All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Habang sumagi sa isip ni Mari ang
nakaraan nila Louie noon, ay siya namang tumunog ang kanilang door bell.
DING!-DONG!
Mari: Sandali na diyan na!
Binitawan niya ang kanyang hawak na
picture frame nila ni Louie, at nag-madaling bumaba, at ng maka-baba ay kaagad
niyang binuksan ang gate, at ang taong dumating ay walang iba kung hindi si
Kyro.
Mari: Detective Anjelo?
Kyro: Pasensiya na kung medyo madungis ako,
pero puwede ba kitang matanong sa ilang mga bagay?
Mari: Sure, hali ka pumasok ka muna.
Pinapasok ni Mari si Kyro sa kanilang
bahay. Ngunit sa labas, hindi alam ni Kyro na sumunod si Miguel, at tila meron
talagang bumabagabag sa kanya.
Case 57: Ang pag-bubukas ng bagong pinto
Dranixs HQ
Naabutan ni Quwarta si Tersera na
nag-iisa at tila meron itong iniisip.
Quwarta: Mukang nag-iisa ka ata ngayon, wala
ka bang balak pumunta sa mga kapwa mo artista, para mag-bigay man lang ng isang
konting dasal...Louie.
Nag-balik sa dati niyang anyo si
Tersera, bilang si Louie.
Louie: Bakit ko naman gagawin yun? Ako na
ang pumaslang sa kanila, ako pa ang mag-bibigay ng dasal? Heh, kahibangan yun.
Quwarta: Napansin ko lang nitong mga nakaraang
buwan, sunod-sunod ang ginawa mong pag-paslang sa mga taong mga malalapit sa
iyo noon.
Louie: Dapat lang, dahil marami ng ka
kumpetensiya ang reyna, ako lang dapat ang siyang hinagangaan at tinitingala ng
lahat… Ako lang.
Quwarta: Yan lang ba talaga ang dahilan, o
nag-hihiganti ka lang sa kanila?
Tila nakaka-halata si Louie kay
Quwarta na gusto siyang pag-sabihan nito.
Louie: Ano bang gusto mong palabasin?
Quwarta: Kung gagawin mo talaga ang bagay na
yan, siguraduhin mong wala kang ititira sa mga taong yumurak sa iyo noon, at
tandaan mo rin, mag-iingat ka. Dahil sa konting pag-kakamali mo lang, puwedeng
mapahamak ang buong organisasyon.
Louie: Naiintindihan ko yun, at kung mang-yari man ang iniisip mo,
ako mismo ang tatapos sa sarili ko, dahil yun ang ipinangako ko sa
nakatataas...pero hindi mang-yayari ang mga bagay na iyun, dahil patuloy akong
ma-mamayag-pag.
Pag-katapos mag-usap nila Quwarta at
Louie, ay umalis ang babaeng miyembro ng dranixs sa silid.
Quwarta: Ang babaeng yun, ano ba ang nakita sa
kanya ng nakatataas, para lang ibigay ang katanyagang ito sa kanya.
_______________________________________________
Louie: Ngayon halos wala na sila, ngayon
sisimulan ko na ang sarili kong palabas?
Mula sa likuran naman niya, lumabas si
atemis. At naka-handa na muli ito sa mga iuutos ni Tersera sa kanya.
Louie: Pero bago yun, may kailangan muna
tayong tapusin...diba atemis.
_____________________________________________
Balik sa bahay ni Mari, pinakuha lahat
ni Kyro sa dalaga ang puwedeng makuha pang mas maraming impormation.
Mari: So may possible lead na ba kung sino
ang gumagawa nito?
Kyro: Meron, at sa totoo lang kilala ko
kung sino siya.
Mari: Talaga sino?
Kyro: Miyembro siya ng dranixs, at tila
hindi pa siya tapos.
Mari: Dranixs?
Kyro: Mukang nag-tataka ka sa sinabi ko,
isa silang sikretong organisasyon, na kinokontrol ang sibilisasyon ng patago,
pero ang pinag-tataka ko, bakit kailangan patayin ni tersera ang mga sikat na
artistang yun? Anong dahilan niya.
Inilabas ni Kyro ang picture na hawak
niya, at ipinakita niya ito kay Mari.
Kyro: Heto tingnan mo.
Mari: Teka paano mo nakuha ito?
Kyro: Binigay sa akin yan ng kaibigan
kong reporter, nag-tataka rin ako kung saan niya nakuha yan, ang gusto ko lang malaman
sa litratong yan, ay ito halos lahat ng merong naka-bilog ay wala na, at kayong
dalawa nalang ni Louie ang siyang hindi niya na tatarget. Sabihin mo nga sa
akin, ano ba talaga ang nang-yayari? Nasaan si Louie?
Tila nag-dadalawang isip si Mari, kung
sasabihin niya ba ang mga nang-yari noong napanahong yun. Ngunit wala siyang ibang
pamimilian kung hindi sabihin ang
personal na bagay na ito.
Mari: Ayaw kong sabihin ito pero, ang mga taong napaslang nang
sinasabi mong si tersera, ay mga taong nag-pahiya at umiwan noon kay Louie, ng
mga panahong kailangan niya ng masasandalan.
Kyro: Teka hindi kita maintindihan? Ang mga
taong to, sila ang na nakit kay Louie noon? Pero bakit, bakit kailangan patayin
ni tersera ang mga ito? Mukang lalo lang naging komplikado ang lahat.
At nag-pasiya na si Mari na sabihin
kay Kyro, ang totoo.
Mari: Sasabihin ko ang ilan sa mga
nalalaman ko, si Louie, bago siya umalis dito, meron siyang nakilalang isang
tao, sinabi niya sa akin noon na, siya ang mag-bibigay ng isang malaking break
sa kanya.
_________________________________________________________
3 years ago....
Sa gitna ng malakas na ulan, naka-upo
parin si Louie, at isang lalaki ang siyang nag-abot sa kanya ng panyong.
Lalaki: Kunin mo.
Kinuha ni Louie ang payong, at umalis
na ang lalaki. Pero kaagad tumayo ang dalaga, para tawagin muli ito.
Louie: Sa-sandali!
Tumigil ang Lalaki, at nag-salita ito.
Lalaki: Maging matatag ka lang, malalampasan
mo rin lahat ng pag-subok, kagaya ng ulang ito, tititla rin ito, at muling mag-papakita
ang araw, ganon din ang gawin mo, patuloy kang umusbong. At ang lahat ng yun ay
masusuklian ng higit pa sa inaasahan mo.
Umalis na ng tuluyan ang lalaki...
ngunit tinawag muli ito ni Louie para tanungin ang pangalan.
Louie: Sandali! Anong pangalan mo! Sandali!
Pero hindi na ito lumingon pa.
___________________________________________________
Pag-katapos ng mga nang-yari,
nag-tungo si Louie sa ospital, at ang nadatnan niya dito ay si Mari, na
binabantayan ang kanilang ina.
Mari: (Gulat) L-Louie?
Gulat si Mari ng makita niya ang
kanyang kakambal, at si Louie ay kaagad na napayakap sa kanyang kapatid, at
umiyak ito.
Louie: Whaaaaaa....
Mari: Louie....Salamat at umuwi ka na.
Gumanti nalang ng yakap si Mari sa
kanyang kakambal, upang mabawasan ang bigat sa dib-dib nito.
_________________________________________________
Mari: Heto oh...
Inabutan ni Mari si Louie ng isang
mainit na kape, upang mainitan ito.
Louie: Salamat...
Naupo si Mari sa tabi ni Louie, at
kinausap niya ito.
Mari: Saan ka ba nang galing? Alam mo bang
hinanap kita kung saan?
Louie: Wala, nag-palipas lang ako ng sama ng
loob, pasensiya na kung pati ikaw na-pag buntunan ko...hindi ko lang talaga
matangap itong nang-yayari sa atin....parang gusto ko ng sumuko.
Mari: Huwag mo namang sabihin yan, ang
akala ko ba pag-bubutihin mo para kay mama?
Louie: Pero kasi....
Napansin ni Mari na tila wala parin sa
sarili si Louie, kaya na itanong nito kung ano ba talaga ang nang-yari.
Mari: Sandali, ano ba ang nang-yari sayo? Parang
hindi ikaw yan ah?
Louie: Huwag mo nalang alalahanin yun,
siguro nadadala lang ako sa mga pang-yayari.
Mari: Louie?
Louie: (Ngumiti) Maayos din ang lahat...
Hindi niya masabi sa kanyang kapatid
na, muntik na siyang pag-samantalahan ni Sandro, at iniisip niya kung ano ang
magiging epekto nito sa kanilang banda.
Louie: Ang mabuti pa, puntahan ko muna si
mama sa kuwarto niya, malamang pinag-alala ko siya nitong mga nakaraang araw.
Mari: Mabuti pa nga-----
Papunta palang sila Mari at Louie sa
silid ng kanilang ina, ng biglang nag-madaling pumasok ang kanilang ama.
Ben: Mari! Louie!
Mari: Papa!?
Nakita nila na hingal na hingal ito,
at nang-lalamig ang pawis. At ma-ngiyak-ngiyak ito.
Ben: (Umiiyak) Ang mama niyo!!
Nagulat nalang ang dalawa sa narinig
nila sa kanilang ina.
____________________________________________________
Kaya nag-madali silang pumunta sa
silid nito.
Mari: Mama!
Papasok palang sila sa silid, pero
piniglan sila ng nurse, upang magawa nila ang trabaho nila. At bago palang sila
makapasok, nakita nila na inaatake muli ang kanilang ina ng sakit nito.
Louie: Anong nang-yayari kay mama!
Nurse: Sandali, huminahon lang kayo,
ginagawa na namin ang lahat, pakiusap doon muna kayo sa labas.
Louie: Hindi Mama! Mama!
Nurse: Pakiusap lang po!
MAMA!!!
At tuluyan na silang pinag-saraduhan
ng pinto.
______________________________________________________
Ilang sandali, matapos atakehin ang
kanilang ina, naka-usap ng ama nila ang doctor, at sinabi nito sa kanila ang
tunay na kalagayan nito.
Ben: Ganon po ba...Sige, maraming salamat.
Umalis ang doctor pag-katapos sabihin
nito, humarap naman si Ben sa kaniyang mga anak, hindi na alam ang sasabihin.
Mari: Papa...anong sabi ng doctor?
Louie: Papa! Sagutin mo kami!
Halos hindi maka pag-salita si Ben, sa
mga tanong ng kaniyang mga anak, hanggang sa pumatak nalang ang mga luha nito
sa kaniyang mga mata.
Ben: (Napapaluha) Ang...mama niyo, hindi
na siya mag-tatagal.
Tila pinag-bagsakan ng langit at lupa ang dalawang mag-kapatid sa mga
sinabi ng kanilang ama.
Louie: I-Imposible! Diba sinabi ng doctor,
puwede pa naman siyang gumaling, puwede pa siyang gumaling gamit ang
chemotherapy?
Mari: Papa...hindi totoo yan diba? Hindi
yan totoo!
Ben: Yan ang totoo! Hindi na kayang isalba
pa ng mga doctor ang buhay ng mama niyo! Kahit na ano pang operation ang gawin
sa kanya, wala ng silbi...kaya tangapin nalang natin. Ito na ang kanyang
kapalaran.
Louie: (Lumuluha) Ganito nanaman ba tayo,
babalik nanaman tayo sa simula? Diba sinabi ko sa inyo, hindi siya mawawala. Maririnig
parin niya akong kumanta sa isang
malaking stage.
At dahil doon, muling naisipan ni
Louei na umalis, ngunit sa pag-kakataong ito.
Mari: Louie saan ka nanaman pupunta?
Louie: Hahanap ako ng tulong...alam kong may
magagawa pa sila, ginigipit lang nila tayo dahil alam nilang wala tayong
ibabayad. Hindi ako na niniwalang wala ng pag-asa!
Tumakbo papaalis si Louie.
Mari: Louie!!
Louie: Hintayin niyo lang ako...mama!
___________________________________________________
Kinabukasan, nag-tungo si Louie sa
kanilang studio, at naabutan nila na nag-eensayo ang mga ito. Bigla nalang
siyang pumasok sa loob. At nagulat nalang ang iba niyang mga kasama.
Misa: Louie?
Louie: Pasensiya na...kung ngayon lang ako.
Misa: Teka saan ka ba galing...noong minsan
ka pa namin hinahanap ni Mari? Sandali
nag-kita na ba kayo? Mukang pagod na pagod ka ah.
Sandro: Aba, tingnan mo nga naman. Narito
pala ang babaeng walang utang na loob.
Nadoon din pala si Sandro, at sinabi
ang mga bagay na ito.
Misa: Sandali, Sandro ano ang sinasabi mo?
Sandro: Ang lakas ng loob mong pumunta pa
dito, pag-katapos mong gawin sa akin ang bagay na ito?
Ipinakita ni Sandro ang sugat na
nakuha niya sa kanyang kaliwang kilay, at pinag-taka naman ni Louie ito kung
saan niya nakuha ito.
Louie: Sandali wala akong alam diyan! Ikaw
nga dapat itong mahiya sa akin, dahil muntik mo na akong pag-samantalahan.
Sandro: Huwag mo akong baligtarin, dahil wala
ng maniniwala sa iyo, Guys alam niyo ba nag-babalak si Louie na ibenta ang isa
sa mga kanta natin.
Ikinagulat ni Louie ang mga sinabi ni
Sandro sa kaniyang mga kasama sa banda.
Louie: Hindi totoo yan! Hindi totoo yan!
Sandro: Huwag ka ng mag palusot , ipinakita
ko sa iyo ang kantang ito para mapag-aralan nating pareho, pero anong ginawa
mo? Ikaw itong nag-tangka na kunin ang lahat, gusto mong mag-sulo, at iniisip
mo na masiyado kaming pabigat sa iyo.
Halos pasama na nang pasama ang tingin
ng mga kasama nila kay Louie.
Louie: Sinungaling ka...wala akong binabalak
na ganyan...ang gusto ko lang, ang gusto ko lang ay humingi ng tulong sa inyo,
dahil ang mama ko, hindi na namin alam kung mag-tatagal pa siya.
Misa: Louie?...
Sandro: Wala kaming pakelam, kahit na ikaw
ang siyang bumuo ng bandang ito, kaya ka naming tangalin...ang totoo nga niyan,
mas maganda kung wala ka na dito.
Misa: Sandro tama na! Wala naman tayong
pruweba sa mga sinasabi mo! Hindi magagawa ni Louie ang ibenta tayo, lalo na sa
kalagayan ng magulang niya ngayon.
Sandro: Yun na nga ang dahilan diba?
Ginagamit niya ang nanay niyang nag-hihingalo, para masolo ang para sa atin,
kaya ano pang silbi na narito siya? Ang mabuti pa umalis ka nalang, baka
mamaya-hindi mo na maabutang buhay ang nanay mo-----
PAAAAAAAAKKKKKK
Isang malakas na sampal ang ibinigay
ni Louie sa mukha ni Sandro, na umiiyak ito.
Louie: Wala kang kuwenta...Wala kayong
kuwentang mga kaibigan....
Misa: Louie!
At pag-katapos noon, bigla nalang
umalis si Louie. Na merong kinikimkim na sama ng loob sa kanyang mga dating
kaibigan.
Misa: Sandro, bakit mo nagawa yun?
Sandro: Dapat lang yun. Sige na mag-practice
nalang kayo. May gig pa tayo bukas.
Inaalala naman ni Misa ang kaibigan.
____________________________________________________
Balik sa bahay ni Mari, ngayon
naiintindihan na ni Kyro, kung bakit umalis si Louie sa kanilang banda.
Kyro: Kung ganon, yun pala ang dahilan kung
bakit siya umalis sa banda niyo noon?
Mari: Tama, masiyadong nasaktan si Louie sa
mga nang-yari, sa mga masasakit na salita at pag-bibintang.
Kyro: So mali ang balitang kaya sila
nag-kawatak-watak ay dahil sa mga eskandalo na kinasangkutan ninyo?
Mari: Alam mo, umalis narin ako sa banda
noong umalis si Louie, at ang tungkol naman sa pag-didisband. Dahil narin
siguro sa hindi nila pag-kakasundo, ang iba gusto ng kumalas para mag solo. At
ang iba naman sa kanila, lumaki ang mga ulo.
Kyro: Sandali, diba may nabangit na isang
taong nag-bigay sa kanya ng break? Sino ba ito?
Mari: Hindi ko alam at hindi ko rin masabi
kung sino ito, basta simula ng sumikat si Louie at makilala niya ang taong ito,
hindi na niya kami kinausap. Pati na si mama.
Kyro: Ang mama niyo....teka huli na ito,
anong nang-yari sa ina niyo?
Mari: Si mama....
______________________________________________
Tumatakbo si Louie, nang wala ng
patutunguhan, hanggang sa nadapa siya, at muling lumuha.
BAAAAAGGGGG
Louie: (Lumuluha) Kailangan kong...maging
matatag...kailangan ako ng mama ko.
Muling tatayo si Louie mula sa kanyang
pag-kadapa, ng merong isa nanamang tao na nag-abot nang kaniyang kamay para
tulungan ito.
Lalaki: Ayos ka lang ba?
Nagulat si Louie, na ang taong
tumutulong sa kanya, ay ang taong noong nakaraang nadapa din siya.
Louie: I-Ikaw?
Lalaki: Nasaktan ka ba? Kaya mo bang tumayo?
Nang matulala si Louie, naisip niyang
abutin ang kamay nito, para tulungan siyang maka-tayo.
Louie: Maraming salamat.
Lalaki: Walang ano man yun.
Aalis nasa ang lalaking tumulong sa
kanya, ng tawagin muli ito ni Louie.
Louie: Sandali, bakit...bakit ka nalang
biglang nag-papakita sa akin? Bakit?
Lalaki: Siguro nag-kakataon lang yun, hindi
ko rin alam. Pero mukang tadhana ang gumagawa ng paraan upang mag-kita tayo.
Pinag-masdan nang naturang lalaki si
Louie, at nakita niya sa mga mata nito, na malaki ang problemang kanyang
dinadala.
Lalaki: Nakikita ko sa mga mata mo, ang bigat
at pasakit na dinadala mo, gusto mong kumawala, pero hindi mo magawa...dahil sa
paligid na meron ka, ay hinahatak ka nilang paibaba.
Louie: Teka anong ibig mong sabihin?
Ngumiti ang lalaki, na tila merong
ibig-sabihin ito.
Lalaki: Mukang isa ka sa napili, para maging
isang hinirang.
Louie: Hinirang? Teka hindi kita
maintindihan...sandali ano ba talaga ang ibig-sabihin?
Lalaki: Malalaman mo, sa oras na mag-kita
muli tayo, Louies Anne
Morales.
Nagulat si
Louie na alam nito ang kanyang pangalan, ng tatawagin niya muli ito, ay bigla
nalang
itong nawala.
Louie: Sandali papaano mo nalaman----nawala
siya?
Sino ba talaga ang lalaking ito?
__________________________________________________________
Sa ospital...
Binabantayan parin ni Mari ang
kanilang ina.
Mari: Si Louie...ano na kaya ang ginagawa
niya ngayon?
Ngunit hindi pansin ni Mari, na ang
kanilang ina, ay unti-unting dumidilat. Hanggang sa, hawakan nito ang kamay
niya. Na ikinagulat ng dalaga.
Mari: M-Mama!
Anong ibig sabihin nito? At si Louie,
tila naguguluhan kung sino ba ang lalaking nag-papakita sa kanya.
Case continued.