Saturday, June 18, 2016

Case 45: Alinlangan


All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.


Tagumpay na naka-pasok ang groupo nila Mei sa loob nang GINGA HQ na kasalukuyang kinokontrol nang buong hukbo ni Gen. Zandro Olivares na Neo-GINGA. 

Ngunit sa kabilang banda, natuklasan nila Marion at Sherry na meron isang Brain implant chip device na naka-tanim sa ulo nang kapatid ni clyde na dahilan nang pag-kaka coma nito.


Sa ngayon isa nang matinding labanan ang nang-yayari sa loob nang sarili nilang base, magawa na kaya nila kyro na mag-tagumpay sa labang ito? At malaman kaya ni clyde ang buong katotohanan sa likod nang pag-katao ni olivares.



Case 45: Alinlangan

*BULLET Change!*

Ito ang sinabi ni Gunver na command para baguhin ang bala nang kanyang Gun Driver, bilang rapid mode. Walang humampay siyang nag-pakawala nang bala sa kalaban niyang si Special 
Police Lambert.

BRATATATATATATATATATA

At pag-katapos nang kanyang ginawa, umatake ang detective nang buong tapang sa kanyang kalaban, saka siya gumamit nang husay sa Mix Martial Arts. Mabibilis na suntok at sipa ang ginawa niya, pero panay naman ang depensa ni Lambert dito.

Hanggang sa masanga nito ang kamao nang detective.

Gunver: Anong!?

Lambert: Tapos ka na ba? Puwes ako naman!

Umikot ang mga Gatling Gun ni Lambert sa kanyang mga Balikat, na hudyat nang kanyang pag-papakawala nang atake sa kanyang kalaban. At ilang sandali pa nag-pakawala siya nang mga bala nito at tinamaan ang detective sa kanyang body armor na lubhang nasira nang bahagya.

BRATATATATATATATATA

Gunver: AAAAARRRRRHHHHH!

Tumalsik din si Gunver sa atakeng yun.
______________________________________

Sa ospital kung saan itinatakas nila Marion ang kapatid ni Clyde na si miya, ay nagawa nilang maka-labas sa naturang ospital, ngunit dahil din dito na-alarma naman ang ilang tauhan nang Neo-GINGA na nag-babantay sa lugar.

Neo-GINGA Police: Habulin niyo sila! Huwag niyong hahayaan na makatakas.

Nag-kagulo sa buong ospital dahil sa nang-yari. Padaan sana sila Marion sa exit ngunit bigla silang hinarang nang ilang bantay sa ospital at saka tinutukan sila nang baril.

Neo-GINGA Police: Hanggang diyan nalang kayo!

Marion: Naku hindi!

Sherry: Sa likod tayo dumaan.

Lumapit ang dalawang Neo-GINGA Police sa kanila para hulihin, pero sinalubong sila ni Miguel at Tina, nilabanan nila ito nang husay nila sa martial arts at mabilis nila itong napatumba.

Tina: Miguel, kung ano man ang binabalak ni marion. Siguraduhin mong mag-tatagumpay siya.

Miguel: Anong ibig mong sabihin?

Tina: Ako nang bahala dito, samahan mo na silang maka-alis sa lugar na ito.

Miguel: Teka sigurado ka? Masyado silang marami?

Tina: Huwag kang mag-alala, dahil kaya ko ang sarili ko...kaya sige na, samahan mo na sila pabalik sa HQ!

Tila naintindihan naman ni Miguel ang sitwasyon, at nag-tiwala nalang siya kay Tina.

Miguel: Kung ganon sige, pero mag-ingat ka!

At pag-katapos tumakbo kaagad si Miguel patungo kila Sherry at Marion, kung saan ito dumaan.

Tina: Walang dapat ika-bahala, dahil...hindi ko ka-level ang mga taong ito.

Neo-GINGA Police: Hulihin niyo siya!

Kaagad lumapit ang mga Neo-GINGA Police kay sherry, upang hulihin ito. Pero naki-pagsabayan ang babaeng agent laban sa kanila.  At halos naging matindi ang naging labanan sa loob nang ospital.
______________________________________

Balik sa GINGA HQ

Nag-patuloy ang pag-papalitan nang putok sa mga mag-kabilang panig, at halos pareho lang silang nalalagasan sa bawat oras na dumadaan.

Pero sa command center, pinapanood lang ni Gen. Olivares ang mga nang-yayari. Nanapnsin 
niya na tila na dedehado ang kanyang ilang mga tauhan, kaya nag-pasiya na siya na ilabas ang isa pa niyang natatagong alas.

Gen. Olivares: Ilabas niyo na ang back-up. Ang mga mechandro bots. Bilis!

Neo-GINGA Police: Roger sir!

Samantala si clyde ay naka-tayo lang sa isang tabi, at nag-aantay nang iuutos sa kanya.
_____________________________________

Nag-papatuloy lang ang laban nila Gunver at Lambert, pero halata sa detective na hindi niya kayang masabayan ang husay nang kalabang pulis.

Lambert: Ano hanggang diyan nalang ba ang kaya mo?

Gunver: Tumahimik ka! YYAAAAAHHHH

Muling umatake si Gunver na akmang susuntukin si Lambert, ngunit umiwas ito at saka sinipa siya patalikod.

Lambert: Hindi ka nag-iisip, ano bang binabalak mo?  Bakit gusto mong maka-lampas mula sa pader na ito.

Gunver: Wala ka nang pakielam doon, basta may isang bagay akong kailangan gawin. Kaya kahit anong mang-yari makaka-pasok ako at tatapusin ko ang kahibangang ito!

Lambert: Ano?

*Tama ang sinabi mo Kyro!*

Napalingon si Gunver nang marinig ang isang boses, at ito ay pag-mamayari ni Andrew.

Gunver: Major!?

Lumapit kaagad si Andrew sa kanya para sabihan ito.

Andrew: Tama ka, kailangan na nang matapos ang kahibangang ito. Iligtas mo si Clyde, dahil sa atin lang siya nararapat. at isa pa walang karapatan si olivares na hawakan ang organisasyong ito. Kaya pabag-sakin mo siya, naiintindihan mo?

Gunver: Naiintindihan ko, makaka-asa ka major!

Andrew: Sige bilisan mo na!

Lambert: At saan ka naman pupunta!

Akmang pa-puputukan ni Lambert si Gunver, ngunit inunahan siya ni andrew para ma-protektahan ang detective.

BANG!-BANG!-BANG!

Andrew: Ako ang harapin mo ngayon!

Inilabas ni Andrew ang kanyang Badge at mabilis siyang nag-bago nang anyo, bilang si Special Police Beta.



Beta: Humanda ka!!

Lambert: Tch…pakielamero ka!!

At doon nag-salubong ang dalawang kapwa pulis, upang tapusin ang isa’t isa.

_____________________________________

Tumatakbo naman papasok si Gunver patungo sa Command Center.

Ngunit sa labas, nag-papatuloy putukan sa labas nang mga  tunay na GINGA at mga taga Neo-GINGA, pero pansin nila Mei na tila na-uungusan na nila ang mga kalaban.

BBBBOOOOMMMSSSSS

Marina: Ms. Mei umaatras na sila?

Ngunit napansin ni Anna na parang may mali.

Anna: Parang may mali?  

Mei: ILAG!!!

ZOOM!-ZOOM!-ZOOM!

Tatlong sunod-sunod na rocket ang biglaang sumulpot kung saan, at pinuntirya nito ang mga pulis nang GINGA.

BOOOOMMMMSSSSS!!!

At dahil sa pag-sabog tumilapon ang ibang kasamang pulis nila mei, pero ang mga babaeng pulis. Ay ligtas na naka-iwas sa naturang pag-atake.

Marina: Ayos lang ba kayo?

Anna: Teka ano ang mga yun?

Tumambad sa kanila ang mga papalapit na mechandro bots at nakahanda na itong umatake sa kanila.

Mei: Mga mechandro bots! Marina, ihanda mo ang sarili mo!

Inilabas ni Mei ang kanyang Badge at kay marina naman ay ang kanyang Zhapyra Drive. At ilang sandali pa ay nag-bago na sila nang anyo, bilang mga special police.

G-BADGE ON!

ZHAPYRA CHANGE!






Kaagad nilang inatake ang mga mechandro bots na papalapit sa kanila.

ZAP!-ZAP!

BANG!-BANG!
________________________________________

Sa kaloob-looban naman nang GINGA Base, hinanap ni Chief Insp. Marcus si Gen. Ratio, inisa-isa niya ang mga kulungan at bartolina na nasa loob. Hanggang sa tuluyan niyang makita ang kaibigang heneral.

Chief Insp. Marcus: Ratio!

Gamit ang susing ibinigay sa kanya ni Col. Alejandro, kaagad niyang binuksan ang nasabing 
bartolina.

Chief Insp. Marcus: Ratio! Ratio!
Ginising nito ang walang malay na heneral, at  ilang sandali ay nagising na ito.

Gen. Ratio: M-Marcus?

Chief Insp. Marcus: Mabuti naman at nagising ka na...ano kaya mo na bang tumayo?

Gen. Ratio: Oo kaya ko….salamat.

Tumayo ang heneral at sinabi niya ang ilang mga bagay na kanyang nalaman tungkol kay Gen. Olivares.

Gen. Ratio:  Arthur, kailangan natin siyang mapigilan, si Olivares....mukang ang Neo-GINGA at ang Dranixs ay iisa lamang.

Chief Insp. Marcus: Ano? Tama ba ang sinabi mo?

Gen. Ratio: Yun ang sinabi niya....balak niyang gawing weapon factory ang buong GINGA, at mag-supply nang mga high quality na sandata sa mga kilalang terrorista.

Chief Insp. Marcus: Kung ganon hindi na natin kailangan pigilan pa ang mga sarili natin. 
Halikana, nakikipag-laban sila ngayon para ibalik sa ayos ang GINGA. Kailangan ka nila doon General.

Gen. Ratio: Oo!

Lumabas ang dalawa opisyal sa naturang selda.
__________________________________

Ngunit ang hindi nila alam kita nang mga nasa loob nang Command Center ang kanilang pag-labas. Kaagad nila itong sinabi kay Gen. Olivares para mapigilan sila nang mas maaga.

Neo-GINGA Police: Sir si Gen. Ratio, mukang naka-takas siya sa kanyang kulungan.

Gen. Olivares: Ano!?

Neo-GINGA Police: Kasama niya ngayon si Chief Insp. Marcus.

Gen. Olivares: Hindi puwede ito, (tumingin kay clyde) Sargent, alam mo na ang gagawin mo pigilan mo sila.

Clyde: Masusunod....

Akmang lalabas si Clyde sa loob nang command center, ngunit biglang....

BBBBBBBOOOOMMMMMSSSSS

*Pasensiya na kung hindi ako kumatok!*

Clyde: I-Ikaw?!

Si Gunver ang nag-pasabog nang naturang pintuan nang command center.

Gen. Olivares: Detective Anjelo.

Gunver: Kung ganon narito nga ang buwaya, clyde....sumama ka na sa amin, alam kong ginigipit ka lang nang taong yan.

Clyde: Anong sabi mo.

Gunver: Huwag mo nang pairalin yang magaspang mong ugali. Hahayaan mo nalang bang mauli sa ganito ang lahat.

Gen. Olivares: Huwag kang makinig sa kanya Sargent, tapusin mo siya ngayon din!

Tila napapaisip si clyde sa mga oras na ito, ngunit sinunod din niya ang sinabi nang heneral, inilabas niya ang kanyang Gun snider, at nag-bago nang anyo bilang si Snider.

Clyde: Snider Change.



Gunver: Mukang wala na akong magagawa, sige inuuntog nalang kita para malaman mo ang buong katotohanan!

Snider: Tumahimik ka! 

Sinugod kaagad ni snider si gunver, at ginamit niya ang husay sa taekwondo, mag-kakasunod na sipa at suntok ang pinaka-walan nang pulis sa kalabang niyang detective.
Pero panay salag lang si Gunver, at nang makakita nang butas ay umatake narin siya.

Gunver: Tumigil ka na!

BBBBAAAAAAGGGG

Isang malakas na suntok sa sikmura ang ginawa ni gunver at napa-atras nito si snider.

Snider: Errrrr....Mamatay ka na!

Muling umatake si Snider kay Gunver, at nag-patuloy lang ang kanilang sagupaan. Habangg pinapanood lang sila nang heneral.
________________________________

Samantala dumating ang sasakyan nila marion sa base kasama si Miguel sakay nang kanyang draig cycle, at nakita nila ang nang-yayaring sagupaan sa loob nito.

Miguel: Mukang nag-kakagulo na sila sa loob.

Marion: Wala na tayong ibang paraan, kailangan madala natin si Miya sa loob nang Medical 
Center, na doon lang ang kagamitan na puwedeng makapag-patangal sa brain implant device na nasa utak niya.

Miguel: Marion may-alam ka bang ibang daan para makaiwas sa gulo?

Marion: Meron. Hali kayo sumunod na kayo sa akin, si miya nalang ang pag-asa natin para makawala sa kadena si clyde.

Kaagad tinulungan ni miguel si marion para ibaba ang walang malay na si miya sa kanilang sasakyan. At dumaan sila sa alternatibong daan upang maka-iwas sa labanan.

Sherry: (Sa sarili) Clyde, konting panahon nalang...
_____________________________________________________________

BBBBBOOOOOGGG

AAAAHHHHHHHH

Bumulagta si Beta sa naging atake sa kanya ni Lambert, at makikita na nahihirapan ang veteranong pulis laban dito.

Lambert: Kulang payan, dahil ngayon palang ako mag-sisimulang maningil sa pag-patay niyo sa amo ko.

BBBBAAAAAGGGGG

Sinipa ni Lambert sa tagiliran nang tiyan si Beta, at lubha itong nasaktan. Dahil narin sa pag-kasira nang ilang bahagi nang kanyang baluti.

Lambert: Tangapin mo pa ang isang ito!

BBBBBAAAAAAMMMMMM

Beta: AAAARRRRGGGHHH

Lambert: Papa, para sa inyo ito!

Itinutok ni Lambert ang mga sandata niya kay Beta, habang tumatayo ito mula sa kanyang pag-kabulagta.

Lambert: Paalam na!

Beta: Yan ang akala mo!

Lambert: Anong!

Nakita ni Lambert na merong isang bagay na naka-dikit sa kanyang kanang binti kung saan ito ang ginamit niyang panipa kay Beta. At ilang sandali pa ay, sumabog ito.

BBBBBBOOOOOMMMMMSSSS

Lambert: AAAAAARRRRHHHH

Isa pala itong mini-C4 na patagong inilagay ni Beta sa binti ni Lambert kung saan habang siya ay binubugbog nito ay mabilis niyang dinikitan ang isa sa mga parte nang katawan nang kanyang kalaban.

Ngayon halos nasira ang baluti ni Lambert, at naputol din ang kanyang kanang paa, dahil sa lakas nang pag-sabog.

Lambert: Hayop ka...

Beta: Masyado kang kampante, hindi mo alam kung anong iniisip nang kalaban mo. Bago ka gumawa nang aksiyon sana inisip mo kung ano ang binabalak ko, pero sabagay veterano na ako at ikaw ay isang hamak na rookie lamang. Kaya mahirap na hulaan kung ano ang iniisip ko.

Lambert: Buwiset, hindi pa ako tapos sa iyo! Sa inyong lahat! Babawiin ko pa ang dapat ay sa amin, sa amin nang ama ko!

Nilapitan ni Beta ang nag-lulupasay na si Lambert.

Beta: Sabihin mo yan kapag nasa kulungan ka na.

Umalis si Beta at iniwan si Lambert, ngunit hindi ito makakapayag na dito nalang matatapos ang lahat. Itinutok niya muli ang natitirang sandata niya kay beta nang patalikod.

Lambert: Tapos ka na dito!---anong!!

Ngunit merong nanaman siyang napansin at ito ay ang mini-C4 na naka-kabit naman sa kanyang tagiliran.

Lambert: HINDEEEEE!!!!!

BBBBBBOOOOOOMMMSSSS

Tuluyan nang sumabog si Lambert at namatay.

Beta: Ikumusta mo nalang ako sa ama mo mula sa impiyerno.
At doon umalis na si Beta at nag-tungo sa command room center para tulungan si Gunver.
_____________________________________

Balik sa command center.

Halos nagulo na ang buong silid na ito, dahil sa matinding laban na nang-yari kila Gunver at Snider. 

*CHANGE SHOOT GUN!*

Binago ni Snider ang kanyang Gun Snider, bilang shoot gun mode, at saka niya binaril si Gunver nang walang pag-aalinlangan.

BBBBAAAAANNNNGGGGG

Gunver: AAAAAHHHHH

Halos wasak ang buong body armor ni Gunver dahil sa atakeng yun, at ang kanyang power level ay tuluyan nang bumababa.

Napa-luhod nalang siya dahil sa nang-yari sa kanya.

Snider: Matigas ang ulo mo, sinabi ko na sa iyo noon paman, na huwag kang makikielam.

Gunver: Bakit, yan ba talaga ang gusto mo?

Snider: Ano? 

Gunver: Sa mga narinig ko tungkol sa iyo, masasabi kong hindi ikaw ang Clyde na kilala ko. 

Dahil siya ay isang responsableng tao na inaalala ang iba, at higit sa lahat, meron siyang kapatid na kailangan protektahan.

Sa mga sinabi ni Gunver sa kanya, tila na-inis si Snider sa mga ito. 

Snider: Tumahimik ka!!!

Sinipa muli nang binatang pulis ang detective, at tumumba ito saka siya muling sinungaban nito at pinag-susuntok ang mukha hanggang sa mabasag ang kalahating maskara nang helmet ni Gunver.

BRRRAAAAACCCKKKK

Snider: Wala kang alam! Wala kang alam!

Habang pinag-susuntok ni Snider si Gunver, na-aalala ni Clyde ang mga nang-yari sa kanya bago siya sumali at kunin nang section zero.

Ang pag-kuha ni Gen.Olivares sa kanyang naka-babatang kapatid, ang pang-gigipit sa kanya. At ang pag-lason sa isipan niya.

Samantala ang heneral ay napapangiti nalang sa mga ginagawa nang kanyang tauhan. Na para bang hawak na niya ang tagumpay.

Ilang sandali pa ay itinigil na ni Snider ang kanyang pag-suntok kay Gunver.

Snider: Wala kang alam...wala kang alam sa mga nang-yayari sa akin.

Muli namang nag-salita si Gunver kahit na medyo nahihirapan ito.

Gunver: Kung ganon...hayaan mong tulungan kita.

Gen. Olivares: Ano pa bang ginagawa mo! Tapusin mo na siya nang matapos na ang lahat nang ito! Sgt. Silva!!!

Muling kinuha ni Snider ang kanyang Gun snider, at itinutok niya ito sa naka-lugmok na si Gunver. Ngunit sa pakiramdam nang binatang pulis, parang may humahatak sa kanya na huwag itong gawin.

Gen. Olivares: GAWIN MO NA!!!!!!

Snider: YYYYAAAAAAAAHHHHH!!!

BBBBAAAANNNNNGGGGGGG

Sumigaw si Gen. Olivares bilang utos at isang putok ang umalingaw-ngaw sa buong paligid. 

Nagawa kayang tapusin ni Snider si Gunver?
At ano na ang mang-yayari ngayon sa buong GINGA sa kamay ni Gen. Zandro Olivares.

Case Continued