Saturday, March 5, 2016

Case 40: Isang pangako





All the characters in this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names.  They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.


Ang nakaraan sa Special Detective Gunver.....

Sa hindi ina-asahan, si levaiton ay muling nag-pakita sa grupo ni kyro, ngunit ito ay sa kanyang orihinal na katauhan bilang si Liam Henderson.

Ipinatawag ni mei kila kyro at miguel ang tungkol dito, at sinabihan sila nito na itago ang totoo kay marina.

Ngunit sa kabila nito, isang pag-atake sa kanilang base ang naganap, at ang tanging dahilan nang mga ito ay walang iba kung hindi si Liam.

Magawa kaya nila kyro na protektahan ang dating kalaban? O malaman lang ni marina ang buong katotohanan.


Case 40: Isang pangako

Kasalukuyan ngayong nakikipag-laban ang dalawa ni Draiger at Gunver sa nilalang na nang-
himasok sa loob ng HQ.

BRATATATATATATATA

Pina-ulanan ng detective nang bala ang nilalang, ngunit sa tibay ng armor niya ay hindi magawang ma-penetrate ang naturang kasuotan.

Gunver: Hindi tumatalab! Miguel!

Draiger: YYYYAAAAAAHHHHHH!

Tumakbo ng pasulong si Draiger patungo sa kanilang kalaban, at pag-katapos ay saka siya lumundag para gawin ang isang high flying kick.

Tatama na sana ang sipa ng binatang pulis, ngunit nahawakan ito ng nilalang at saka siya inihagis sa isang sasakyan ng GINGA.

Draiger: AAAAAAHHHHHH.

BBBAAAAAAAGGGGG

Gunver: Miguel!!

Tutulungan naman sana ni Gunver ang kanyang kasama, ngunit bigla din siyang inatake ng nilalang. Gamit ang kanyang bakal na kamao.

Sinuntok si gunver nito, pero sinalag niya ito gamit ang kanyang kanang braso, pero ang brasong yun ay hindi pa tuluyang magaling. At dahil doon, halos nang-hina at bumaba ang power level ng armor ni Gunver.

Gunver: AAAAARRRRGGGHHHHHH
______________________________________________________________

Sa loob naman ng ward ni Liam, binabantayan lang siyang mabuti nila Tina at Mei, habang pinapanuod nila ang pakiki-paglaban ng dalawang pulis sa nilalang na sumalakay sa HQ.

Mei: Masama ito, hindi pa tuluyang magaling ang braso ni Kyro, mukang kailangan ko siyang tulungan. Tina ikaw na muna ang bahala dito.

Tina: Sige naiintindihan ko, tatawag nalang ako ng ilang agents para tulungan ako sa pag-babantay.

Mei: Mabuti pa nga!

Akmang lalabas si mei sa ward upang puntahan si kyro para tulungan, ngunit pag-labas palang niya ay.

Haaayyy!

Nagulat si mei sa pag-sulpot ng isang nilalang na naka-armor din, at mabilis siya nitong inatake gamit ang isang malakas na sound wave.

AAAAAAHHHHHHHHH

Halos mabasag lahat ng binata at mga salamin sa paligid, at mabingi-bingi naman ang ilang tao na naroon dahil sa lakas ng sound wave na pinakawlan ni tersera.

Tina: Mei!

Mei: Ang sakit sa tenga noon ah! Tina bantayan mo lang si Liam! Ikaw, isa kang tauhan ng dranixs?

Tersera: Oh, paano mo nahulaan? Ang galing mo naman, pero it’s not necessary kung taga dranixs nga ako.  Ang mahalaga napasok ni goliath ang main entrance, at salamat sa kanya kaya naka gawa ako ng paraan para maka-pasok dito. 

Mei: Sabihin mo anong binabalak mo?

Tersera: Binabalak ko? simple lang naman, at yun ay ang patayin ang nasa loob ng silid nayan! Kaya kung hindi ka aalis sa dinadaanan ko, ikaw ang uunahin ko.

Mei: Puwes subukan mo lang!

Sumugod ng walang pag-aalinlangan si mei kay tersera.

Tersera: Oh well, ano paba ang magagawa ko.

At sinabayan naman siya ni tersera, ginamit ng veteranang agent ang kanyang husay sa judo, pero sinabayan siya ng isa sa mga big boss ng dranixs, gamit naman ang kakaibang estilo nito sa pakikipag-laban.

Isang suntok ang pinakawalan ni mei para patamaan ang mukha ni tersera, ngunit nahawakan ito ng babaeng mandirigma at saka siya ginantihan ng mag-kakasunod na suntok sa tiyan at sikmura.

Napa-atras nalang ang babaeng agent mula sa atake na ginawa sa kanya ni tersera.

Mei: Mukang kailangan ko nang seryosohin ito.
Inilabas ni mei ang isang bagay, at ito ay ang kanyang G-Badge. At pag-katapos isinigaw ang isang kataga para ma-activate ang naturang badge.

G-Badge on!

Nabalutan ng pulang liwanag ang babaeng agent, at ilang sandali pa ay nag-bago narin siya ng anyo bilang si special police galathea. At si tersera naman ay gulat sa nang-yari. Dahil isa palang special police ang kaharap niya ngayon.



Tersera: Wow, hindi ko akalain na isa ka palang special police, mukang kailangan ko ding  seryosohin to bago siguro ako pumunta sa main event.

Galathea: Masyado ka pang maraming sinasabi! Lumaban ka nalang.
Biglang sumugod muli si Galathea sa kanyang katungaling si Tersera, at doon muling sumiklab ang kanilang matinding laban.
________________________________________________________________

Sa labas ng GINGA HQ

Halos nahihirapan si Gunver na sabayan ang nilalang na kung tawagin ni tersera na goliath. At dahil sa deperensiya nang kanyang kanang braso, ay hindi siya makalaban ng mabuti.

BOOOOOMMMMMSSSS

Isang malakas na pag-sabog ang ginawa ng nilalang, at dahil doon tumalsik ang detective.

Gunver: AAAAAHHH!

Bumulagta si gunver sa isang tabi, pero papasugod na muli sa kanya si goliath para tuluyan na itong tapusin.

Ngunit bigla nalang merong bumulagang atake sa nilalang at tumalsik ito palayo sa detective.
Grenade launcher! Ito ang sabi ng lalaking boses mula sa driver ni.

Gunver: Clyde!

Si clyde ito na nasa anyo na ni snider, at muli siyang nag-pakawala ng bala mula sa kanyang grenade launcher upang mapa atras ang nilalang na si goliath.

Lumundag si snider sa kanyang kinatatayuan, at lumapit ito kay gunver habang tumatayo, pero ilang sandali din ay dumating na din si draiger, mula din sa kanyang pag-kaka lugmok.

Draiger: Kyro! (Kay snider) ikaw? Clyde.

Snider: Hmp...ano naman ang pinag-gagawa niyo?

Draiger: Eh ikaw, bakit ka naparito? Diba wala ka namang pakielam sa amin.

Snider: Tumahimik ka, kung ayaw mong tapusin kita dito mismo, baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa sa akin.

Gunver: Puwede ba mamaya na yang lambingan niyo, heto na siya! 
Muling tumayo si goliath, at umatake siya sa tatlong pulis na nasa harapan niya ngayon.

Gunver: Ilag!

Mula sa likuran ni goliath, kinuha niya ang kanyang higanteng gatling gun, at pinaputukan niya ang tatlo.

Pero mabilis na humanap ng cover ang mga ito, upang maiwasan ang mga balang pina-uulan sa kanila.

BRATATATATATATATATATA

Pero habang tinataguan ang mga balang tuma-tama sa kanila, ay siya namang kumonekta ng tawag si tina kay gunver mula sa medical center ng GINGA, upang humingi ng tulong.
Mula sa computer helmet ni gunver lumabas ang imahe ni tina.

Tina: (Sa kabilang linya) Kyro!

Gunver: Tina, anong problema diyan?

Mula sa medical city, patuloy na nakikipag-laban si Galathea kay Tersera. At si tina ay nag-pasiyang tawagan si gunver para sa back-up.

Tina: Kailangan mong pumunta dito, isa sa mga miyembro ng dranixs ang naka-pasok, at kasalukuyang nakiki-pag laban si mei sa kanya!

Gunver: (Sa kanyang lugar) Ano?! Ang dranixs ang siyang umaatake.

Tina: Mukang si liam ang pakay nila, kyro  bilisan mo bago pa mahuli ang lahat.

Narinig din ng dalawa ang pakikipag-usap ni gunver kay tina.

Draiger: Kung ganon, ang dranixs nga ang umaatake. (Bumabarili)

Gunver: Miguel, i-cover niyo ako, pupuntahan ko sila ate mei sa loob!

Draiger: Sige na iintindihan ko!

Mabilis na tumayo si Gunver, para mag-tungo sa medical center ng GINGA, at habang binibigyan siya ng cover ni Draiger.

BANG!-BANG!-BANG!

Draiger: Sige takbo lang!

Tuma-takbo si Gunver habang bumabaril din ito, pero akma siyang rarat-ratin ni goliath gamit ang gatling gun, pero si snider ay inilabas ang kanyang grenade launcher, saka pinuntirya nito ang ulo ng nilalang.

ZOOOOMMMMMMM!

BOOOOMMMSSSS

Napalingon si Gunver dahil sa pag-sabog. Saka naman siya sinabihan ni snider.

Snider: Ano pang itinatanga mo diyan? Umalis ka na bago pa mag bago ang isip ko!

Gunver: Salamat! Mag-iingat kayo!

Nag-patuloy si Gunver sa pag-punta sa medical center kung saan inaatake ng isa sa mga dranixs ang ward ni liam.

Ang dalawa naman ni Draiger at Snider ay na iwan, para harapin ang mandirigmang si golaith.

Draiger: Mukang tayong dalawa lang ngayon.

Snider: Hmp! Wala akong pakielam sayo, kung magiging sagabal ka lang sa gagawin ko, tatapusin kita.

Draiger: Puro ka namang ganyan, sige humanda kana narito na siya!
Sabay inihanda ng dalawa ang kanilang mga sandata, upang labanan ng sabayan si Goliath.
__________________________________________________________________________

GINGA command room.

Kasalukuyan nilang minomonitor ang pang-yayari sa loob ng base.

Gen. Ratio: Ano na ang sitwasyon sa labas?

GINGA Agent1: Sir, kasalukuyang naroon ang dalawa ni Sargent Silva, at ni Corporal Fajardo ang lumalaban sa unknown hostile.

Kris: Sir, mukang may sitwasyon din tayo sa medical center.

Gen. Ratio: Ano?

Kris: Kasalukuyang active ang badge ni Agent Martin, at nakikipag-laban din siya sa isa pang hostile.

Ipinakita ni kris ang video kung saan nakikipag-laban si Galathea sa medical center.

Gen. Ratio: Isang dranixs?

Kris: Sir?

Gen. Ratio: Isang dranixs ang nakapasok sa base natin, madali kayo...mag-padala kayo ng back-up para kay agent martin.

GINGA Agent2: Sir, merong isang signal na papalapit kay Agent martin, at galing ito kay Detective Anjelo. Mukang patungo siya sa medical center.

Gen. Ratio: Mabuti naman, kayo diyan ihanda niyo ang ilan pang security system, kailangan hindi makalabas ang hostile sa loob ng HQ.

GINGA Agent2: Roger sir...

Gen. Ratio: (Sa sarili) Mukang pakay nila si Liam Henderson.
__________________________________________________________________

Balik muli sa medical center ng GINGA.

Nag-patuloy lang ang sagupaan ng dalawang babaeng mandirigma. At halos lahat bagay sa center ay nawasak na dahil lang sa kanilang matinding pag-lalaban.

BAAMMM!

Galathea: AAHHHHHH

Tumalsik si galathea mula sa isang malakas na sonic wave na pinakawalan sa kanya ni tersera. At ang ilang mga piraso ng pader ay bumagsak sa kanya, kaya’t naipit ang kalahati ng katawan ng babaeng agent.

Tersera: Hay...ang masyado mong inaaksaya ang oras ko, ni wala ka naman palang kuwentang kalaban.

Nahihirapan si galathea na makatayo dahil sa mga pinsalang natamo niya.

Tersera: Ang mabuti pa gawin ko na ang tunay na trabaho ko dito, (Lumingon kila Tina at Liam) Ikaw yun Mister Levaiton.

Liam: Anong sabi mo?

Tina: Hindi! Liam, ikaw itigil mo yan!  

Inilabas ni tina ang kanyang handgun at tinutukan nito si Tersera upang protektahan si Liam dito.

Tersera: Tumabi ka diyan!

Akmang ipuputok ni tina ang kanyang baril, ngunit bigla siyang sinakal ni tersera at inihagis sa kabilang silid.

Tina: AAAHHHH

Liam: Hindi Agent shen!

Galathea: (Nahihirapan tumayo) Tina!

Nakita ni Tersera ang baril na nabitawan ni Tina, at pinulot niya ito saka itinutok kay liam.

Tersera: Ayaw ko sanang gawin ito dahil malaki ang naging pakinabang namin sayo, ang kaso pumalya na ang amo mo, kaya para sa kapalkapan na ginawa niya, kailangan mong mawala bilang pambayad sa mga kalokohan niya.

Galathea: Hindi Liam!

Pinipilit ni Galathea na maka-alis sa mga guho ng pader, ngunit bumababa na ng husto ang kanyang armor energy.

Tersera: Paalam na!

Napa pikit nalang ang binata, habang nalalapit na ang pag-kalabit ng gatilyo ni tersera sa baril, ngunit ilang sandali naman ay.

Smoke!

BOOOOOMMMMSSS

Tersera: Anong!

Isang pam-pausok ang sumabog sa loob ng silid ng binata, at dahil doon nagulo ang main system ng armor ni tersera, at ang may kagagawan nito ay walang iba kung hindi ang bagong dating na si Gunver.

Liam: (Napatakip sa ilong) Teka sino ka naman?

Gunver: Huwag ka nang maraming tanong! Halika tumayo ka diyan!

Kaagad hinatak ni Gunver ang kamay ni Liam, at nag-madaling umalis sa loob ng silid.

Tersera: Asar ang system ng armor ko bumababa! Hindi pa tayo tapos mga walang kuwenta!

Tuluyan nang tumakas si Tersera, dahil sa pag-kasira ng main system ng kanyang armor. At napansin naman ni Galathea na wala na doon si Liam sa kanyang silid.

Galathea: Sandali nasaan sila?
_____________________________________________________________________________

Nag-patuloy lang din si Snider at Draiger sa pag-harap kay Goliath. Nguni tila napansin ng dalawa na huminto ito sa kanyang pag-atake.

Snider: Teka anong nang-yayari?

Draiger: Huminto siya?

Maya-maya ay ikinagulat nila ang ginawa ng nilalang, dahil bigla nalang niyang sinuntok ang lupa para yanigin.

BBBAAAAAAAAGGGGGG

Natumba ang dalawang pulis dahil sa lakas ng yanig na ginawa ng nilalang. At ito rin ang ginamit niyang pag-kakataon para tuluyang tumakas sa kanyang mga kalaban.

Draiger: Tumatakas siya! Habulin natin.

Snider: Hindi na kailangan. (Hinubad ang helmet) Dahil mababa na ang energy level ng armor ko.

Draiger: (Tinangal ang maskara ng helmet) Asar, hindi pa ito tapos.
__________________________________________________________________________

Sa loob ng GINGA command room.

Kris: Sir, tuluyan nang umatras ang mga hostile, ngunit malaki ang naging sira ng base dahil sa nang-yaring insidente.

Gen. Ratio: Ganon ba? Eh kumusta naman si Agent Martin at Agent Shen? Nagawa ba ni detective anjelo na tulungan sila?  At si Liam Henderson

Kris: Ayos lang naman ang kalagayan ni Agent Martin at Agent Shen, kasalukuyan na silang tinutulungan ng ilang mga tauhan ng medical team, pero si detective anjelo, mukang nawawala silang pareho ni Liam Henderson.

Gen. Ratio: Ano?!
________________________________________________________________________

Sa isang studio, bumalik dito si Tersera kasama si Goliath, at dahil sa inis bumalik siya sa dati niyang anyo bilang si Louie.

Louie: (Inis) Nakaka-inis! Ang mga pakielamerang special police nayun, ang lakas ng loob nilang makielam sa trabaho ko. Buwiset talaga!

George: Ms. Louie huminahon lang po kayo.

Louie: Huminahon? Gusto mong durugin kita mismo ngayon! Kasalanan mo kung bakit nag-kanda letche-letche ang lakad natin, imbes na mapapadali ang trabaho natin, pinabayaan mong makalusot ang detective nayun! Ngayon sino ang sisisihin ni Master Primo?

George: Patawarin mo ako Ms. Louie, pangako hindi na ito mauulit.

Louie: Talagang hindi! Dahil ako mismo ang papatay sayo! (huminahon) Ngayon, kailangan ko nalang ulit alamin kung nasaan ang lalaking yun. Paniguradong mag-kasama sila ng detective nayun.  
_______________________________________________________________

Kinahapunan sa GINGA Cafe.

Kasalukuyang nag-aasikaso sila marina at sherry ng kanilang mga costumer. Nang-bigla namang lumabas si marion mula sa kanilang underground base upang sabihin ang isang balita.

Halos madapa-dapa pa ang engineer sa kanyang pag-labas.

Sherry: Oh kuya marion, bakit parang nag-mamadali ka?

Marion: Pasensiyana, marina masamang balita?

Marina: Teka ano yun?

Marion: Ang HQ, sinalakay ng dranixs!

Marina: Ano!

Nagulat si marina sa narinig na balita. At dahil doon nag-madali siyang pumuta sa HQ para tingnan ang naging lagay doon.
_____________________________________________________________

Sa isang abandonado at sirang bodega, doon dinala ni kyro si liam sakay ng kanyang Gun 
Racer. Saka ibinaba ng detective ang dating cyborg warrior. At isinandal niya ito sa isang tabi.

Nag-tataka si Liam kung bakit dito siya dinala ni Kyro.

Liam: Sandali bakit mo ako dinala dito? At sino ang nilalang na yung na gustong pumatay sa akin?

Kyro: Sandali, wala ka ba talagang na-aalala? Ang mga nilalang na yun, sila ang mga dati mong kasamahan sa dranixs.

Liam: Dranixs? Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Ang gusto ko lang malaman kung nasaan si marina. Nasaan na ba siya, bakit ayaw niyo siyang ipakita sa akin!

Kyro: Hindi ko siya puwedeng ipakita sayo.

Liam: At bakit? (Pasigaw) Sabihin mo!

Biglang tumayo si Liam sa harap ni Kyro, ngunit bigla naman siyang tinutukan nito ng kanyang Gun Driver.

Kyro: Dahil ayaw ko nang makitang umiyak muli ang partner ko!

Liam: Ano!?

Kyro: Hindi ko alam kung bakit wala kang na-aalala bilang si levaiton, tapos ngayon bigla ka nalang mag-papakita bilang ikaw, at ngayon hinahanap mo pa si marina. Para ano. Tapusin siya? Kaya sabihin ano ba talaga ang binabalak mo!

 Tila makikita naman sa mga mata ni liam na hindi siya nag-sisinungaling. At si kyro naman ay desidido na alamin ang katotohanan mula sa kanya.

Liam: Wala akong alam sa mga pinag-sasabi mo, ang nais ko lang makita si marina. Na malaman niyang buhay pa ako, na nakaligtas ako mula sa pag-sabog noon sa military base ng russia! Kaya kung hindi mo ako paniniwalaan. Sige kalabitin mo  yan! Basta ito ang tatandaan mo. Nag-sasabi ako ng buong katotohanan.

Parang nainis si kyro sa mga sinabi ni Liam. At dahil doon balak na niya talagang kalabitin ang gatilyo ng kanyang Gun Driver.

Kyro: Huwag mo na akong paikutin....

BANG!
______________________________________________________________________

Balik muli sa GINGA HQ

Kasalukuyang inaayos ng ang mga nasirang parte sa base dahil sa nang-yaring sagupaan. At samantala na doon naman sila mei, miguel at tina, kasama ang kanyang ama na si chief insp. Marcus at Director Gen. Ratio.

Chief insp. Marcus: Hindi ko maintindihan kung bakit nagawang pasukin ng dranixs ang base ng ganon lang kadali. At paano nalaman nila na narito ang dati nilang kasamahan?

Mei: Hindi ko rin po sigurado ang mga bagay na yan. Siguro dahil sa cyborg ang buong katawan ni Liam kaya siyang madaling natunton.

Gen. Ratio: Nag-tataka din ako bakit nila kailangan tapusin parin ang dati nilang kasama? 
Kagaya nalang noon sa kaso ni corporal fajardo.

Miguel: Sir Illuminati sila, kapag ang isang miyembro nila ay tumiwalag o wala nang silbi, pinapatay nalang nila ito ng basta-basta. Kaya hindi na kakapag-taka kung bakit kailangan patayin nila si Liam Henderson. Dahil sa tingin ko alam narin nila na bumalik ito sa dati niyang pag-iisip.

*Anong sabi mo? *

Napalingon nalang sila tina at mei ng makita si marina mula sa pintuan ng command room ng HQ. Dahil narinig niya ang buong detalye na sinabi ni miguel.

Tina: Naku patay.

Mei: Problema ito...

Bigla nalang lumapit si marina kay miguel. At kinuwelyuhan niya ito.

Miguel: Ah Teka marina----

Marina: Anong sinabi mo tungkol kay liam? Sabihin mo!

Miguel: Sandali huminahon ka lang....

Marina: Huminahon? Paano ako hihinahon, sabihin mo...bakit kailangan patayin si liam ng dranixs? Miguel sumagot ka!

Dahil sa narinig ni marina, para tuloy napuno ng galit ang sarili niya nang marinig ang pangalan ni liam.

Miguel: Sandali...nasasakal na ako!!!

Mei: Marina bitawan mo si miguel!

Huminahon si marina nang mag-salita si mei, at si miguel naman ay halos mag-kulay violet ang mukha dahil sa pag-kakasakal sa kanya nito.

Miguel: (Inuubo) Ugh...Ugh...pambihira...kala ko mamatay na ako.

Marina: Ms. Mei anong ibig sabinin nito? Buhay si liam, at bumalik siya sa dati niyang pag-katao?

Mei: Totoo ang narinig mo kay miguel, buhay si liam, dinala siya dito ng mga tao mula sa cost guard kung saan nakuha siya malapit sa aqua park ang dating base nang dranixs. Ang nakaka-pag taka lang parang hindi niya alam na siya ang cyborg warrior na si levaiton. At isa rin sa mysterio ang pag-babalik ng kanyang dating pag-iisip.

Parang hindi makapaniwala si marina sa kanyang naririnig. At napaluhod nalang siya.

Marina: Imposible ito, tinapos ko na siya  noon, pero bakit...bakit kailangan niya muling mag-balik. Bakit...

Nilapitan siya ni mei, at tinapik ang balikat, para bigyan ng lakas nang loob.

Mei: Hindi natin alam, siguro may binabalak pa ang diyos kaya siya bumalik.

Marina: Siguro nga, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko, teka nasaan na po ba siya ngayon?  

Mei: Kasalukuyan siyang kasama ni kyro, noong umatake ang isa sa mga boss ng dranixs. Itinakas siya dito ni kyro, pero hindi namin alam kung nasaan siya.  

Marina: Si Kyro? Anong binabalak niya?

Chief Insp. Marcus: Walang nakaka-alam kung ano ang binabalak ni detective anjelo, pero sa ngayon ang prority natin ay ang makita siya.

Mei: Tama si Chief inspector, kailangan natin silang makita, at isa na si kyro doon, dahil halos malaki na ang pinsala ng braso niya.

Gen. Ratio: Ok then, mag-papadala ako ng mga tao para hanapin silang dalawa.---

Marina: Huwag na po.

Gen. Ratio: Pero bakit naman?

Marina: Kami nalang ni miguel ang mag-hahanap kila kyro at liam, dahil magiging personal po ang susunod na puwedeng mang-yari.
_______________________________________________________________

Sa abandonadong warehouse.

Ginagamot ni kyro ang kanyang braso dahil sa pag-kalala ng bali nito ng nakaraang laban. At si liam naman ay nasa bandang tabi kung saan pinag-mamasdan niya ang detective.

Iniinda parin ng batang detective ay kanyang pinsala sa kanang braso, dahil mas lalo pa itong lumala buhat ng pakikipag-laban niya sa nilalang na umatake sa main base ng GINGA.

Kyro: (Pabulong) Aray....

Ngunit ilang sandali ay nag-salita si Liam at tinanong niya si Kyro, kung ano ba talaga ang binabalak niya.

Liam: Hoy...puwede ba kitang matanong.

Kyro: Bakit ba?

Liam: Bakit hindi mo itinuloy ang pag-patay sa akin, at si marina ano ba siya sayo? At sino ba 
talaga ang dranixs na sumalakay sa HQ?

Kyro: Teka, puwedeng hinay-hinay lang sa pag-tatanong.

Liam: Sige, pasensiya na kung binigla kita.

Kyro: Sige ano ba yung mga tanong mo?

Nag-simulang mag-tanong si Liam tungkol sa mga bagay na merong kaugnay sa mga nang-yayari, at inuna niya ang bagay na muntik siyang patayin ni kyro kanina.

Liam: Bakit hindi mo itinuloy ang pag-patay mo sa akin kanina? Ano ba ang tunay na dahilan mo.

Kyro: Ang dahilan, simple lang. Baka meron pa akong makuhang mahalagang impormation sayo tungkolo sa dranixs.

Liam: Impormation? Pero diba wala nga akong nalalaman, ni wala nga akong ma-alala. Ang huling natatandaan ko lang ay yung nasa military base kami sa russia kung saan kasama ko si marina at agent martin sa isang misyon. Kaya papaano ka kukuha ng impormation tungkol sa mga sinasabi mong organisastion.

Kyro: Hindi tayo nakakasigurado sa bagay nayan. Baka mamaya bumalik ang pagiging levaiton mo.  At malay mo rin isa lang itong patibong para sa amin.

Nag-patuloy sa pag-tatanong si Liam at nadako na siya tungkol kay marina.

Liam: Ganon ba... pero ang tungkol naman kay marina, ano ba siya sa iyo?

Kyro: Si marina? Isa siyang magaling na partner,  at isa rin siya sa pinaka mahusay na agent, at kung natatandaan mo, isa na siya sa mga special police, bilang si zhapyra.

Liam: Ano?!

Kyro: Teka parang nagulat ka ata.

Liam: Ah...wala, wala naman. Alam mo kasi, pangarap ko ring maging special police balang araw. At si marina ang gusto kong maging partner kapag nang-yari yun. Ngunit hindi ko inakala na siya pala ang mabibigyan ng titolo bilang isang elite policemen ng GINGA. Siguro nga hindi ko na alam ang nang-yari. Sandali maliban doon ano pa sa iyo si marina? Bakit ganon nalang ang pag-protekta mo sa kanya mula sa akin.

Kyro: Ano pa si marina sa akin?

Parang napaisip si kyro sa sinabi ni liam sa kanya. ngunit sinagot din niya ito ng walang pag-aalinlangan.

Kyro: Si marina para sa akin, (Ngumiti) isa siyang mabuting kaibigan, na handang dumamay kahit na anong sitwasyon pa ang kaharapin niyo, masaya siyang kasama  sa trabaho, pero nakakatakot galitin kapag meron kang hindi magandang nagawa sa kanya.

Napansin ni Liam ang kakaibang ngiti ni kyro habang ikinukuwento nito ang tungkol kay marina.
_____________________________________________________________

Kinagabihan....

Sakay naman ng kanilang Draig Cycle at Gun Cycle ni kyro. Sabay hinanap nila miguel at marina si kyro.

At nang mag-tagpo sila, binalitaan nila ang isa’t isa kung meron nang impormation kung nasaan ang kanilang kasama.

 Marina: Kumusta may balita ka na ba?

Miguel: Wala pa, mukang nakapatay ang signal ni kyro kaya hindi ko siya makita sa aking 
radar.

Marina: Ganon ba, saan na ba kasi sumuot ang lalaking yun, kailangan kong makita si liam. Kung totoo ba talagang bumalik siya sa dati niyang pag-katao.

Miguel: Ang mabuti pa ituloy nalang natin ang pag-hahanap, baka sa kaling  maka kita tayo ng clue kung nasaan siya.

Marina: Mabuti pa nga...

Pinag-patuloy ng dalawa ang kanilang pag-hahanap, ngunit sa loob ni marina, nag-aalala parin ito sa kung ano pang puwedeng mang-yari.
________________________________________________________________

Nag-patuloy lang ang pag-uusap ng dalawa, at hanggang sa dumating na si liam kung saan tinanong na niya kung ano ang dranixs.

Liam: Huling tanong ko na sa iyo ito, ano ba talaga ang dranixs, sino ba sila, at ano ang pakay nila sa akin?

Kyro: Bumalik nanaman tayo,  sige sasabihin ko sayo kung ano sila. Ang dranixs isa silang underground organization o mas kilala sila bilang mga illuminati  

Liam: Illuminati?

Kyro: Sila ang sinasabing kumokontrol sa buong mundo ng patago, at ang dranixs ay isa lamang sa oraganisasyong ito. Marami na silang ginawang mga hindi magaganda, ang pag-patay at pag-kontrol sa mga buhay ng tao. Hindi makatarungan ang ginagawa nila upang matupad lang ang kanilang adhikain.

Liam: Pero paano naman ako napunta sa samahang yun? Hindi ko maintindihan. Bakit.

Kyro: Hindi rin namin alam, dahil ang taong pina-niniwalaan namin na bumuhay sayo na si Dr. Ferdinand hamilton ay patay na.

Liam: Ano?

Kyro: Isa siya sa mga miyembro at isa rin sa mga pinaka-mataas na nasa posistion sa dranixs, kilala siya si repttile de quinta. At siya ang taong nakaka-alam kung paano ka naka ligtas, ngunit tinapos namin siya nitong nakaraang operation. At kasama karin doon bilang si levaiton. Si marina mismo ang tumalo sayo.

Nag-taka  at nagulat si liam sa mga bagay na sinasabi sa kanya ni kyro.

Kyro: At sa maniwala ka o sa hindi, ikaw ang naging mortal na kalaban ni marina sa likod ng pag-katao ni levaiton.

Liam: Imposible ito, imposible ito! Ano ba talaga ang nang-yayari.....Arrrrgghhhhh.

Tila naman sumakit ang ulo ng dating cyborg warrior sa mga narinig niya.

Kyro: Teka anong nang-yayari sayo?

Liam: AAAAAAARRRRRGGGHHHHHH.

BOOGG

Natumba nalang si liam dahil sa sakit ng ulo na bigla nalang umatake sa kanya, ngunit ang hindi niya alam ang micro chip na naka-lagay sa kanyang utak ang siyang pinag-ugatan nito.

Kyro: Hoy gumising ka! Liam! Hoy!
__________________________________________________________

Pero sa lugar na kinaroroonan ni Louie, nakatangap siya ng isang signal mula sa kanyang GPS device.  Tiningnan niya ito, at nakita niya ang location kung nasaan nag-tatago ang kanilang hinahanap.

Louie: Binggo! Huli ka na ngayon, Mr. Levaiton...George!

George: Ms. Louie.

Louie: Ihanda mo ang sarili mo, meron tayong dagang huhulihin mula sa kanyang lunga.
Nag-madali umalis sila louie para puntahan ang lugar kung nasaan sila levaiton.
______________________________________________________

Inasikaso ni kyro ang walang malay na si Liam. At habang pinag-mamasdan niya ito tila na-aalala niya si marina kung ano ba ang magiging reaction nito kung sa kaling makita nito ang dating kasintahan.

Pero habang nag-mumuni muni sa kanyang pag-iisip, hindi alintala ni kyro na isang matinding 
panganib ang paparating. At maya-maya lang ay.

BOOOOOOMMMMSSSSS

Kyro: AAAAAHHHHHH!

Isang pag-sabog malapit sa kanya ang naganap, at ito ay kagagawan nila Tersera at Goliath.

Tersera: Hay mister detective!

Kyro:Ikaw!

Tersera: Pasensiya na kung naistorbo ko ang pamamahinga niyo, pero huwag kanang mag-alala, dahil magiging tuloy-tuloy na yan! Goliath!

Biglang nag-labas si goliath ng isang rocket launcher, at pinuntirya niya si kyro, ngunit kumilos ng mabilis ang detective para hindi ito matamaan ng paparating na bala ng nasabing launcher.

ZOOM!-ZOOM!

BOOMS!-BOOMS!

Matiwasay na naka-iwas si Kyro, kahit na meron itong iniindang injurie mula sa kanyang 
kanang braso, at pag-katapos sabay niyang binunot ang kanyang pangunahing sandata, ang Gun Driver.

DNA Scan complete...ito ang sabi ng female voice ng driver. At pag-katapos noon kinalabit ng binatang detective ang gatilyo, saka siya nag bago ng anyo bilang si Gunver.

Kyro: Gun Changer!



Pag-katapos mag bago ng anyo, gumati na ng putok mula sa kanyang sandata ang detective.

BANG!-BANG!

Pero sinanga lang ni Goliath ang mga balang pinakawalan ni Gunver sa kanya.
______________________________________________________________

At habang nakikipag-laban si Gunver, ay siya namang nasagap nila miguel at marina ang signal nito. Dahil sa wakas makikita na nila kung nasaan ba sila nag-tatago.

Miguel: Ayun! Nakita ko na (Tinawagan si marina) Marina!

Marina: Naiintindihan ko! tayo na!

Hinarurot nila ang kanilang mga gamit na motorsiklo, patungo sa abandonadong warehouses sa lugar ng antipolo.
_____________________________________________________________

BRATATATATATATA

Umaatikabong putukan at pag-sabog ang nang-yari sa loob ng warehouse.

Ngunit hindi kaya ni Gunver mag-isa ang kalaban, pero matindi ang kalaban ng detective bukod sa nag-iisa siya ay kaharap niya ang isa sa mga pinuno ng dranixs na si tersera. At walang magawa si gunver kung hindi ang kumober upang protektahan si Liam na walang malay. 

Tersera: Hay hay, masyado mong pinahihirapan ang sarili mo, bakit kailangan mong protektahan ang taong minsan niyo nang naging kalaban? Ganyan ba talaga kayo kabait, o isa lang kayong hangal na sumusunod sa utos?

Gunver: Wala akong alam sa sinasabi mo, dahil unang-una hindi ko pinoprotektahan ang lalaking ito, at ang pangalawa, isa lang ang dahilan kung bakit ako lumalaban ngayon, dahil meron akong gustong protektahan na mas higit pa!

Tersera: Masyado namang ma drama ang isang ito. Sige na goliath tapusin mo na siya!

Goliath: Opo!

Biglang umatake si Goliath kay Gunver, at winasak niya ang pinag-tataguan ng detective. Ngunit umiwas ito at gumati ng putok sa kalaban.

BANG!-BANG!-BANG!

Nag-patuloy lang sila sa kanilang laban. At habang si tersera ay ginamit ang pag-kakataon para patayin si Liam habang wala pa itong malay.

Tersera: Sige lang Goliath, makipag-laro ka muna kay mister detective.

Napansin ni Gunver na papalapit si Tersera kay Liam, akma naman niyang tutulungan ito, pero hinarang siya kaagad ni Golaith at sinalubong ng isang suntok.

Naka-iwas ang detective sa atake na ginawa sa kanya.

Gunver: Hindi! Hoy gumising ka diyan! Liam!
____________________________________________________________________

Pero sa katawan at isipan ni liam, isang imahe ang nabuo sa kanyang diwa. Ang mga alala-ala nang nakaraan, bilang si levaiton at bilang si Agent Liam Henderson. At nakita din niya sa kanyang diwa ang taong nag-ligtas at muling bumuhay sa kanya na si Dr. Ferdinand Hamilton na kung saan binago niya ang kanyang katawan mula sa nabubulok na laman hanggang sa pagiging bakal na sinosoportahan ng makina.

Ngunit ang pinaka-tumatak sa isipan niya ang mga panahon na kasama niya si marina, sa 
bawat misyon, lungkot at saya.

Liam: Marina? Marina! Marina!!!

Marina: Liam (Ngumiti)
__________________________________________________________________

Gunver: Liam!!!!

Pinipigilan parin si Gunver ni Goliath, upang hindi maalintala pag-tapos ni tersera kay levaiton.

Tersera: Paalam na! Levaiton!

Nag-labas ng isang blade si Tersera sa kanyang wrist armor, at ito ang gagamitin niya para tapusin na ang buhay ni Liam.

Ngunit biglang, dumilat ang mga mata niya, at saka pinigilan ang pag-saksak sa kanya ni tersera, gulat na gulat ang babaeng boss ng dranixs sa pag-gising nito.

Tersera: Anong! Imposible ito.

Gunver: Liam!

Hawak ni liam ang talim ni tersera at pinutol niya ito gamit ang lakas. Pero habang tumatayo siya ay nababalutan siya ng baluti, baluti na pamilyar, ito ang baluti ni Levaiton.

At pag-katapos mabalutan siya ng baluti ni Levaiton, mula sa kanyang leg armor kinuha niya ang kanyang pistol saka pinag-babaril si Goliath upang mabigyan ng daan si Gunver para maka pag-regroup.

Gunver: (Gulat) Si Levaiton?

Nag-salita ito at kinausap si Gunver. 

Levaiton: Detective Anjelo! Naiintindihan ko na ang sinabi mo sa akin noon, ang mga ngiting yun na siyang nag-tangal ng galit at lungkot dito sa puso ko, kahit na binago nila ang aking katawan at pag-iisip noon, hindi niyo mababago ang aking hangarin na protektahan ang lahat. Ngayon pag-kakataon ko na para protektahan ang ngiting yun!

Gunver: Tama ka diyan!  

Levaiton: Sige!

Tersera: Mga buwiset kayo! Goliath, tapusin mo silang pareho!
Sa utos ni Tersera, umatake ng buong tapang si Golaith kila Gunver at Levaiton.

Gunver: Ngayon na!

Binunot ni Gunver ang kanyang Gun Driver at pina-putukan nito si Goliath. Si Levaiton naman ay tumatakbo pasulong upang atakehin ng malapitan ang kanilang kalaban. Pero akma siyang susuntukin ni Goliath, pero nag-slide siya papailalim, at ang pinuntirya niya ay walang iba kung hindi si tersera.

Levaiton: YYYYAAAAAAAAAHHHHHHH

Sinalubong kaagad nito ang dati niyang boss ng isang suntok. Pero sinanga lang ito ni tersera gamit ang isang kamao.

Tersera: Talagang kinakalaban mo na kami ngayon, Levaiton mukang hindi talaga polido ang mga bagay na inilagay sayo ni Dr. Hamilton, kung sabagay palpak naman siya kaya palpak karin!

Levaiton: Tumahimik ka!

Sinipa ng cyborg warrior papalayo si Tersera, at sa pag-kakataong ito, gumamit siya ng husay niya sa aikido. at doon siya nakipag-sagupa ng mano-mano.
__________________________________________________________

Nilito at nag-pahabol si Gunver kay Golaith, upang hanapin nito ang kanyang kahinaan.

BANG!-BANG!-BANG!

Paulit-ulit lang niyang binabaril ang kanyang kalaban. At nang maka-puwesto na siya, saka siya nag-bago ng bala ng kanyang driver.

Gunver: Bullet change! Smoke!

Bullet change affirmative...ito ang sabi ng female voice command ng Gun driver, ipinutok ni gunver ang kanyang gun driver, at nag-labas ito ng smoke bullet upang gamitin sa kanyang pag-tago at gamiting pag-kakataon para tapusin na ang kalaban.

Goliath: Lumabas ka duwag!!

BRATATATATATATATA

Nag-paputok si Golaith, upang palabasin si Gunver, ngunti sa kapal ng usok hindi nito makita ang kanyang kalabang detective.
Pero ilang sandali lang ay.

BLLLLAAAASSSSTTTTT

Isang malakas na blast ang tumama sa kanyang katawan, na siyang ring humawi sa usok na bumabalot sa lugar na kanyang kinatatapakan.

Ngunit habang tumatalsik si Goliath, nag-bago ng armor si Gunver bilang saber form, at sinabayan niya ang tumalsik niyang kalaban upang tapusin na ito gamit ang Gun saber.

Gunver Saber: YYYYYAAAAAAAHHHHHH!  

TTTSSSAAAAAKKKKKKK.

Goliath: AAARRRRGGGHHHHH.

Napa sandal sa isang pader si goliath at tumagos ang gun saber ni Gunver sa kanya. at sa kabila ng matibay niyang baluti ay uluyan na siyang nagapi ng detective, kahit na iisang braso nalang ang gamit nito.

Sabay hugot si Gunver ng kanyang saber, at bumalik ito sa papaging normal na Gunver. Pero sa loob ng helmet ng detective makikita ang kanyang pagod, dahil narin sa pinsala na iniinda niya.

Gunver: Walang kuwenta, dib-dib lang pala ang kahinaan mo...(napaluhod) ahhhh.
__________________________________________________________________

Samantala, sabay na dumating si Miguel at Marina sakay ng kanilang mga cycle. At naririnig nila ang dagundong na nang-yayaring labanan sa loob ng ware house.

Sabay baba ang dalawa sa kanilang motorsiklo at pinuntahan ang nang-yayaring labanan.

Marina: Liam!

Miguel: Sandali marina! (Napansin si Gunver sa malapit) Kyro!
Kaagad nilapitan ni Miguel si Gunver na nang-hihina, at nag-madali siyang tulungan ito.

Miguel: Kyro!

Napaluhod nalang ulit ito. At saka tinulungan ni miguel na makatayo.

Miguel: Kyro ayos ka lang?

Gunver: Ayos lang ako, pero anong ginagawa ni marina dito?

Miguel: Mamaya ko na ipapaliwanag, sundan natin si marina.
_____________________________________________________________________

Nag-patuloy ang pag-lalaban ni Levaiton at ni Tersera, ginagamit parin ng cyborg warrior ang husay niya sa aikido habang bumabaril.

BANG!-BANG!

Mag-kakabilang suntok at sipa ang pikawalan niya, pero iniiwasan lang ito ni tersera, ay siya naman ang umatake gamit ang kanyang malakas na sonic wave.

Napa-atras si Levaiton dahil sa lakas ng sonic wave na ginawa ni tersera. Pero hindi pa natapos ang pag-atake ng babaeng boss ng dranixs, ay sinundan pa niya ito ng isang matinding sipa sa sikmura na siyang ikinatumba ni Levaiton.

Levaiton: Arrgghhh!

Nang-matumba si levaiton, ay nilapitan siya kaagad ni tersera, para tapusin na ito ng tuluyan.

Tersera: Katapusan mo na, mister Levaiton!

Inihahanda na ni Tersera ang malakas na sonic sound wave para tapusin na si levaiton, pero sa hindi inaasahan ay biglang merong bumaril sa lady boss ng dranixs.

BANG!-BANG!-BANG!

Napa-atras nalang si tersera mula sa mga balang tumama sa kanya.

Tersera: Arrrrgghhh...ikaw!

Nagulat ito ng makita si marina pala ang may kagagawan ng lahat, at mas nagulat naman si Levaiton nang dumating ito.

Levaiton: M-Marina?!

Lumapit si marina kay Levaiton, habang naka-tutok ang kanyang baril.  Tumayo naman si Levaiton at hindi siya makapaniwala na nasa tabi niya ang babaeng pinaka-mamahal niya.

Levaiton: Marina?

Marina: Mamaya ka na mag-paliwanag, meron pa tayong kailangan tapusin dito. (Tumingin kay tersera)

Tersera: Aba hindi ko akalain na meron pang darating na bisita. Kumusta na Ms. Agent asol?

Marina: Wala akong panahong maki-pag lokohan sa iyo. Kaya humanda ka sa akin, dahil dito palang, tatapusin na kita

DNA Scan complete...ito ang sabi ng female voice ng Zhpayra drive ni marina.

Marina: Zhapyra----

Tersera: Hindi kita papayagan sa gusto mo!

Akmang susugurin ni tersera si marina habang nag-papalit ito ng kanyang anyo bilang si zhapyra, ngunit humarang si levaiton, upang protektahan ito.

Levaiton: Ngayon na marina!

Marina: Change!

Nabalutan ng isang ilawanag si Marina, at mula sa plasma energy na bumabalot sa kanya, ay doon siya nababalutan ng piraso ng bawat baluti. at ilang sandali pa ay naging si zhapyra na si marina!



Pag-kabago palang nang anyo ni zhapyra ay kaagad na niyang tinulungan si levaiton, inilabas niya ang kanyang rod night stick, at isang hampas na babalutan pa ng kuryente ang isinalubong niya kay tersera.

Tersera: Ikaw! Masakit yun hah!

Nag-tinginan naman sila levaiton at Zhapyra.

Levaiton: Bagay sayo ang armor mo.

Zhapyra: Mamaya mo na ako kausapin, may kailangan pa tayong tapusin dito.

Tersera: Humanda kayo ngayon!

Nag-labas muli si tersera ng kanyang sonic wave, pero sa pag-kakataong ito, parehong umiwas ang dalawang dating mag-partner. At sabay silang umatake gamit ang iisang stilo sa pakikipag-laban.

Ang aikido, mag-kakabilang sipa at suntok ang ginawa nila levaiton at zhapyra. At pag-katapos noon lumundag ang babaeng agent mula sa mga balikat ng cyborg warrior. Saka gumamit ng isang matinding flying kick para tamaan si tersera.

BBBBBAAAAAAGGGGGG.

At habang nakikipag-laban ang dalawa kay levaiton, dumating naman si Gunver at Miguel. Nasaksihan nila ang matinding team work ng dating mag-partner. At dahil sa hindi makapaniwala si Gunver ay hinubad niya ang kanyang helmet.

Miguel: Ang galing! Halos pareho lang sila ng ikinikilos.

Gunver: Marina.
___________________________________________________________

Levaiton: Marina tapusin na natin ito!

Zhapyra: Naiintindihan ko! Gawin natin kagaya ng dati.

Pumuwesto ang dalawa para isagawa ang kanilang finaleng galaw, upang tuluyang tapusin na ang kanilang kalaban. At kung tawagin ito ay double kogeki, isang uri ng technique sa aikido, na pang-isang tao lang, pero ang dalawa ni Laim at marina noon ay bumuo ng sarili nilang stilo. Na mas pinalakas pa nila ang atake nito.

Tersera: Hindi ako makakapayag sa gusto niyong mang-yari!

Mag-lalabas sana si sonic wave, ngunit na-unahan na siya ng dalawa ni Zhapyra at Levaiton gamit ang double kogeki move.

Ibinalibag ni levaiton si tersera, at pag-katapos isang matinding suntok naman kay zhapyra ang natangap nito.

Doon natalo nila si tersera, gamit ang pinag sama nilang lakas at team work.

Tersera: Aray...mga walang hiya kayo, hindi pa dito natatapos ang lahat! Babalikan ko kayo!

Umatras si tersera dahil sa kanyang pag-katalo, at hindi narin niya itinuloy ang pag-paslang kay levaiton.

Samantala, tinangal ni zhapyara ang kanyang suot na helmet sa ulo, at si levaiton ay ganon din ang ginawa habang nakatalikod.

At nang-humarap ito kay marina, ay halos hindi makapaniwala ang babaeng agent, na muli niyang nakita ang lalaking minahal niya noon.

Liam: Marina....

Marina: Liam...ikaw nga...Liam!

Habang mag-lalapit ang dalawa, si Kyro at Miguel naman ay pinag-mamasdan lang ang mainit na pag-tatagpo ng dating mag-parter at mag-kasintahan. Pero si kyro ay tila merong pakiramdam na hindi niya maintindihan. At habang pinag-mamasdan niya ang dalawa, ay napansin niya ang isang laser sight dot na tila parang may pumupuntirya sa isa sa kanila.

Kyro: Marina! Liam! Umiwas kayo!

Napa-lingon ang dalawa habang mag-lalapit palang sila, dahil ito sa sigaw ni kyro. At ilang sandali lang ay.

BAAAAANNNNNGGGGG

Isang putok ng baril mula sa kawalan ang narinig nila. At ang tinamaan nito ay walang iba kung hindi si...

Marina: (Gulat) Liam....

Natumba nalang ang ito sa harap ng dalaga, at si Kyro ay napatakbo upang hanapin ang may gawa nito.

Miguel: Kyro dumito ka nalang, ako na ang hahanap sa kanya!

Kaagad naman tiningnan ni marina ang lagay nito, at sa dib-dib niya tumama ang balang ipinutok ng kung sino.

Marina: Liam! Liam!
______________________________________________________________________________

Samantala lumabas si miguel sa warehouses, at nakita niya ang isang lalaking naka-suot ng coat at naka-tulakbom. Tinutukan niya ito kaagad ng kanyang Draig Driver.

Miguel: Ikaw hanggang diyan ka nalang!

Tumigil ang nilalang sa warning ni miguel, pero tila meron itong dinu-dukot sa kanyang bulsa, at maya-maya ay mabilis niyang inihagis ang dalawang bilog na bagay. At ito’y bigla nalang sumabog at nag-labas ng usok.

BOOOOMMMSSSSS

Miguel: Sandali!

Lumabas si Miguel mula sa usok, ngunit wala na ang nilalang na hinihinalang bumaril kay Liam.

Miguel: Malas!
___________________________________________________________________
Sa loob muli ng warehouse.

Marina: Liam! Laksan mo ang loob mo! Liam!

Halos nag-hihingalo na si liam dahil sa tama ng bala na tumama sa kanyang dib-dib. At si marina ay ginagawa ang makakaya niya para mailigtas pa ang buhay nito.

Marina: Kyro anong itinatayo-tayo mo diyan! Tumawag ka ng tulong! Kyro!

Inutusan ni marina si kyro na tumawag ng tulong, ngunit tila hindi ito nakinig sa sinabi ng kanyang partner.

Marina: (Napapaluha) Liam...Liam...tumingin ka lang sa akin, makakayanan mo ito. Liam!
Ini-angat ni liam ang kanyang kamay ng dahan-dahan, at pinunasan nito ang luhang pumapatak sa mga mata ni marina.

Liam: Huwag ka nang umiyak dahil masasayang lang ang luha mo...ang mabuti pa...patawarin mo nalang ako, sa lahat ng pag-kakamali ko...at pag-kukulang ko, patawad marina....

Marina: Hindi! Hindi....huwag kang mag-salita nang ganyan! Kyro nasaan na?

Liam: (Ngumiti) Marina, mabuhay ka pa...nang matagal para sa taong mamahalin mo nang habang buhay...( Tumingin kay kyro) Detective Anjelo, ipangako mo...p-protektahan mo...si marina, protekhan mo ang ngiti niya.

Kyro: Liam...

Liam: (Napatawa) Hahaha...sana patawarin din ako ng diyos, sa lahat ng kasalanan ko. Paalam na…..

Unti-unting pumikit ang mga mata ni liam, na naging hudyat ng kanyang pamama-alam.

Marina: Hindi! Hindi! LIAM!!!!

Napayakap nalang ang dalaga sa walang buhay na katawan ni Liam Henderson, at si kyro ay pilit nilalaksan ang loob para sa kanyang partner.

Kyro: (Sa sarili) Pangako liam...p-protektahan ko si marina. At ipinapangako ko din na pag-babayarin ng dranixs ang ginawa nila sa iyo.

Nag-patuloy lang sa pag-iyak si marina, habang pinag-mamasdan siya ni kyro.
__________________________________________________________________________

Sa himpilan ng dranixs.

Dumating ang lalaking nakatulakbom, at nakipag-kita siya sa isa sa mga pinuno nito. Na walang iba kung hindi si segundo.

Segundo: Buti dumating ka na...Lt. Blake McKinly

Tinangal nang sinasabing si Blake McKinly ang kanyang suot na coat. At si segundo naman ay bumalik sa dati niyang pag-katao na si Gen. Zandro Olivares.

Blake: Long time no see...General Olivares.

Gen. Olivares: Siguro alam mo na kung bakit kita ipinatawag ngayon, dahil panahon na para kunin ang dapat ay sa atin.

Blake: Huwag kayong mag-alala, dahil ang pangarap ng ama, ay pangarap din ng anak.

Inilabas ni Blake McKinly ang isang kulay asul at pulang badge sa harap ni Gen. Olivares. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga ito.

Samantala tuluyan nang nama-alam si liam, ngunit sa kanyang pamamaalam, meron bang darating para sa ating mga alagad ng batas?

Case continued....