All the characters in
this series have no existence whatsoever outside the imagination of author, and
have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any
individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
Sa
pag-papatuloy ng kuwento....
Isang kaso
ang kasalukuyang hawak ngayon nila Kyro
at Miguel kaugnay sa pag-patay mga naturang fighters ng isang underground
arena.
Upang
malaman kung ano ba talaga ang nang-yayari, isinalang ni kyro ang kanyang
sarili bilang isang MMA fighter, at si miguel naman ay ang siyang mag-hahanap
sa naturang suspect.
Ngunit sa
kanyang pag-hahanap, ay bigla namang lumabas ang hindi inaasahan na nilalang.
Ang cement killer na siyang pinag-hihinalaang negative.
Samantala si
marina naman.
Ay kinuha ang lahat ng files tungkol sa mga
namamalakad ng underground arena, upang pag-aralan ang lahat ng impormation na
puwede nilang makuha, at isa na dito ang chairman of the board ng committee.
NBI Agent: Agent Asol, heto na
ang hinihingi mo, sana makatulong ang mga yan sa imbestigation na gagawin niyo,
matagal ng isinara ng NBI ang kasong yan dahil sa walang lumulutang na suspect.
Marina: Maraming salamat,
ako na ang bahala dito, malaking tulong na ito.
Case 36: Identity of the killer
BANG!-BANG!
Patuloy lang
ang pakikipag-laban ni Draiger sa naturang negative na si Cement killer. Ngunit
ang mga balang pinakawala ng batang pulis ay bali wala, dahil sa malambot na
katawan nito.
Draiger:Walang epekto! Puwes plan-b!
Mula naman
sa leg-armor bumunot si draiger ng mga throwing dagger, at ito ang ginamit
niyang pangontra sa kanyang kalaban.
Tatlong
sunod kaagad ang kanyang ibinato at tumama ito sa katawan ng negative.
ZAP!-ZAP!-ZAP!
Ngunit
gumanti ng mabilis ang kalaban, at nag-pakawala naman ito ng mga cement ball
mula sa kanyang palad.
Pero mabilis
na umiwas ang batang pulis. At sinipa niya palayo ang negative.
BAAAAAAAAGGGGGGG.
Draiger: Mag-painit ka muna!
Pinindot ni
Draiger ang isang button sa kanyang wrist armor, at ilang sandali pa ay sumabog
ang kanyang kalabang negative.
BBBBBBOOOOOOOMMMMMSSSSS.
Pag-katapos
noon ay tinangal ni Draiger ang kanyang maskara ng helmet, at laking gulat niya
na tila walang bahid ng pagiging tao ang negative.
Draiger: Walang human host?
________________________________________________
Sa loob ng
battleground arena.
WWWHOOOOOOO!!
Nag-sisigawan
ang mga tao dahil sa matinding laban na nang-yayari. Ang labang ito ay sa pagitan ni kyro, at ng
isang korean fighter na experto sa taekwondo.
Matitinding
sipa ang pinakawalan ng kalaban ni kyro, pero gumawa ng puro iwas ang
detective, at nag-iisip kung papaano mahuhuli ang kanyang kalaban.
Kyro: Sige lang ituloy mo lang yan!
Umiiwas
parin si kyro, ng makakita siya ng butas para patumbahin ang kanyang kalaban. Nang
pag-kasipa ng koreano ay siya namang hinawakan ito ni kyro, at saka ginamitan
ng husay sa MMA. Itinumba niya ang kalaban. at sinungaban at doon niya pinag-susuntok
ang kalabang fighter.
Nang makita
ng official na hindi na kayang lumaban ng fighter ay itinigil na nito ang
laban.
Official: Stop! Stop! Winner!
Idineklara
ng official na si kyro ang nanalo sa round na ito.
Kyro: Ayos!
Nag-sigawan muli
ang tao sa pag-kapanalo ng binata, samantala nakatingin naman sa kanya ang king
of ring na si vald breaker.
At nginitian siya nito ng may kahulugan at saka umalis.
Maya-maya pa
ay dumating naman si miguel para tingnan ang lagay ni kyro.
Miguel: Kyro! Kyro!
Kyro: Miguel?
Lumabas
kaagad si kyro sa loob ng octagon arena, at sinalubong siya ni miguel. Napansin
din ni madison ang pag-dating nito at lumapit narin siya.
Madison: Miguel, anong problema?
Miguel: Wala naman, kailangan ko lang maka-usap si
Kyro ng sarilinan, sige maiwan ka na muna naming, Kyro tayo na.
Kyro: Sige.
Kaagad
kinuha ni kyro ang kanyang t-shirt at isinuot ito, samantala isang matalas na
tingin naman ang naka-masid mula sa VIP area.
Nag-salita
ang isang VIP na miyembro din ng council.
Council VIP 1: Mukang maganda ang ipinakita ng ilang mga
fighter, lalo na yung ipinakilala ni Ms. Bale na baguhan, parang hindi siya
pangkaraniwan sa mga galaw niya. Anong sa tingin mo chairman bale? Magawa kaya
ng kapatid mo na ipanalo ang tournament na ito, gamit ang alaga niya?
Chairman Bale: (Na-ninigarilyo) Hindi ko sigurado kung
tatagal ba ang taong yun, pero tingnan natin kung makakaabot ba siya sa final
round.
______________________________________________________________
Sa hindi
kalayuang lugar, nag-tungo sila kyro at miguel upang pag-usapan ang
nang-yayari.
Kyro: Miguel ano bang problema? Bakit hindi natin
isinama si Ms. Bale, kung tungkol ito sa kaso dapat kasama siya para malaman
niya talaga ang nang-yayari.
Miguel: Yun na nga diba, kailangan ma itago parin
natin ito sa kanya, dahil sa kasama siya sa primary suspect kahit na siya pa
ang umupa sa atin. Alam mo bang kanina, inatake ako ng isang negative.
Kyro: Negative? Pero sino? Nakita mo ba yung tao
kung sino ito.
Miguel: Hindi ko alam kung sino, pero maaga ko
siyang natalo, ngunit ang pinag-tataka ko, bakit alam ng negative na merong pulis
na nag-mamasid sa buong area. Diba nakakapag-
hinala. Dahil ang tanging may-alam
lang kung sino tayo ay si Ms. Bale, kaya
sino?
Kyro: Mukang malalim ang kasong ito, dahil
kailangan natin mangapa kung sino ba talaga ang kalaban.
Ilang
sandali pa ay tumunog ang smartphone ni miguel, at isang text ang kanyang
natangap. Galing ito kay marina.
BEEP!-BEEP!
Kyro: Teka sino naman yan?
Miguel: Si marina, mukang meron siyang dalang Impormation.
Mula sa NBI, teka may laban ka pa ba?
Kyro: Meron, pero bukas pa yun naka schedule.
Bakit?
Miguel: Makikipag-kita si marina sa atin, dala ang
mga impormation na nakuha niya. Mamaya din gagawa tayo ng plano para malaman
natin kung sino ba talaga ang cement killer nayun.
Kyro: Sige, mag-kita tayo mamaya at pag-usapan
natin ang gagawin.
Nag-pasiya
sila kyro na mag-kita nalang mamaya, ngunit ang hindi nila alam, ay merong naka
masid na isang bagay na tila kanina pa ito nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.
_____________________________________________________________________
Samantala sa
locker room ng mga fighters na sumalang kanina sa unang first round ng
laban.
Ilan sa mga natalong manlalaro ay
nakahanda ng umalis dahil sa natangal na sila sa unang round ng tournament.
Dismayado
man ngunit kailangan nilang tangapin na hanggang dito nalang ang laban nila
para
sa tournament na ito.
Papalabas na
ang mga naturang fighters sa kanilang locker room, ngunit ilang sandali lang ay.
*Mga talunan...walang kayong karapatang na dungisan
ang patimpalak na ito! *
Nagulat nalang
ang mga man-lalaro sa kanilang nakita, dahil isang nilalang ang humarang sa
daraanan ng mga ito. At ang nilalang na ito ay walang iba kung hindi ang cement
killer na itinuturing.
Bigla nitong
inatake ang mga kawawang man-lalaro, una muna ay pinag-sasaksak muna ang mga
ito gamit ang kanyang matalas na kamay mula sa cemento, at pag-katapos noon
doon niya ibinalot ang mga katawan ng kanyang napaslang sa semento na galing
mismo sa katawan niya.
Huwag!
Huwag!!
Man-lalaban
pasana ang mga figthers, ngunit sa lakas ng negative ay wala silang nagawa,
kung hindi ang mamatay nalang sa kamay ng nilalang na ito.
_________________________________________________________________________
Kinagabihan
sa isang pizza parlor. Sa hindi kalayuan sa underground arena.
Kyro: Teka ano naman ang ginagawa natin dito?
Dumating
naman ang order ni miguel na pizza, at sinabi nito ang dahilan kay kyro.
Miguel: Yun dumating din ang order ko, ( Kumuha ng
isang slice)
Kyro: Teka nga, dito ba natin tatagpuin si marina?
Miguel: Oo, mas mabuti na dito, at least walang
masyadong tao. At makakakain pa ako haha.
Kyro: Hay nako, hindi ko maisip dati na isang
kriminal ang kagaya mo, (Kumuha rin ng isang slice at kumain)
Maya-maya pa
ay dumating na si marina, dala ang mga bagay na kanilang hinihintay.
Marina: Kyro! Miguel!
Kyro: Oh, dumating ka din sa wakas. Kumusta ang
trabaho mo.
Marina: Ayos lang, heto na Miguel ang pina-kukuha
mo.
Naupo si
marina sa tabi ni kyro at inilabas ang nasabing folder files, at kaagad naman
itong tiningnan nila miguel.
Ikinagulat
ni Miguel ang nilalaman ng folder.
Miguel: Teka totoo ba ito?
Kyro: Patingin nga.
Tiningnan ni
kyro ang laman ng files, at nakita nila tungkol sa kasong, kinahaharap nila
ngayon.
Kyro: Francis Bale and Madison Bale, one of
primary suspect for the murder of the MMA fighters. So may kapatid pala si
madison? At sinasabi sa files na ito na ang nakakatandang kapatid niya ang
siyang may-ari at promoter ng underground arena.
Marina: Tama ka, pinag-aralan ko mismo ang files na
yan, at nag-research narin ako tungkol sa kanilang dalawa, nalaman ko na hindi
sila mag-kasundo bilang isang pamilya, dahil sa competition sa pera at
negosiyo.
Miguel: So ang ibig-sabihin nito, merong sariling
fighters na prino-promote si Francis bale kasama ang kanyang mga alipores, at
si madison bale naman ay kumikilos mag-isa para mag-hanap ng sarili niyang
fighters, kaya pala sinabihan niya ako bago palang mag-simula ang kasong ito,
na kung puwede, isa sa amin ni kyro ang magiging fighter.
Marina: Ano? Sumabak ka sa isang MMA fight?
Kyro: Oo, kanina meron akong nakalaban, pero hindi
ko alam na naki-usap si madison kay miguel para maging fighter ako.
Miguel: Pasensiya na kyro, pero maiba tayo, maliban
sa dalawang primary suspect, isa rin sa itinuturing na suspect dito si vald breaker,
ang king of battleground dito sa underground arena. Malaki ang posibilidad na
merong siyang konection kay Francis bale.
Kyro: May possibility yun at ngayon may mga tunay
na suspect na tayo, kailangan nalang natin hanapin ang puno’t dulo ng mga ito,
ang lahat ng pang-yayari sa mga fighters na pinapatay.
Marina: So ano pang balak natin ngayon, ang totoo
niyan kulang na kulang ang impormation na yan, may naiisip pa ba kayong paraan
para ma solve ito ng maaga?
Miguel: Ganon parin, mag-papatuloy si kyro bilang
MMA fighter, ako naman pipilitin kong mapasok ang lugar ni francis bale.
Nag-pakalawa na ako ng mga bug security device sa buong area bago ako inatake
ng negative. Ang kaso mukang naka-subay-bay ang cement killer nayun sa bawat
kilos natin.
Kyro: Ang mabuti pa bumalik na muna tayo...baka
hanapin na tayo ni madison nito----
WANG!-WANG!
Tumayo sila
kyro para umalis na sa lugar, ngunit ilang sandali naman ay merong mga dumaan
na patrol vehicle mula sa NBI.
Marina: Teka mga NBI mobile yun ah?
Kyro: At papunta sa underground arena...miguel
hindi kaya!
Miguel: Naloko na! Tayo na.
Kaagad
nag-madaling umalis sila kyro papunta sa underground arena, dahil tila
nakakutob sila na merong nang-yaring hindi maganda doon.
Tumakbo sila
kyro pabalik, ngunit binalikan ni miguel ang isang piraso ng kanyang pizza.
Miguel: Sayan eh! Hoy hintayin niyo ako!
______________________________________________________________
Sa
Underground arena.
Nadoon ang
mga miyembro ng S.O.C.O at NBI para imbestigahan ang pang-yayari.
Tabi! Tabi!
Dumating
naman sila kyro at mga kasama niya, para tingnan ang nang-yari. ngunit
sinalubong na kaagad sila ni madison.
Madison: Kyro, miguel saan ba kayo nag-pupunta?
Kyro: Pasensiya na, meron lang kaming mahalagang
pinuntahan. Teka ano bang nang-yari dito. Bakit nadito ang NBI?
Madison: Ang cement killer, nag-pakita na siya dito,
at pinatay niya ang mga man-lalaro kanina lang.
Nag-salita
naman ang isang NBI agent, tungkol sa nang-yari at narinig nila kyro ito.
NBI Agent: Ano ba iyan, kada dumadating nalang ang
battleground tournament, merong mga fighters na namamatay, at ganitong
sitwasyon parin ang nang-yari kagaya noong isang taon.
NBI Agent 2: Huwag kang ma-ingay baka merong makarinig
sayo. Hayaan nalang natin, total bayad naman tayo dito.
Miguel: ( sa sarili) Teka bakit nadito ang NBI? Ang-pag kakaalam ko ayaw na nilang
maki-saw-saw sa kasong ito, dahil wala silang makuhang sapat na ebidensiya sa
mga suspect. May-mali talaga dito.
Maya-maya pa
ay inilabas ang mga biktima sa ng sinabing cement killer, kagaya noong una,
balot ang kanilang katawan ng buong cemento, na halos imposible ng mabuhay ang
taong ito. Nagulat naman si kyro ng makita ang isang pamilyar na mukha, ang
taong unang nakalaban niya sa tournament ay napaslang din.
Kyro: Ang korean fighter nayun? Isa siya sa mga
biktima.
Ilang
sandali naman ay nilapitan si kyro ni Vald Breaker. ang isa sa mga fighter.
Vald: Nakakakilabot diba?
Kyro: Breaker?
Vald: Yan ang kapalaran ng mga talunan sa
larangang ito, ang mamatay sa tinatawag ng nilang berdugo. Kaya siguraduhin mo lang bata, na
magagawa mong malampasan pa ang lahat ng labang darating sayo. Dahil yan ang nag-hihintay
sayo sa oras na matalo ka. Ang kamatayan.
Kyro: Pinuntahan mo ba ako dito para takutin ako?
Huwag kang mag-alala, dahil kahit anong mang-yari hindi ako matatalo. Tandaan
mo yan.
Vald: Hmp! Siguraduhin mo lang, siya nga pala,
mag-tungo ka mamaya sa main arena, mag-bibigay ng statement si Chairman Bale
kaugnay sa nang-yari ngayon. Huwag kang mahuhuli.
Umalis si
vald para sabihin ang isang bagay kila kyro, at si miguel naman ay tila
nag-kakaroon ng idea kung ano ba talaga ang nang-yayari.
________________________________________________________________
Battleground
main arena.
Nag-sagawa
ng isang press statement si Francis Bale kaugnay sa nang-yari krimen sa loob ng
underground arena.
Ngunit bago
pa mang-yari ang statement kaugnay sa nang-yari, gumawa na ng plano sila kyro
at miguel kasama si marina.
Miguel: Kyro, pumunta ka sa press at alamin mo ang nang-yayari doon. Gusto kong
ipag-palagay ni madison na hindi siya kasama sa primary suspect. Kami naman ni marina,
hahalughugin namin ang opisina ng sinasabi nilang chairman. May palagay akong
dito na matatapos ang lahat.
Kyro: Naiintindihan ko, pero siguraduhin mo lang
na matatapos ang lahat ng ito, at ang pangako mo na sasabihin mo ang tungkol sa
sikreto ng dranixs.
Miguel: Pangako yan.
________________________________________________________________
Kasalukuyan
ngayon lumalabas si Francis Bale, upang mag-bigay ng kanyang pahayag sa mga
nang-yayari.
*Ladies and
gentlemen, please welcome the chairman of the board, Mr. Francis Bale!*
Ito ang sabi
ng emcee ng lumabas ang may-ari ng arena. Samantala tinanong naman ni kyro si
madison tungkol sa pag-labas ni Francis Bale.
Kyro: Hindi mo pala sinabi na may kapatid ka?
Madison: Ah meron nga… Pasensiya na kung hindi ko ito
ipinaalam, siya ang nakatatanda kong kapatid si Francisco Henry Bale. At siya
ang nag-iisang tagapag-mana ng negosiyong ito ng ama namin. Ngunit hindi kami
mag-kasundo dahil sa mga pinag-gagawa niya na hindi tama.
Ilang
sandali pa ay nag-salita na si Chairman Francis tungkol sa nang-yayari.
Chairman Bale: Good Evening Ladies and Gentlemen, pasensiya
na kung medyo na istorbo ko kayo sa pamamahinga ninyo. Nais ko lang sabihin sa
inyo ang aking pasiya tungkol sa mga nang-yari ngayon araw lang, hindi ko
inaasahan na merong mang-yayari na ganitong bagay, ilan nanaman sa ating mga
mahuhusay na mang-lalaro ang napaslang ng tinaguriang berdugo o si cement
killer.
Well gusto
ko lang naman na sabihin sa inyo na, tuloy parin ang tournament kahit na merong
nang-yari na ganitong bagay. Kinausap ko na ang NBI para mag-bigay ng
protection sa bawat isa. Alam ko na nag-tataka kayo kung bakit ko pa itutuloy
ang torneyo sa mga oras na ito, dahil ito rin sa mga fans at sponsor na malaki na ang
naiambag sa companyang ito, kaya hindi basta-basta nalang nating itong puwedeng
itigil.
_________________________________________________________________
Samantala
pinasok naman ni miguel at ang opisina ni Francis Bale, upang mag-hanap ng
kaukulang ebidensiya.
Dumaan sila
sa selling ng kisame, at naging matagumpay ang kanilang pag-pasok.
Miguel: Simulan na natin.
Marina: Oo!
Nag-simulang
mangalugad sila marina at miguel sa loob ng opisina ng chairman, upang
mag-hanap ng lead sa kaso.
______________________________________________________________
Patuloy
parin ang pag-sasalita ni Chairman Bale kaugnay sa mga nang-yayari.
Chairman Bale: Ipag-dasal niyo na wala ng mang-yayaring
kaguluhan sa mga darating pang panahon, muli ipinag-papatuloy ng underground
arena ang torneyong ito, upang palawigin pa ang lakas ng bawat isa para sa
karangalan at dangal ng isang tunay na mandirigma. Maraming salamat at
magandang gabi sa inyong lahat.
Nag-palak-pakan
ang mga tao pag-katapos mag-salita ni Chairman Bale.
Madison: Ang lalaking ito! Ano ba talaga ang iniisip
niya!
Sinundan ni
madison si Francis para komprontahin.
Kyro: Sandali Ms.Bale!
Sumunod din
naman si kyro para alamin ang mang-yayari.
Madison: Kuya sandali! Kuya!
Tumigil
naman ang chairman ng marinig niya ang boses ng nakababatang kapatid.
Chairman Bale:
Madison?
Madison: Bakit, bakit kailangan mo pang
isa-alang-alang ang buhay ng mga manglalarong yan, ng dahil sa mga lintik mong
promoters at sponsor, wala na bang mahalaga sayo kung hindi pera?
_________________________________________________________
Nag-papatuloy
parin sa kanilang pag-hahanap sila miguel at marina ng ebidensiya sa opisina ni
chairman bale.
Miguel: Marina may nakita ka na ba?
Marina: Wala pa, wala pa akong nakikitang
kahina-hinala dito.
At
ipinag-patuloy lang nila ang pag-hahanap, ng makita ni miguel ang isang bagay
na pumukaw sa kanyang atensiyon.
Miguel: Teka ano ito?
Isang maliit
na kahon ang nakita ni miguel, at kinuha niya ito. Binuksan niya ito at
tumambad ang mga piraso ng papel na merong mga sulat, kasama rin dito ang isang
pahina ng diyaryo. Na ikinagulat niya ng husto.
Miguel: Teka ito ang!
Marina: Bakit miguel may nakita ka ba?
Miguel: Mukang alam ko na kung sino ang tunay na
suspect natin!
Marina: Sige tingnan ko nga.
Akmang
titingnan sana ni marina ang impormation na nakuha ni miguel, ngunit nakarinig
sila ng mga ugong na papalapit sa kanila.
Miguel: Sa tingin ko huwag na muna dito, may
paparating...bilis kailangan na nating mag-madali!
Kaagad
kinuha ni miguel ang naturang mga papel, at nag-madaling sumuot muli sa
kanilang dinaanan.
_____________________________________________________________________________
Hanggang
ngayon ay kinukompornta parin ni madison ang kanyang kapatid, dahil sa mga
nang-yayari.
Chairman Bale: Hindi mo ako naiintindihan. Ginagawa ko lang
ito para sa mga naiwan sa atin ng mga magulang natin,
Madison: Eh paano ang mga pamilyang naulila! Paano
sila? Hindi ba natin sila bibigyan ng
tamang hustisya. Ganito na ba ang gusto mong mang-yari? Ang dungisan mo ang
pangalan mo! Nang dahil sa pera at kapangyarihan? Ano kuya sumagot ka!
Chairman Bale: Alam mo wala ng patutunguhan ang usapang
ito. Kung puwede lang umalis ka na diyan. Huwag kang mag-eskandalo.
Binanga ni
Chairman Bale ang kanyang nakakabatang kapatid na babae, upang umalis ito sa
kanyang dinadaanan. Natumba ito ng bahagya, ngunit inalalayan naman siya ni
kyro
Kyro: Ms. Bale!
Hoy ikaw ganyan ka bang trumato ng babae? Lalo at kapatid mo pa siya.
Chairman Bale: Teka, ikaw yung fighter na inaalagaan ng
kapatid ko tama ba?
Kyro: Eh ano naman sayo ngayon!
Chairman Bale: Kung ako sa iyo, aalis na ako dito, bago pa
merong mang-yari sayo na hindi maganda. Binabalaan kita, dahil hindi na biro
ang mang-yayari bukas.
Kyro: Hmp! sa tingin mo ba matatakot ako sa mga
sinasabi mo? Puwes kahit yang pinaka
malakas na fighter niyo pa ang iharap niyo sa akin. Patutumbahin ko siya sa
maikling oras lang. At pag-nagawa ko yun, kailangan mong humingi ng tawad sa
kapatid mo! Naiintindihan mo.
Chairman Bale: Hmp, matapang ka bata….Breaker, ano ayos
lang ba na i-booked kita ng maaga? Para patumbahin ang isang yan.
Vald: Ayos lang po kung gugustuhin niyo boss,
total kayo naman ang masusunod, at isa pa gusto ko ng tirisin ang lalaking yan.
At hindi na ako makapag-pigil doon.
Chairman Bale: Bueno, sa final round ng second round ng
tournament, kayong dalawa ang
ilalagay ko. Bilang main-event. Mag-handa ka,
dahil baka ito na ang huling araw mo dito sa mundo...tayo na!
Umalis ang
groupo ni chairman bale. At samantala naiwan naman sila kyro.
Madison: Kyro sigurado ka ba?
Kyro: Sigurado ako, at makikita mo hihingi siya ng
tawad sa iyo.
______________________________________________________________
Kinabukasan,
dumating ang araw ng second round ng tournament. Naganap ang mga laban sa mga
fighters. At hanggang sa dumating na ang event kung saan si kyro na ang
lalaban.
Madison: Kyro, handa ka na ba?
Tinangal ni
kyro ang tawel sa kanyang ulo. Habang nakikinig ng music sa kanyang smathphone
gamit ang headseat.
Kyro: Handa na ako.
Ang
makakalaban ni kyro ay ang king of battleground na si vald breaker. Na ang record ay 12 wins 0 loses, at halos sa naging laban
nito ay knockout. Na hindi tumagal ng isang round.
Pinatug-tog
na ang entrance song ni kyro, bilang tanda ng kanyang pag-pasok. At habang
papasok ito ay patuloy ang sigawan at pang-boboo sa kanya, dahil ang alam ng
mga ito na si breaker na ang mananalo.
Pumasok na
sa loob ng octagon arena si kyro para mag-handa. At ilang sandali pa ay tumunog
narin ang entrance song ni Breaker, ng lumabas ito mula sa locker room patuloy
lang ang sigawan at pag-ch-cheer sa kanya ng mga taga-hangan nito.
Maya-maya pa
ay pumasok narin sa loob ng octagon arena si breaker. para mag-handa ito. Pumasok narin ang official at ang ring
announcer para i-introduce ang mga man-lalaro para sa main event na ginawa
mismo ng chairman.
Landies and
Gentlemen, our main event of the day! Figthing the In the red corner, this man
ia Mix Martial Artist, in the record of 1-1 in amature record, his height 5’7
tall and 160 pounds. Fighting at Manila Phillippines! Kyro! “Gun” Anjelo!
Nag-warm up
ng bahagya si kyro. At itinaas ang kanyang kamay.
And his
opponent, figthing in the blue corner, this man a Mix marial artist, in the
record of 12 wins, 0 loses, and 12 knockout. In height of 6’7 and 180 pounds,
Fighting in Sacramento California! Vald “The King” Breaker.
Itinaas ni
Berker ang kanyang kamay at nag-sigawan ang mga tao.
Ilang
sandali pa ay pinag-lapit na ang dalawang man-lalaro, para sabihin ang rules.
Ok
Gentlemen, i need a nice and clean fight, touch glove and lucky, go back to
your corner.
Nakipag
touch glove si kyro kay breaker bilang tanda ng pagiging sport, ngunit hindi
ito pinansin at kagaad bumalik ito sa kanyang corner.
Madison: Kyro, mag-iingat ka!
Kyro: Oo.
Maya-maya pa
ay tumunog na ang bell bilang hudyat ng kanilang pag-lalaban. Nakaharap kaagad
si Breaker sa unang pag-kakataon.
Breaker: Tatapusin ko kaagad ito!
Unang-sumugod
si vald kay kyro, at binigyan niya ito ng one job punches. Pero mabilis na
umiwas si binata, at gumanti ng sipa sa tagiliran.
PAAAAAAKKKK
Tinamaan si
breaker at napa-atras ito ng bahagya.
Vald: Hmp! not bad kid.
Nag-warm up
si kyro, at sumenyas pa ito ng pag-hamon sa kanyang kalaban.
Vald: Oh!
Sumugod muli
ang hari ng battleground arena, at sinabayan niya ang binatang mang-lalaro.
Nag-paulan ng maraming suntok si vald upang patamaan nito si kyro. Pero panay
ang iwas nito sa atake. Ngunit ng makakita ng butas ang veteranong fighter.
Vald: Gotcha you piss of shit!
Isang tama
sa sikmura ang tinamo ni kyro, at napatalsik ito sa barrier ng octagon.
Kyro: Arrrrggghhhhh.
Unang-tumama
ang kanyang ulo, dahilan kung bakit nag-kasugat ang kaliwa niyang kilay nito.
___________________________________________________
Sa labas
naman ng octagon arena, nadoon si madison.
Madison: Kyro!
Tila
nag-aalala ang babae sa kanyang fighter, ngunit napansin niya na nanonood ang
kanyang nakakatandang kapatid.
Madison: Kyro tumayo ka diyan!
__________________________________________________
Akmang
susungaban ni vald ang nakabulagtang si kyro para tuluyan na itong talunin,
ngunit kaagad dumipensa ito at gumanti ng sipa sa sikmura.
BAG!-BAM!
Napa-atras
nito si breaker, at kaagad siyang tumayo. At sa pag-kakataong ito siya naman
ang sumugod. Gumamit si kyro ng 1,2 combination. At isang spinning kick. Ngunit hindi ito umubra.
Nang matapos
ang pag-atake ni kyro, muling umabante si breaker, at sinuwag niya papuntang
barrier ang binata. Ngunit gumaganti naman ng pananadyak ng siko ito upang
bitawan siya ng beteranong man-lalaro.
Pero patuloy
parin siyang dinala sa barrier, at doon siya pinag-tatadyakan sa sikmura.
Kyro: Arrrggghh.
Halos
nasasaktan na si kyro sa gina-gawa sa kanya ng kalaban. pero tila nag-iisip ito
ng paraan para matalo ng maaga ang veteranong fighter, dahil may kailangan pa
siyang tapusin sa mga oras na ito.
Ipinag-patuloy
lang din ng binata ang kanyang pag-tadyak sa likuran ni breaker. upang bitawan
siya, dahil matira matibay nalang sa kanila kung sino ang unang-bibitaw.
Kyro: Hindi ako mag-papatalo dito!YYYYYAAAAAAAHHHHH.
Inipon ni
kyro ang buong lakas niya sa kanyang kanang siko, at sa isang bitaw niya nito
ay isang malakas na atake ang kanyang iginanti sa kalaban.
BBBBBAAAAAAAAGGGGGGG.
Dahil doon
napa-atras niya si breaker, at muling pumorma ito para umatake. mabilis na
kumilos si Kyro, habang hilo pa ang kanyang kalaban, pinag-susuntok niya ito ng
pinag-susuntok at sinamahan pa niya ng malalakas na sipa. At hanggang sa
tuluyan na itong maliyo.
Kyro: King of battleground pala hah? Puwes kainin
mo ito! YYYAAAAAAHHHHH.
Lumundag si
kyro at isang malakas na spinning kick ang kanyang ginawa. Tinamaan niya sa ulo
si breaker at tumalsik din sa barrier ng octagon arena.
Vald: Arrrrggghhh!
Hindi
makapaniwala ang mga manonood sa kanilang nasaksihan, dahil ang tinaguriang
king of battleground ay natalo ng isang baguhan.
Akma pang
lalapitan ni kyro ang kanyang kalaban, ngunit kaagad siyang inawat ng official
bilang tanda na tapos na ang laban.
Kyro: YYYYAAAAAAAAHHHHHHH
Natulala
lang si Chairman bale sa kanyang nasaksihan. Itinaas ng official ang kamay ni
kyro na panalo ito sa kanyang laban.
Tumayo naman
din si breaker pag-katapos nito, at nilapitan niya ang taong unang-nakatalo sa
kanya.
Kyro: Bakit may problema ka ba?
Matalas lang
ang tingin ni breaker sa kanya, ngunit ikinagulat din ni kyro ang nang-yari ng
sumunod. Nakikipag-kamay si Vald kay Kyro, tanda ng pag-respeto nito sa kanya.
Vald: Binabati kita. Maganda ang ipinakita mo
bata...sa uulitin mag-laban uli tayo.
Ngumiti
naman si kyro, at nakipag-kamay din sa kanya si vald.
Kyro: Sige ba! (nakipag-kamay)
Ngunit tila
napansin ni kyro na wala si madison sa kanyang pag-kapanalo, at nakita naman
niyang papaalis si Chairman Bale mula sa kanyang inuupuan. At nag-karoon siya
ng hinala.
Kyro: Teka saan nag-punta yun?
Kaagad ding
umalis si kyro sa loob ng octagon. At sinundan ang naturang chairman.
_____________________________________________________
Samantala sa
loob ng lockerroom ng mga fighter. Bumalik doon si breaker, para ayusin ang
kanyang mga gamit. Ngunit sa hindi inaasahan. Merong biglang umatake sa kanya
mula sa likuran.
BBBBBBAAAAAAAAGGGGGG.
Vald: Arrrrggghhhh.
Halos
natumba ang lahat ng locker dahil sa dito siya ibinalibag ng naturang nilalang.
Vald: I-Ikaw! Ang cement killer!
Nasa harap
ngayon niVald ang tinaguriang cement
killer. Nag-salita ito ng ilang mga bagay.
Cement Killer: Walang karapatan mabuhay ang isang kagaya
mong talunan! Kaya mag-paalam ka na.
Vald: Errr...hindi.
Cement Killer: Paalam!
Mang-lalaban
pa sana si vald para sa kanyang buhay, ngunit sa mga pinsalang natamo niya
kanina sa laban ay hindi na niya kayang tumayo pa nang husto.
Pinatalas ni
Cement killer ang kanyang kamay para maging talim, na isa-saksak para sana sa
veteranong fighter. pero ilang sandali lang ay.
ZAP!
*Kung puwede
itigil mo na yan...Cement killer.*
Isang
patalim ang tumama sa likod ng cement killer. At ang patalim na ito ay galing
kay miguel.
Kaagad
tumalikod ang naturang negative, at nasa likod niya ang batang pulis. at
maya-maya pa ay lumabas narin si marina at kyro.
Miguel: Oh baka naman puwede nating sabihin na. Ms. Madison
Bale.
Tila nagulat
ng bahagya ang cement killer sa kanyang narinig.
Miguel: Huwag ka ng mag-kaila, dahil alam ko na ang
sikreto mo.
Inilabas ni
Miguel ang isang folder at ibinato ito sa harapan ng negative.
Miguel: Nariyan ang lahat ng ebidensiya na
mag-papatunay na ikaw ang negative na pumapatay sa mga kawawang MMA
fighters. Gusto mo bang isa-isahin ko? Una
ginagawa mo ang lahat ng ito, para sa pera. Pera mula sa mga fighter na lumaban
at ibinuhos mo ang lahat ng atensiyon sa kanila, ngunit sa oras na matalo sila.
Ang kaparusahan naman ay ang kamatayan. Ang pangalawa naman, bakit walang
mailabas na suspect ang NBI, bakit nga ba? Dahil binabayaran mo sila para itago
ang buong katotoohanan, ang pangatlo inupahan mo kami para mapag-takpan ang
lahat ng ginawa mo, ng saganon lumabas na ang master mind sa lahat ng ito, ay
nakakatanda mong kapatid na si chairman francis bale.
Upang masolo mo na ang companyang ito, pero mali ang
ginawa mo...alam mo bang sa simula palang iniimbestigahan ka na ng kapatid mo,
gamit ang mga files na nasa loob ng folder. Umupa siya noon ng mga private
investigator para alamin ang itinatago mo, ngunit ng dahil sa takot hindi na
nila ito itinuloy. At ang pang-lima ginamit
mo si kyro bilang isang fighter, ng saganon makuha mo ang atensiyon ng
nakakarami, para palabasin na hindi kaya ng kapatid mo na pamahalaan ang inyong
sariling companya. Ano na gulat kaba oh kung gusto mo dag-dagan pa natin? Mali
kasi ang ginawa mong hakbang para-i set-up ang sarili mong kapatid. Ikaw tuloy
ang nahulog sa sarili mong laro.
Lahat ng
sinabi ni miguel ay, pawang katotohanan. At ilang sandali pa lumabas ang tunay
na pag-katao ni cement killer, bilang si Madison Bale.
Madison: Magaling, na-huli niyo ako, nag-kamali ako para
ng humingi ng tulong sa GINGA, ang akala ko mapapadali ang lahat para
ma-idispatcha ang bastardo kong kapatid.
Kyro: Buwiset alam mo bang halos mag paka-matay
na ako para lang maipanalo ko ang labang ito, hindi ko akalain na gumagawa pala
ako ng pabor sa isang negative.
Madison: Ngayong alam niyo na ang sikreto ko, hindi
ko na kayo hahayaang makalabas dito ng buhay!
Miguel: Opps, teka lang, baka nakakalimutan mo,
naka-record lahat ng pinag-usapan natin dito.
Itinuro ni miguel
ang isang security bug device na lumilipad-lipad sa paligid, kaya wala paring
ligtas si madison, kung sa kaling mapatay niya ang mga pulis na naka-harang sa
kanya.
Madison: Mga buwiset kayo!!
Inilabas ni
Madison ang kanyang Zero injection tube, at isinak-sak niya ito sa kanyang
leeg, saka muli nag-bago ng anyo bilang mas mataas na antas ng evolving
species.
Marina: Kyro! Miguel!
Kyro: (Napansin si Breaker) Breaker, lumabas
kana! At sabihan mo sa lahat ng taong na dito na lumabas sa loob ng arena. Sige
na!
Vald: O-Oo! Naiintindihan ko
Kaagad
kumilos din si breaker, para sabihan ang mga taong nasa loob pa ng arena na
lumabas.
Kyro: Kailangan na nating lumabas dito! Tayo na!
Nag-madali
naring lumabas sila kyro sa loob ng locker room habang unti-unti itong
nawawasak.
Cement Killer: Mamatay kayo!
Nag-bato ng
kanyang mga semento ang negative bilang pag-atake niya sa mga GINGA officers.
Miguel: Kyro!
Ibinigay ni
miguel ang driver ni kyro, at inilabas naman nila marina at miguel ang kanila. Pag-katapos
noon ay nag-hanay silang tatlo, at sabay-sabay i-niscan ang mga finger print sa
driver nila.
DNA Scan
complete!
Gun Changer!
Zhapyra Change!
Draig Change!
Zhapyra Change!
Draig Change!
Nabalutan ng
liwanag ang tatlo at naging mga special detective.
Cement Killer: Tapusin niyo sila!
Nag-palabas
ng kanyang mga clone si cement killer, at inatake niya ang tatlong detective.
Gunver:Tayo na!
BANG!-BANG!
Patakbong
pinag-babaril nila Gunver ang mga negative na sumalubong sa kanila. At hinarap
nila ito ng buong tapang.
Nag-hagis si
Draiger ng kanyang mga throwing dagger, at ng dumikit ito sa kanyang mga
kalaban at sumabog ito.
Gunver: Miguel, ipaubaya mo nalang sa amin ni marina
ang mga ito, ikaw na ang tumapos sa kanya.
Draiger: Sige naiintindihan ko!
Tumakbo
pasulong si Draiger, at habang papalapit siya sa kanyang target, ay siya namang
bumabato ng kanyang throwing dagger sa mga kalaban, at pinapasabog niya ito ng
sabay-sabay.
Si Zhapyra
at Gunver naman ang naiwan para harapin ang mga Negative clone ni cement
killer.
_______________________________________________________
Samantala,
sa tulong ni Vald Berker, pinalabas niya ang lahat ng taong nasa loob ng
underground arena, upang maka-iwas sa anumang gulo.
Vald: Bilis! Bilisan niyo!
____________________________________________________
Kaharap
ngayon ni Draiger ang utak sa nang-yayaring patayan ngayon na si cement killer.
Unang-umatake ang negative sa binatang pulis gamit ang kanyang mga semento.
Sunod-sunod siyang nag-bato para patamaan si draiger, ng saganon mapabagal nito
ang kilos.
Pero sa
liksi at bilis ng katawan ng binatang pulis ay mabilis lang nitong naiiwasan
ang pag-atake sa kanya ng negative.
Draiger: Mabagal!
Kinuha ni draiger
ang kanyang draig driver, at pinag-babaril niya ang mga sementong ibinabato sa
kanya.
BANG!-BANG!
Ngunit ang
hindi alam ni draiger, ang mga sementong ibinato ni cement killer, ay
gumagapang patungo sa kanya, hanggang sa hindi na namalayan ng special police
ang nang-yari.
Draiger: Tatapusin na kita ngayon! Draig--- anong!
Nakita ni
draiger na naka-balot ang mga paa niya ng semento na tumigas.
Cement Killer: Pag-kakataon ko na!
Naging
korteng talim ang kamay ng cement killer, at inatake niya si Draiger ng
sunod-sunod na slash. Habang sinasamantala ang pag-kakataon nito.
SLASH!-SLASH!
Draiger: Arrrrggghhhh!
_______________________________________________________________________
BOOOOGGGGG
Isang
malakas na sipa ang natangap naman ni Gunver mula sa kanilang kalabang negative
clone, at dahil doon, napa-atras ang detective dahil narin sa sakit na nakuha
niya sa nakaraang laban.
Gunver: Errrr.
Zhapyra: Kyro
ayos kalang ba? (Patuloy na bumabaril)
Gunver: Wala ito, tapusin na natin ito ng
mabilisan...(inilabas ang isang sd card)
Inilabas ni
Gunver ang isang SD Card at ito ay ang Cross Line memory.
*SD Memory in...cross line form* sabi
ng female voice ng Gun Driver.
Nag-bago
muli ng anyo si Gunver, bilang cross line form, at mula sa kanyang leg armor, kinuha
niya ang Liner Bomb at ibinato sa harapan ng mga negative clone.
Gunver Cross Line: Line zone activate!
Nakulong ni
Gunver ang mga kalaban sa loob ng kanyang yellow police line zone, at inihanda
niya ang kanyang Mega shoot driver.
Gunver Cross Line: Cross Line shooter, fire!
Hinawakan ni
Zhapyra ang likod ni Gunver cross line bilang pang-alalay, at pag-katapos noon,
pinakawalan niya ang isang malakas na atake, mula sa kanyang mega shoot driver.
BLLLAASSSSSTTTTT
Lahat ng
naka-kulong sa police line ay tuluyan ng nadurog at namatay. Tagumpay ang
mag-parner na tapusin ang mga kalaban nila.
Zhapyra: Kyro
si miguel!
Gunver Cross Line: Tayo na!
________________________________________________________________
SLASH!
Draiger: ARRRRGGGHHHH
Tumalsik si
draiger at napabulagta dahil sa lakas ng atakeng ginawa sa kanya ni Cement
killer. Lumapit naman ng bahagya ang negative at ibinalik niya sa dating anyo
ang mukha niya, at nag-salita ng ilang mga bagay.
Cement killer: Nag-kamali nga ako na kunin ko kayo, ang
buong akala ko kayo ang huhuli sa bastardo kong kapatid. Ngunit ano pa ang
magagawa ko, ngayong nalaman niyo na ang sikreto ko. Pero ngayon, wala ka ng ligtas dahil
papatayin na kita! Kasama ng mga kaibigan mo!
Isasak-sak
na ng negative ang kanyang talim na semento kay draiger, ngunit ilang sandali
pa ay
BANG!-BANG!
Dalawang
sunod na putok ang tumama sa negative at napa-atras ito. at ito ay kagagawan ni
Gunver at zhapyra.
Zhapyra: Miguel!
Bumunot
naman si draiger ng kanyang throwing dagger at itinusok ito sa kanyang paang
nababalutan ng semento, at pinasabog niya ito para makawala sa pag-kakabalot.
BOOMS!
Gunver Cross line: Ayos ka lang ba?
Draiger: Ayos lang ako, nice timing!
Cement Killer: Mga walang hiya kayo! Humanda na kayo para mamatay.
Draiger: Kyro, ipaubaya niyo nalang ito sa akin.
Gunver Cross line: Sige na-iintindihan ko!
Nag-salita
si draiger ng ilang mga bagay tungkol sa ginawa ni cement killer.
Draiger: Alam mo bang isang malaking ka-tangahan ang
ginawa mo? Sa lahat ng negative, ikaw na ata ang pinaka-walang utak sa kanila.
Biruin mo, inupahan mo pa kami para lang lumabas na suspect ang kapatid mo sa
nang-yayaring krimen na ikaw mismo ang may-kagagawan.
Cement killer: Wala ka ng pakielam doon! Ang mahalaga sa
akin ngayon ay mawala na kayo sa landas ko! Kaya mamatay ka na!
Umatake ng
buong tapang si Cement killer kay draiger. Ngunit inihahanda na ni draiger ang
kanyang sandata, para tapusin na ang kalaban.
Draiger: Wala talagang isip.
Blade
mode... ito ang sabi ng male voice ng draig driver. Na nag-anyong patalim at
nabalutan ng plasma energy.
Draiger: Draig zone activate!
Pinakawalan ni Draiger ang plasma
energy mula sa kanyang Draig blade, at tumama ito sa papasugod na negative.
Tumama ang plasma energy nito na nag-sisilbing lambat upang hindi na makagalaw
pa ang target. At ito ang tinatawag na draig zone.
Draiger: Tapos ka na!
Buong tapang
na umatake ang binatang pulis sa kanyang draig zone, at habang hindi makagalaw
ang kanyang target, at isang mabilis na slash ang ginawa niya, at tumagos ito
mula sa katawan ng kalaban.
SLASH!
Cement killer: Arrrggghhhh...hindi!!!
Tumba si
cement killer, at bumalik ito sa dati niyang pag-katao bilang si madison bale.
Samantala hinubad naman ng mga special detective ang kanilang mga helmet. At
dumating ang nakakatanda niyang kapatid na si francis bale para tingnan ang
naging lagay ng kanyang nakababatang kapatid.
Chairman Bale: Madison!
Tumakbo ang
lalaki, sa kanyang kapatid at kaagad niya itong binuhat para tingnan.
Chairman Bale: Madison! Madison!
Nagising ng
bahagya si madison, at kinausap nito ang kanyang nakatatandang kapatid na
lalaki.
Madison: (Nag-hihingalo) Kuya...pasensiya ka
na...kung naging makasarili ako...patawarin sana ako....ng diyos sa lahat ng
ginawa kong...kasalanan dito...kuya...mabuhay ka...at ipag-patuloy ang
nasimulan mo....paalam...na.
Chraiman Bale: Hindi! Madison!!
Tuluyan ng
natunaw si madison at naging abo, bilang tanda ng pagiging negative nito. Tila
naging malungkot naman ang tatlong special detective sa nang-yari. At nilapitan
ni Gunver si Draiger.
Gunver: Tayo na, bahala na ang special investigation
unit ang umasikaso ng gusot dito.
Draiger: Oo.
Bumaling ng
tingin si draiger sa nilalang na tinapos niya. At sa kaloob-looban nito, ay
humihingi siya ng tawad sa nagawa niya. Dahil kahit papaano ay isa paring itong
tao. Na nilinlang ng masamang kapangyarihan.
Draiger: (Sa sarili) Patawad.
_____________________________________________________________
Tatlong araw
ang nakakalipas.
Sa GINGA
cafe, sumusulat si kyro ng report ka-ugnay sa kasong hinawakan nila nitong
nakaraan.
Kyro: (Nag-susulat) Tatlong araw ng nakakalipas
simula ng matapos namin ang kaso ng isang negative na pumapatay sa mga athleta
ng underground arena. Sa pag-kakataong ito, tila hindi nakielam ang dranixs sa
mga pang-yayari, ngunit natitiyak kong na nag-hahanda lang sila para sa isang mas
malaking pasabog, samantala si chairman bale at ang ilan sa mga kasamahan niya
sa underground arena ay itigil muna pang-samantala ang tournament, para mas mabigyan
pa ng linaw ang kaso, ngunit sarado na ang ilan dito sa mga mahahalagang bagay.
Ipag-papatuloy parin namin ang pag-hahanap sa sagot tungkol sa dranixs kasama
ang bagong kakampi, para matapos na ang lahat ng ito.
Samantala,
abala naman sila Marina at Sherry sa pag-sisilbi sa mga costumer, at napansin
ni sherry na tila pa-petiks-petiks lang si miguel habang kumakain ng pizza at
nag-lalaro ng portable video game.
Nilapitan
ito ng dalaga upang pinag-sabihan.
Sherry: Hoy, kung wala kang balak na tumulong dito
sa amin, ang mabuti pa lumayas ka na...para mabawasan naman ang kalat na rito.
Miguel: Teka bakit ba ang sungit mo?
Sherry: Wala kang pakielam, tumayo ka diyan...kung
hindi...pasasabugin ko ang tumbong mo!
Nag-labas ng
isang shoot gun si Sherry bilang panakot kay miguel. At kaagad niya itong
tinutukan.
Miguel: Teka huwag naman sherry! Oo na sige
na...tatayo na ako para tumulong, huwag mo lang gawin yan!
Kaagad
tumayo si miguel dahil sa takot nitong putukan siya ni sherry, at habang
naka-tutok naman ang baril sa kanya, ay napangiti nalang sila marina, mei at
kyro.
Sherry: (Dumila at ngumiti)
________________________________________________________
Dranix Aquariume
Base.
Tila merong
isang bagay na pinag-hahandaan si quinta.
Quinta: Tapos na...dito na matatapos ang buhay mo,
Miguel Fajardo!
Isang bagay
ang hawak ni quinta na tila ba meron siyang masamang balak.
Muli isang
kaso nanaman ang na-isara nila kyro, at ito ay sa pag-tutulungan nila ng bagong
kasaping si miguel fajardo. Ngunit isang panganib pa ang paparating na dapat
nilang lusutan.
Case Continued....