All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Sa bahay
nila Mari, papaalis na si Kyro para simulan na ang tunay na imbestigasyon.
Kyro: Sapat na siguro ang nakuha ko, malamang
niyan isa sa inyo ang target ng darnixs, pero...
Mari: Pero ano?
Kyro: Hindi ko masabi----
Mari: Sige na ano yun sabihin mo na----
BEEP-BEEP
Sasabihin
sana ni Kyro ang isang bumabagabag sa isipan niya, ng biglang tumunog ang
cellphone ni Mari.
Kyro: Sagutin mo muna yan..mukang importante.
Mari: Ah yes? ...Mama?
Ang tumawag
pala kay Mari ay walang iba kung hindi ang kaniyang ina. Pero ano kaya ang
dahilan ng kaniyang pag-tawag?
_______________
Case 59: Stage
Philippine
Arena...
Habang
pinag-mamasdan ni Louie ang stage na kaniyang pag-tatanghalan, ay meron siyang
hindi inaasahang bisita.
Louie: Alam kong kanina mo pa ako pinag-mamasdan
diyan, kung puwede lang lumabas ka na dahil sa lahat ng ayaw ko, ay yung mga
stalker na kagaya mo.
Lumabas ang
pinariringan ni Louie, at mula sa dilim, ay lumitaw si Miguel.
Louie: (Ngumiti) Ikaw lang pala...sana naman lumapit
ka nalang sa akin, para mabigyan kita ng autograph.
Miguel: Kung ganon na aalala mo ako, siguro naman
alam mo ang dahilan kung bakit ako naririto.
Louie: (Nag-isip) Ummm...ano nga ba, pasensiya na
hindi ko matandaan, sa dami ng ginagawa ko sa araw-araw, hindi ko na
natatandaan ang ilang mga bagay.
Miguel: Huwag mo akong paikutin, alam ko ang sikreto
mo, at alam ko kung sino ka bang talaga, Tersera!
Louie: Ohhhh...kilala mo pala ako, eh ano naman
ngayon.
Miguel: Hindi ka masiyadong maingat, noong panahong
si Knives pa ako, sa harap ko pa mismo, tinangal mo ang anyo mo bilang si
Tersera, at doon ko nalaman, na ang sikat na si Louie ang siyang ikatlo sa mga
boss ng organisasyon.
Louie: Ang dami mo namang sinabi, so ano ngayon?
Ibubulgar mo sa mga kasama mo o sa publiko kung sino ako? Huwag ka nga
mag-patawa, isa ako sa miyembro ng Dranixs, at kaya kong baliktarin ang lahat.
Maging ang buhay mo ay kaya kong kunin.
Miguel: Puwes, inaaresto na kita ngayon...sa salang
pag-patay!
Inilabas ni
Miguel ang kaniyang Driver, upang arestuhin si
Louie, ngunit biglang nag-pakita si Atemis, at inatake nito si Miguel.
BBBAAAAAAAGGG
Miguel: Bwaaaahhhhh!
Napahandusay
ang batang pulis sa pag-atake sa kaniya, at akma na siyang tatapusin nito.
Louie: Atemis!
Ngunit
napahinto ito, dahil kay Louie.
Louie: Hindi ito ang tamang lugar para tapusin ang
isang yan, ayaw kong masira ang magandang stage na ito dahil lang sa
pag-lalaban niyo. Ang mabuti pa, lumabas kayo at doon tapusin ang lahat!
Sumunod naman si Atemis sa sinabi ni Louie, at
kaagad itong lumabas,
Louie: Kung gusto mo talagang mahuli ako, puwes
sumunod ka!
Kaagad din
lumabas si Louie, dahil sa ayaw niyang masira ang isa sa mga stage niya.
Miguel: Buwiset!
____________________
Sumunod din
si Miguel, at di nag-laon nakarating na sila sa labas, pero sa pag-labas niya,
ay mabilis siyang inatake muli ni Atemis. Ngunit sa pag-kakataong ito, ay naka
iwas na siya. At saka gumanti ng isang malakas na sipa.
Miguel: Hindi na kita hahayaan!
DNA Scan
complete....
DRAIG
CHANGER!
Matapos mag
DNA scan, ay siyang nag-bago ng anyo si Miguel bilang si Draiger, at dito nag-simula
na silang mag-laban ni Atemis, habang pinapanood naman sila ni Louie sa hindi
kalayuan.
BANG-BANG-BANG
Nag-pakawala
ang Special Police ng tatlong sunod-sunod na bala mula sa kanyang Driver, pero
sinalag ito ni Atemis gamit naman ang kaniyang mahahabang kuko.
Nang hindi
umubra ang bala, ay ginawang blade mode ni Draiger ang kaniyang Driver, at
sumugod siya dito ng buong tapang, at nag-palitan sila ng slash pareho.
SLASH-SLASH
Draiger: Errrr....
Halata na
nahihirapan si Draiger sa kaniyang kalaban, dahil sa laki at bilis din nito.
Ngunit nakakita ng butas ang Special Police at doon niya inatake ang mandirigma
ni Tersera.
Draiger: Huli ka!!
Ibinalik ni
Draiger ang kaniyang Driver bilang Gun Mode, at pinag-babaril niya si Atemis
para malayo sa kaniya.
BANG-BANG-BANG
Binabalak
gawin ni Driager ang kaniyang Zone, upang tuluyang matalo si Atemis, ngunit
tila napansin ni Tersera ang bagay na ito, kaya kumilos narin siya, upang
tulungan ang kaniyang mandirigma.
DRAIG ZONE
ACTIVATE!
Akma na
niyang gagawin ang zone para sa finale, ngunit.
SSSSHHHHHOOOOCCCCKKKKKKK
Isang
malakas na shock wave ang nag-patigil kay Draiger, at dahilan din ng kaniyang pag-tilapon.
Draiger: BWAAAAAAAHHHHH
Louie: Hindi ko hahayaan na tapusin mo ang alaga
ko...
Lumalapit si
Louie, habang dahan-dahang nababalutan ng kaniyang baluti bilang si Tersera.
Draiger: Errrr...Ter-sera...
Tersera: Dito na matatapos ang pakikielam mo.
Inihanda ni
Tersera ang kaniyang sandata, upang tuluyan ng tapusin si Draiger.
SSSSSHHHHOOOCCCCCKKKKKK!!
____________________
Kinabukasan,
sa GINGA Cafe. Muling pinag-aralan ni Kyro ang kaso, pero hindi parin mawala sa
isip niya ang mga ikinuwento ni Mari sa kaniya, ayaw man niyang paniwalaan,
malaki ang posibilidad na miyembro ng Dranixs si Louie.
Habang nasa
kaniyang computer, ay siya namang pumasok si Mei, para tanungin siya kung
nakita ba niya si Miguel, dahil kagabi pa ito hindi umuuwi.
Mei: Kyro, nakita mo ba si Miguel?
Kyro: Hindi pa, bakit may ginawa nanaman ba siyang
kalokohan?
Mei: Wala naman, kagabi pa siya hindi bumabalik
dito, iniisip ko baka meron nanaman siyang nilakad na hindi ipinapaalam sa
atin.
Tumayo si
Kyro, at nag-unat ito ng konti.
Kyro: Siguro meron lang siyang inaasikaso, alam mo
naman yun.
Mei: Siguro nga. Pero sana lang huwag siyang
gagawa ng kahit na anong kalokohan.
Maya-maya ay
tumunog ang cellphone ni Kyro, at kaagad niya itong sinagot.
BEEP-BEEP
Kyro: Yes Hello....Mari? ...Okay sige, papunta na
ako diyan.
Mei: Yan ba yung sa serial killer ng mga
celebrity?
Kyro: Oo, mukang may kailangan sabihin sa akin ang
kapatid ni Louie. Sige Ate Mei, aalis muna ako, pasunurin mo nalang si Miguel
kapag-bumalik na siya.
Mei: Sige.
______________________
Sa isang
maliit na eskenita, isang lalaki ang tila nahihirapang mag-lakad, at ng
bumagsak ito, ito pala ay si Miguel na sugatan, mula sa pakikipag-laban niya
kay Tersera.
Miguel: Grrrrrr...Muntik na ako doon.
Nang
makalaban ni Miguel si Tersera ay nag-pakawala ito ng isang matinding shock
wave na halos sumira sa lugar, pero sa kabutihang palad ay nakaligtas ang
binatang pulis, mula sa pag-sakay niya sa kanyang draig cycle.
Miguel: Mukang kailangan masabi ko kay Kyro ang mga
pang-yayari.
Kaagad
tumayo si Miguel, at nag-simula na muling mag-lakad, para sabihin kay Kyro ang
nalalaman niya.
________________
Sa Studio
kung saan nag-tr-trabaho si Mari, sinama ni Kyro si Marina para makipag tagpo
muli sa kaniya, at para merong ipakilala sa kanila.
Mari: Mabuti naman nakarating ka na.
Kyro: Syempre, May-sasabihin rin naman ako sa
iyo...
Mari: May nakalimutan lang akong sabihin sa iyo
kahapon.
Kyro: Tungkol saan?
Mari: Alam mo bang...ngayon ang isa sa mga big
major concert ni Louie?
Kyro: Ano? Hindi ko alam yun ah.
Marina: Masiyado tayong abala nitong mga nakaraang
araw, kaya hindi mo alam na merong concert ang idol mo.
Mari: Gaganapin ito sa Philippine Arena, halos
sold out lahat ng ticket. At meron din siyang special guest na mga singer,
possible ba na targeting siya ng serial killer na sinasabi niyo?
Kyro: Hindi ko masasabi.
Mari: Alam mo kasi, umuwi ang mama ko galing pa ng
state, para lang mapanood siya, at maka-usap. Kaya gusto ko lang masiguro ang
kaligtasan niya. Kahit na mag-kagalit kami.
Kyro: Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang
makakaya ko para hindi mang-yari yun.
Ilang
sandali pa...
Female: Mari, sino yang kausap mo?
Mari: Mama?
Dumating ang
ina nila Mari at Louie, sa studio.
Kyro: Siya ang mama mo?
Mari: Oo, hindi halata na galing siya sa sakit na
brain tumor.
Lumapit si
Linda sa kaniyang anak, para tanungin kung sino ang kaniyang kinakausap.
Linda: Teka sino ba yang kausap mo? Boyfriend mo?
Mari: Ah hindi po…Ma siya si Detective Kyro
Anjelo, siya ang humahawak sa kasong nang-yayari ngayon dito, siya nga pala
siya rin ang tumulong noon kay Louie, para protektahan siya sa mga nag-tangka
sa kaniya noon.
Kyro: Kumusta po.
Linda: Ganon ba, maraming salamat sa mga ginawa
mong tulong sa anak ko, pag-pasensiyahan mo na kung medyo matigas ang ulo nito
at medyo makasarili...pero mabuti naman siyang tao. At maunawain. Sana lang
talaga makapag usap kami ngayon, dahil hindi pa niya alam na dumating ako dito,
para lang manood ng kaniyang concert, Hi hi, ako ata ang number 1 fan ni Louie.
At kaya kong makipag sabayan sa mga mas bata pa niyang tagahanga.
Mari: Si Mama talaga.
Nakikita ni
Kyro ang mga ngiti at labis na pag-hanga ng ina ni Mari kay Louie, at dahil
doon, hindi alam ni Kyro kung sasabihin ba niya na pinag-hihinalaan niya si
Louie bilang primary suspect.
___________________
Sa labas ng
studio, nag-palipas oras muna sila Kyro at Marina sa kanilang Gun Racer, at
nabangit niya dito ang kaniyang iniisip.
Marina: Mukang malalim ang iniisip mo.
Kyro: Medyo, meron lang talagang bumabagabag sa
isip ko.
Marina: Kagaya ng alin?
Kyro: Yung mga sinabi sa akin ni Mari, ang
pinag-daanan nila ni Louie bago pa nila marating ang tutok, sinabi sa akin na
meron daw na tumulong kay Louie para magawa ang mga ito, pero sino?
Marina: Ang ibig mo bang sabihin, si Louie ang
posible suspect at siya ang miyembro ng dranixs na si Tersera?
Kyro: Hindi ko alam, pero kung tama ang hinala ko,
posible at puwedeng tumugma sa lahat ng ebidensiya na nakuha natin.
Habang
nag-uusap ang dalawa ni Marina at Kyro, ay siya namang merong biglang
gumalabong sa kanilang hood. At silang dalawa ay napababa sa kanilang sasakyan.
BBBBOOOOOGGGGG
Kyro: Sandali ano naman ito?
Nang tingnan
nila ito, ito pala ay si Miguel, na tila pagod na pagod at puno ng pasa at
sugat ang kaniyang katawan.
Marina: Miguel!
Kaagad naman
siyang tinulungan ng dalawa upang maka-tayo.
Kyro: Sandali, ano bang nang-yari sa iyo? Alam mo
bang kagabi ka pa hinahanap ni Ate Mei? At saka bakit ganyan ang itsura mo?
Miguel: Errrr...Mahabang kuwento, pero buti nalang
at nakita ko kayo dito. Dahil meron kayong kailangan malaman.
Kyro: Ano ang kailangan naming malaman?
Miguel: Grr...Si Tersera at si Louies Anne Morales,
ay iisa lamang.
Ikinagulat
nila Marina at Kyro ang ipinag-tapat ni Miguel. At si Kyro ay hindi
makapaniwala dito.
Kyro: T-Teka sigurado ka ba diyan? Baka naman
nag-kakamali ka, isa si Louie sa kaibigan ng mga celebrity na pinatay ni
Tersera, so paano siya ang taong ito?
Miguel: Sa maniwala ka o sa hindi, alam ko na ang
buong katotohanan sa kaniya bago pa ako sumama sa inyo, nakita ko ang buong
pag-katao niya noong nasa dranixs pa ako bilang si Knives.
Kyro: Imposible...bakit ngayon mo lang ito sinabi!
Miguel: Pasensiya na, itinago ko muna sa inyo, dahil
alam kong darating din tayo sa puntong, haharapin natin si Tersera, at ito na
ang magandang pag-kakataon para gamitin yun.
Marina: So totoo ang hinala mo Kyro, si Louie ang
siyang pumapatay sa mga taong ito.
BBRRRAAACCCKKKKK
Habang
nag-uusap sila ay siya namang aksidenteng narinig ni Mari ang kanilang
pinag-uusapan, at dahil doon nabagsak niya ang dala-dala niyang kape.
Mari: A-Anong sinabi niyo?
Kyro: Mari?
Kaagad
niyang nilapitan si Kyro, para tanungin sa kaniyang mga narinig.
Mari: Sabihin mo hindi totoo ang sinasabi mo?
Hindi magagawa ni Louie ang ganong mga bagay!
Kyro: P-pero...
Miguel: Totoo ang sinasabi ko, si Louie ang kapatid
mo, isa siya sa mga boss ng dranixs, at siya ang nasa likod ng pag-paslang sa
mga kaibigan niyo.
Mari: Sinungaling!!
Unti-unting
lumuha si Mari sa nalaman niyang katotohanan.
Mari: Hindi magagawa ni Louie yun, kahit na
inabando na siya ng mga taong inakala niya ay kaibigan, hindi siya ganon kasama
para gawin yun...hindi...
Napaluhod
nalang si Mari, ngunit dinamayan naman siya ni Kyro at sinabi narin niya ang
mga bagay na kaniyang gustong sabihin.
Kyro: Mari, ang totoo niyan hindi rin ako
makapaniwala ng marinig ko yun, pero diba sa iyo narin mismo nag galing ang
ilang sagot...
Mari: Ano?
Kyro: Si
Louie, binangit mo na ibinenta niya ang kaluluwa niya sa sinasabi mong demonyo,
ang tinutukoy niyang demonyo, ay walang iba kung hindi ang dranixs. Malamang
hindi ka nga maniniwala pero, yun ang katotohanan, at hindi mag-sisinungaling
si Miguel, dahil siya mismo ay nag-galing narin sa loob ng samahang yun.
Taga-hanga
rin ako ni Louie at talagang hindi mapapantayan ang talento niya at husay sa
pag-kanta, pero sa mata ng batas, mali ang ginawa niya, kaya dapat niya itong
pag-bayaran.
Mari: (Lumuluha) Louie...
Ngunit ilang
sandali ay....
Marina: (Napansin ang isang paparating na bagay)
KYRO!!!
Kyro: (Gulat) Anong!!
Miguel: Ilag!
Isang
sasakyan ang ibinato sa kanila ni Atemis, at ang puntirya niya dito ay walang
iba kung hindi ay ang mga special police.
BBBBBBAAAAAAAAGGGGGG
Nakaiwas
naman kaagad sila, at ligtas din si Mari.
Miguel: Mukang nasundan niya ako.
Kyro: Marina ilayo mo si Mari dito!
Marina: Naiintindihan ko, tayo na!
Kaagad
tumayo si Mari at sumama kay Marina. At ang dalawa naman ni Migue at Kyro ay
inihanda ang kanilang mga Driver, at kaagad pinaputukan ang mandirigmang si
atemis.
BANG-BANG-BANG
Pero sinanga
lang niya ang mga balang pinapakawalan ng dalawang pulis, laban sa kaniya.
Nang
makalapit si Atemis, ay siya namang umatake ito sa dalawa, gamit ang kaniyang
matutulis na kuko.
Pero umiwas
ang dalawa, saka gumati ng sabay na sipa dito.
BBBBBAAAAAAGGGGG
Miguel: Dehado tayo dito.
Kyro: Alam ko yun...tayo na!
DNA SCAN
COMPLETE!
GUN CHANGER!
DRAIG CHANGER!
Sabay
nabalutan ng armor ang dalawa at naging si Gunver at Draiger, at muli sila sumugod kay atemis.
Mabibilis na
kalmot ang ginawa ng mandirigma kay Gunver at Draiger, pero mabilis din silang
nakakaiwas, at gumaganti ng kanilang pag-atake.
Sunod-sunod
na suntok at sipa ang ginawa nila, at sinamahan pa ito ng pag-papaputok ng
kanilang mga Driver.
BANG!-BANG!
Ngunit isang
sipa ang nakuha ni Gunver, at napa-atras ito, si Draiger naman ay binago ang
kaniyang Driver bilang blade mode, at muli siyang nakipag-sabayan kay atemis.
Draiger: YAAAAHHHHH
SLASH-SLASH!!!!
Gunver: Subukan natin ito!
Si Gunver
naman ay muling tumayo, at kinuha ang kaniyang isa sa mga SD card, ginamit niya
ito at nag-bago siya ng armor bilang Saber mode.
At nang maka
pag-bago na siya ng armor, ay muli niyang tinulungan si Draiger sa
pakikipag-laban.
____________________________________________________
Samantala
dinala naman ni Marina sa isang ligtas na lugar si Mari.
Marina: Dito ka nalang muna, kailangan ko silang
tulungan.
Akma na
sanang aalis si Marina para tulungan sila Gunver sa laban, ng biglang merong
umatake sa kaniya.
SSSSSSHHHOOOOCCCCCCKKKK
Marina: AAAAAAAHHHH
Mari: Ms. Asol!
Tumilapon si
Marina sa lakas ng shockwave na ginawa sa kaniya, at ito ay walang iba kung
hindi si Tersera.
Tersera: Opps...mukang napalakas ata ang ginawa ko.
Tila nasaktan ng husto si Marina, ngunit dahan-dahan siyang tumatayo.
Tila nasaktan ng husto si Marina, ngunit dahan-dahan siyang tumatayo.
Marina: T-Tersera?!
Tersera: Yep ako nga! The one and only Tersera!
Ngayon ano na nga bang gagawin ko?
Tumingin si
Tersera kay Mari, at nakita nitong takot na takot ito.
Tersera: Siguro...isasama nalang kita, para mas
masaya.
Mari: Hu-Huwag...Huwag...Lou---
Marina: Mari umalis ka diyan!
Takot na
takot si Mari ng mga oras na iyon, at akma na siyang kukunin ni Tersera para
isama,
pero mabilis na tumayo si Marina at kaagad kinuha ang kaniyang driver,
para barilin si Tersera.
Tersera: Huwag kang makielam!
SSSSSSHHHHOOOOOCCCCCCCKKKKK
Tumilapon muli
si Marina, at sa pag-kakataong ito mas malakas na ang inabot niya, kaya nawalan
siya ng malay tao.
Mari: Ms.Asol!!
Tersera: Ngayon wala ng abala, tayo na?!
At doon
tuluyan ng nadukot ni Tersera si Mari, at umalis sila. Samantala patuloy paring
nakikipag-laban si Gunver at Draiger kay Atemis, ngunit hindi alam ng dalawa
ang nang-yari kay Marina at Mari.
Ano kaya ang
binabalak ni Tersera sa kaniyang kapatid na si Louie?
End of Case
59