrol trailer ang pag-takbo nito, at sa bilis nito, ang papasarang gate nang GINGA HQ ay nawasak lang, at saka iniharang nila ang laki nang trailer sa mismong main 
entrance upang hindi magawang maka-labas ang mga tauhan nang Neo-GINGA.

BBBBAAAAAAGGGGGGG

Halos nayanig nang husto ang buong HQ pati na ang trailer sa pag-salpok nito mula sa main entrance gate.

Neo-GINGA Police: Sir, tuluyan na nilang na-breach ang main entrance!

Gen. Olivares: Talagang sinusubukan nila ako, Lt. McKinly, humanda  ka, sasalubungin natin sila sa oras na pumasok sila dito.

Blake: Roger!
__________________________________________

Sa labas, pinalibutan nang mga taga Neo-GINGA ang patrol trailer,  tinutukan sila nang mga baril ng mga ito. At ganon din ang mga sandata nang HQ.

Kyro: Na loko na, napapaligiran nila tayo?

Mei: Easy lang, alam niyo naman ang plano diba? Gawin nalang natin yun.  
___________________________________________

Sa labas naman...

Neo-GINGA Police: Kayo diyan sa loob! Napapaligiran na namin kayo, sumuko nalang kayo nang matiwasay kung ayaw niyong masaktan!!
__________________________________________

Samantala sa ospital, nag-pangap ang groupo nila miguel bilang mga tauhan nang ospital upang hindi sila mahalata nang mga tauhan nang Neo-GINGA.

Sakay nang elevator, narating nila ang lugar kung nasaan ang naka-confine si miya. Tumingin-tingin muna sila sa paligid habang nag-lalakad.

Tina: Merong sampung bantay sa ospital na ito, kagaya nang plano...kailangan mag-hiwa-hiwalay tayo, miguel alam mo na ang gagawin mo, si marion at sherry naman sila ang papasok sa loob nang silid para kunin doon si miya...maliwanag ba?

Miguel: Roger that.

Tumango ang dalawa ni marion at sherry bilang sa pag-sangayon sa plano, at doon sinimulan na nila ang hakbang para sa pag-liligtas sa naka-babatang kapatid ni clyde.

Dumeretso ang dalawa ni marion at sherry sa loob nang silid, at ang dalawa ni miguel at tina ay nag-hiwalay para bantayan ang lugar.

Hinarang muna ang dalawa nang mga guwardiya, pero kaagad ipinakita ni marion ang kanyang I.D. at ilang mga medical exam paper para sa pasiyente.

Neo-GINGA Police: Sandali! Parang ngayon ko lang kayo nakita dito. Sige ipakita niyo muna ang I.D. niyo. 

Marion: Heto. Paki bilisan lang kailangan na namin tingnan ang pasiyente.

Sinipat muna nila itong mabuti, at ilang sandali ay pinayagan din sila nang mga ito makapasok.

Neo-GINGA Police: Dr. Hernandez...ok puwede ka nang maka pasok...

Marion: Maraming salamat.

At pag-katapos tingnan ang I.D. nila marion ay nag-tagumpay silang maka-pasok.

Tina: Ayos nagawa nila...miguel, stand by lang tayo.

Miguel: Roger that
_________________________________________

Sa loob nang silid ni Miya, kaagad nag-simula sila Sherry para tingnan ang lagay nang babaeng pasiyente.

Marion: Ok tingnan natin kung ano ang makikita natin dito.

Sinuri nilang mabuti ang bawat detalye, at pati narin ang mga sanhi kung ano ba talaga ang sakit nito.

Inihanda ni Marion ang kanyang sariling kagamitan para malaman ang dahilan nang sakit ni miya.
__________________________________________

Balik sa HQ, binilangan na nang mga Neo-GINGA ang mga sakay nang Patrol trailer.

Neo-GINGA Police: Matigas ang mga ulo niyo, puwes pasensiyahan nalang tayo. Paputukan sila!-----

Neo-GINGA Police 2: Teka sandali!

Akmang mag-papaputok ang mga Neo-GINGA, pero biglang bumukas ang likod nang trailer. At ang mga pulis ay tila kinabahan sa mang-yayari.

At ilang sandali ay....

*Bulaga!!!!*

Biglang lumabas ang Knuckle Titan ni Gunver, at nag-pasabog siya nang smoke grenade. Upang pa-atrasin ang mga nakaharang sa kanila.



Neo-GINGA Police: Isang Knuckle titan! Paputukan niyo!

BRATATATATATATATATATATA

Pina-ulanan nang bala ang Knuckle titan, at ang ilang knuckle titan nang kalaban ay umatake narin sa kanya. 

Naki pag-sabayan ang Knuckle titan ni Gunver sa kalaban ding knuckle titan.
_______________________________________

Sa mga selda kung saan naka-kulong ang mga opisiyales at ilang mga pulis pati na agent. Dito na nila narinig ang nasabing alarma ni andrew. At ito ang hudyat nila para lumabas.

Col. Alejandro: Ito na ang alarm na sinasabi ni Major!

Chief Insp. Marcus: Ayos, sige ihanda niyo na ang mga sarili niyo!
Gamit ang susi na kinuha ni andrew mula sa guwardiyang pinatulog nito.  At doon isa-isang lumabas ang mga bihag nilang tunay na alagad nang batas.

Col. Alejandro: Bilisan niyo! Bilis!

At dahil din sa nang-yari sinagupa nila ang mga bantay nang kulungan at pina-tulog ang mga ito.

Chief Insp. Marcus: Alejandro! Ang mabuti pa tulungan niyo nalang si major sa labas, hahanapin ko si Gen. Ratio...

Col. Alejandro: Sige naiintindihan ko!  

Nag-tungo ang ilang mga pulis nang GINGA sa weapon room, at ang iba naman ay nakipag-palitan na nang putok sa mga Neo-GINGA.
_____________________________________

Na-alarma na ang mga tao sa loob nang Command Room, dahil sa pag-pasok nang groupo ni 
Mei, at ang pag-takas nang mga bihag nilang opisyales.

Neo-GINGA: Sir, masamang balita...mukang naka-takas ang mga preso mula sa kanilang mga detention cell. At ang iba ay papalapit na dito para pasukin tayo!

Gen. Olivares: Talagang inuubos nila ang pasensiya ko, Sgt. Silva, alam mo na ang gagawin mo...huwag mo silang hahayaan na maka-pasok dito sa loob nang command center.

Clyde: Na-iintindihan ko!

Lumabas si clyde sa loob nang Command Room para harangin ang ilang mga GINGA police na mag-tatangka na pumasok command room.
________________________________________

BOOM!-BOOM!

BAG!-BLAM!-BOG!

Sinalubong nang malalakas na suntok at sinamahan pa nang pam-pasabog ang mga knuckle titan na kalaban ni Gunver.

Ngunit parang hindi siya maka-abante dahil sa dami nila.

Gunver (Knuckle Titan): Asar, hindi ako maka-abante!

Habang nakikipag-laban napansin niya na ang ibang mga Neo-GINGA agents ay nag-tatangkang pumasok sa loob nang Patrol Trailer.

Gunver (Knuckle Titan): Hindi ang trailer!! Tumabi kayo diyan!!!

Pero ilang sandali ay...

BANG!-BANG!-BANG!

Naka-rinig nang putok si Gunver mula sa loob nang kanyang Knuckle titan.

Gunver (Knuckle Titan): Ate Mei!!!

*Kyro Huwag kang mag-alala sa amin....*

Bigla nalang kumonekta si mei sa linya ni Gunver, para sabihing ayos lang sila.

Gunver (Knuckle Titan): Ate mei!

Mei: (Sa kabilang linya) Huwag kang mag-alala sa amin, kami na ang bahala dito...sige na puntahan mo na si olivares!

Gunver (Knuckle Titan): Sige naiintindihan ko!! Mag-ingat kayo!

Kaagad tumakbo ang knuckle titan, at ang mga kagaya nitong humanoid armored ay sinalubong lang ang detective nang mga pam-pasabog.
__________________________________________

Papalabas palang nang patrol trailer ang dalawang babaeng agent na si Mei at Marina, ay napalibutan na kaagad sila nang mga tauhan nang Neo-GINGA.

Neo-GINGA Police: Hanggang diyan nalang kayo! Ibaba niyo ang mga sandata niyo bilis!!
Sinunod naman nang dalawa ang sinabi nito, ngunit ang hindi nila alam.

Mei: Pasensiya na... pero asawa ko lang ang sinusunod ko! (Ngumiti)

Neo-GINGA Police: Ano?!

Bigla nalang lumabas si Anna mula sa itaas, at pinag-babaril ang mga kalabang pulis na pumapalibot sa kanyang mga kasama.

BRATATATATATATATATA

Ligtas na naka-baba si Anna, at sabay nitong nag-reload nang kanyang dalawang P-90.

Anna: Phew...matagal-tagal narin...(tumingin sa dalawang kasama)

Marina: Nice...

Maya-maya ay merong ilang mga groupo ang lumapit sa kanila, na-alarma ang tatlong babaeng agent. Ngunit kaagad nag-pakilala ang mga ito.

Anna: Kalaban? 

GINGA Police: Sandali, hindi kami mga kalaban...kami ang mga ikinulong nang Neo-GINGA, naka-takas lang kami sa tulong nila Chief Insp. Marcus at Col. Alejandro. Narito kami para tumulong!

Mei: Si papa? Kung ganon....ligtas siya.

GINGA Police: Agent Martin....kumilos na tayo, bago pa lumala ang sitwasyon.

Mei: Sige naiintindihan ko! Tayo na!

Kumilos narin ang mga tunay na alagad nang batas, para pigilan ang samahan nang Neo-
GINGA. Na tinatangkang pabagsakin ang Gobyerno.
__________________________________________

Balik sa ospital, nalaman na nila marion kung ano ang sanhi sa pag-kaka comatose nang kapatid ni Clyde. At ito ay dahil sa naka-lagay sa utak niyang isang Brain implant chip device. Kung saan pinahihinto nito ang pag-kilos nang isang tao.

At higit sa lahat ang pag-kontrol buhay at kamatayan.  

Marion: Masama ito....

Sherry: Bakit kuya marion? Anong nakita mo.

Marion: Isang Brain implant chip device ang naka-lagay sa utak ni miya, ito ang dahilan kung bakit hindi siya nag-kakaroon nang malay tao. Dahil pinipigilan nang device na ito kung anong gustong mong gawin.

Sherry: Teka, paano naman natin ito tatangalin?

Marion: Masyadong delikado kung dito natin isasagawa ang operation, isa lang ang na-iisip ko at yun ay-----

TOK!-TOK!

Nag-iisip palang si Marion kung ano ang gagawin para tangalin ang brain implant chip device sa utak ni miya, nang-biglang kumatok ang mga guwardiya sa pinto.
Pumasok ito at tinanong ang dalawa.

Neo-GINGA Police: Mawalang galang na doctor, pero parang pansin ko kanina pa kayo dito ah....(May napansin) Sandali ano yang itinatago niyo? 

Ngunit tila naka-halata ang guwardiya kay marion na parang pamilyar sa kanya ito.

Neo-GINGA Police: Teka, parang na-mumukaan kita? Ikaw si Professor Marion Hernandez! (tinutukan nang baril)

Sherry: Kuya marion!

Pero ilang sandali lang ay....

BBBBBAAAAAAGGGGGG

Neo-GINGA Police: AAAHHHHH

Isang malakas na hampas sa ulo ang nag-patulog sa guwardiya. At kagagawan ito ni Tina.

Tina: Marion...Kailangan na nating umalis dito!

Marion: Ah...Oo!

Tina: Miguel! Tulungan mo si marion.

Miguel: Okay!

Kaagad tinulungan ni miguel si marion upang tangalin ang mga aparato sa katawan ni Miya. At sa tulong naman na dala niyang portable life support, ikinabit ito nang batang professor, upang hindi mamiligro ang buhay nang dalaga sa kanilang pag-alis.

Marion: Bilisan natin!
______________________________________

Nakarating naman si  Gunver sa main floor nang HQ, at doon bumaba kaagad siya sa kanyang knuckle titan upang pasukin ang loob.  

Pero sa pag-baba palang niya ay meron nang nag-aantay sa kanyang pag-dating.

BANG!-BANG!

Umiwas nalang si Gunver sa mga balang sumalubong sa kanya. at nag-salita ang may gawa nito.

Gunver: Teka sino ka naman!?

Blake: Hindi kita hahayaan na maka-lampas dito.
Si Blake ito, at inilabas niya ang kulay asul na badge, at nag-handa para mag-bago nang anyo.

Gunver: Isang badge? Kung ganon isa kang special police! Puwes hindi rin kita hahayaan sa gusto mo!

Sumugod si Gunver para pigilan ang pag-babagong anyo na binabalak gawin ni Blake, at pag-lapit palang niya ay sinalubong na niya ito nang isang suntok! Ngunit binulaga siya nang tatlong sunod na putok galing sa kanyang Hand Gun, at dahil doon napa-atras si  Gunver.

BANG!-BANG!

Gunver: Errrr....

Blake: Hmp...huwag mo naman akong maliitin! Lambert change!!

Sa pag-bangit nang kataga at pag-pindot nang button, nag-bago si Lt. Blake nang anyo, bilang si Special Police Lambert.



Nagulat naman si Gunver sa kanyang nasaksihan sa kalaban.

Lambert: Simulan na natin ito!

Inihanda ni Lambert ang dalawang Shoulder Gatling Gun at pinuntirya niya si Gunver.

BRATATATATATATATATATATATA

Pero nagawa namang maka pag-tago kaagad ng Detective, at nag-isip siya nang paraan para malampasan ang kalaban niyang ito.

Gunver: Kailangan kong malampasan ang isang ito....kahit na anong mang-yari!

Nakarating na si Gunver sa unang palapag nang GINGA HQ, ngunit hindi niya inaasahan ang pag-sulpot ni Lambert.

At ang groupo nila miguel ay sinimulan nang itakas ang naka-babatang kapatid ni clyde mula sa kamay nang mga Neo-GINGA Police.

Ano kaya ang mga tagpong mang-yayari, sa lumalalang sitwasyon ngayon?

Case continued....