All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
National
Museum Manila...
Kasalukuyang
merong dumating na isang artifact sa naturang museo. Gabi ng mga oras na ito,
isang guwardiya ang nag-papatrolya sa buong museo. At tiningnan niya ang
naturang artifact.
Ngunit
nag-pasiya siya umalis muna, upang lumipat sa ibang lugar para mag-patrolya,
pero ang hindi niya alam.
Merong isang
tao ang siyang nag-babalak na kunin ang bagay na ito. Gamit ang kaniyang
teknolohiya, madali lang nitong pinasok ang lugar ng walang kahirap-hirap,
hanggang sa nakarating na siya sa lugar kung saan naka-lagay ang nasabing
artifact.
Pero bago
yun, tinangal niya muna ang mga security system na nakapaligid dito, at ng
matangal na ito ay kaagad niyang kinuha ang isang lalagyanan.
Binuksan
niya muna ito upang makasigurado, at ng makita niya ang nasa loob ay isang
makahulugang ngiti ang makikita sa kaniya.
??: Bingo!
Maya-maya ay
bumalik na ang security guard na nag-papatrolya, pero ang taong nag-nakaw ay
kaagad nakatakas. At laking gulat nalang ng guwardiya na wala na ang kaniyang
mahalagang binabantayan.
Security guard: A-Anong! Naloko na ang artifact! Teka ano
yun?
Pero bago
yun, nakita nang guwardiya ang isang maliit na papel, pinulot niya ito merong
naka-sulat dito.
Security Guard: Lady...Boa? Ang Night Thief?
Case 61: Night Thief
GINGA
Cafe...
Kasalukuyang
na nunuod ng balita sila Kyro, habang sila ay nag-aalsumal, tungkol ang balita
sa nalalapit na election kaugnay sa pag-pili ng bagong presidente.
Hanggang sa
pumasok si Mei, para tawagin si Kyro.
Mei: Kyro.
Kyro: Ate Mei? Anong sa atin ngayon?
Mei: May kailangan ako sa iyo, heto basahin mo.
Ibinigay ni
Mei ang isang newspaper, at kaagad itong binasa ni Kyro.
Kyro: Ano? Ninakawan ang National Museum?! At sino naman?
Mei: Basahin mo pa...makikita mo kung sino.
Kyro: Night Thief Lady Boa strike again. Teka sino
naman ito?
Mei: Hindi ko rin alam, wala pang malinaw na data
tungkol sa kaniya, pero isa lang ang masasabi ko hindi siya pang-karaniwang
magnanakaw lang.
Kyro: Teka huwag mong sabihin na.
Mei: Tama ang hula mo, sa iyo pinapatrabaho ang
isang yan, kailangan mahuli siya sa lalong madaling panahon, dahil ang mga
ninanakaw niya ay tatagong yaman ng pilipinas.
___________________________________________________________
Pag-katapos
mag-usap niya kay Mei, ay nag-tungo na kaagad si Kyro sa National Museum, upang
imbestigahan ang naturang kaso.
Nang
makarating siya sa lugar, kaagad siyang bumaba sa Gun Racer kasama si Marina. Pumsok
siya sa crime scene at ipinakita niya ang kaniyang Badge.
Security: Kayo ba ang mga taga GINGA?
Kyro: Pinapunta ako dito ng head, sino ba ang
puwede kong makausap dito?
Security: Tamang-tama, kanina pa kayo hinihintay ni
Director Cosejo. Hali kayo narito siya.
Sumunod sila
Kyro para tagpuin ang Director ng Mesuem.
Security: Director, narito na po sila.
Pumasok sa
loob ng opisina ang dalawa nila Marina at Kyro. At doon tila hindi alam ng
director ng museo.
Director Cosejo: Salamat sa diyos at dumating na kayo. Ako nga pala si Christopher Cosejo, ako
ngayon ang kasalukuyang Director ng National Museum.
Nakipag
kamay sila Marina at Kyro upang mag-pakilala sila sa naturang director.
Kyro: Ako si Detective Kyro Anjelo.
Marina: Agent Marina Asol.
Kyro: Ano po ba ang naging sitwasyon dito?
Cosejo: Malaki, hindi ko na alam ang gagawin ko,
ninakaw ang isa sa mga bagong
artifact. At kapag hindi ito na ibalik, tiyak
malalagay sa alanganin ang museo na ito pati na ang posisyon ko bilang
director.
Kyro: Teka huminahon lang kayo, puwede niyo bang
isa-isahin ang bawat detalye? Sabihin niyo ang bang klaseng artifact ang
ninakaw sa inyo ng sinasabing Night Thief?
Sumenyas ang
Director sa Security Guard, at sinaraduhan at kinandado ang pinto. Tila ata
isang kontrobersiyal na bagay ang nais niyang sabihin kila Kyro.
Kyro: Mukang classified ang isang ito?
Director Cosejo: Ang Night Thief ay patuloy sa kaniyang
gawain ng pag-nanakaw sa iba’t ibang museo dito sa bansa, hindi namin alam kung
ano ang dahilan niya kung bakit niya ninanakaw ang mga mahahalagang artifacts
na merong kinalaman sa kasay-sayan ng bansa.
Marina: Sa mga sinasabi niyo, lumalabas na tila na
ngo-ngolekta ang Night thief na ito ng mga history artifact, pero ang gusto
namin malaman, anong mga klaseng artifact ang ninanakaw niya?
Kyro: Tama siya gusto kong malaman kung ano ang
ninakaw niya, mula noong una hanggang sa kasalukuyan.
Director Cosejo: Hindi ko alam ang ninakaw niya sa mga ibang
museo, pero ang masasabi ko lang, kailangan mabawi ang ninakaw niya dito sa
amin, dahil napakahalaga nito sa kasay-sayan ng bansa, at ng susunod pang
henerasyon.
Kyro: Kung ganon ano nga ito? Paano namin
sisimulan ang trabaho namin kung hindi namin alam kung ano ang hinahabol namin?
Mukang wala
ng magagawa ang Director kung hindi sabihin ang bagay na ninakaw sa kanila.
Director Cosejo: Ang ninakaw niya mula dito, ay ang agimat na
kung tawagin ay Santiago De Galacia.
___________________________________________________________
Matapos
makipag usap nila Kyro sa naturang director ng museo, nag-tungo sila sa HQ para
pag-aralan sinasabing agimat, at ang ilan sa mga ninakaw nito.
Bago yun
hiningi nila ang kopya ng CCTV camera, sinabi sa kanila ng director na nagawang
burahin ng Night Thief ang video niya kung saan ginagawa niya ang kaniyang
pag-nanakaw.
Kyro: Ibang klase, nagawa niyang ma bypass ang video
kung saan na-aktuhan siyang nag-nanakaw, mukang kakaibang mag-nanakaw ito.
Marina: Siguro gumagamit siya ng mga gadget na
kagaya ng sa atin, sa pahanon naman ngayon hindi na imposible yun.
Kyro: May punto ka, at ito nga rin pala ang unang
beses na hahawak ako ng kaso sa isang tunay na mag-nanakaw, haayyyy mukang
nakakalimutan ko na ang kaso ng Dranixs. Buti pa sila Miguel at Clyde relax
lang ngayon.
Marina: Sandali, heto na meron akong nakita.
Nakuha ni
Marina ang impormation sa nasabing agimat.
Marina: Ang santiago de galacia, ang sinasabing
agimat ni andress bonifacio noong panahon ng pananakop ng kastila, may lumabas
na haka-haka noon kapag taglay mo ang agimat na ito ay mag-kakaroon ka ng
abilidad na hindi masusukat ng kahit na sino, lalo na sa pakikipaglaban.
At hindi
lang yun, maaari karing maging isang immortal.
Kyro: Parang hindi naman ata paki-pakinawala yan.
Maging immortal? Eh pinapatay nga siya diba? So anong ibig sabihin ninakaw sa
kaniya ang agimat ganon?
Marina: Sandali hindi pa tapos, meron pa dito.
Hindi lang ito ang agimat na sinasabi, meron din si Antonio Luna na kung
tawagin naman ay Virgen Madre, kay Emillio Aguinaldo ang Santisima Trinidad.
Base tatlo ang sinasabing Agimat na ito. Na kung mapag-sasama-sama mo ang
tatlong ito, gagantimpalaan ka ng walang hanggang na karangyaan at
kapangyarihan.
Tila
nagiging interesado si Kyro sa mga bagay na ito.
Kyro: Mukang interesante ang bagay na ito. Una
muna kailangan natin alamin ang buong kilos ng Night thief na yan, at kung ano
ang binabalak niya sa mga agimat, tayo na!
Marina: Teka saan naman tayo pupunta?
Kyro: Sa mga taong may kinalaman sa bagay na ito.
____________________________________________________________
Sa isang
silid kasalukuyang isang babae ang naliligo, at ng matapos na siya ay lumabas
siya sa banyo, at binuksan niya ang kaniyang computer, at makikita dito ang
susunod na event, ang pag-
sasapubliko ng isa pang nawawalang agimat.
Pinag-masdan niya ito at sabay ngumiti.
??: Ito na
ang susunod kong trabaho.
Tinangal ng
babae ang kaniyang suot na tuwalya at nag-simula na siyang mag-bihis.
____________________________________________________________
Muling
umalis sila Kyro at nag-tungo sila sa isang.
Marina: Seryoso ka?
Kyro: Saan pa ba tayo kukuha ng magandang source,
kung hindi sa taong ito.
Krishia: Kyro!
Pinuntahan
nila Kyro si Krishia sa kanilang opisina, upang tanungin tungkol sa tinagurian
Night thief.
Krishia: Long time no see, sa iyo din Marina.
Tumango lang
si Marina ng batiin siya ni Krishia.
Kyro: Nakuha mo na ba yung kailangan ko?
Krishia: Syempre naman ako pa.
Kyro: Sumama ka muna sa amin, pag-usapan natin
ito.
Sumama si
Krishia kila Kyro at nag-tungo sila sa GINGA cafe para pag-usapan ang naturang
kaso, ngunit tila meron isang taong naka-subay-bay sa kanila. At sino naman
kaya ito?
__________________________________________________
Sa GINGA
Cafe...
Sinabi ni
Krishia ang detalye ng nakuha niyang impormation.
Kyro: Kung ganon, merong magaganap na expo sa
darating na linggo? At ang dalawang agimat na yan, ay isasapubliko bago ito
i-turn over sa National Mesuem?
Krishia: Tama ka, pero malakas ang bulong-bulungan na
merong nag-tatangkang kunin ang mga ito.
Kyro: Sino ang Night Theif?
Krishia: Hindi lang ang Night Theif, kung hindi meron
pang isang groupo?
Marina: Sino naman yun?
Krishia: Hindi niyo ba sila kilala?
Ipinakita ni
Krishia ang litrato ng tinutukoy niya.
Krishia: Siya si Don Nicolas Kitaoski, siya ang
kasalukuyang Don ng groupong Red Bullet, kasalukuyan sila ang pinaka notorius
na Gang mula sa Italy, US , Russia, at nag-sisimula narin silang gumawa ng
ingay dito sa pilipinas. Sangkot sila sa iba’t ibang uri ng krimen. Lalo na sa
Drugs at weapon smuggling.
Kyro: Mukang hindi lang ang Night Thief na yun
ang problema natin, pati pala itong mga miyembro ng mafia, pero teka bakit
naman sila makikisali sa expo na yan?
Krishia: Hindi niyo ba alam, sila mismo ang nag-pondo
ng event na ito.
Kyro: Ano?! Sila ang nag-pondo.
Krishia: Kung iyong maitatanong, malaking tagahanga
si Don Nicolas sa mga ancient artifact, lalo na kung meron kinalaman sa nakatagong
kapangyarihan nito. Siguro alam niyo narin ang tungkol sa mga agimat ng ating
mga pambansang bayani.
Kyro: Oo kapag-nakumpleto ang tatlong ito, may
gantimpala na nag-hihintay sa iyo, pang-habang buhay at kapangyarihan.
Krishia: Tama ka, kaya gagawin ni Don Nicolas ang
lahat para makuha ang mga yan, totoo man o hindi ang tungkol sa mga agimat nay
an.
Tila meron
naman napansin si Marina sa litrato ng naturang Don.
Marina: Teka, puwede mo bang i-zoom in sa bandang
kaliwa ang litrato na yun?
Krishia: Alin ito?
Marina: Oo yan na nga!
Ginawa ni
Krishia ang sinabi ni Marina, at ng ma-izoom in niya ito, laking gulat nila nakasama
ni Don Nicolas Kitaoski ang Director ng National Museum na si Christoper
Cosejo.
Kyro: Si Cosejo? Anong ginagawa niya diyan?
Krishia: Hindi ko napansiyan yan ah. Pero mukang meron
kinalaman si Cosejo dito, balita ko malapit na mag kaibigan ang dalawang yan,
at ayon sa source si Kitaoski ang dahilan kung bakit nakuha ni Cosejo ang
posisyon niya bilang director ng Museo.
Marina: Ano sa tingin mo Kyro?
Na-papaisip
si Kyro, sa mga oras na ito.
Kyro: Parang may-mali dito.
Marina: Anong mali?
Kyro: Krishia maikukuha mo ba kami ng access sa gaganapin
na expo?
Krishia: Oo naman, walang problema doon, pero ano ang
iniisip mo?
Kyro: Basta, mukang meron akong kailanga alamin.
__________________________________________________________
Sa safe
houses ng Red Bullet Gang.
BBBBAAAAAAAAGGGGGG
Initulak
papasok ng isa sa mga tauhan ni Don Kitaaski si Director Cosejo. At ihinarap
siya sa mismong Don.
Thug: Boss heto na ang ipinapatawag niyo.
Director Cosejo: Arrrrrgg
Takot na
takot si Cosejo, dahil kaharap niya ang kingpin ng pinaka-kinatatakutang Gang
sa buong mundo.
Don Nicolas: Tingnan mo nga naman, hindi ko akalain na
mag-kikita tayo ngayon, Director Cosejo. Kumusta ka ngayon? Kumusta ang trabaho
natin bilang bagong director ng National Museum? Gusto mo bang uminom.
Nag-salin si
Don Nicolas ng brandy sa dalawang hard glass, at ibinigay niya ang isa kay
Director Cosejo.
Director Cosejo: Ah...Hindi...okay lang ako, salamat.
Don Nicolas: Huwag kang matakot, wala akong gagawin sa
iyo, basta sagutin mo lang ang mga itatanong ko sa iyo. Heto uminom ka muna.
Director Cosejo: S-Salamat.
Don Nicolas: Ngayon mabalik tayo sa pinag-uusapan natin,
alam mo naman na malapit na ang expo na ako mismo ang nag-sponsor, inaasahan
kong mababawi ko ang lahat ng investment ko sa naturang expo, at kapalit noon
ay ang dalawang agimat na tinutukoy mo.
Director Cosejo: N-Naiintindihan ko yun pero, hindi ganon
kadali na makuha ang gusto mo.
Don Nicolas: Dahil ano? Dahil sa inupahan mong mga
detective? Ha ha ha, alam mo yun ang isa
sa malaki mong pag-kakamali, bakit kailangan mo pang kunin ang serbisyo nila? Baka
mamaya niyan maunkat nila ang koneksiyon mo sa akin, at malaman din nila na ako
ang dahilan kung bakit ka nasa kinatatayuan mo ngayon.
Director Cosejo: Alam ko naman yun, at hindi ko makakalimutan
ang bagay na yun, pero kaya ko lang ginawa ang bagay na yun, upang mabawi ang
isa sa mga agimat na ninakaw sa akin ng Night Thief, sa tunlong ng mga
detective ng GINGA, tiyak mapapabilis ang pag-bawi ko dito.
Don Nicolas: Ang Night Thief, Teka, alam na ba ng publiko
ang tungkol sa bagay na iyan?
Director Cosejo: Hindi pa, tanging ang mga detective lang na
yun ang merong nakaka-alam. Wala akong magagawa kung hindi sabihin sa kanila
ang mga detalye, at kapag-nag tagumpay sila sa pag-bawi, wala na silang
pakielam sa atin, tinitiyak ko sa inyo yun Don Kitaoski.
Don Nicolas: Siguraduhin mo lang na mapapapunta sa akin
ang mga orihinal na agimat, kung hindi alam mo na meron kang pag-lalagyan.
Director Cosejo: O-Opo, naiintindihan ko…
Don Nicolas: Ngayon ang problema lang natin ngayon, ang
Night Thief.
__________________________________________________________
Kinabukasan ipinatawag
ni Director Cosejo sila Kyro, para bantayan ang bagong mga dating na artifact.
At sa pag-kakataong ito, kasama nila si Miguel.
Miguel:
Teka bakit niyo ba ako sinama dito? Bakit hindi nalang si Clyde, para may
pakinabang naman sa kaniya.
Kyro: Masiyadong abala ang tanong yun, at isa pa
mas bagay ka dito dahil sa abilidad mo.
Miguel: Haaaayyyy ganon ba, pero kung babayaran mo
naman ako dahil sa abala mo ayos lang.
Kyro: Muka ka talagang pera, sige na basta gawin
mo lang ang trabaho mo.
Maya-maya pa
ay dumating na ang naturang kahon na nag-lalagay ng artifact.
Marina: Guys, heto na.
Director Cosejo: Pakiusap lang, gusto kong ingatan niyo ang
bagay na ito.
Miguel: Teka puwede po ba namin makita ang bagay na
iyan, bago dalhin convention hall?
Kyro: Miguel!
Director Cosejo: Ayos lang, sige heto ipapakita ko sa inyo.
Binuksan ni
Director Cosejo ang case, kung saan naka-lagay ang dalawang natitirang agimat.
At ng makita nila ito, hindi nila mapigilang humanga sa naturang artifact.
Marina: ...Ang ganda, hindi mo aakalain na isang
agimat yan.
Miguel: Tama ka, mas mukha pa siyang alahas kung
titingnan, kesa sa agimat.
Kyro: Director, ito rin ba ang ninakaw sa inyo ng
Night Thief?
Director Cosejo: Oo ito nga, halos ganito rin ang itsura
noon, ah bago ko makalimutan kayo palang ang tanging nakaka-kita nang personal
sa bagay na ito. Gusto kong bantayan niyong mabuti ang mga ito, dahil
napaka-halaga nila sa kasay-sayan ng ating bansa.
Miguel: Wheeeww, Ang suwerte naman natin, tayo
palang ang unang nakakakita niyan, teka mag-kano kaya ang isang yan kapag
sinangla mo?
Marina: Puwede bang tigilan mo yang mga biro mong
yan.
Director Cosejo: Ang mabuti pa dalhin na natin ito sa
convention hall, at ilagay sa kaniyang vault.
Kyro: Mabuti pa nga po.
Muling
inilagay ng director ang mga naturang agimat sa case, ngunit biglang.
BBBOOOOOMMMMSSSSSS
Biglang
merong sumabog sa kanilang harapan, at isa pala itong pam-pausok.
Miguel: Teka saan galing yun?
Marina: Smoke grenade?
Kyro: Bantayan niyo ang case!
BBBBAAAAAAAAGGGGG
AAAAAAHHHHHH
Marina: Si Director!
Nakarinig
nalang sila ng isang sigaw, at nang humupa ang usok, laking gulat nila na wala
nang malay ang director, at ang case ay wala na sa kaniya.
Miguel: Nawala ang Case!
Kaagad naman
ginamit ni Kyro ang kaniyang Vision Shade, upang alamin kung naasan ang kumuha
nito.
At ilang
lang sandali pa gamit ang waller mode, nakita niya ang taong may dala-dala ng
naturang case.
Kyro: Hindi pa siya nakaka-layo, kayo na muna ang
bahala sa kaniya, hahabulin ko ang kumuha sa case!
_____________________________________________________________
Tumatakbo sa
itaas ng gusali ang taong kumuha ng case, at ito ay walang iba kung hindi ang
Night Theif na si Lady Boa.
Ngunit ilang
sandali pa.
BANG!-BANG!-BANG!
Napahinto
siya sa kaniyang pag-takbo, dahil sa biglang pag-sulpot ni Gunver, sakay ng
kaniyang Gun Cycle winged mode.
Gunver: Hanggang diyan ka nalang!
Nakatutok
kay Lady Boa ang mga sandata ng Winged Cycle ni Gunver. At laking gulat naman
niya na isang babae pala ang tinaguriang Night Thief.
Gunver: Teka isang babae?
Kaagad
bumaba si Gunver sa kaniyang motorsiklo, at tinutukan niya ng kaniyang Driver
si Lady Boa.
Gunver: Ikaw diyan Night Thief, ibaba mo ang hawak
mong case, at sumuko ka ng maayos.
Ngumiti
naman babaeng mag-nanakaw sa kaniya.
Lady Boa: Uyy, hindi ko akalain na kilala ako ng sikat
na detective na si Kyro Anjelo. Parang na inlove ata ako sa iyo instant.
Gunver: Tumahimik ka, at bakit kilala mo ako?
Lady Boa: Alam ko ang bawat galaw niyo, at kilala ko
bawat isa sa inyo, lalo ka na Detective Kyro Anjelo. Parang gusto ata kitang
halikan.
Gunver: Tumigil ka na, at ibaba mo nalang ang case na
hawak mo! Kung hindi---
Lady Boa: Kung hindi ano? Gagamitan mo ako ng dahas?
Gunver: (Gulat) Anong!? Nasa harap ko na kaagad siya?
Laking gulat
nalang ni Gunver, na nasa harap na niya si Lady Boa. At isang malakas na sipa ang ginawa niya sa
detective.
BBBBBBBAAAAAAAAAAAGGGGGG
Gunver: Errrrr.... Hindi ordinaryong sipa ang isang
yun!
Lady Boa: Ano tatayo ka nalang ba diyan, o kukunin mo
itong case sa akin?
Gunver: Huwag mo akong minamaliit!
Sumugod ng
buong tapang si Gunver, at ginamit niya ang husay niya sa MMA, mag-kakasunod na
suntok at sipa ang ginawa niya, ngunit ang mga ito ay pawang tumama lang sa
hangin.
Gunver: Ang bilis niya.
Lady Boa: Ano hanggang diyan ka nalang ba?
Gunver: Buwiset!!!
Isang
spining kick ang ginawa ni Gunver, pero mabilis itong nawala sa kaniyang
harapan. At laking gulat nalang niya na nasa likuran niya ito.
Lady Boa: Mabagal...
Gunver: Hindi!
BRATATATATATATATA
Bigla nalang
siyang nirat-rat sa likuran, at doon tuluyan nang bumagsak si Gunver.
Gunver: AAAAAAARRRRRHHHHHHH
Lady Boa: Mukang hindi ka nararapat na mag may-ari ng
bagay na yan.
Gunver: Ano! Anong ibig mong sabihin!
Nakaharap
ngayon ni Gunver ang tinaguriang si Night Theif o si Lady Boa, ngunit ano ang
sinabi niya na hindi siya nararapat na mag-may ari ng bagay na iyan?
Case
Continued...