All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Si Gunver ay
tagumpay na nakarating sa loob nang command room nang GINGA base upang pigilan si
Gen.Olivares, ngunit isang malaking
harang muna ang kanyang kailangan tibagin. At ito ay walang iba kung hindi si
snider.
Dumating na
ang huling araw nang kanilang pag-tutungali. Ngunit magawa kaya ni Gunver na
ibalik sa liwanag si Clyde? At mapanagot ang kasalanan na ginawa ni Olivares?
Case 46: Tunay na hustisiya
Tinutukan ni
snider ang naka-lugmok na si Gunver upang tuluyan na itong tapusin. Ngunit sa
hindi inaasahang pag-kakataon.
BBBAAAAAANNNNNGGGGGG
Tumalsik ang
kanyang Gun Snider. At kagagawan ito nang walang iba kung hindi si....
Gunver: M-Major!?
Si Beta ito
at tamang-tama lang ang kanyang pag-dating upang iligtas si Gunver mula sa
kamay ni Snider.
Hindi naman
makapaniwala ang dalawa sa pag-dating nang veteranong special police, lalo na
si Gen. Olivares.
Gen. Olivares: Major Mendoza!
Beta: Pasensiya na kung makikielam na ako dito,
Kyro tumayo ka na diyan.
Gunver: Opo.
Gen. Olivares: Ang lakas nang loob mo na mag-pakita pa!
Beta: Natural
dahil isa ako sa mga pulis na nag-sisilbi dito, ah teka bago ko makalimutan, si
McKinly Junior, mukang mag kakasama na sila nang ama niya sa impiyerno.
Gen. Olivares: Ano!!!
Beta: Masyadong mahina ang isang yun, panay yabang
pero wala namang ibubuga. Ah siya nga pala, bago ko makalimutan, hindi ako ang
pumatay sa kanya. Namatay siya sa sarili niyang kalokohan.
Hindi
makapaniwala ang Heneral na wala na ang isa sa mga masugid niyang tauhan.
Gen. Olivares: Pag-babayaran niyo ito. Kayong lahat! Silva,
ano pa ang itinatayo-tayo mo diyan. Tapusin mo sila!
*Tumigil ka
na olivares!*
Isang boses
ang pasigaw na sumulpot, at ito ay walang iba kung hindi kay Gen. Ratio kasama
si Chief Insp. Marcus.
Beta: General!
Gunver: Boss!
Gen. Olivares: Ratio...ikaw!
Gen. Ratio: Itigil mo na ito, tapos na ang lahat nang
mga kalokohan mo. Dranixs!
Nagulat
naman sila Gunver at ang iba sa sinabi ni Gen. Ratio na si Gen. Olivares ay
miyembro nang samahang dranixs.
Gunver: Ano! Miyembro siya nang dranixs?
Gen. Ratio: Tama ang narinig niyo, Sinabi niya sa akin
ang lahat noong mga oras na hinuli nila ako. Ang mga dahilan kung bakit niya
pilit na ma infiltrate ang GINGA ay para pondohan ang ilang mga kilalang
terrorista sa mundo. At isa pa ginagamit lang niya si Sgt. Silva sa mga
baluktot niyang gawain!
Beta: Si Clyde?!
Gen. Ratio: Ang section zero, ginawa lang niya ito para burahin
ang mga ebidensiya na puwede nating makuha laban sa dranixs. Ngayon ipakita mo
ang tunay mong anyo! General Segundo!!!
Gunver/Beta: Segundo!?
Nag-salita
muli si Gen. Olivares.
Gen. Olivares: Mukang wala na akong magagawa, dapat pala
pinatay nalang kita nang mga oras na iyun, ratio. Pero ayos narin ito, para mas mapadali ang
trabaho ko.
Pinindot ni
Gen. Ratio ang isang switch button na dala niya. At ilang sandali pa ay
nabalutan siya nang kakaibang uri nang baluti. At ilang sandali pa ay lumabas
na ang tunay niyang anyo, bilang si General Segundo.
Gulat na
gulat sila nang makita nila ang isa sa mga anyo ni Olivares bilang si Segundo.
Hindi nila lubos akalain na ang heneral na ito ay nag-lilingkod sa GINGA pero
sa kabaligtaran ay ginagawa lamang niya itong panakip, upang nang saganon
makuha nila ang kanilang ninanais.
Segundo: Ano kuntento na kayo ngayon.
Snider: (Gulat) Si General...isa siyang dranixs?
Gunver: Hindi maaari, siya nga ang isa sa mga big
boss nang dranixs? Segundo…Clyde!
Ngunit si snider
ay tila hindi talaga maka-paniwala sa mga nakita nito. Dahil ang heneral na
kanyang pinag-silbihan ay isa palang huwad.
Segundo: Ngayong alam niyo na ang isa sa mga lihim
ko, sa tingin niyo ba hahayaan ko kayong makalabas pa dito nang buhay!
*PICK!*
Ipinitik ni
Segundo ang kanyang daliri, at nag-labas ang ilang mga Neo-GINGA Police at
pinalibutan nito sila Gunver.
Chief Insp. Marcus: Hindi! Napapaligiran tayo.
Gunver: Asar.
Segundo: Pero bago yan, Sargent Silva. Gusto kong
ikaw ang tumapos sa kanila. At ipinapangako ko sa iyo. Makakasama
mo ang pinaka-mamahal mong kapatid.
Gunver: Clyde huwag kang makinig sa kanya! Alalahanin
mong isa siyang dranixs. At isa pa gumagawa na kami nang paraan para iligtas
ang kapatid mo! Clyde!!!!
______________________
Tila wala sa
tamang pag-iisip ngayon si Snider, dahil sa kanyang mga nalaman. Ang tanging
nasa-sa isip lamang niya sa mga oras na ito ay yung kinuha sa kanya si miya. At
noong sapilitang siyang kinuha nang section zero upang gawing isa sa mga tauhan
nila.
Kuuuyyyyaaaa!!!!
Hindi
MIYAAAAAA!!!!!
Simula
ngayon, ako na ang susundin mo bilang commanding officer. Sargent silva!
Clyde!!!
AAAARRRRRGGGGHHHHHH
Ang mga
boses nang nakaraan, na siyang pumipigil sa emosiyon ni clyde. Ngunit isa muling imahe ang pumasok sa isipan niya. At
ito ay ang imahe nang kanyang nakababatang kapatid na si miya.
Miya: Kuya!
Clyde: Miya? Ikaw ba iyan miya!
Miya: Kuya, iligtas mo sila. Iligtas mo ang mga
kaibigan mo at iligtas mo ang sangkatauhan laban sa kanila.
Clyde: Pero papaano ka? Hawak ka ngayon ni
Olivares. Kapag sinuyaw ko siya, sigurado akong papatayin ka niya.
Ngumiti si
Miya kay clyde. At sinabi niya nang buong puso ang nais niya. Para sa kapatid.
Miya: Mag-tiwala ka sa mga taong handang tumulong sayo.
Kuya gawin mo ang nararapat! Ikaw lang ang makakagawa nito...ikaw lang.
____________________________
Gunver: Clyde!!!
Snider: Ang ingay mo...puwede bang tumahimik ka
diyan kahit ngayon lang.
Tila
nag-taka sila Gunver sa malumanay na pag-sasalita ni Snider. At dahil doon nabahala si Segundo sa
nang-yari.
Beta: Clyde?
Segundo: Ano pa ang itinatayo-tayo mo diyan, sundin
mo ang iniuutos ko! O gusto mo pang umabot sa puntong patayin ko na nang
tuluyan ang kapatid mo. Hah Sargent!
Snider: General...may nais lang akong sabihin sa iyo,
unang-una nag-papasalamat ako sa iyo sa binigay niyong pag-kakataon, ang maging
isang special police. At ang pangalawa, tumitiwalag na ako sa samahang ito,
dahil ang tunay na sinumpaang kong tungkulin ay ang mag-hatid nang kapayapaan
sa mundo! Bilang alagad nang batas at bilang si Snider.
Sa kanyang
sarili iniisip niya ang mga salita ni miya.
Snider: General ah hindi Segundo nang dranixs! Sa
ngalan nang batas. Inaaresto kita!
Segundo Talagang sinusubukan mo ako hah,
puwes pasensiyahan nalang tayo. Dahil ito na ang magiging katapusan mo. At nang
iyong pinaka-mamahal na kapatid.
Inilabas ni
Segundo ang control button nang brain chip implant device na nasa ulo ni miya.
Na akma na niyang pipindutin sa harapan ni clyde.
Segundo: Mag-paalam ka na sa kapatid mo!
Beta: Hindi puwede ito!
Kikilos sana
si Beta ngunit naka-tutok ang mga baril sa kanila nang mga Neo-GINGA. Pero sa
hindi inaasahan ay bigla nalang.
ZAP!-ZAP!-ZAP!
Tatlong throwing
dagger ang tumama sa sahig at bigla itong sumabog. At dahil doon tumalsik ang
mga tauhan ni segundo.
Nagulat
nalang sila sa nang-yari, dahil meron nanamang panibagong dating. At ito ay
walang iba kung hindi si...
*Kumusta
kayo diyan!*
Gunver: Miguel!
Dumating si
Miguel mula sa anyo ni Draiger, at mula sa kisame doon siya dumaan para
maiwasan ang kahit na ano mga bantay.
Segundo: Ang traydor! Knives.
Draiger: Oh kung ganon ikaw pala si segundo hindi ko
inaasahan na ang pangalawa sa pinaka mataas na boss nang dranixs ay ikaw...General
Olivares.
Gunver: Teka anong ginagawa mo dito? Ano na ang
nang-yari sa misyon niyo?
Draiger: Huwag kang mag-alala. Dahil tagumpay kami...
Meron kinuha
si Draiger mula sa kanyang side pocket, at inilabas niya ito. Nang makita nila
ang naturang bagay, nagulat nalang si segundo dito.
Segundo: I-Imposible! Papaano mo nakuha ang bagay na
iyan? Ang Brain Chip implant device.
Snider: Ano!?
Ngumiti si
Draiger mula sa loob nang kanyang helmet. At ipinaliwanag pa ang mga bagay.
Draiger: Hmp! Simple lang...gamit ang ilang state of
the art nang GINGA Medical Center, gumamit si marion nang Laser teleport scan.
Kung saan kinuha namin ang bagay na ito sa loob nang utak ni miya nang walang
kahirap-hirap. Ngayon wala ka nang alas laban kay clyde, puwede na siyang
lumaban nang walang pag-aalinlangan.
Snider: Hindi ko alam kung papaano ako
mag-papasalamat. Sa ginawa niyo.
Gunver: Mamaya ka na humingi nang pasasalamat, sa
ngayon kailangan na muna nating hulihin ang isang ito. Para matapos na ang
gulong ito!
Segundo: Inuubos niyo talaga ang pasensiya ko!
Inilabas ni
Segundo ang isa sa kanyang mga sandata. Isang Hand Gun Laser ang ginamit niya,
at pinaputukan niya ang mga special police na nasa harapan nito.
Segundo: Mamatay kayo!
BLAST!-BLAST!-BLAST!
Beta: Umilag kayo!
_______________________________
Samantala sa
labas nang Base, nag-papatuloy lang ang pakikipag-laban nang ilang sa mga
natitirang tauhan nang GINGA. At ang dalawang babaeng special police na sila
Galathea at Zhapyra, na hinaharap ang mga Mechandro Bots nang sila lang.
ZAP!-ZAP!
Dalawang
tama nang laser arrow ang pinakawalan ni Galathea sa kanilang mga kalaban. At
si zhapyra naman ay ginamit ang rod night stick at sinira nang husto ang mga
katungaling Mechandro Bots.
Galathea: Ano marina kaya mo pa ba?
Zhapyra: Huwag niyo po akong alalahanin. Kaya ko pa,
at isa pa may mga kasama naman tayo dito.
Habang
nag-uusap sila ay napansin ni Galathea ang isang mechandro bots na papaatake
kay zhapyra.
Galathea: Marina sa likod mo!
Lumingon si
Zhapyra para tingnan ang nasabing kalaban, ngunit tila huli na para sa kanya
ang iwasan ito.
Pero ilang
sandali ay....
BANG!-BANG!-BANG!
Tatlong
sunod-sunod na bala ang tumama sa naturang mechandro bot, at ito ay sa tulong
ni Anna, gamit ang isang Mega Shoot Gun.
Zhapyra: Sgt. Sales?
Anna: Ayos ka lang ba? (Kinasa ang Shoot Gun)
Zhapyra: Ayos lang ako...maraming salamat sa tulong.
Anna: Mamaya na tayo mag-usap, mukang marami pa
sila.
Muling
nag-labasan ang mga naturang mechandro bots. At nakahanda na silang umatake sa
mga Pulis nang GINGA.
_________________________________
YYYYYAAAAAAHHHH
Lumundag si
Beta para sa isang flying kick na gagawin laban kay segundo. Ngunit sinalag
lang ito nang heneral at gumanti naman nang isang malakas na suntok kay beta sa
sikmura.
BBBAAAAGGGG
Tumalsik si
Beta sa isang pader, ngunit kasabay noon ang pag-sugod nila Gunver at Draiger.
Mag-kakabilang suntok at sipa ang pinakawalan nang detective. At kasabay nito
ang pag-tutulungan nila ni Draiger gamit naman ang husay sa pro-wrestling.
Sumuntok si
Gunver ngunit naharang ito ni Segundo.
Segundo: Inaaksaya niyo lang ang oras ko!
Gunver: Ganon naman din kami!
Ngunit
biglang sumulpot si Draiger mula sa likuran nang detective, at akma niyang
ihahagis ang dalawang throwing dagger.
Pero
nag-labas nang kakaibang lakas ang heneral nang dranixs, at binuhat niya si
Gunver, saka inihagis kay Draiger.
BWWWAAAHHHHHH
Parehong
bumagsak ang dalawang special police sa ginawa sa kanila.
Gunver: Ang lakas niya? Anong meron ang taong yan.
*TUMABI
KAYO!*
Bigla nalang
sumugod nang walang pag-aalinlangan si Snider, at habang papalapit siya kay
Segundo. Pina-paputukan niya ito gamit ang kanyang Gun snider.
BANG!-BANG!-BANG!
Nang
maka-lapit na siya dito. Ginamitan na ni snider ang heneral nang husay niya
nang sariling stylo sa taekwondo.
Mag-kakasunod
na suntok at sipa ang ginawa niya. At nang makakita siya nang butas doon na
niya pinuntirya ang Heneral.
Snider: Huli ka!
Segundo: Masyado kang mabagal!
Nasalag
bigla ni Segundo ang suntok na sana ay gagawin ni Snider, at saka inilabas niya
ang isa sa kanyang mga sandatang Rapid Laser Gun. At tinad-tad nito ang katawan
nang binatang pulis.
BLLLAAAASSSSTTTTSSS!!!
Snider: AAAAAAHHHHHHHHH
Bumulagta si snider dahil sa atakeng yun, at halos nasira
na ang kanyang body armor.
Gunver: CLYDE!!!
Beta: Errr...Hindi!
Draiger: May kahinaan din siya laban lang.
Tila naman
may-naalala si Gunver na isang bagay, at yun ang SD Card na ibinigay sa kanya
ni Marion.
Gunver: Mababa na ang energy level nang armor
ko...pero may isa pang paraan. Para magamit yun.
Inilabas
niya ito mula sa kanyang side pocket. At samantala unti-unti namang nilalapitan
ni Segundo si snider.
Segundo: Sgt. Silva...masyado akong nadismaya sa
ginawa mo. Ikaw pa man din ang isa sa pinag-kakatiwalaan kong mga tauhan. Tapos
ganito lang ang igaganti mo?
Snider: Tumahimik ka...buong buhay ko puro
kasinungalingan nalang ang nakukuha ko, ginamit mo pa ang kapatid ko para lang
sa kagustuhan mo. Binaboy mo ang batas na pinoprotektahan ko! Kaya ihanda mo
ang sarili mo sa malaking kabayaran na sisingil sayo!
Segundo: Marami ka pang sinasabi, mamatay ka nalang!
Traydor!!!!
Itinutok ni
Segundo ang kanyang Rapid Laser Gun sa ulo ni Snider. At mga ilang sandali pa
ay kakalabitin na niya ang gatilyo nito.
Ngunit….
BBBBAAAAANNNNNGGGGG
Isang bala
ang tumama sa kanyang sandata, at bigla nalang pumagitna si Gunver sa kanilang
dalawa.
Segundo: Ikaw!!
Snider: Anjelo! Anong ginagawa mo?
Gunver: Tumayo ka na diyan...at kunin mo ito!
Tumayo si Snider at ibinibigay ni Gunver ang
SD Card na pag-mamay-ari niya.
Snider: Ano?
Gunver: Wala na
akong sapat na enerhiya para magamit yan, at saka ikaw lang ang puwedeng tumalo sa kanya,
pag-bayarin mo siya sa lahat nang ginawa niya sayo. Lalo na sa kapatid mo!
Hindi na nag-dalawang
isip pa si Snider, ay kaagad niyang kinuha ang SD card na ibinibigay sa kanya
ni Gunver.
Snider: Hindi ako mag-papasalamat dito....Sa ngayon.
Inilagay ni
Snider ang SD Card sa kanyang Gun Snider, at ilang sandali pa ay...muli siyang
binigyan nito nang bagong anyo at lakas. Para tuluyan nang tapusin ang kaniyang
kalaban.
CHANGE IN…LAUNCHER
MODE!
Nag-bago
siya bilang Snider Launcher form, isang uri nang armor na kayang
makipag-sabayan sa mga malalakas na sasakyang pandigma kagaya nang tanke. Puno
nang armas at pampasabog ang buong katawan nito, at higit sa lahat inilalabas
nito ang mahigit isang daang porsiyento nang lakas nang taong gumagamit nito.
Masasabi na
ito na ang isa sa pinaka-malakas na SD card na puwedeng magamit nang isang
Special Police sa bawat digmaan.
Gunver: Kung ganon yan pala ang kapangyarihan nang SD
card na yan.
Beta: Nakaka-mangha.
Snider Launcher: Humanda ka ngayon Olivares!
Segundo: GRRRRRR….Sargent Silva!!!
Akmang
aatake si Segundo kay Snider para unahan ito, ngunit nag-hahanda na ang bagong
sandata nang binatang pulis para sa pag-opensa.
Target
confirm....ito ang sabi nang computer helmet ni Snider.
Snider Launcher: Ngayon na...FIREEEE!!!!!
Nag-pakawala
siya nang dalawang sunod na missile sa kanyang missile shoulder. At hindi na
ito nagawang iwasan pa ni segundo.
BLAST!-BLAST!-BLAST!
Segundo: Anong!!!
BBBBBBOOOOOOOMMMMSSSSS
Dahil sa
nang-yari halos mawasak na ang buong Command center nang HQ, at nang humupa
naman ang usok nang bahaya. Napansin nila na wala si segundo sa paligid.
Draiger: Nawala siya?!
Snider Launcher: Hindi siya makakatakas!!
Biglang
inactivate ni Snider ang kanyang mini-thruster sa likuran, at bahagya siyang
lumipad para puntahan nang mabilis si segundo sa labas.
Beta: Mukang dadalhin nila sa labas ang laban!
Gen. Ratio: Major....sundan niyo sila, kailangan
matapos na ito at mahuli si Olivares in any cost!
Beta: Roger that! Sumama kayo sa akin.
Sumunod
narin ang tatlo nila Gunver para sundan sila snider sa labas, ngunit ang
dalawang opisyal sa loob nang command center ay naiwan, para apulahin ang apoy
na kumakalat sa loob.
____________________________
Lubha namang
nasaktan at nasira ang baluti na suot ni Segundo, dahil ito sa tinamo niyang
pinsala mula sa pag-atake sa kanya ni Snider.
Segundo: Errrrr...Buwiset!
Ngunit hindi
pa siya nakaka-paghanda ay bigla nalang sumulpot si snider mula sa ere, at
binagsakan siya nito nang isang mabigat na suntok.
BBBBBBAAAAAAGGGGGGGG
Nagawang
maka-iwas nang heneral, ngunit halos nayanig naman ang buong sahig sa ginawa
nang binatang pulis.
Snider Launcher: Hanggang diyan ka nalang segundo!
Inilabas ni
snider ang mga sandata nang kanyang armor, at itinutok ito kay segundo.
_______________________________
Sa medical
center naman, kasalukuyang binabantayan nila Sherry at Marion si miya na halos
katatapos lang tangalin ang brain implant device na nasa kanyang ulo. Ngunit
ang dalagang si sherry ay tila nag-aalala sa mga puwedeng mang-yari.
Marion: Grabe ang nang-yayari sa labas, sana naman
maging maayos na ang lahat.
Sherry: Clyde? Pakiusap sana maging ligtas ka.
(tumingin kay miya)
_____________________________
Segundo: Pinapahanga mo talaga ako sa mga ipinapakita
mo...Sargent, ang kaso nga lang...kailangan ba tayong mauwi sa ganito? Puwede
ka pa namang bumalik sa panig ko, at mag-silbi sa akin bilang kanang kamay ko.
At sa tulong mo, magagawa nating sakupin ang mga nais natin.
Snider Launcher: Tumahimik ka....hindi na ako mag-papauto sa
mga sinasabi mo. Ikaw ang may kasalanan kung bakit napilitan akong kalimutan
ang ilang mahahalagang bagay sa buhay ko! Kaya kailangan mong pag-bayaran ang
lahat nang ito!
Segundo: Mukang hindi na talaga kita makukumbinsi,
kung ganon mamatay ka nalang kasama nang pinag-lalaban mo!
Umatake muli
si Segundo kay Snider, at sinabayan siya nito nang mano-mano. Hindi nag-pa
lamang ang dalawang mandirigma sa bawat isa. Suntok, sipa at tadiyak ang naging
palitan nila sa pag-atake. Ngunit sa pag-kakataong ito ay tila nakakalamang na
si snider, dahil sa lakas na nakukuha niya mula sa panibagong pag-asa na nakita
niya.
Segundo: Kakaibang
lakas ang ipinapakita niya? Ito ba...Ito ba ang kapangyarihan nang isang
special police!?
Snider Launcher: Dito na ito matatapos!!!
Isang
malakas na suntok ang pinakawalan nang binatang pulis laban sa heneral, at
tumalsik ito sa isang pader.
BBBBBAAAAAAAAAGGGGG
At
pag-katapos inilabas ni Snider ang isa sa mga bagong sandata niya, ang Gatling
Launcher. Kinalabit niya kaagad ito at itinira kay Segundo.
Snider Launcher: Paalam na!
BRATATATATATATATATATATATA
BLAST!-BLAST!-BLAST!
Segundo: AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!
Tinamaan si
segundo, at tuluyan na siyang natalo ni snider, pero ilang sandali pa dumating
ang tatlo nila Gunver, ngunit tapos na ang lahat nang dumating sila.
Gunver: Clyde!!!
Draiger: Teka nagawa niyang mag-isa?
Nakita nila
na halos wasak at sunog ang buong katawan ni segundo, ngunit buhay pa ito.
Beta: Magaling ang ginawa mo...Sgt. Silva.
Snider Launcher: Major?
Beta: At ngayon, oras na para dalhin ang isang ito
sa kulungan.
Lumapit ang
mga special police para hulihin na si segundo. Ngunit nag-salita muna ito nang
ilang mga bagay bago siya damputin.
Segundo: (Hirapan) Hehe....hindi pa dito matatapos
ang lahat, ang mga pangarap ko darating pa ang tunay na delubyo.
Gunver: Anong ibig mong sabihin?!
Segundo: Ang katapusan nang lahat!
Merong
pinindot si segundo na isang button sa kanyang wrist armor, at tila merong
kakaibang nang-yayari sa kanya.
Napansin
kaagad ito ni Draiger, at sinabihan ang mga kasama na lumayo kaagad.
Draiger: Kayo diyan lumayo kayo bilis!!!
Nag-madaling
lumayo ang tatlo, at ilang sandali pa ay...bigla nalang sumabog ang heneral sa
kanyang kinalulugmukan.
BBBBBBOOOOOOMMMMMSSSSS
Beta: Pinasabog niya ang sarili niya?
Gunver: Asar!
Snider: Olivares...ano pang mga itinatago mo.
_________________________
Samantala
halos sumuko na ang lahat nang mga taga Neo-GINGA sa kamay nang tunaya na
otowridad. At sila Zhapyra at Galathea kasama si ana ay napigilan ang mga
Mechandro bots na muntik nang tumapos sa kanila.
Galathea: Mukang tapos na ang lahat.
Zhapyra: Mukang ganon din sila kyro.
Anna: Clyde nag-balik ka na...salamat sa diyos.
________________________
Si Tina
naman mula sa ospital ay nagawang hulihin at pigilan ang mga Neo-GINGA na
nag-babantay sa lugar. At ramdam din niya na tapos na ang matinding labanan sa
kanilang organisasyon.
Tina: Salamat naman at natapos din.
_________________________
Makalipas
ang ilang araw.....
Sa GINGA
medical center, kasalukuyang tahimik ang buong lugar na iyun. At sa isang
silid, isang dalaga ang unti-unting nagigising mula sa kanyang pag-kakatulog.
At ito ay walang iba kung hindi si Miya.
Idinilat
niya ang kanyang mga mata nang dahan-dahan, at nang maka-aninag na siya nakita
niya ang isang lalaki na naka-ubob sa tabi nang kanyang kama.
Hinaplos ni
miya ang ulo nang naturang lalaki...at nag-salita ito.
Miya: K-Kuya?
Si Clyde ito
at nagising siya nang marinig niya ang boses nang kanyang kapatid.
Clyde: M-Miya!?
Miya: Kuya!!!!
Napayakap
nalang ang binata sa kanyang naka-babatang kapatid, na halos mangiyak-ngiyak.
Clyde: (Napapaluha) Miya...salamat...salamat at
bumalik ka na!
Miya: (Napapaluha) Oo kuya...Sorry kung umalis
ako…Sorry…
Madam-damin
ang pag-kikita nilang muli, ngunit sa bandang likuran naman. Naroon sila anna
at sherry na tumulong upang mailayo si miya sa kamay ni Olivares. At hindi rin
nila mapigilang mapaluha dahil sa mga nang-yayari.
Ngunit si
anna....
Anna: Mukang tapos na ang tabaho ko dito.
Sherry: Teka anong ibig mong sabihin?
Anna: Babalik na ako sa duty ko. Sherry, ikaw na
ang bahala sa mag-kapatid na yan. Alagaan mo sila, lalo na si clyde, sa iyo ko
na sila ipina-uubaya....sige paki-sabi nalang sa kanya na. hanggang sa susunod.
Aalis na
sana ni anna nang pigilan siya ni sherry. Upang sabihin pa ang ilang mga bagay.
Sherry: Ah...Anna, maraming salamat din sayo, sana
mag-kita pa tayo at makapag-usap.
Anna: (Ngumiti) Oo naman!
_______________________________
Samantala
nag-karoon nang isang presscon ang senado tungkol sa nang-yari, at ipinatawag
nila ang ilang mga opisyales nang GINGA para siguraduhing hindi na ito
mang-yayari pa.
Kasama sila
Gen. Ratio at ang ilan, ipinaliwanag nila ang mga tunay na nang-yari, kasabay
narin ang pag-kamatay ni Gen. Olivares. At ipinangako nila na hindi na
pag-sisimulan nang kahit na anong mitsa nang pag-kabahala ang kanilang
organisasyon.
Sa himpilan
naman nang dranixs....
Hawak ni
Primo ang isang dice, habang nilalaro niya ito sa kanyang palad. At nang-ihagis
niya ito ay lumabas ang numero dos, na nawalan na nang ilaw bilang tanda nang
pag-kawala ni segundo sa organisasyon.
Ilang
sandali pa, lumabas naman si Quwarta at nag-salita ito.
Quwarta: Dalawa na ang nawawala...hihintayin pa ba
nating mabuos tayo bago dumating ang pag-kabuhay?
Primo: Huwag kang mag-alala, dahil meron akong
inihanda para makasigurado tayo sa kinabukasan natin.
Ngumiti lang
si quwarta at sabay silang umalis ni primo...palabas nang kanilang himpilan,
ngunit ano kaya ang plano nila para sa tinutukoy nilang kinabukasan?
Case
continued....